QS FIL7 U14 Study Guide

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 35

FILIPINO

Baitang 7 Yunit 14
Si Miss Phathupats
Talaan ng Nilalaman
Introduksyon 3
Basahin Natin 4
Sagutin Natin 7

Aralin 1: Kahihinatnan ng mga Pangyayari sa Kuwento………………...…… 8


Layunin Natin 8
Pag-aralan Natin 8
Sagutin Natin 12
Subukan Natin 12
Isaisip Natin 13
Pag-isipan Natin 13

Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Konteksto ng Pangungusap…………...……. 14


Layunin Natin 14
Pag-aralan Natin 14
Sagutin Natin 17
Subukan Natin 17
Isaisip Natin 18
Pag-isipan Natin 18

Aralin 3: Mga Panandang Anaporik at Kataporik ng Pangngalan.………… 19


Layunin Natin 19
Pag-aralan Natin 19
Sagutin Natin 22
Subukan Natin 22
Isaisip Natin 22
Pag-isipan Natin 23

1
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 4: Paghahambing ng mga Katangian ng mga Tauhan
sa Kuwento………………………………………………….……… 24
Layunin Natin 24
Pag-aralan Natin 24
Sagutin Natin 27
Subukan Natin 27
Isaisip Natin 27
Pag-isipan Natin 28

Gawin Natin 29
Rubrik sa Pagtataya 29
Paglalagom 30
Dapat Tandaan 31
Pagyamanin Natin 32
Susi sa Pagwawasto 32
Sanggunian 35

2
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pindutin ang Home icon para sa
Talaan ng Nilalaman
BAITANG 7│YUNIT 14

Si Miss Phathupats

B
ilang isang akdang pampanitikan, ang maikling kuwento ay karaniwang
hango sa tunay na buhay ng mga tao. Maaari itong personal na
naranasan ng may-akda o kaya’y bunga ng masinsing pagmamasid at
pagsusuri sa mga nangyayari sa paligid. Produkto rin ito ng pagiging
malikhain sa pagtahi ng mga pangyayari upang makabuo ng isang buong
bagong naratibo.

Sa pagsulat ng maikling kuwento, naglalayon ang may-akdang magkintal ng


karanasan sa kaniyang mga mambabasa. Dahil ito ay isang kathang
nagsasalaysay o naglalahad ng mga pangyayaring binibigyang-buhay ng mga
nasasangkot na tauhan, nakapag-iiwan ito ng mga aral at kaisipan sa mga
mambabasa. Kaya naman, napakahalaga ng ganap at wastong pagkaunawa sa
bawat kuwentong ating binabasa para sa mas malalim pang proseso ng
pagsusuri sa mga ito.

Sa yunit na ito, matututuhang magbigay ng hinuha sa maaaring kahinatnan ng


mga pangyayari sa kuwentong babasahin. Bibigyang-kahulugan din ang mga
salitang ginamit batay sa konteksto ng pangungusap gamit ang wastong mga
panandang anaporik at kataporik ng pangngalan. Gayundin, paghahambingin
natin ang mga katangian ng mga tauhang nakilala sa kuwentong babasahin at
pakikinggan.

Ang akdang ating babasahin ay isinulat ni Juan Crisostomo Soto, ang


tinaguriang “Ama ng Panitikang Kapampangan” at isang katipunero noong
kaniyang kapanahunan. Sinasabing naisulat ang akdang nakabatay mismo sa
pangyayari noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano.

3
Copyright © 2018 Quipper Limited
Basahin Natin

Si Miss Phathupats
ni Juan Crisostomo Soto
(Isinalin ni Lourdes H. Vidal)

Punong-punong ng kolorete ang mukha ng dalaga na si Miss Yeyeng. Sabi nila


ipinanganak ang kaniyang mga magulang sa sulok ng Pampanga, sa
pinakamaliit na bayan nito. Dahil dito, Pilipina si Miss Yeyeng mula ulo hangang
paa, at kahit sa kadulo-duluhan ng kaniyang buhok, Kapampangan siya.

Dahil mahirap lang sila, pagtitinda ang kinabubuhay niya. Nakikita si Miss
Yeyeng na sunong ang ginataan o kaya bitso-bitso na inilalako niya sa mga
sugalan. Nagdalagang walang pagbabago sa buhay nitong binibini.

Natapos ang rebolusyon. Nagbukas ng paaralan ang pamahalaang militar ng


Amerika at dito pinagturo ang mga sundalong Amerikano. Nangyari lang na si
Miss Yeyeng pa noon, ala ang binibini, ay nagkaroon ng suking sundalo. Inakit
ng sundalong mag-aral ang dalaga sa paaralang kaniyang pinagtuturuan upang
magkaintindihan sila. Sa kanilang pag-uusap, nag-i-Ingles ang sundalo, nagka-
Kapampangan si Miss Yeyeng, kaya napiltan siyang mag-aral.

Pagkaraan ng ilang buwan, nagsasalita na ng Ingles si Miss Yeyeng. Paglipas ng


walong buwan, sa amuki ng gurong kawal, ipinahatid siya sa isang bayang kung
saan siya pinagtuturo.

Noong nagtuturo doon, pinahanga niya ang taumbayan dahil nakikita niyang
mas marunong siya ng Ingles kaysa sa kanila.

Ganiyan lumipas ang panahon. Halos hindi na nagsasalita si Miss Yeyeng ng


Kapampangan dahil sabi niya ay nakalimutan na niya. Matigas daw ang
Kapampangan at nababaluktot ang kaniyang dila, kaya kailanman hindi na siya
nakapagsasalita nang tuwid at nauutal siya.

4
Copyright © 2018 Quipper Limited
Nagkalabitan ang mga maalam na nakakakilala sa kaniya pagkarinig nito.
Pinalitan tuloy ang kaniyang pangalan at pinanagalanan siya ng matunog at
umaalingasaw na “Miss Phathupats,” pangalang hango sa malapad niyang
balakang na pilit niyang iniipit sa pahang mahigpit na gamit niya, kaya wala
siyang iniwan sa patupat o suman sa ibus na mahigpit ang balot.

Magmula noon, ito ang pangalang binansag sa kaniya at nakalimutan nilang


tuluyan ang Yeyeng, ang malambing niyang palayaw. Ang Miss Phathupats ang
naging palasak.

Ganito nang ganito ang buhay. Hindi nagtagal, lumabas ang “Ing Emangabiran,”
pahayagang Kapampangan, sa Bacolor. Sa isang pista o belada sa bayang X, na
kung saan-saan dumalo si Miss Phathupats, binabasa ito. Lumapit siya, ngunit
nang makita na Kapampangan ang binabasa, lumabi nang kaunti, umiling, at
nagsabi.

“Mi no intiende el Pampango.”

“Mi no intiende ese Castillano, Miss,” sabi naman ng isang sutsut, ginagad ang
kaniyang tono.

Napangiti lahat ng nasa umpukan: at sapagkat may pinag-aralan sila, hindi na


nila ipinakita ang pagkakamali nila sa binibini. At ito namang babae, kahit alam
na niyang tinutukso na siya ay nagpatuloy din at nagsabi:

“Sa katunayan, totoong nahihirapan na ako bumigkas ng Kapampangan lalo na


kung binabasa ko.”

Dito sa iilang binigkas niya, sumama lahat ng iba’t ibang wika ng talasalitaang
bulgar na Ingles, Kastila, at Tagalog, na pinaghalo-halo niya nang walang
kawawaan. Hindi na nakapagpigil ang mga nakarinig; napatawa sila nang
malakas.

Nagalit si Miss Phathupats, hinarap ang mga tumatawa at sabi niya:

“Porque reir?”

“Por el tsampurado, Miss,” sabi ng unang sumagot.

5
Copyright © 2018 Quipper Limited
Lalong lumakas ang halakhakan ng mga nakikinig at nag-init ang pakiramdam ni
Miss Phathupats.

Isa sa mga nakatayo ang nagsabi nang ganito.

“Hindi na kayo dapat magtaka kung hindi na marunong mag-Kapampangan si


Miss Phathupats; Una, dahil matagal na siyang nakisama sa mga kawal na
Amerikano; pangalawa, hindi na siya Kapampangan, katunayan Miss Phathupats
ang kaniyang pangalan.”

Noon na sumabog ang bulkan. Putok na ubod ng lakas, sumabog ang kaldero ni
Miss Phathupats at mula sa bunganga niyang naglalawa lumabas ang lablab ng
Vesubiyo o ang lahat ng maruming salita sa Kapampangan, bigla niyang
pinagsama-sama sa nag-aapoy na bunganga.

“Walang hiya! Magnanakaw! Tagalason! Anak-!” sabi sa tinurang wikang


Kapampangan.

“Aba, Kapampangan pala siya!” sabi ng mga nakarinig.

“Oo, hindi ba ninyo alam?” sabi ng nakakikilala sa kaniya. “Anak siya ni


matandang Godiung Pakbung na aking kanayon.”

Napahalakhak nang malakas ang mga nanonood. Napaiyak na si Miss


Phathupats at sa pagpunas ng kaniyang tumutulong luha, sumama ang makapal
niyang pulbos sa pisngi. Lumitaw ang likas niyang kulay, maitim pa siya sa
duhat. Nang makita ito ng mga nanonood lalo na silang napatawa at nagsabi:

“Aba! Maitim pala siya!”

“Oo, Amerikanang negra siya!”

Sigawan, palakpak, halakhakan ang nakarinig noon. Hindi na nakatiis si Miss


Phathupats. Nagkandarapa sa paglabas sa daan at sabi niya:

“Mi o Vuelve en esta casa.”

“Paalam, Miss na hindi marunong ng Kapampangan!”

“Paalam, Miss Alice Roosevelt!”


6
Copyright © 2018 Quipper Limited
“Paalam, Miss Phathupats!”

Ganiyan ang pinagtulung-tulungan, at ang kawawang Yeyeng ay umalis na


bubulong-bulong na parang sira.

Napakarami nang mga Miss Phathupats sa panahon ngayon. Hindi na sila


marunong ng Kapampangan o ikinahihiya na nila ang Kapampangan dahil
nakapagsasalita na sila ng Ingles na tsampurado.

Sagutin Natin
1. Ano ang hanapbuhay ni Miss Yeyeng?
2. Bakit tinawag siyang Miss Phathupats kalaunan?
3. Ano ang negatibong katangian ng mga Pilipino ang sinasalamin ng
pangunahing tauhan sa kuwento?

7
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 1
Kinahihinatnan ng mga Pangyayari

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nahihinuha
ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa teksto.

Pag-aralan Natin
Nabatid nating ang maikling kuwento ay isang akdang tuluyang nagtataglay ng
kakintalan sa isip ng mga mambabasa nito. Ang iba’t iba ngunit magkakaugnay
na mga pangyayaring inilalahad dito ang bumubuo sa tinatawag na banghay.
Isa sa pinakamahahalagang susi ng lubos na pag-unawa sa isang maikling
kuwento ang wastong pagkabatid sa mga pangyayaring isinasalaysay ng akda,
sapagkat sa pamamagitan ng mga ito ay natatahi nating mga mambabasa ang
kabuuang daloy ng kuwento.

Sa proseso ng pagbabasa, upang magbunga ito ng produktibo at matalinong


kaalaman sa mambabasa, mahalaga ang kasanayan sa paghihinuha ng mga
posibleng susunod na mangyayari sa loob ng isang akda. Kadalasan, ang
paghihinuha ay isinasagawa natin bunga ng kapanabikan sa nagiging takbo ng
mga pangyayari sa kuwento, o kung minsan, dulot ng mga lumulutang na
tanong na nangangailangan ng sagot sa unang bahagi pa lamang ng akda.

Ang paghihinuha ay isang paghahatol, pagpapasya, pagbibigay-opinyon, o


pagpapalagay na ginagawa batay sa mga himaton (clue), katibayan at
katuwiran.

8
Copyright © 2018 Quipper Limited
Kung gayon, ang paghihinuha ay isang gawain ng pagpapalagay na nakasandig
sa isa o higit pang batayan, na maaaring nasa anyo ng impormasyong
nakalahad sa teksto o mga pangyayaring isinalaysay.

palatandaan (signs)

himaton Ano-ano ang kailangang bakas


(clues) suriin upang (evidence)
makapaghinuha?

Nagagawa lamang ang paghihinuha kung lubusang nauunawaan ng mambabasa


ang isang akda. Karaniwan nang naglalatag ng mga pahiwatig sa paksa at
nilalaman ng teksto ang may-akda bagama’t tandaang hindi ito laging tuwirang
inilalahad o sinasabi. Sa isang banda, kung uunawaing mabuti ang bawat
pahiwatig, impormasyon, at pangyayari sa isang kuwento, makabubuo ang
mambabasa ng isang makabuluhang hinuha na makatutulong sa kaniyang
ganap na maunawaan ang akda.

Isa ring nagtutulak sa mambabasang maghinuha ng mga susunod na


pangyayari ay ang kagustuhan nitong mabatid ang kahihinatnan ng kuwentong
binabasa, at sa huli ay mapatunayang wasto ang kaniyang hinuha. Gamit ang
mga nauna nang impormasyon, tinatangka niyang hulaan ang kalalabasan n
gmga pangyayari sa loob ng kuwento.

Halimbawa, sa pagbasa ng maikling kuwentong Miss Phathupats, maaaring


magamit ng mambabasa ang ilang mga pangyayari at impormasyon sa akda
upang makapaghinuha ng kahihinatnan ng kuwento.

9
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pansinin ang bahagi ng kuwento sa ibaba:

Pagkaraan ng ilang buwan, nagsasalita na ng Ingles si Miss Yeyeng.

Halos hindi na nagsasalita si Miss Yeyeng ng Kapampangan dahil sabi niya ay


nakalimutan na niya. Matigas daw ang Kapampangan at nababaluktot ang
kaniyang dila, kaya kailanman hindi na siya nakapagsasalita nang tuwid at
nauutal siya.

Pinalitan tuloy ang kaniyang pangalan at pinanagalanan siya ng matunog at


umaalingasaw na “Miss Phathupats,” pangalang hango sa malapad niyang
balakang na pilit niyang iniipit sa pahang mahigpit na gamit niya, kaya wala
siyang iniwan sa patupat o suman sa ibus na mahigpit ang balot.

Kung ikaw ang


tatanungin, ano ang
mahihinuha mong
kahihinatnan ng susunod
na bahagi ng kuwento
matapos mabasa ang
mga pangyayari sa itaas?

10
Copyright © 2018 Quipper Limited
Maaari kaya ang mga ito:

Lalong kukutyain si Miss Phathupats at pagtatawanan ng


mga taong nakakikilala sa kaniya dahil sa negatibong bunga
ng kaniyang pagbabago ng pananalita, pananaw, at kilos.

Mula sa isang dating malambing at masipag na dalaga,


kakainin si Miss Phathupats ng ambisyong ikaila, o tuluyang
kalimutan, ang tunay niyang pagkakakilanlan.

Paano tayo humantong sa gayong paghihinuha? Tinukoy nating mahalaga sa


paghihinuha ng kahihinatnan ng pangyayari ang mga detalye o impormasyong
mula sa nauna na nating nabasa sa akda. Batay sa dati nang nakagawian, ang
mga tauhang may hindi mainam na pag-uugaling tulad ng kay Miss Pathupats
ay nauuwi sa maaaring lalong pagkasadlak sa kaniyang ambisyon, gayundin ay
nagiging dahilan naman upang lalo lamang siyang pagtawanan ng mga tao sa
paligid.

Datapuwa’t maaari rin namang iba ang mahinuha nating kalalabasan ng


kuwento. Dahil tayo mismo ay makapaghihinuha ng iba pang posibleng
kahinatnan nito batay sa sarili nating pangangatuwiran, maaari naman itong
maganap sa dulong bahagi ng kuwento.

Halimbawa:

Matapos na maranasan ni Miss Phathupats ang pagtawanan


ng mga kababayan sa kabila ng kaniyang galing sa
pagsasalita ng wikang dayuhan, maaaring magsilbing
panggising ito sa kaniya upang unti-unting magbago at
muling yakapin ang kinagisnang pagkakakilanlan.

11
Copyright © 2018 Quipper Limited
Matapos na maranasan ni Miss Phathupats ang pagtawanan
ng mga kababayan sa kabila ng kaniyang galing sa
pagsasalita ng wikang dayuhan, maaaring maging mitsa ito
ng lalo niyang pagtatakwil sa pagkakakilanlan bilang taal na
Kapampangan.

Laging tandaang iba-iba at marami ang maaaring mahinuha ng isang


mambabasa mula sa isang kuwentong kaniyang binabasa. Ang mahalaga,
naisasaalang-alang tuwina ang masinsing katuwiran at patunay na batay naman
sa mga pangyayari sa loob ng kuwento, at sa sariling kakayahan sa
isinasagawang paghihinuha. Bilang mambabasa, napauunlad natin ang
kasanayan sa paghihinuha ng kahihinatnan ng isang kuwento kung uunawain
lamang nating mabuti ang mga detalye at pangyayaring inilalahad sa akda,
gayundin ang pagiging mapanuri sa bawat pananda, pahiwatig, at himatong
ibinibigay ng may-akda.

Sagutin Natin
1. Ano ang paghihinuha?
2. Ano ang isa sa mga elementong taglay ng maikling kuwentong
nagagamit sa paghihinuha?
3. Ano-ano ang kailangang suriin upang makapaghinuha?

Subukan Natin
1. Paano nagiging posible ang paghihinuha ng maraming kahihinatnan sa
isang kuwento?
2. Bakit mahalaga ang gawaing makapaghinuha sa mas maunlad na
kasanayan sa pagbasa? 12
Copyright © 2018 Quipper Limited
Isaisip Natin
Paano makatutulong sa iyo bilang isang mag-aaral ang kasanayan sa
paghihinuha para sa mas mabisang pagbabasa ng mga akda?

Pag-isipan Natin
Iwasto ang mga salitang nakarambol sa Hanay A. Pagkatapos ay hanapin
mula sa mga susing salita sa Hanay B ang tinutukoy ng mga konsepto sa
Hanay A.

Hanay A Hanay B

2. phihigahanu a. clues

3. bhangya b. ebidensiya

4. hotnima c. pagpapalagay

5. baska d. signs

6. pandaalatan e. elemento ng

kuwento

13
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 2
Kahulugan ng Salita: Konteksto ng
Pangungusap

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nabibigyang-
kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng pangungusap.

Pag-aralan Natin

Ang pagkakaroon ng malawak na


talasalitaan ay maituturing na “alas” sa
mundo ng pagbasa at pagsulat, gayundin sa
pakikinig at pakikipagtalastasan. Ang isang
taong pamilyar sa kahulugan ng malawak
na hanay ng mga salita ay di-hamak na
may bentahe pagdating sa pag-unawa ng
kaniyang mga naririnig o nababasa. Maging
sa pagtalos niya sa panulat at pakikipag-
usap, nagiging mas madali sa kaniya ang
makipag-ugnayan sa kapuwa dahil mas madali niyang naibabahagi ang saloobin.
Hindi siya nalilimitahan ng kakulangan ng mga salitang tutumbas sa kaniyang
nararamdaman, naiisip, o pananaw na nais ipahayag.

Ngunit hindi ibig sabihin nito na ang ibang hindi pa gayon kalawak ang
talasalitaan ay hindi na maaaring makapagpalalim pa ng kanilang talahulugan.
Narito, tunghayan natin sa ating aralin ngayon ang isa sa mga paraan upang
makapagpalawak tayo ng ating bokabularyo.
14
Copyright © 2018 Quipper Limited
Konteksto ng Pangungusap
Ito ay kung paano ginamit ang mga di-pamilyar na salita o pahayag sa loob ng
isang pangungusap.

Katumbas nito sa Ingles ang tinatawag na context clues.

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa
konteksto ng pangungusap, nakakukuha
Tandaan!!!
ng impormasyong malapit sa salita o
Ang mga context clue ay
pahayag na nagbibigay ng pahiwatig sa
nagbibigay lamang ng pahiwatig ng
kahulugan ng di-pamilyar na salitang
hustong kahulugan ng salita at
nais alamin ang kahulugan.
hindi palaging naibibigay ang
eksaktong kahulugan nito.
Sa pagpapalawak ng talasalitaan sa
Mahalaga ang pagsusuri sa uri ng
pamamagitan ng pagtukoy ng konteksto
impormasyong inilalahad sa
ng salita, nakatutulong din ito sa
pangungusap, at kung paano nito
wastong pag-unawa natin sa ating
pinahihiwatigan ang kahulugan ng
binabasa o napakikinggan. Isa itong
salitang binibigyang-katuturan.
paraan upang itaas ang antas ng
kasanayan sa pagbasa at pagsulat, at
makapag-ambag sa mas malalim na pagsusuri lalo na sa mga akdang
pampanitikan, tulad ng maikling kuwento.

Paano nga ba makatutukoy ng pahiwatig (context clue) ng salita o


pahayag sa loob ng isang pangungusap o talata?

Depinisyon – Ang kahulugan ng di-kilalang salita ay mababasa sa mismong


bahagi ng pangungusap. Sa ganitong paraan, madalas naibibigay nang direkta
ang kahulugan ng isang salita.

Halimbawa:
Si Rocky ay ningas-kugon, magaling lamang siya sa simula.

Paliwanag:
Ang di-pamilyar na salitang ningas-kugon ay nangangahulugang magaling
lamang sa simula batay na rin sa pagkakabuo ng pahayag ng pangungusap. 15
Copyright © 2018 Quipper Limited
Karanasan – Ang kahulugan ng di-kilalang salita ay naipahihiwatig sa
pamamagitan ng paglalahad ng mga karanasan. Ang iba pang paraan ng
paglalahad ay pagbibigay ng halimbawang may kaugnayan sa salita.

Halimbawa:
Lubhang padaskul-daskul magsalita si Norberto, mapapahiya at maiiyak ka
sapagkat sinasabi niya nang tuwiran ang nais niya nang batay lamang sa
kaniyang nakikita.

Paliwanag:
Mahihiwatigang ang padaskul-daskul magsalita ay nangangahulugang
hindi pinag-aralang mabuti ang binibitiwang mga pahayag, sa pamamagitan
ng mga salitang “tuwiran” at “batay lamang sa nakikita” sa loob ng
pangungusap.

Salungatan – Ang kahulugan ng di-kilalang salita ay ipinahihiwatig o


naipararating sa pamamagitan ng kasalungat na kahulugang nasa loob din
mismo ng pangungusap o talata.

Halimbawa:
Imbes na magkandarapa, minabuti ni Miss Phathupats ang maglakad nang
marahan palayo sa umpukan ng mga kababayan.

Paliwanag:
Sa pamamagitan ng kasalungat na salitang “marahan,” matutukoy na ang
kahulugan ng magkandarapa ay nagmamadaling halos matisod o madapa
sa daan.

Sanhi o bunga – Ang kahulugan ng di-kilalang salita ay makikita at nababatay


sa sanhi at bunga sa loob ng pahayag.

Halimbawa:
Naging biktima ng panunuya si Miss Phathupats dahil sa pagpipilit niyang itakwil
ang Kapampangan bagkus ay paggamit ng halo-halong mga wikang banyaga sa
kaniyang pagsasalita.

16
Copyright © 2018 Quipper Limited
Paliwanag:
Mahihiwatigang ang panunuya ay nangangahulugang “pang-aalipusta,”
“panlilibak,” o “panghahamak” na makikita sa pamamagitan ng paglalahad
ng sanhi at bunga sa loob ng pangungusap.

Mula sa inilatag na mga paraan upang makabatid ng kahulugan ng salita o


pahayag, ang pagsusuri sa konteksto ng pangungusap ay nagsisilbing patunay na
hindi nauubusan ng paraan ang mga mambabasa upang malubos ang pagkilala
sa kahulugan ng mga di-pamilyar na salita. Sa gayong paraan, muli itong
nakatutulong sa husto at tumpak na pag-unawa ng mambabasa sa mga akdang
pampanitikang kaniyang natutunghayan, gayundin sa kaniyang mga
napakikinggan sa paligid at sa proseso ng pakikipagtalastasan.

Sagutin Natin
1. Ano ang kahulugan ng konteksto ng pangungusap?
2. Ano-ano ang mga paraan upang matukoy ang konteksto sa
isang pangungusap?
3. Ano ang iba pang maaaring gamitin upang makapagbigay ng
konteksto sa pamamagitan ng karanasan?

Subukan Natin
1. Paano ginagamit ang paraang salungatan sa pagbibigay o pagtukoy ng
konteksto sa isang salita o pahayag?
2. Paano ginagamit ang paraang depinisyon sa pagbibigay o pagtukoy ng
konteksto sa isang salita o pahayag?

17
Copyright © 2018 Quipper Limited
Isaisip Natin
Sa iyong sariling paghihinuha, paano makatutulong ang aralin sa konteksto
ng pangungusap sa iyong pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa,
pagsulat, at pakikipagtalastasan? Gawing detalyado at maliwanag ang
sagot.

Pag-isipan Natin
Hanapin at bilugan ang sampung susing salitang may kinalaman sa naging
aralin.

k d i p a m i l y a r d g g j i n r j p z h x
a e r k o p f g c x h b a e g a f a z a d a u
n h d f e b i d a k a r a n a s a n l n n l b
g i n g k o b i l o b a s a k a n a a g i i s
h e r s a c h e l s o n l m e d i a w u i m l
e f r e h u d y o l n a s a l i n g i n k b e
l u y t u b e e l d l x a i p q u r a g k a g
s o n y l l p y n a e r n o r s g h u u a w n
a r u p u l i u k o r o h a s y o n p s s a n
l e f b g h n j c u t t i e d x r y z a a l o
u n d e a r i h a r m a k e r a t i n p l o w
p u s h n a s m a l l e s t a c h e b l o r r
a e m o p h y e a r n b u n g a l i k o d g a
k l a s i k o p u n e d k l o w s i n g v r y
s u y i r e n j n m c x f h l n w q r j a d v
k o n t e k s t o w a l s a p a h i w a t i g

18
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 3
Mga Panandang Anaporik at
Kataporik ng Pangngalan

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nagagamit ang
mga wastong panandang anaporik at kataporik ng pangngalan.

Pag-aralan Natin

Isang umaga, habang nagbabasa ng mga balita ng isang pahayagan si


Inah, napansin ni Inah na hindi na kasingtalas ng mga sinaunang
labas ng pahayagan ang mga editoryal at artikulong inilalathala ng
mga pahayagan sa panahong kasalukuyan. Sa paniniwala ni Inah, mas
matatapang at mas matatalas ang mga mamamahayag noon ng mga
pahayagan, telebisyon, at radyo, kaysa ngayon. Kung minsan tuloy,
hindi na alintana ni Inah kung mabasa man ni Inah o hindi ang mga
ulat na artikulo at editoryal sa mga pahayagan.

Sumakit ba ang ulo mo sa iyong nabasa? O sa tingin mo’y mas nakauumay sa


paninging mabasa ang maikling pahayag sa itaas? Alinman sa mga ito, nais
kong bigyang-pansin mo nang mabuti kumbakit kaya tila walang dating, o
nakababagot, o nakawawalang-ganang basahin at unawain ang pahayag sa
itaas.
19
Copyright © 2018 Quipper Limited
O! Napuna mo ba ang ilan sa mga salitang
paulit-ulit na binanggit at ginamit sa loob ng
talata? Hindi ba’t nakauumay iyon? Ganito,
maiiwasan natin ang paulit-ulit na paggamit
ng mga salita sa loob ng isang pahayag, lalo
na kung ito ay singhaba ng isang talata, sa
pamamagitan ng paggamit ng mga
panghalip bilang panghalili sa pangngalan,
na tatawagin nating pagpapatungkol.

20
Copyright © 2018 Quipper Limited
Ang anapora, o sulyap na
pabalik, ay pagpapatungkol
sa pangngalang nabanggit
Pagpapatungkol na na sa unahan ng teksto o
Anapora pahayag. Ito ay nagsisibling
panghalip sa hulihan bilang
pananda sa pinalitang
pangngalang nabanggit na
sa unahan.
Halimbawa:
• Patuloy sa pagsasalita si Miss Phathupats ng Ingles dahil nasanay na siya
sa pananalita nito.
• Si Yeyeng ay ipinanganak sa Pampanga ngunit sinasabi niyang hindi siya
nakapagsasalita ng Kapampangan.

Ang katapora, o sulyap na


pasulong, ay ang
pagpapatungkol na
binabanggit sa dakong
Pagpapatungkol na hulihang nagdudulot ng
Katapora kasabikan sa pahayag. Dito,
ang elementong pinalitan ng
panghalip ay binabanggit
pagkatapos ng panghalip na
ihinalili o ipinalit.

Halimbawa:
• Siya ay hindi na makapagsalita ng Kapampangan dahil nasanay nang
magsalita sa wikang Ingles si Miss Phathupats.
• Nagalit sila kay Yeyeng dahil nalalaman ng nakapag-aral na mga taong
itong nagpapanggap lamang si Yeyeng na hindi na makaunawa ng
Kapampangan.

21
Copyright © 2018 Quipper Limited
Sagutin Natin
1. Ano ang pagpapatungkol?
2. Ano ang pagpapatungkol na anapora?
3. Ano ang pagpapatungkol na katapora?

Subukan Natin
1. Paano nagkakaiba ang pagpapatungkol na anaphora at katapora?
2. Bakit mahalaga ang paggamit ng mga panghalip sa
pagpapatungkol?

Isaisip Natin
Paano mo magagamit ang mga panandang anapora at katapora sa pang-
araw-araw na pakikipagtalastasan?

22
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pag-isipan Natin
A. Magbigay ng limang salitang ginagamit sa pagpapatungkol. Ilagay ang
mga ito sa loob ng bawat hugis.

B. Gamitin sa pangungusap ang limang salitang iyong ibinigay sa unang


bahagi ng pagsasanay.

1.

2.

3.

4.

5.

23
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 4
Paghahambing ng mga Katangian ng mga
Tauhan sa Kuwento

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang
napaghahambing ang mga katangaian ng mga tauhan sa napakinggang
maikling kuwento.

Pag-aralan Natin

Nasubukan mo na bang gumanap bilang tauhan sa isang


pagtatanghal, o payak na iskit sa harap ng klase?

E, ang mahumaling sa isa sa mga karakter ng isang


akdang iyong nabasa?

…O sa isang artista sa telebisyon dahil paborito mo ang


karakter niya sa isang palabas na serye?

Aba, kung oo ang sagot mo, hindi ka na mahihirapang


mabatid kung ano ang tinutukoy ng isang tauhan!

24
Copyright © 2018 Quipper Limited
Ang tauhan ay ang gumaganap sa loob ng kuwento, at nagbibigay-buhay sa
mga kilos at damdaming nais palutangin ng may-akda.

Maliban sa banghay, ang isa pang elemento ng maikling kuwentong mahalagang


mabatid ay ang kabuluhan at katuturan ng tauhan. Ang maaayos at wastong
pagkilala sa mga tauhan ng kuwentong ating binabasa ay mahalagang bahagi
upang lubos nating maunawaan ang kabuuan ng isang akda.

Mga Uri ng Tauhan


(ayon kina Baesa-Julian et. al.)

Tauhang bilog – Ito ang tauhang


nagtataglay ng makatotohanang Tandaan!
katangian tulad ng isang totoong tao.
Kapuna-punang ang katangian ng Ang mga pangyayari sa loob ng
ganitong tauhan ay nagbabago sa kuwento ang pangunahing
pagdaloy ng mga pangyayari sa akda. humuhubog sa katauhan ng
tauhan, kaya malaki ang
Halimbawa: nagiging udyok ng mga
Sa tekstong ating binasa, malambing, pangyayari sa pagbabago ng
masipag, at matiyaga ang pangunahing mga katangian ng isang
tauhan ng akdang si Miss Yeyeng subalit karakter. Ang pagbabagong
nang malaong natuto siya ng gawi at magaganap ay maaaring
wikang dayuhan ay ikinahiya na niya mabuti o masama, depende na
ang taal na pagkakakilanlan, dahilan lamang ito sa iba’t ibang
nang pagkakabansag sa kaniya bilang sirkumstansiyang ginagalawan
Miss Phathupats. ng tauhan sa kaniyang paligid.

Tauhang lapad – Ito ang tauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula simula
hanggang wakas ng kuwento. Ayon kina Baesa-Julian et. al., bihira lamang ang
ganitong uri ng tauhan sa mga kuwento, bagaman at kung minsan ay
kinakailangang magkaroon nito upang mapalutang ang tauhang mas
25
Copyright © 2018 Quipper Limited
nangangailangang bigyang-pansin sa loob ng kuwento. Ang ganitong uri ng
tauhan ay hindi lubusang naaapektuhan ng mga pangyayari sa kuwento kaya
nananatili ang likas nitong katangian mula umpisa hanggang huli.

Ang pagtukoy sa uri ng mga tauhan sa loob ng isang akda ay siyang magiging
gabay natin sa pag-iiba-iba ng tauhan at paghahambing sa mga ito, bilang bahagi
ng proseso ng mas malalim na pag-unawa sa isang akda.

Mula sa akdang ating binasa


Binibining
sa yunit na ito, ang Si Miss
Yeyeng:
Phathupats, tingnan ang
halimbawa ng Binibining
malambing, Phathupats
paghahambing o pag-iiba
masipat, at (Yeyeng noon):
ng mga tauhan:
matiyaga
mapagmataas,
lumimot sa
Umpukan ng pagkakakilanlan,
mga tao: mayabang

mapangutya,
mapanudyo,
mapamuna

Ano ang inyong napansin? Hindi ba’t malaki ang pagkakaiba-iba ng mga tauhan
sa isa’t isa? Mapapunang karaniwang ginagamit sa paghahambing ng mga
katangian ng mga tauhan sa isang kuwento ay ang pagtukoy ng kanilang
mabubuti at masasamang gawi, kilos, pag-iisip, at pag-uugali. Sa pamamagitan
ng pagkilatis sa kanilang katauhan, nauunawaan nating mga mambabasa nang
lubos ang mga gawi at kilos ng mga tauhan sa isang kuwento, at kung paano
nakapag-aambag sa pag-unlad ng kuwento ang pagkakaiba-iba o pagkakatulad-
tulad ng kani-kanilang mga katangian. Sa madaling sabi, nakatutulong ito sa
wasto nating pagpapalalim sa pag-unawa ng kuwento at pagsusuri ng isang
teksto.
26
Copyright © 2018 Quipper Limited
Sagutin Natin
1. Ano ang tauhan?
2. Ano ang dalawang uri ng tauhan?
3. Ano-ano ang karaniwang ginagamit upang mapaghambing ang
mga tauhan?

Subukan Natin
1. Anong uri ng tauhan si Miss Phathupats? Bigyang-katuwiran ang sagot.
2. Bakit kailangan ang pagsusuri at pagtukoy sa pagkakaiba-iba ng mga
katangian ng mga tauhan sa loob ng isang kuwento?

Isaisip Natin
Bilang mag-aaral, paano mo kinikilatis at napaghahambing ang katangian
ng mga tauhan sa iyong mga binabasang teksto bago pa man ang araling
ito?

27
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pag-isipan Natin
Bigyan ng kasamahan ang nakalistang mga katangian sa magkabilang
pangkat batay sa hinihinging uri ng katangian – katulad o kaiba.

Katulad Katangian Kaiba

maalalahanin

mangutya

mapagmalaki

masipag

mapamaraan

28
Copyright © 2018 Quipper Limited
Gawin Natin
Magsaliksik ng isang maikling kuwentong nagtatampok sa mga usaping
kaugnay ng wikang Filipino. Basahin, unawain, at suriin ang nasaliksik na
kuwento. Pagkatapos, itala ang mga sumusunod batay sa kuwento: (1)
alternatibong wakas ng kuwento ayon sa sariling paghihinuha, at; (2) mga
tauhan ng kuwento, tukuyin kung tauhang bilog o tauhang lapad, at
ipaliwanag kung bakit gayon ang uri ng kanilang karakter. Gawin ito sa
isang malinis na bond paper nang computerized.

Rubrik sa Pagtataya
Lagyan ng tsek ang kolum na angkop batay sa pamantayan sa pagsulat ng
balita. (1 bilang pinakamababa at ang 6 bilang pinakamataas na punto)

Pamantayan sa Pagmamarka 1 2 3 4 5
1. Organisado, malinaw, at kumpletong
impormasyon ayon sa hinihingi ng gawain
2. Wasto at buo ang kaugnayan ng maikling
kuwentong ginamit sa ibinigay na pangkalahatang
paksa
3. Pagkakabuo ng mga pangungusap at wastong
balarila
4. Husto at masining na presentasyon
Kabuoang puntos: /20

Interpretasyon:
16 – 20 : Napakahusay
11 – 15 : Mahusay
6 – 10 : Katamtaman
1–5 : Kailangan pang pagbutihin at magsanay
29
Copyright © 2018 Quipper Limited
Paglalagom
MAIKLING
KUWENTO

BANGHAY Dalawang Elemento TAUHAN

paghihinuha bilog lapad

kahihinatnan
ng mga
pangyayari

anaporik
Mga Pananda
ng Pangngalan

kataporik

30
Copyright © 2018 Quipper Limited
Dapat Tandaan
• Sa paghihinuha, kailangan ang mabuting pagtukoy at
pagkabatid sa mga himaton, palatandaan, at bakas. Ang
paghihinuha ay magagawa lamang ng mambabasa kung
lubusan niyang nauunawaan ang binabasang akda.

• Ang konteksto ng pangungusap ay ang impormasyong


makikita malapit sa salita o pahayag na nagbibigay-pahiwatig
sa kahulugan nito. Ang kasanayan sa pagtukoy ng
kontekstong nais iparating ng isang pangungusap ay
nakatutulong upang mapalawak ang ating talasalitaan, pang-
unawa sa binasa, at kasanayan sa pagbasa at pagsulat.

• Ang anapora o sulyap na pabalik ay reperensiya kung


binanggit na sa unahan ang salita. Samantala, ang katapora
o sulyap na pasulong ay ang reperensiya na binabanggit sa
dakong hulihan na nagdudulot ng kasabikan o interes sa
pahayag.

• Sa pamamagitan ng pagtukoy sa uri ng tauhang mayroon


ang kuwento, malalaman natin ang pagkakaiba-iba ng mga
tauhan at mapaghahambing natin sila bilang bahagi ng mas
malalim na proseso ng pag-unawa sa akda.

31
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pagyamanin Natin
Ang sumusunod na mga links ay maaaring basahin at panoorin para sa
karagdagang impormasyon hinggil sa mga aralin.

• Paghihinuha at Paghula sa Kalalabasan ng Pangyayari


https://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-
paghihinuha-at-paghula-sa.html

• Paghihinuha at Paghuhula 1
https://www.youtube.com/watch?v=6XLllNwInGY

Susi sa Pagwawasto

Aralin 1: Kahihinatnan ng mga Pangyayari sa Kuwento

Subukan Natin
1. Iba-iba at marami ang maaaring mahinuha ng isang mambabasa mula sa
isang kuwentong kaniyang binabasa. Nangyayari ito sapagkat maraming
posibilidad ang maaaring idugtong, iugnay, o ikabit sa mga nauna nang
inilahad at nabasa sa akda. Ang mahalaga, naisasaalang-alang ang pagiging
makatuwiran ng hinuha at naibabatay sa mga pahiwatig at patunay na
isinaad sa mga pangyayari sa loob ng kuwento. Malaking bagay rin ang
sariling kakayahan upang magbigay ng iba’t ibang putahe ng kahinatnan
kaugnay ng isang kuwento.
2. Ang gawaing makapaghinuha ay mahalaga para sa mas maunlad na antas
ng pagbasa dahil ginagamitan ito ng masinsing pagsusuri sa mga detalye,
pangyayari man o impormasyon, sa una-unang bahagi pa lamang ng
pagtunghay sa kuwento ng akda. Kumbaga, hindi ito basta-basta
naisasagawa ng simpleng pagbasa lamang bagkus, tinutugunan nito ang 32
Copyright © 2018 Quipper Limited
pangangailangang aralin ng mag-aaral ang mga pahiwatig at panandang
iniiwan ng may-akda sa pagitan ng mga pangyayari at impormasyon nang
sa gayon ay mahikayat ang mga mambabasang magbigay ng sariling
pagpapalagay sa mga mangyayari, ito man ay pareho ng ibinigay na wakas
ng may-akda o taliwas. Tinutugunan din nito ang wastong pagtatahi ng
hinuha ng mambabasa sa mga katuwirang batay sa inilahad ng kuwento.

Isaisip Natin
Maaaring magkaiba-iba ang sagot ng bawat mag-aaral. Mahalagang bigyang-
pansin ang kawastuhang pambalarila, at masinsin at maayos na paglalahad ng
kanilang ideya.

Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Konteksto ng Pangungusap

Subukan Natin
1. Sa paraang salungatan, naibibigay ang kahulugan ng di-kilalang salita sa
pamamagitan ng pagtukoy sa kasalungat na kahulugan ng di-kilalang
salitang matatagpuan din sa loob mismo ng pangungusap o talata.
2. Sa paraang depinisyon, ang kahulugan ng di-kilalang salita ay mababasa sa
mismong bahagi ng pangungusap. Dito, halos tuwiran nang nailalahad ang
kahulugan ng salitang nais bigyang-katuturan.

Isaisip Natin
Maaaring magkaiba-iba ang sagot ng bawat mag-aaral. Mahalagang bigyang-
pansin ang kawastuhang pambalarila, at masinsin at maayos na paglalahad ng
kanilang ideya.

Aralin 3: Mga Panandang Anaporik at Kataporik ng Pangngalan

Subukan Natin
1. Nagkakaiba ang pagpapatungkol na anapora at katapora batay sa lokasyon
ng salitang panghalip na ginamit sa loob ng pangungusap. Kung ang
panghalip na pagpapatungkol ay ginamit sa unahang bahagi bago pa man
ang pagtukoy sa pangngalan ng pangungusap, ito ay katapora. Habang
anapora ay paggamit ng panghalip na patungkol sa huling bahagi ng
pangungusap.
2. Malaki ang gampanin ng paggamit ng mga panghalip na pagpapatungkol
para sa madulas na pagpapahayag ng saloobin, pananaw, damdamin,
33
Copyright © 2018 Quipper Limited
pangyayari, at iba pa. Dahil naiiwasan ang pag-uulit-ulit sa pagbanggit ng
pangngalan sa loob ng pangungusap, o maaari rin namang talata, naiiwasan
din ang kalituhan sa bahagi ng mambabasa, bukod pa sa pagkaumay o
pagkabagot sa pagbasa ng teksto o pahayag.

Isaisip Natin
Maaaring magkaiba-iba ang sagot ng bawat mag-aaral. Mahalagang bigyang-
pansin ang kawastuhang pambalarila, at masinsin at maayos na paglalahad ng
kanilang ideya.

Aralin 4: Paghahambing ng mga Katangian ng mga Tauhan sa Kuwento

Subukan Natin
1. Si Binibining Phathupats ay isang tauhang bilog, sapagkat nagsimula ang
kuwentong siya ay isang malambing, masipag, at matiyagang dalaga.
Bagaman, nang malaong natuto siya ng gawi at wikang dayuhan ay
ikinahiya na niya ang sariling pagkakakilanlan at unti-unting naging
mapagmataas sa kaniyang kapuwa.
2. Sa pamamagitan ng pagkilatis sa pagkakaiba-iba ng katangian ng mga
tauhan, nauunawaan nating mga mambabasa nang lubos ang mga gawi at
kilos ng mga tauhan sa isang kuwento, at kung paano nakapag-aambag sa
pag-unlad ng kuwento ang pagkakaiba-iba o pagkakatulad-tulad ng kani-
kanilang mga katangian. Sa madaling sabi, nakatutulong ito sa wasto nating
pagpapalalim sa pag-unawa ng kuwento at pagsusuri ng isang teksto.

Isaisip Natin!
Maaaring magkaiba-iba ang sagot ng bawat mag-aaral. Mahalagang bigyang-
pansin ang kawastuhang pambalarila, at masinsin at maayos na paglalahad ng
kanilang ideya.

34
Copyright © 2018 Quipper Limited
Sanggunian

Correa, Ramilito. Baybayin 7: Paglalayag sa Wika at Panitikan (Batayan


at Sanayang Aklat sa Filipino). Recto, Manila: Rex Book Store, Inc.,
2015.

Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 7. Unang Edisyon. Lungsod ng


Quezon: Phoenix Publishing House, Inc., 2017.

Dela Cruz-Oracion, Leonora. Gantimpala 7: Pinagsanib na Wika at


Panitikan. Sta. Ana Manila: Innovative Educational Materials, Inc.,
2015.

35
Copyright © 2018 Quipper Limited

You might also like