Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF NEGROS ORIENTAL
Siaton 1 District
SUMALIRING HIGH SCHOOL

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

Subject: Araling Panlipunan Grade level: 9


Guro: Gadingan, Jonnel Selma Learning Area: Araling Panlipunan
Date and Time: MAY 2, 2024 Quarter: 4 Week 7 Day 1
9:45am-10:45am, 10:45 am-11:45am at 2:00pm-3:00pm
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay… may pag-unawa sa mga sektor
ng ekonomiya at mga patakarang pangekonomiya
nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa
pambansang pagsulong at pag-unlad
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay… aktibong nakikibahagi sa
maayos na pagpapatupad at pagpapabuti ng mga
sektor ng ekonomiya at mga patakarang
pangekonomiya nito tungo sa pambansang
pagsulong at pag-unlad
C. Most Essential Learning Competencies Nasusuri ang mga patakarang pang –ekonomiya na
nakatutulong sa patakarang panlabas ng bansa sa
buhay ng maraming Pilipino. AP9MSP-IVj-21

I. Layunin K- Natataya ang kalakaran ng kalakalang panlabas


S- Nakapaghahambing ng konseptong Absolute
Advantage at Comparative Advantage ng
kalakalang panlabas
A- Napahahalagahan ang kontribusyon ng
kalakalang panlabas sa pag-unlad ng ekonomiya
ng bansa
II. Nilalaman
a. Paksa Kalakalang Panlabas ng Pilipinas
b. Kagamitan Laptop, PowerPoint Presentation, TV. Cartolina,
Bondpaper
c. Sanggunian Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan – Modyul
8: Kalakalang Panlabas
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral
A. Paghahanda

● Panalangin
“Maari bang tumayo ang lahat para sa ating panalangin” (Tatayo at magdarasal ang lahat)
● Pagbati
“Magandang umaga mga mag-aaral”
“Magandang umaga rin po G. Jonnel”
● Energizer
“Bago kayo umupo sa inyung mga silya, ay sasayaw
muna tayo, para naman mabuhayan naman tayo at para
hindi kayo antukin sa ating klase ngayong araw. Alam
niyo ba ang sayaw na Emergency?”
(Ang mga mag-aaral ay makikilahok sa sayaw)
(https://www.youtube.com/watch?v=T3A9mRVvFNc)

● Paglista ng mga lumiban

Sino ang lumiban sa unang pangkat? (sasagot ang pinuno ng pangkat una)
Ikalawang pangkat? (sasagot ang pinuno ng pangkat dalawa)
Tatlong pangkat? (sasagot ang pinuno ng pangkat tatlo)
Ikaapat na pangkat? (sasagot ang pinuno ng pangkat apat)
Ikalimang pangkat? (sasagot ang pinuno ng pangkat lima)
Mabuti naman, masaya akong malaman na walang
lumiban sa klase ngayong araw.
● Reminders (Classroom Policy)
“Handa naba ang lahat para sa ating bagong
leksyon?” “Opo G. Jonnel”
Mabuti, pero bago muna tayo dumako sa
ating talakayan babasahin muna natin ang
ating mga alituntunin sa loob ng silid-aralan. Sa
bilang ng isa,dalawa at tatlo basahin ng sabay
–sabay!

● Pagbalik Aral

Sino sa inyo rito ang makakapagbigay ng ideya sa ating


natalakay na paksa noong nakaraang pagkikita?

(Tatawag ng mag-aaral)
(Sasagot ang mag-aaral)

“Ang ating tinalakay noong nakaraang araw ay


tungkol sa Impormal na Sektor"
Magaling! Ang ating tinakalakay noong nakaraang
pagkikita ay tungkol sa Impormal na Sektor.

“Ano ang dahilan at epekto ng Impormal na Sektor sa


ating pang araw-araw na pamumuhay?”

(Tatawag ng mag-aaral)
(Sasagot ang mag-aaral)

“Dahilan Bakit Pumasok ang mga Mamamayan sa


Impormal na Sektor
● Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa
pamahalaan
● Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot
na
proseso ng
pakikipagtransaksyon sa pamahalaan o tinatawag
na
bureaucratic red tape
● Kawalan ng regulasyon sa pamahalaan
● Mapangibabawan ang matinding kahirapan

Epekto ng Pagkakaroon Ng Impormal na Sektor


● Pagbaba ng halaga ng nalikom na buwis
● Banta sa kapakanan ng mga mamimili
● Paglaganap ng mga illegal na gawain batas.”
Ako`y natutuwa at naalala niyo pa ang ating
tinalakay noong nakaraang araw.

Ngayon naman, bago tayo dumako sa ating tatalakayin


ngayong araw na ito, nais ko munang subukin ang talas
ng inyong pag-iisip at galing sa pag obserba.

Handa na ba kayo? “Opo”

B. Pagganyak

Panuto: Suriin kung saan nagmula ang iyong mga Panuto: Suriin kung saan nagmula ang iyong mga
personal na gamit. Gumawa ng talahanayan kung saan personal na gamit. Gumawa ng talahanayan kung
ililista mo ang iyong mga gamit at ang bansa kung saan saan ililista mo ang iyong mga gamit at ang bansa
ito galing. kung saan ito galing.

Personal na Gamit Bansang Pinagmulan Personal na Gamit Bansang Pinagmulan

Pamprosesong Tanong: Pamprosesong Tanong:

1. Batay sa iyong personal inventory, saan nagmula ang 1. Batay sa iyong personal inventory, saan nagmula
iyong mga gamit? Ano ang ibig sabihin nito? ang iyong mga gamit? Ano ang ibig sabihin nito?
2. Paano nakakarating sa ating pamilihan ang mga 2. Paano nakakarating sa ating pamilihan ang mga
produkto ng ibang bansa? produkto ng ibang bansa?
3. Bakit nga ba nakikipagkalakalan ang Pilipinas sa 3. Bakit nga ba nakikipagkalakalan ang Pilipinas sa
ibang bansa? Gaano kahalaga ito sa ekonomiya ng ibang bansa? Gaano kahalaga ito sa ekonomiya ng
bansa? bansa?

(Tatawag ng mag-aaral)

Magaling! Maraming salamat.

“Ang lahat ng mga ito ay may kinalaman sa ating


bagong paksa na ating tatalakayin. Handa na ba kayo?”

Magaling! Ang tatalakayin natin ngayong araw ay


tungkol sa Kalakalang Panlabas ng Pilipinas.

C. Paglalahad

KALAKALANG PANLABAS NG PILIPINAS

Isang batayang katotohanan na may mga produkto


at serbisyong hindi kayang matugunan sa loob ng
isang lokal na pamilihan ng isang bansa. Kung kaya’t
nagaganap ang tinatawag nating Kalakalang panlabas.
Ayon sa Oxford Dictionary of Economics , ang
Kalakalang Panlabas ay tumutukoy sa pagpapalitan ng
mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa.
Hindi matatagpuan sa isang bansa ang lahat ng
kakailanganin nito. Kailangang makipag-ugnayan sa
ibang bansa upang makuha nito ang mga produkto
at serbisyong kailangan na wala ito. Maaring
maipamahagi ang mga produkto sa ibang bansa kapalit
ng mga produktong wala sa kanila at ito ay
tinatawag na Exportation. Kailangang umangkat ang
isang bansang salat sa pinagkukunang-yaman upang
matugunan ang kanyang mga pangangailangan.
Ano nga ba ang export at import? Ang import ay
tumutukoy sa pagbili o pag-aangkat ng mga produkto
galing ibang bansa sa lokal na pamilihan. Samantala
ang export naman ay tumutukoy sa pagluluwas o
pagbebenta ng mga produkto o serbisyo sa
pandaigdigang pamilihan. Sabilang dako,
kaalinsabay ng pagbabago ng panahon at pag-unlad ng
disiplina ng pag-aaral ng mga ekonomista, iba-ibang
teorya tungkol sa mga batayan ng kalakalang
panlabas ang nabuo. Ang mga kaisipang ito ay
mabisang mauunawaan gamit ang talahanayang na nasa
ibaba

Teorya Bumuo/Nagsulo Pangunahing


ng Ideya

Absolute Admin Smith Ang isang


Advantage bansa ay
masasabing
may Absolute
advantage sa
pagprodyus ng
isang kalakal
kung
nakakalikha
ito ng mas
maraming
bilang ng
produkto gamit
ang mas
kaunting salik
ng produksyon
kumpara sa
ibang bansa.
Hal. Ang
Pilipinas ay
may lubos na
kalamangan sa
produksyon ng
abaka at kopra,
ang japan ay sa
paggawa ng
robots at
kompyuter,
Malaysia sa
goma, Pransya
sa pabango at
iba pa. Ang
mga
produktong
iyon ay
magagamit nila
sa
pakikipagkalaka
lan upang
matamo ang
ibang produkto
na mahal ang
gagastusin sa
paglikha nito
at kailangan sa
pagpapaunlad
ng bansa.

Comparative David Ricardo Ang isang


Advantage bansa ay
masasabing
may
Comparative
advantage sa
pagprodyus ng
isang kalakal
kapag kaya
niyang gawin
ang kalakal na
mas efficient
kompara sa
ibang bansa.

Ang mga
bansa ay dapat
na
magpakadalubh
asa at
mag-export ng
mga kalakal
kung saan siya
ay may
Comparative
Advantage at
mag-import na
lamang ng
kalakal na wala
siya sa
pagreprodyus.
Hal. Ang
Pilipinas ay
higit na
nakikinabang
sa paglikha ng
asukal kaysa
sa paggawa ng
kompyuter.
Kahit kaya
nating gumawa
ng kompyuter
na gagastusan
ng malaking
halaga, mas
mainam na
bumili nalang
tayo ng
kompyuter sa
ibang bansa na
mabibili sa mas
murang halaga
sa bansang
Hapon. Ang
bansang Japan
naman ay
nangangailagan
ng asukal at
kompyuter,
mas magastos
ang paglikha ng
asukal kaysa
kompyuter,
kaya bibili na
lamang ng
asukal sa
Pilipinas ang
Japan upang
matamo ang
kapakinabangan
sa kompyuter.

KALAKALANG PANLABAS NG PILIPINAS

Bilang kasapi ng mga pandaigdigang samahang


pang -ekonomiya ay aktibong nakikilahok ang
Pilipinas sa malayang kalakalan. Ang pangunahing
luwas ng Pilipinas ang electronic products, na bumubuo
sa mahigit na 40% ng kabuuang halaga ng luwas.
Kabilang pa sa mga iniluluwas ang mga damit, at
kaugnay na accessories, metal components at mga
produktong agrikultural. Pangunahing pinagluluwasan
ng mga produkto mula sa bansa ng Japan, United
states, China , Hongkong, Thailand at Singapore.
Pangunahing angkat naman ng Pilipinas ang fuel,
electronic products, transport equipment ,industrial
machinery, iron ore, at metal scrap at cereals.
Pangunahing pinag-aangkatan ng Pilipinas ang
Unites States, China, Japan, Taiwan, South Korea,
Thailand, at Singapore. Paano malalaman kung
nakikinabang o nakabubuti ang pakikipagkalakalan sa
isang bansa? Ang kalagayan ng kalakalan ng ating
bansa ay makikita sa balanse ng kalakalan (balance
of trade) at balanse ng kabayaran ( balance of
payments) Ang Balance of payment (BOP) ang
nagsisilbing sukatan ng pandaigdigang gawaing
pang-ekonomiya ng isang bansa o ito ay isang summary
statement tungkol sa transaksiyon ng isang bansa sa
lahat ng iba pang mga bansa sa loob ng isang
tiyak na panahon. Samantala, ang Balance of trade
(BOT) ay makukuha sa pamamagitan ng pagbabawas
ng halaga ng kalakalan na inaangkat sa halaga ng
kalakal na iniluluwas. Kapag mas mataas ang kabuuang
halaga ng luwas kaysa angkat, sinasabing may trade
surplus ang isang bansa. Ibig sabihin , pagkatapos
matuos ang halaga ng lahat ng transaksiyon ay mas
mataas ang kinita ng bansa kaysa sa ginastos nito sa
kalakalan. May Trade deficit naman kapag mas mataas
ang kubuuang halaga ng angkat kaysa luwas.
Sinasabing mainam ang balanse ng kalakalan ng bansa
kung nahihigitan ng halaga ng pagluluwas ang
pag-aangkat.

Upang matiyak na tagumpay ang kalakalang panlabas,


ang pamahalaan ay naglunsad ng programa at
patakaran upang magiging katuwang at katulong
nito sa paghahangad na lubusang mapaunlad ang
kalakalang panloob at panlabas. Ang ilan sa mga
patakarang umaapekto sa kalakalang panlabas ay ang
sumusunod: Kota – ito ay tumutukoy sa bilang o dami
ng kalakal o produktong inaangkat o iniluluwas upang
mapangalagaan ang lokal na produkto sa pagdagsa
ng maraming produktong dayuhan, sa ganitong paraan
patuloy na natatangkilik ang sariling produkto.
Halimbawa : Kung gusto ng gobyerno na pangalagaan
ang local na industriya ng sapatos laban sa mga sapatos
na mula sa Italy, maaaring iutos ito na huwag papasukin
sa bansa ang sobra sa 10,000 pares ng sapatos mula sa
Italy. Sabsidi- Ito ang tulong na ibinibigay ng gobyerno
upang bumaba ang halaga ng produksyon ng mga lokal
na produkto Halimbawa: Kung nasusuportahan ng
gobyerno ang isang produkto sa ating bansa, maaaring
magbaba o magbawas ng buwis para dito. Taripa – ang
taripa ay espesyal na buwis na ipinapataw lamang sa
mga kalakal na inaangkat. Ang pagpataw ng buwis sa
mga angkat na kalakal ay nagpapataas sa presyo nito.
Kapag lubhang mataas ang taripang ipinataw sa isang
kalakal, posibleng napipigil ang pag-aangkat o kaya
tuluyang napahihinto ang operasyon sa kalakalang ito.

Naintindihan ba ang teksto?


D. Pagpapahalaga
- Bilang isang mag-aaral, gaano na nakatutulong ang
pagkakaroon ng pakikipagkalakalan?
(ang mga mag-aaral ay sasagot)
- Mainam na magkaroon ng
pakikipagkalakalan, upang magkaroon tayo
ng mga bagay na kinakailangan natin na
hindi makikita sa ating bansa. At kung
mayroon man pagkukulang, pwede tayo
makabili sa ibang bansa.

Magaling! Maraming salamat.

-Mahalaga ba na magkaroon ng Kota, Subsidi, at


Tariffa?

(pipili ng mag-aaral)

(Sasagot ang mag-aaral)

Magaling! Maraming salamat.


E. Paglalapat
Naintindihan na ba ninyo kung ano ang ibig ipahiwatig
ng ating paksa sa araw na ito? “Opo, G. Jonnel”

Ngayon ay ating mas palawakin ang inyong


pagkakaintindi sa pamamagitan ng isang gawin. (Magsipagsunod sa paggawa ang mga mag-aaral)

Panuto: Sa ibaba ay iyong makikita ang “Word Cluster


map” . Batay sa inyong sariling pagka-unawa ng paksa
isulat sa loob ng bilog ang mga salita na may
kaugnayan sa konseptong Kalakalang Panlabas.

F. Paglalahat ng Aralin
- Sa lahat ng binasa na teksto, ano kaya ang dahilan
bakit nakakatulong ang pakikipagkalakalan ng bawat
bansa?
(Pipili ng mag-aaral)

(ang mga mag-aaral ay sasagot)

Magaling!

- Papaano nakakaapekto ang kalakalan sa pamumuhay


ng bawat tao?
(Pipili ng mag-aaral)
(Sasagot ang mag-aaral)

“Mahusay, ako ay natutuwa dahil may natutunan kayo


sa araw na ito”

Dahil marami na kayong natutunan sa ating paksa,


magkakaroon tayo ng maikling pagsusulit.
IV. Pagtataya Pagtataya
Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel. sagutang papel.
1. Ang mga bansa ay makikinabang sa
1. Ang mga bansa ay makikinabang sa isa’t isa’t isa ayon sa konsepto ng
isa ayon sa konsepto ng Comparative Comparative advantage. Alin sa sumusunod
advantage. Alin sa sumusunod na paraan sila na paraan sila makikinabang?
makikinabang? A. trade embargo at quota C.
A. trade embargo at quota C. espesyalisasyon espesyalisasyon at kalakalan
at kalakalan B. kasunduang multilateral D. sabwatan at
B. kasunduang multilateral D. sabwatan at kartel
kartel
2. Alin sa sumusunod na pangungusap ang
2. Alin sa sumusunod na pangungusap ang tama?
tama? A. Nasa gobyerno ang susi sa pag-angat ng
A. Nasa gobyerno ang susi sa pag-angat ng ekonomiya
ekonomiya B. Nasa kamay ng manggagawa ang
B. Nasa kamay ng manggagawa ang pag-unlad pag-unlad ng bansa
ng bansa C. Nasa paglago ng ekonomiya ang
C. Nasa paglago ng ekonomiya ang pag-unlad pag-unlad ng bansa
ng bansa D. Sapat nang may trabaho upang maging
D. Sapat nang may trabaho upang maging maunlad ang bansa
maunlad ang bansa 3. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan
3. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng ng absolute advantage?
absolute advantage? A. Naibebenta ang kalakalan na iniluluwas
A. Naibebenta ang kalakalan na iniluluwas sa sa murang halaga
murang halaga B. nakalilikha ito ng kalakal na wala sa
B. nakalilikha ito ng kalakal na wala sa ibang ibang bansa
bansa C. Nakagagawa ito ng kalakal ng walang
C. Nakagagawa ito ng kalakal ng walang puhunan
puhunan D. Nakalilikha ito ng produkto gamit ang
D. Nakalilikha ito ng produkto gamit ang kaunting salik ng produksyon
kaunting salik ng produksyon 4. Ang pagpapadala ng mga produkto at
4. Ang pagpapadala ng mga produkto at serbisyo sa ibang bansa
serbisyo sa ibang bansa A. Importasyon C. Trade deficit
A. Importasyon C. Trade deficit B. Exportasyon D. Trase Surplus
B. Exportasyon D. Trase Surplus 5. Ang panlabas na kalakalan ay higit na
5. Ang panlabas na kalakalan ay higit na nagbibigay ng pagkakataon sa isang bansa
nagbibigay ng pagkakataon sa isang bansa na____________.
na____________. A.Makipagpaligsahan
A.Makipagpaligsahan B. Makipagpalitan ng kaalaman at
B. Makipagpalitan ng kaalaman at teknolohiya teknolohiya C. Magpatanyag sa ibang bansa
C. Magpatanyag sa ibang bansa D. Makipagtulungan
D. Makipagtulungan

Sagot:
1. B
2. D
3. D
4. B
5. D

V. Takdang Aralin

Inihanda ni: G. Jonnel S. Gadingan Ipinasa kay: G. Misael Gadingan MAHIST

You might also like