Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - V

MODULE WEEK 1-2-FOURTH QUARTER

NAME: ___________________________________________________ Graede &Sec. : __________

Summative Test #1 (Written Work)

Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot..

1. Naglalaro kayo ng kaibigan mo sa inyong bakuran at biglang dumating ang iyong ina na may bitbit
na tinapay at iniabot ito sa iyo? Alam mong gutom na rin ang iyong kaibigan. Ano ang gagawin mo?
a. Uubusin ko ang tinapay.
b. Hindi ko na lang papansinin ang aking kaibigan habang kumakain ako ng tinapay.
c. Hahatian ko ng tinapay ang aking kaibigan dahil alam kong nagugutom na rin ito.
d. Papauwiin ko ang aking kaibigan dahil kakain ako ng tinapay.

2. Sa iyong palagay, tumutulong ba ang ating pamahalaan sa mga mamamayan sa panahon ng


trahedya at sa oras ng pangangailangan?
a. Oo, dahil may iba’t ibang ahensya ang pamahalaan na tumutulong sa mga tao.
b. Siguro, hindi ako sigurado kung tumutulong ang pamahalaan sa oras ng trahedya.
c. Hindi, dahil sa tingin ko ay wala silang puso para sa mga nangangailangan.
d. Siguro, minsan tumutulong ang pamahalaan sa oras ng trahedya.

3. Naatasan ka ng iyong guro na tumulong sa mga kaklase mo na hindi marunong magbasa dahil ikaw ang
pinakamagaling sa inyong klase. Tutulungan mo ba ang iyong mga kaklas e na matutong bumasa?
a. Hindi, dahil wala naman akong pakialam sa mga kaklase ko.
b. Oo, tutulungan ko ang mga kaklase ko na hindi marunong magbasa sa abot ng aking makakaya.
c. Hindi, dahil hindi ko naman naiisip ang kanilang kapakanan.
d. Oo, tutulungan ko sila ngunit kailangan nilang magbayad ng pera sa akin.

4. Nasalanta ng bagyo ang tahanan ng iyong kaibigan. Walang natirang gamit sa kanila. Sa paanong
paraan ka makakatulong sa iyong kaibigan?
a. Pagsasabihan ko ang aking kaibigan na humingi ng tulong sa ibang tao.
b. Sasabihin ko sa aking pamilya ang nangyari sa kaibigan ko at hihingi ako ng kanilang pinaglumaang
damit na pwedeng ibigay sa pamilya ng aking kaibigan.
c. Hindi ko kakausapin ang aking kaibigan dahil alam kong wala naman akong may maitutulong.
d. Babalewalain ko lamang ang nangyari sa kaibigan ko.

5. Ano kaya ang mararamdaman mo kapag ikaw ay nakatulong sa ibang tao?

a. Malungkot, dahil hindi ko naman gawain ang tumulong.


b. Malungkot, dahil wala naman akong pakialam sa kapakanan ng ibang tao.
c. Masaya, kapag napupuna ng ibang tao na ako ay tumutulong sa kapwa.
d. Masaya, dahil alam kong magiging masaya ang taong matutulungan ko na bukas sa aking
kalooban.

6. Nakita mong taimtim na nagdarasal ang iyong ina. Ano ang iyong gagawin?
a. Bubuksan ko ang telebisyon upang manood ng palabas.
b. Kukuha ako ng pagkain at kakain habang pinapanood ang aking ina na nagdarasal.
c. Sasabayan ko ang aking ina na taimtim na nagdarasal.
d. Maglalaro ako ng cellphone habang nagdarasal ang aking ina.
7. Isinama ka ng iyong ina sa simbahan at nakita mo ang isang batang pulubi na nakaupo malapit sa
bulwagan nito. Humihingi ito ng pagkain sa mga taong dumadaan. May bitbit kang isang supot ng
puto. Ano ang gagawin mo?
a. Aawayin ko ang batang pulubi dahil ito ay mabaho.
b. Hindi ko papansinin ang batang pulubi.
c. Sisigawan ko ang batang pulubi.
d. Bibigyan ko siya ng ilang pirasong puto na bitbit ko
.
8. Tumawag sa iyo ang iyong kaibigan dahil labis siyang nalulungkot sa pagkawala ng kanyang lola.
Ano ang iyong gagawin upang maibsan ang kanyang pagkalungkot?
a. Sasabihin ko sa kanya na umiyak lang hangga’t gusto niya.
b. Sasabihin ko sa kanya na ipagdarasal namin ang kaluluwa ng kanyang lola at ipaparamdam ko sa
kanya ang aking pakikiramay.
c. Sasabihin ko sa kanya na itulog nya na lang ang kanyang nararamdamang lungkot.
d. Sasabihin ko sa kanya na sa susunod na araw na lang kami mag-uusap.
9. Niyaya ka ng iyong kaklase na sumali sa kanilang organisasyon sa simbahan kung saan kayo ay
nagtitipon tuwing Linggo upang mag-alay ng panalangin para sa mga taong may malubhang
karamdaman. Ano ang iyong gagawin?
a. Babalewalain ko ang kanyang mga sinasabi.
b. Makikiisa ako sa kanilang organisasyon dahil alam kong ito ay makakatulong sa kapwa ko.
c. Aawayin ko ang aking kaklase dahil wala akong panahon para sa kanilang organisasyon.
d. Maghahanap ako ng ibang tao na pwedeng sumali sa kanilang organisasyon dahil wala akong oras
para diyan
10. Sasali sa paligsahan sa pag-awit ang iyong kapit-bahay, labis siyang kinakabahan habang
papalapit na ang patimpalak. Hiniling niya sa iyo na isama sa iyong dasal na gabayan siya sa kanyang
pag-awit sa oras na siya ay aawit na sa entablado. Ano ang iyong gagawin?
a. Pagtatawanan ko lamang siya.
b. Hindi ko papansinin ang kanyang sinasabi.
c. Sasabihin ko sa kanya na ipagdarasal ko siya ngunit hindi ko naman gagawin.
d. Ipagdarasal ko ng buong puso na gabayan siya sa kanyang pag-awit.

Summative Test #1. (Performance Task)

I. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1.. Naranasan mo na bang magmalasakit sa kapakanan ng iyong kapwa? Ano ang iyong ginawa?
Isalaysay ang iyong sagot
_____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
______________
2. Bilang bata, ano sa palagay mo ang magandang maidudulot kapag tayo ay madasalin?

____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_____________________________________________

You might also like