Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
DIVISION OF SAN CARLOS CITY
QUEZON NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Quezon, San Carlos City, Negros Occidental

Pangalan_____________________Baitang at Seksyon______________

Ikatlong Lagumang Pagsusulit sa Filipino 10 (Quarter 4)


Reference(module 3 & 4)
Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa
wikang Espanyol.F10PT-IVg-h-85
I. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang hiram sa Wikang
Espanyol na nasa Hanay A. Titik lamang ang isulat.
Hanay A Hanay B
1. Prayle A. drayber
2. kuwalta B. pera
3.kutsero C. pari

Kasanayang Pampagkatuto: Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa


pamamagitan ng pag-uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan. F10 PB- IVh-i- 92
II. Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang sitwasyong nakalahad ay
nagpapahayag ng pagkamakatotohanan sa kasalukuyang panahon at ekis naman (X)
kung hindi.
_____4. Pag-abuso sa kapangyarihan.
_____5.Pagpapaalipin kapalit ng salapi.
_____6.Paniniwala sa mga pamahiin.

Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing.


F10WG-IVg-h-81
III. Panuto: Salungguhitan ang salitang naghahambing sa loob ng panaklong na
angkop gamitin sa pangungusap.

7. Sa kabila ng pinagdaanang hirap ni Kabesang Tales ay (mas, lalo) pinili nitong


maging matatag para sa kaniyang pamilya.
8. (Higit na, di- gaano) naapektuhan si Tandang Selo sa kasawian ng kaniyang
pamilya.
9. (Mas, Di-gaanong) nagmatigas si Huli na humingi ng tulong nang malamang
nakakulong pa rin si Basilio.
Kasanayang Pampagkatuto: Natatalakay ang mga kaisipang ito: kabuluhan ng
edukasyon / pamamalakad sa
-pamahalaan / pagmamahal sa: Diyos / Bayan / Pamilya / kapwa-tao /
-kabayanihan / karuwagan / paggamit ng kapangyarihan / kapangyarihan ng salapi /
-kalupitan at pagsasamantala sa kapwa / kahirapan / karapatang pantao / paglilibang
-kawanggawa. F10 PB- IVd – e- 89

IV. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

10. Ano ang ipinahihiwatig ng paghahanda ng mga sandata ni Kabesang Tales?


A. Naghahanda para sa kasiyahan
B. Naghahanda para sa darating na kayamanan
C. Handang ipaglaban ng mga Pilipino ang kanilang karapatan
D. Pinaghahandaan na ng mga Pilipino ang napipintong kalayaan

11. Dahil sa pakikipag-asunto ang ilan ay inihambing si Kabesang Tales sa_____


A. asong pumatol sa tigre
B. kalesa na bumangga sa dyip
C. palayok na bumangga sa malaking kaldero
D. kambing na sumuwag sa Kalabaw

12. Paano ipinakita ni Huli ang sobra-sobrang pagpapahalaga sa kaniyang ama?


A. Para matubos ang ama ay nag-aral nang mabuti si Huli
B. Para matulungan ang amang nadukot sumangguni si Huli sa manggagamot
C. Para mabuo ang perang pantubos sa ama nagpaalila si Huli kay Hermana Penchang
D. Ang lahat na mga nabanggit ay tama

Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos,


bayan, kapwa-tao, magulang). F10PB-Ivd-e-88
V. Panuto: Basahin at unawain ang bahagi ng akda (Kabanata IV, Kabesang Tales)
na nasa kahon at sagutin ang kasunod na mga katanungan.

Noong taong iyon ay nagkatotoo ang kaniyang pangarap, manirahan sa pook na


maraming tao, sa isang bahay na tabla, sa nayon ng Sagpang, isang malugar na tao.
Iniisip ng ama at ng Ingkong na pag-aaralin ang dalawang magkapatid lalong-lalo na
ang batang babaeng si Huliana o Huli, gaya ng tawag nila, na sa wari’y magiging
kaakit- akit at maganda.
Si Basilio, isang batang lalaki na kaibigan ng kanilang angkan, ay nag-aaral na
noon sa Maynila, at ang batang iyon ay ipinanganak ding dukhang gaya nila.
13. Anong mahalagang plano ni Tata Selo bilang magulang ang lumutang sa akda ?
A. Ang ipadala si Huli sa Maynila tulad ni Basilio
B. Ang magkaroon ng magandang bahay ang mga anak
C. Ang pag-aralin ang mga anak kahit na sila ay mahirap lamang
D. Ang manirahan sa lugar na may maraming tao kasama ang mga anak
14. Paano mo mailarawan si Tata Selo bilang magulang batay sa bahagi ng akda?
A. Isang magulang na may mga kamay na bakal
B. Isang amang gustong masunod ang lahat ng ninanais
C. Isang magulang na may pagpapahalaga sa kinabukasan ng mga anak
D. Lahat ng nabanggit

Kasanayang Pamgpagkatuto: Naipaliliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang


sa akda kaugnay ng: karanasang pansarili / gawaing pangkomunidad / isyung pambansa
/ pangyayaring pandaigdig. F10 PN- IVf- 90
15. Batay sa akdang nasa kahon, plano ni Tata Selo na pag-aralin ang dalawang anak.
Ayon sa mga naging karanasan mo at sa mga nangyayari sa mundo ngayon, paano
kaya makatutulong ang edukasyon sa kabataang katulad mo?
A. Nakatutulong ito na hindi ka mauungusan ng iba
B. Napapadali nito ang pagpapasunod sa mga taong walang alam sa mundo
C. Inihahanda ako nito na magiging mabuting mamamayan, magulang,
manggagawa/lider sa hinaharap
D. Lahat ng nabanggit

Kasanayang Pamgpagkatuto: Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga


gamit ang angkop na mga salitang hudyat sa paghahayag ng saloobin/ damdamin. F10
WG- IVd-e-80
VI. Panuto: Ilahad ang iyong opinyon/ saloobin sa usaping makikita sa ibaba sa
pamamagitan ng pagdudugtong sa mga pahayag.

Planong gawing P20.00 ang kilo ng bigas sa bansa.

16.Lubos kong pinaniniwalaan na___________________________________________


17. Kumbinsido akong____________________________________________________
18. Sa aking pananaw_____________________________________________________________

Kasanayang Pamgpagkatuto: Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga


kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda. F10 PN- IVd-e- 85
VII. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kasunod na akda pagkatapos ay ilahad
sa loob ng dalawa o tatlong pangungusap ang opinyon mo hinggil sa kaisipang
nakapaloob dito.

Ang Sogie Bill ay may layong magbigay ng pantay na karapatan sa mga tao.
Pangunahing tagapagsulong nito ay ang mga taong kabilang sa ikatlong lahi o third
sex. Iwinawaksi nito ang konsepto ng diskriminasyon sa buong kapuluan.
19-20 __________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Batayan sa pagbibigay ng puntos Nailahad nang malinaw ang sariling opinyon o paniniwala-2
Hindi nailahad nang malinaw ang sariling opinyon/paniniwala-1
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI – Western Visayas
DIVISION OF SAN CARLOS CITY
QUEZON NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Quezon, San Canrlos City, Negros Occidental

Pangalan___________________________Baitang at Seksyon__________
Filipino 10
Performance Task 4 (Quarter4)
Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing.
F10WG-IVg-h-81

Panuto: Gamit ang angkop na mga salita sa paghahambing, ihambing ang iyong sarili
kay Huli batay sa mga katangiang tinataglay mo.

_______________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________

Pamantayan sa pagbibigay ng iskor

5 4 3 2 5- Napakahusay
Nilalaman
4- Mahusay
Kawastuhan(baybay,bantas,gamit ng
mga salita 3- Katamtaman
Pagkakaroon ng mga salitang
naghahambing 2- Nangangailangan pa ng pagsasanay
Kalinisan
kabuoan

You might also like