Professional Documents
Culture Documents
Papasok Ba Ako
Papasok Ba Ako
Papasok Ba Ako
(Online/messenger conversation)
(James send a picture: kapag dumaan sa newsfeed mo huwag kana pumasok bukas?)
RED: Huwag na kayong pumasok guys! Tara dito sa bahay party tayo!
RED: AS USUAL.
KAIL: Hoy baka may quiz!
-Offline-
JUNE: Maamoy kaya nila ako? Naligo naman ako last week eh. Pwede
na to.
(bubuntong hininga)
JUNE: Kaso kailangan eh. Papasok ako. Hihingi nalang ulit akong
papel, bahala na.
(Tinapon nya kung saan ang mga medyas, pero pinulot nya
din ang mga ito. Pagkatapos nyang maisuot ang medyas aybiniyukod
nya ang kanyang ulo sa lamesa)
JUNE: Hindi parin pala ito naaayos ni papa. Hindi parin pala siya
umuuwi. Masyadong nagiging busy sa trabaho nya. Sa sobrang busy
ay doon na tumira sa office niya. Sa loob ng 3 years hindi ko
alam kung ilang beses ko lang siya nakita. Ganoon sya kabusy.
Ipasunog ko kaya office nila? Para naman... ano bang iniisip ko
haha
JUNE: Ma! Nasaan kaba! Walang bantay dito sa bahay, aalis na ako!
JENNY: Ah. Eh. Bumaba ako sa jeep. Sobrang traffic kasi, tapos
iyung lintik pa na katabi ko nakikibasa pa sa phone ko. Putek mas
nauna pang tumawa sa dahil sa binabasa kong memes? Bastusan?
SHANE: Ayos lang iyan. Huwag mong dibdibin. Likod lang meron ka
SHANE: Asan?!
JENNY: Marupok!
JOHN: Dapat talaga hindi na ako pumasok. Wala akong baon ngayon!
Pilitang bentahan ito. Hindi ako binigyan ng pera ni mama.
JOHN: Ma'am ito nga pala ang walis tingting na pinaproject nyo.
Sana magamit mo ng maayos sa bahay mo. Binili ko pala iyan ma'am
sa tindahan niyo. Ano pa ma'am? Baka gudto mo pa ng floor wax?
Bunot ma'am kailangan mo pa? Ma'am ibebenta mo ba ulit ito? Tama
iyan ma'am kumikitang kabuhayan ka.
MARIE: Guys. Bili na kayo! Mura lang ito. Sampu sampu, bente
trenta at iba pa. Kayo ba gusto nyong bumili? Ano ba hanap nyo?
Pagkain? Meron din akong tindang pagkain. Meron akong hotdog
sandwich.
MARIE: Kaya kahit mabigat ang dala ko araw araw. Laban lang.
Dalawa na nga lang kami susuko pa ako? Lahat gagawin ko basta
kumita lang ng marangal
ANNA: Alam ko, kasalanan ito. Alam ko ako naman ang late. Wala
akong karapatang umiyak. Pero hindi ko lang mapigilan. Bakit ba
ganito? Bakit ba kasi lagi akong pinipigilan ng problema? Gusto
ko naman mag-aral ng maayos. Gusto ko naman makatapos. Pero ba
tuwing gigising ako sa umaga ay problema agad ang bubungad sa
akin?
ANNA: Huwag nalang siguro. Kasi baka hindi nya ulit ako
pakinggan. Baka mapahiya na naman ako sa buong class. Huwag
nalang. Tutulong nalang ako sa bahay.
CHRISH: Minsan lang kasi magluto si mama. Sobrang busy kasi siya
sa trabaho niya, hindi ko na nga maalala ang huli nilang
pinagluto ako ng pagkain. Minsan lang din kasi siya umuwi ng
bahay, sa ibang lugar kasi ang trabaho niya.
CHRISH: Kaya sana kahit minsan lang. gusto kong ipagdamot ang
pagkain na iyon. Pero wala. Nasanay na siguro sila na OK lang sa
akin na magbigay.
JAKE: Yes. Uwian na! Saan kaya ako tatambay? Ayaw ko pang umuwi.
JAKE: Ano bang masaya sa bahay? Puro lang naman away ang
naririnig ko, puro nalang sigawan. Wala ng katahimikan. Lagi
nalang.
JAKE: Wala po ma'am may iniisip lang. kayo ma'am baka may
problema ka? Ok ka lang ba?
MA’AM: Asawa ko? Kahit minsan hindi niya ako natanong kung OK ba
ako. Walang nagtanong.
//THE END//