Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas }

Lunsod ng Makati } S.S.

SINUMPAANG TUGON SALAYSAY

Ako si ROCHELLE CASOYLA y QUIROG, nasa wastong gulang,


Filipino, nakatira sa b25 l8 Sampaguita St., Pembo, Makati City, at matapos
makanumpa ng naayon sa batas ay malayang naglalahad ng mga sumusunod:

1. Ako ang ROCHELLE CASOYLA y QUIROG na nagaakusa kay


MATTHEW MAGDATO y MENDIOLA ng salang Acts of Lasciviousness na
kasalukuyang dinidinig sa kagalang-galang na taga-usig ng Lungsod ng Makati.

2. Bilang tugon sa Sinumpaang Kontra Salaysay ni MATTHEW


MAGDATO y MENDIOLA (“MATTHEW”), aking nilalahad ang mga
sumusunod:

3. Na pinasisinungalingan ko ang mga pahayag ni MATTHEW sa


kanyang Kontra Salaysay sapagkat unang-una hindi po gawa-gawa ang aking
paratang at hindi ako naudyukan lamang ng aking mga magulang. Ako po ay
nasa tamang edad na at alam ko po ang magiging kahihinatnan ng aking
reklamo kung ito ay kasinungalingan lamang.

4. Pangalawa, hindi totoo ang sinasabi ni MATTHEW na hindi siya


malayang nakakalabas-masok sa aming bahay. Malapit ang aming mga pamilya
sa isa’t-isa dahil matagal na kaming magkapit-bahay. Hindi rin lingid sa
kaalaman ng aming mga kapitbahay na ang aming bahay ay ang nagsisilbing
tambayan naming magkababata/magkakapit-bahay, kabilang na doon si
MATTHEW o kilala bilang “Mateng.” Sa katunayan, mahilig kumuha ng litrato
si MATTHEW sa loob ng aming bahay na makikita sa Album niya sa Facebook.

5. Pangatlo at higit sa lahat, ngayon lang ako naglakas-loob na isiwalat


ang mga ginawang panghahalay sa akin ni MATTHEW dahil sa TAKOT at dahil
labintatlong (13) taong gulang lamang ako noon. Noong mga panahong iyon ay
itinuturing si MATTHEW bilang kuya o nakakatanda sa aming compound at
malapit lahat ng aking kababata ko sa kanya. Ako po ay natakot na hindi ako
paniwalaan ng aming mga kababata at mawalan ako ng kaibigan at kanila akong
pandirian.

6. Hindi ko rin po nagawang isumbong ito sa aking magulang dahil


ayoko pong masira ang samahang nabuo nila dahil sa akin. Isa pa pong
malaking dahilan kung bakit po ako nanahimik ng ilang taon ay natatakot po
ako sa kung anong maaaring gawin sa kanya ng aking Tatay kapag nalaman
niya ang mga ginawa ni MATTHEW sa akin.

7. Natakot din po ako sa sasabihin ng aking mga kapitbahay. Sapagkat,


ang aking matalik na kaibigan/ kapit-bahay o kababata na itago natin sa
pangalang “Jane” ay biktima ng rape na naganap lamang sa isa sa mga tirahan sa
loob ng aming compound. Marami akong narinig na hindi kaaya-aya tulad na
lamang na kasalanan ni Ate Jane ang nangyari sakanya. “Paano kung ako ang
nasa sitwasyon ni Jane? Kasalanan ko din ba kung bakit nangyari sa akin iyon?”
Ganito ang tumatakbo sa isipan ko ng ilang taon kaya’t pinili kong manahimik
na lamang at kimkimin lahat.

8. Hindi ko rin nagawang sumigaw noong nangyari iyon dahil hindi po


ako iskandalosang babae, ako po ay tahimik na bata lamang na hindi palaimik at
dahil itinuturing kong kuya si MATTHEW noon. Ang tanging nagawa ko
lamang noon ay ipikit ang aking mga mata, tumalikod habang yakap ng
mahigpit ang unan at dalidaling tumayo sa aking higaan at tumakbo papalabas
at magkulong sa CR sa labas ng aming bahay.

9. Ilang taon akong umiwas kay MATTHEW dahil sa sobrang takot.


Tuwing nakikita o naririnig ko siyang nasa tapat ng aming pinto ay dali-dali
akong nagtatago sa cabinet namin at tinitiis ang init at minsan pa ay
makakapagsinungaling ako sa aking magulang kapag tinatanong nila ako kung
saan ako nanggaling dahil ganoon nalamang ang takot ko upang makaiwas sa
kanya at hindi na muling maulit ang ginawa niya sa akin.

10. Sa loob ng ilang taon ay pinili kong magkimkim at manahimik


nalamang ngunit noong isang araw ng Disyembre 2022 ay pinagsalitaan kami ng
masasamang salita ng nanay ni MATTHEW at dahil na rin sa bugso ng
damdamin ay hindi ko napigilang isiwalat ang mga kahalayang ginawa sa akin
ni MATTHEW.

11. Noong nalaman ito ng aking mga magulang, kasintahan, at kapitbahay


ay buong puso nila akong sinuportahan na ipaglaban ang aking karapatan at
papanagutin si MATTHEW sa kanyang mga gingawa.

12. Dahil dito ay naglakas-loob akong magreklamo sa Tanggapan ng


Barangay Pembo na ngayon ay kasalukuyang dinidinig ng kagalang-galang na
taga-usig.

13. Panghuli, wala po akong alam sa sinasabi ni MATTHEW na pagkaka-


utang ng aking tatay. Wala po iyong kinalaman sa pagsasampa ko nitong kasong
ito laban kay MATTHEW.

14. Na itong aking salaysay ay aking ginawa upang magbigay ng buong


katotohanan at pawang katotohanan sa mga pangyayari.

SA KATUNAYAN NG LAHAT, ako ay lumagda ngayong ika-___ ng


January 2023, dito sa Lungsod ng Makati.

ROCHELLE CASOYLA y QUIROG


Nagsasalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this ____ day of January 2023 in


the City of Makati, Philippines.

ASSISTANT CITY PROSECUTOR

Page 2 of 2

You might also like