Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Salitang binitawan, agad-agad ba nating pagtitiwalaan?

Hanggang kailan kaya tutuparin o kaya'y mapapako nalang ang pangakong pinagkait sa atin?
Magandang araw sa inyong lahat!
Ngayon ay nais kong ibahagi sa inyo ang aking talumpati tungkol sa pagtitiwala,
isang napakahalagang konsepto na syang bumubuklod at tumutukoy sa ating lipunan.
At sa talumpating ito, tatalakayin natin ang isang pangakong nagbibigay pag-asa sa
marami, ang pangakong Dalawampung pisong kada kilo ng bigas.
Sa ating pang-araw-araw na buhay, ang pagtitiwala ay ang batayan ng malusog
na relasyon. Ito ang pundasyon ng ugnayan sa pagitan ng mga tao at kapwa nito.
Kapag may tiwala, mas matatag ang ating mga koneksyon at mas masagana ang
buhay. Gayunpaman, sa likod ng simpleng bilang na ito ay may mas malalim na
kahulugan na kumakatawan sa tiwala ng mga tao sa gobyerno at sa pangako ng
gobyerno sa mga mamamayan nito.
Ngunit saan nagmumula ang ating tiwala? Ito ay nagmumula sa mga pangako ng
ating gobyerno tungo sa kanilang mga mamamayan. Sa bawat pangako, may taglay na
responsibilidad ang ating pamahalaan na tuparin ito. Ang pangakong Dalawampung
pisong kada kilo ng bigas ay hindi lamang simpleng pangako, ito ay pangako ng
ginhawa at kaunlaran para sa bawat Pilipino.
Sa ating pagtitiwala, hindi natin dapat kalimutan ang ating papel bilang
mamamayan. Hindi sapat na ipaubaya natin ang lahat sa ating mga pinuno. Kailangan
din nating maging mapanuri at mapagmatyag. Kailangan nating tiyakin na ang mga
pangako ay hindi lamang salita, kundi isang tapat na pangako na may kasamang
aksyon at pagbabago.
Sa pagtataguyod ng tiwala sa pangakong ito, mahalaga ang pagtutulungan ng
bawat sektor ng lipunan. Hindi lamang tungkulin ng pamahalaan, kundi pati na rin ng
pribadong sektor at ng bawat mamamayan na magtulungan upang matupad ang
pangakong ito.
Sa huli, ang tiwala sa pangakong Dalawampung pisong kada kilo ng bigas ay
nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa ating lahat. Ito ay isang hamon sa ating lahat na
manatiling nagtitiwala, nagmamatyag, at nagtutulungan para sa isang mas maunlad at
mas maayos na kinabukasan.
Nawa'y ang pangako ay hindi mapapako. Dalawampung pisong kilo ng bigas, nawa'y
hindi maging isang alamat.
TANDAAN! Magtulungan upang ang kaunlaran ay makamtan.
Maraming salamat sa inyong pakikinig!

You might also like