Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ALANGALANG

INTEGRATED
PAARALAN ANTAS 11
NATIONAL
HIGHSCHOOL
DAILY
LEARNING MALIKHAING
LESSON GURO Neil Edward V. Navarrete
AREA PAGSULAT
PLAN
PETSA NG UNA (IKALAWANG
Pebrero 19-23, 2024 MARKAHAN
PAGTUTURO SEMESTRE)
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Nauunawaan ng mag aaral ang pagbuo ng imahe, diksyon, mga
tayutay at pag-iibaiba (variations) ng wika
B. Pamantayang Pagganap Ang mag - aaral ay makakasulat ng maiikling talata o mga vignette
na gumagamit ng diksyon,pagbuo ng imahe, mga tayutay at mga
espesipikong karanasan
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat Nagagamit ang pagbuo ng imahe, diksyon, mga tayutay, at mga
ang code ng bawat kasanayan) tiyak na karanasan HUMSS_CW/MP11/12- lab-4
II. NILALAMAN ARALIN 3: IMAHEN, TAYUTAY, AT DIKSIYON
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
Mga pahina sa gabay ng Guro
Mga pahina sa kagamitang pang- Pahina 32-41
mag-aaral
Mga pahina sa Teksbuk Pahina 122
Karagdagang kagamitan mula sa Sanggunian: Pinagyamang Pluma: Malikhaing Pagsulat
LR Portal Phoenix Publishing House
B. Iba pang Kagamitang Panturo CG, Laptop, Powerpoint, Printed Materials
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral tungkol sa nakaraang Ang guro ay tatawag ng piling mag-aaraal na sasagot sa kanyang
Aralin at/o pagsisimula ng bagong mga katanungan.
aralin  Para sa inyo, paano nakakaapekto ang karanasan sa isang
manunulat upang siya ay ganap na maging hasa sa larangan
ng pagsulat?
B. Paghahabi sa layunin ng Aralin Ipapaliwanag ang kabuuang nilalaman ng Aralin 3: Imahen,
Tayutay, at Diksiyon
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Panuto: Magbigay ng mga bagay na nalalaman mo o kaya’y
bagong aralin halimbawa ng mga kagamitang pampanitikang nakalahad sa ibaba.
Isulat ang sagot mo sa mga kahon.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at IMAHEN


paglalahad ng kasanayan Tinatawag na imagery sa Ingles, ang imahen ay ang hulagway o
larawang nagbubuo sa isipan, sa guniguni ng mambabasa, o
tagapakinig. Nagaganap ang pagbuong ito sa pamamagitan ng
paggamit ng manunulat ng mga salitang tumutukoy sa mga
impormasyong nasasagap ng pandama.
TAYUTAY
Tinatawag na figure of speech sa Ingles, ang tayutay ay salita o mga
salitang ginagamit sa di pangkaraniwang paraan at lampas sa
pagkaliteral, maaaring naiiba sa karaniwang konstruksiyon o
kaayusan upang mapaigting ang kasiningan at bisa ng pahayag.

DIKSIYON
Ang diksiyon ay ang pagpili ng wasto, tumpak, at angkop na mga
salita para sa isang akda. Sa pamamagitan ng tamang diksiyon,
nagiging malinaw sa isipan o madaling mahiwatigan ng mga
mambabasa ang pinapaksa o tinutukoy ng awtor sa isang sitwasyon
at panahon.
E. Paglinang sa kabisaan VENN DIAGRAM MO! SHOW MO!
ISAHANG GAWAIN
 Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang gawaing tinatawag
na venn diagram na kung saan ay gagawan nila ito ng
sariling ideya batay sa pagkakaiba at pagkakatulad ng
malikhaing pagsulat at akademikong pagsulat.
 PANUTO: Tukuyin ang pagkakaiba o pagkakatulad ng
Imahen, Tayutay, at Diksiyon gamit ang Venn diagram.

F. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw- GABAY NA TANONG!


araw. Saan pinaka nagkakapareho ang konsepto ng Imahen sa Tayutay at
Diksiyon? Saan konsepto naman sila nagkakaiba?
G. Paglalahat ng Aralin Bakit mahalagang malaman ang mga kagamitang pampanitikan?
Paano makatutulong ang kaalamang ito sa inyong pagsusulat?
H. Pagtataya ng Aralin SAGUTIN NATIN!
PANUTO: Isulat kung ang tinutukoy ay imahen, tayutay, o diksyon.
1. Ito ay pagpili ng wasto, tumpak, at angkop na mga salita sa
isang akda.
2. Lalo nitong nabibigyang-bisa at nagagawang kaakit-akit
ang pagpapahayag.
3. Ang tayutay ay mahalaga sa mapagbuong simulain ng
akdang ito.
4. Ang metapora at pagwawangis ay ilan lamang sa uri nito.
5. Ito ay naglalarawang nabubuo sa isipan o sa guniguni ng
mambabasa o tagapakinig.
V. TAKDANG ARALIN Basahin ang Aralin 4: Ang Pagbasa at Pagsulat ng Tula
VI. TALA
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% pataas sa
pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng karagdagang
gawain para sa remedyal nakakuha
ng 80% pababa
C. Naging matagumpay ba ang aralin
na remedyal? Blg. ng mga mag-aaral
na nkakuha ng 80% pataas sa
remedyal na aralin.
D. Blg. ng mga mag-aaral na
nangangailangan pa muli ng
remedyal
E. Ano at bakit naging epektibo ang
estratehiya na ginamit?
F. Ano ang mga naharap na suliranin na
maaaring matugunan ng punong-
guro o nakatataas na tungkulan?
G. Ano ang mga kagamitang pang-
inobasyon o lokalisasyon ang
ginamit na maaaring maibahagi ng
kapwa guro?

Inihanda ni: Pinagtibay ni:

NEIL EDWARD V. NAVARRETE ARIEL B. LABACLADO


Guro sa Filipino Punong Guro - SHS

You might also like