World Teacher's Day Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

WORLD TEACHER’S DAY CELEBRATION 2023

ROVELYN: Ang mga guro ang isa sa itinuturing na mga makabagong bayani ng
ating sambayanan. Nagsisilbi silan bilang pangalawang magulang na humuhubog sa
kaisipan ng mga kabataan upang sila ay magkaroon ng isang maliwanag at mas
mahusay nahinaharap at ng dahil sa mga bayaning guro ang lipunan ay di magiging
mangmang.

JANUAR: at ngayon ating saksihan ang martsang prosesyunal ng ating mga guro,
ating punong punong guro at mga bisita.

ROVELYN Ang Gurong Taga-payo ng……. (palit palit lang kayo)


GRADE 7- MALAGKIT- BINIBINING LYCHA C. LINSAG
GRADE 7- DINURADO- MA’AM JENNY ROSE OMBINA
GRADE 8- LITOG- SIR MANUEL TOLEDO
GRADE 8- TALABA- MA’AM EMELENE LINDUNGAN
GRADE 9- PANYALAM- MA’AM MARICEL SIDAYON
GRADE 9- TINATAGTAG- SIR DARWIN FORMENTERA

JANUAR: Ating bigyang-pugay din ang ating mga Relieving Teachers…


MA’AM DIVINE MANGRAG
MA’AM LANIE TABERNA
MA’AM MIRASOL COYONES
SIR FAHAD DATU EMBANG
SIR JIMMY RAMIREZ
SIR REYMOND ESPARAGOZA
SIR RANDY FORMENTERA

ROVELYN: At hindi rin magpapahuli ang ating pinakagwapo, pinaka-aktibong


punong guro…..
SIR MARK JOHN MAGHINAY!!!

ROVELYN: Partner! Ang pagiging guro ay hindi madali. Ito ay isang nakakapagod
na propesyon at nangangailangan ng mahabang pasensya at pagmamahal sa
kanilang bokasyon na napili. Ibinubuhos nila ang kanilang pisikal na lakas,
kaalaman, at kung minsan maging ang kanilang sariling salapi, at nagtitiis para tayo
ay maturuan at matuto. Sa ating mga guro, sa ating mga bisita, at sa ating
panauhing tagapagsalita,

ROVELYN/JANUAR: Maganda at masayang araw po sa inyung lahat!


AND WELCOME TO THE TEACHER’S DAY CELEBRATION OF SALAMAN
NATIONAL HIGH SCHOOL WITH THE TOGETHER4TEACHERS!

ROVELYN: AKO SI ROVELYN CAPUYAN


JANUAR: AT AKO NAMAN SI JANUAR OMAR

ROVELYN/JANUAR: At kami ang inyong Masters’ of Ceremony sa programang ito.


JANUAR: Sa puntong ito, upang pormal na simulan ang programa, inaanyayahan
ang lahat na magsipagtayo para sa Pambansang Awit ng Pilipinas, Regional Hymn
at Lebak March.

ROVELYN: At panatilihing nakatayo para sa panalangin na pangungunahan ni


Princess Annalyn Cañero ang SSLG Vice President.

JANUAR: Ang ating mga guro ay sadyang masipag, sa kanilang pagtuturong kanilang
hinaharap, sa mga estudyanteng kanilang tagapakinig, silang mga guro’y sadyang
nakakabilib.

ROVELYN: Sa puntong ito, ating tawagin ang aktibong Presidente ng Supreme


Secondary Learner Government si JOHARI MIDTANGGAL para sa kanyang
pambungad na pananalita, atin siyang bigyan ng masigabong palakpakan!

JANUAR: Maraming salamat Pres. Johari Midtanggal sa iyong napagandang


opening remarks!
ROVELYN: Sa buhay natin dapat masaya lang, kaya palagi nating isipin ang
masasayang bagay. Ngayon ating saksihan ang inihandang sayaw ng ating SSLG
Officers! Atin silang salubungin ng isang masigabong palakpakan!

JANUAR: Wow! Iba din talaga magpakitang gilas ang ating mga Officers, Partner!

ROVELYN: Tama ka dyan! Pero diba partner SSLG ka rin? Magpakitang gilas ka
naman sa pagsayaw!

JANUAR: Yan ay impossible, Rov kasi parehong kaliwa ang paa ko 😊

ROVELYN: Okay lang yan, partner di ka nag-iisa.


ROVELYN: Ngayong hapon ay isang napakamemorableng araw di lamang sa ating
mga guro kundi pati na rin sa atin na mga mag-aaral ng Salaman National High
School dahil kasama natin sa selebrasyong ito ang isang masigasig at talentadong
panauhin. Malayo pa ang pinanggalingan niya at nakikiisa sya sa selebrasyon natin
ngayong araw! Upang lubusan natin syang makilala, ating tawagin si Princess Eve
Matunding upang ipakilala ang ating Panauhing Tagapagsalita.

JANUAR: Maraming-maraming salamat Sir James Bicoy sa napakaganda at puno


ng inspirasyong mensahe, talagang Saludo kami sa ating mga Guro! Sa puntong ito
ating tawagin ang ating aktibo at makisig na Teacher In-Charge Sir Mark John G.
Maghinay para sa paggawad ng sertipiko sa ating Panauhing Tagapagsalita.

ROVELYN: At dahil dyan inaanyayahan ang ating mga mag-aaral na magsipag-tayo


para sa pagbibigay-pugay sa ating pinakamamahal na mga Guro ng Salaman
National High School!

(Kakanta ang mga students ng “GLOWING INSIDE”)

ROVELYN: Guro, ikaw ay tunay na huwaran kaya nararapat ka lamang parangalan


at pahalagahan, mahalin ng sambayanan, mahalaga ka sa bayan at sa puso
ninuman. Sa puntong ito ating tawagin ang mga adviser mula sa ika-pito hanggang
ika-siyam na baitang na pumunta sa gitnang bahagi para sa paghahandog ng mga
regalo, bulaklak at mga cards mula sa mga mag-aaral.

JANUAR: Maraming-maraming salamat sa ating mga advisers dahil sa mataas na


pasensyang ibinibigay sa kanilang mga studyante. Atin ding tawagin an gating mga
relieving teachers na pumunta sa gitnang bahagi para sa paghahandog ng mga
regalo, bulaklak at mga cards mula sa mga mag-aaral. Itong ating mga relieving
teachers kaagapay ito ng ating mga advisers sa pagdidisiplina at pagtuturo ng
tamang-asal sa mga students. Kundi dahil sa kanila mas lalong mabigat ang trabaho
ng ating mga class advisers. At lalo na kung wala an gating Punong guro wala din
ang SALAMAN NATIONAL HIGH SCHOOL. Isa si Sir MJ sa mga tao sa likod ng
pagpapatayo ng ating paaralan kaya nararapat lamang na atin syang bigyang pugay
at pasasalamat.

JANUAR: Alam mo ba partner na ang selebrasyon din ito ay pagpapakita din ng


itinatagong talent ng ating mga mag-aaral? Dahil sa puntong ito ating sisimulan ang
patimpalak sa Pagkanta at Spoken Word Poetry na ihahandog ng ating mga mag-aaral
sa ating mga guro.

ROVELYN: Upang simulant ang patimpalak sa pagkanta at spoken word poetry, ating
tawagin si Fahad Guiambangan para basahin ang mechanics at criteria.

JANUAR: Maraming salamat, Fahad. At ngayon upang hindi na humaba ang ating
paghihintay ating tunghayan ang unang kalahok sa Song Solo mula sa baitang
__________________________. Bigyan natin sya ng masigabong palakpakan.

ROVELYN: WOW! Talaga nga namang talentado ang mga mag-aaral ng Salaman
National High School! Sunod nating tawagin ang ikalawang kalahok mula sa baitang
_______________________. Palakpakan naman dyan!

JANUAR: Talagang may pinagmanahan ang ikalawang kalahok, partner! Manang-mana

sa adviser 😊

ROVELYN: Korek ka dyan, partner! At alam kong hindi magpapatalo an gating huling
kalahok! Atin ng tawagin ang ating huling contender para sa Song Solo, mula sa baitang
___________________. Isang malakas na palakpakan naman dyan!

JANUAR: At doon nagtatapos ang patimpalak sa pagkanta. Gusto nyo bang makakita ng
surpresa???? Alright! Ating tunghayan ang Surprise Dance number na ibibigay sa atin ng
ating mga talentadong guro! Atin silang bigyan ng masigabong palakpakan!

ROVELYN: WOWWWW! Sabi ko na nga ba, Partner. Magagaling ang ating mga guro
lalo na sa pagsayaw!!! Hindi talaga sila magpapatalo.
Sa puntong ito, ating simulant ang Patimpalak sa Spoken Word Poetry. Atin nang
tawagin ang unang kalahok mula sa baitang ______________________.

JANUAR: Maraming salamat, __________________ sa iyong makabagbag damdaming


tula! At ngayon, tawagin na natin ang ikalawang kalahok mula sa baitang
__________________________________.

ROVELYN: Isang napakagandang tula mula kay _____________________ ang ating


narinig. Talagang napakahusay ng ating mga kalahok. Para sa ating panghuling kalahok
atin nang tawagin si ___________________.

JANUAR: At doon nagtatapos ang ating patimpalak sa Spoken Word Poetry. Nawa’y
nakapulot tayo ng mga mahahalagang aral sa mga tulang ating narinig!

ROVELYN: Upang maaliw habang hinihintay natin ang resulta ng ating mga patimpalak,
ating tawagin ang selected grade 9 students para sa kanilang intermission number!
Pakalakpakan natin sila!!!!

JANUAR: Isa pang intermission number ang ibibigay sa atin mula sa ika-walong baitang!

ROVELYN: Upang iproklama ang mga nanalo sa ating mga patimpalak, ating tawagin
ang Supreme Secondary Learner Government Adviser na walang kundi si Binibining
Lycha Linsag.

JANUAR: Ang tunay na sukatan ng dakilang guro ay di sa dami ng natanggap na


sertipiko at hind isa taas ng degree na natamo, kundi sa bilang ng estudyanteng
natuto at sa inspirasyong nasa kanyang puso. At ngayon ating pakinggan ang
Pangwakas na pananalita ng ating Punong Guro na si Sir MARK JOHN G.
MAGHINAY! Masigabong palakpakan naman dyan!

ROVELYN: Maraming salamat, Sir MJ. Sa muli ako si Rovelyn Capuyan.

JANUAR: At ako naman si Januar Omar, Sa ating pagtatapos magiiwan po kami ng


isang kasabihan

ROVELYN/JANUAR: “Totoo ang kasabihang kabataan ang pag -asa ng bayan,


ngunit ang mga guro ang pag- asa ng mga kabataan.” Maraming Salamat at
Magandang buhay po sa ating lahat!

You might also like