Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas }

Lungsod ng Makati }

SINUMPAANG SALAYSAY NG PAGREREKLAMO

AKO, si ANDREA LYN MATIAS LLAGAS, nasa wastong gulang, at


naninirahan sa 8046 Honradez Street, Barangay Olympia, Makati City, matapos
na makapanumpa alinsunod sa batas, ay malayang nagsasaad ng mga
sumusunod:

1. Aking inirereklamo si JUDITH MAYOYO a.k.a. JUDITH


BALADAD (“JUDITH”) na kasalukuyang nakatira sa 8046 Honradez Street,
Barangay Olympia, Makati City, sa salang ONLINE LIBEL o LIBEL na tinutukoy
sa Art. 355 ng the Revised Penal Code at Sec. 4 (c) ng Republic Act No. 10175 o
Anti-Cybercrime Act.

2. Si JUDITH ay kapatid ng aking kasintahan at kinakasama na si


Alexander Baladad. Simula noong kami ay naglive-in ni Alexander Baladad sa
kanilang bahay sa 8046 Honradez Street, Barangay Olympia, Makati City, kasama
si JUDITH ay hindi na maganda ang pakitungo ng huli sa akin.

3. Lagi akong pinag-iinitan ni JUDITH sa bahay at pilit na pinapaalis.


Madalas din niya akong pagtaasan ng boses at ipahiya at murahin.
Pinapagpasensyahan ko na lamang siya alang-alang sa relasyon namin ni
Alexander at sa pakiusap na rin ng huli.

4. Ngunit noong March 18, 2022, napag-alaman ko sa aking kaibigan


at kapitbahay na nag post si JUDITH sa kanyang Facebook account ng mga
paninira laban sa akin. Kalakip rito bilang Annex “A” ang printout ng Facebook
profile ni JUDITH.

5. Noong March 17, 2022, nagpost si JUDITH sa kanyang Facebook


account ng mga sumusunod na paninira sa akin:

“Sino po ba nakakilala kay andrealyn matias? Tanong


ko sana sa magulang nya kung pano nila pinalaki anak nila?
Walang delikadesa, pumapatol sa taong kasal naat
pilit pinagsisiksikan ang sarili nya dto sa bahay..ano klaseng
magulang meron siya??? Kahit anong gawin nya hindi da
pwede magreyna reynahan dto..para kang naubusan ng
lalaki pati kapatid ko.. haissst”

Kalakip rito bilang Annex “B” ang printout ng nasabing Facebook post ni
JUDITH.

6. Bukod pa dito, noong March 18, 2022 ay nagpost rin ito sa


kanyang Facebook account na hinahanap ang aking tiyahin na si Jhomalyn Dulay
Matias. Aniya, “Please contact me asap Jhomalyn Dulay Matias.. it’s urgent ” at
“Ask ko po sino nakakilala kay jhomalyn Dela Cruz Dulay ?? Message po asap..
kamag anak po siya nung andrea matias… Thanks. ” Kalakip rito bilang Annex
“C” ang printout ng nasabing Facebook post ni JUDITH na hinahanap ang aking
nanay.
7. Dahil sa nasabing Facebook post ni JUDITH na hinahanap ang
isang Jhomalyn Dulay Matias (Annex “C”) ay marami ang nagtaka at
nagcomment sa nasabing post. Bilang tugon sa mga nagtatanong ay
nagcomment si JUDITH sa nasabing post ng:

“yan yung tyahin [sic] nung andrea matias. tatanong


ko sana sa magulang kung pano xa pinalaki ng magulang
niya.. walang delikadesa.. bukod sa pumatol na sa
kapatid kong kasal na eh maxiado pang matapang..
gusto niya xa magreynareynahan dto sa bahay.. wagas kung
magdabog.. walang pakialam kahiit tulog pa mga tao dto..”

Kalakip rito bilang Annex “D” ang printout ng nasabing Facebook


comment ni JUDITH sa kanyang naunang post.

8. Ang mga paninirang ikinalat ni JUDITH sa pamamagitan ng pagpost


nito sa kanyang Facebook account na nakikita ng lahat ng kanyang mga
tinaguriang Facebook friends ay totoo namang nakakapagdulot ng kasiraan sa
aking dangal bilang isang tao at isang babae. Ang masabihan na “WALANG
DELIKADESA, PUMAPATOL SA TAONG KASAL NA” at “PARA KANG
NAUUBUSAN NG LALAKI” ay kahiya-hiya sa akin at sa aking pamilya.

9. Bukod pa rito ay kung sinu-sinong tao ang minessage ni JUDITH sa


Messenger na may kapareho ko ng apelido sa pagtatangkang siraan ako sa aking
mga kamag-anak. Ang mga ilan sa mga kanyang minessage ay nakalakip dito
bilang Annex “E” at series. Ang pagmemessage ni JUDITH sa kani-kaninong tao
sa Messenger ay patunay lamang ng kanyang intensyon na siraan ako sa ibang
tao.

10. Ang pagiging malisyoso ng mga isinapubikong mga salita ni


JUDITH laban sa akin ay nagpapakita ng bulgar at hindi kaaya-ayang mga
salitang laban sa akin na nagdulot ng kahihiyan at kawalan ng dangal sa akin.

11. Dahil dito ay pormal na akong naghahain ng reklamong ito sa


tanggapan ng taga-usig para naman ako ay mabigyan ng katarungan sa mga
paninira ni JUDITH sa akin na labag na sa aking mga karapatan.

BILANG PAGPAPATUNAY sa mga nakasulat dito ay nilagdaan ko ang


SINUMPAANG SALAYSAY NG PAGREREKLAMO na ito ngayong ika-__ ng Mayo
taong 2022 sa Lungsod ng Makati.

ANDREA LYN MATIAS LLAGAS


Nagsasalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this ___ day of May 2022 in the
City of Makati, Philippines. THIS IS ALSO TO CERTIFY that I have personally
examined the affiant and that I am satisfied that she has read and understood
the contents of her affidavit.

CITY PROSECUTOR

You might also like