Solo Parent

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SOLO PARENT

JESSICA DANIAN GAJO kasal kay late ARNULFO PALMES GAJO


40 Years Old
Purok Sampaguita, Luma, Kiamba, Sarangani Province

KARANASAN/ESTORYA NG BUHAY

Bilang buhay may asawa, naranasan namin na nagkahiwalay sa loob ng


apat na taon. Pagkatapos naming magkabalikan, sa hindi inaasahang pangyayari
akala namin maaayos na ang lahat, pero hindi nagtagal inatake ang aking asawa
at namatay. Solong binuhay ang aking apat na anak. Hindi natapos dito ang
aking pagsubok, nagpursigi ako upang mapaaral ang aking anak pero ang anak
kong babae ay naging sakit sa ulo dahil nalulong sa bisyo at barkada at nagging
pabaya sa pag-aaral. Salamat nalang at nakinig pa rin sya sa mga payo at
nagpatuloy sa pag-aaral at ngayon ay nasa Grade 10 na ito. Pagkatapos, naging
kalbaryo ko na naman ang aking pangalawang anak na lalaki na naging suspek
sa panggagahasa at sa kasalukuyan ay nasa kulungan ngayon. Kahit na ganoon
pa man ang mga pangyayari sa aking buhay, bilang isang babae
napagtagumpayan ko ang lahat ng unos sa aking buhay sa tulong ng ating
Panginoon sa s’yang nagsilbing lakas ko at tumulong sa akin. Sa ngayon bilang
isang ina at ama sa aking mga anak ako’y nanilbihan bilang isang tindera sa
Talipapa/Palengke para matustosan ang lahat ng aming mga pangangailangan sa
pang araw-araw.

JESSICA D.
GAJO
Solo Parent

4Ps
Ako po ay si Rellyn Joy Y. Cervantes. Ipinanganak noong Febrero 5,
1989 sa Bagumbayan, Sultan Kudarat. Ako ay 35 taong gulang, may asawa at
apat na anak. Kami ay kasalukuyang naninirahan sa Purok Rosan, Barangay
Luma, Kiamba, Sarangani Province.

Bilang isang babae, asawa at ina, ginagampanan ko ang aking tungkulin


sa aking pamilya. Kahit hindi man ako naging perpekto sa kanila, ginawa ko pa
rin ang tungkulin sa abot ng aking makakaya. Simula noong isinilang ko ang
aking unag anak, nadama ko na ang aking pangamba sa magiging kinabukasan
nya. Hanggang sa naging apat na sila. Subalit ginawa naman namin ang aming
tungkulin bilang mga magulang nila. May mga pagkakataon rin na nararanasan
din naming ang paghihirap, ginagawaan rin namin ng paraan para matus-tusan
ang aming pangangailangan sa pang araw-araw.

Naranasan ko rin ang matinding pag-subok sa aking buhay simula noong


iniwan ko ang aking pamilya. Nangibang bansa ako para makatulong rin ako sa
mga pangangailangan nila dahil kulang ang kita ng aking asawa sa pangingisda.
Sa aking pag-alis, dala ko ang lungkot, hirap at sabik na makasama silang muli
sa aking pag-uwi hanggang matapos ang dalawang taon. Halos gabi-gabi akong
umiiyak sa kakaisip sa aking pamilya lalo’t minsan ko lang sila nakakausap ng
dahil sa limitado kong oras. Lahat ng paghihirap ay tiniis ko hanggang sa aking
pag-uwi sa Pilipinas.

Nagpapasalamat ako ngayon dahil maraming programa ang ating


gobyerno na pwede tayong tulongan. Marami na silang naibigay na tulong tulad
ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Isa rin ako sa mga
nabigyang binipisyaryo ng 4Ps. Malaking tulong rin ito sa amin dahil
nadagdagan ang pangangailangan naming pinansyal at marami na rin kaming
natotonan sa programa.

Rellyn Joy Y. Cervantes


4Ps
BMCW
Ako si Jessica Matabalao, 47 taong gulang, nakatira sa Purok
Sampaguita, Barangay Luma, Kiamba, Sarangani Province. Simpleng may
bahay at ilaw ng tahanan sa apat kong anak.

Bilang mag-asawa ng halos 26 na taon, naranasan ko din na parang


bibigay na sa relasyon namin ng aking mister dahil sa isyu ng pambababae.
Dahil sa tibay din at sa ngalan ng aming mga anak, hindi ito nangyari.
Pinagtibay pa rin kami ng tadhana. Ika nga may “Second Chance” pa nga.
Sinabayan pa ng panganay naming anak, na nagsasakripisyo kaming mag-asawa
para makapagtapos ngunit nabuntis lang din pala. Ito yung isa sa mga problema
na nagdulot sa akin ng matinding stress at migraine. Bilang ambag din sa aking
pamilya, ako ay may Sari-sari Store dahil si mister ay retired na at wala na ring
trabaho, kahit papaano ay makakatulong ito sa gastosin sa bahay at sa mga
kakailanganing pinansyal para matustosan ang pag-aaral ng aking mga anak. Sa
tulong ng Diyos, napagtapos ko ang aking pangalawang anak sa koloheyo.

JESSICA
MATABALAO
BMCW

PWD

Rachel Fermin Masgit kasal kay Jimmy Coltao Masgit


July 13, 1970 - 53 Years Old
Purok Sampaguita, Luma, Kiamba, Sarangani Province

KARANASAN/ESTORYA SA BUHAY MAY ASAWA AT BILANG


BABAE

Kabilang ako sa Indigenous People (T’boli Tribe) kaya maaga akong nag-
asawa sa edad na fifteen years old at sunod-sunod ang anak. Noong isinilang ko
ang ikapito kong anak nag desisyon kaming mag-asawa na magpa ligate dahil
din sa hirap ng buhay noong October 18, 2000. Kaya lang hindi naging
matagumpay ang operasyon dahil paglipas ng tatlong taon, muli akong nabuntis
at ang masaklap kambal pa. June 3, 2003, ilang beses din akong nakunan taong
2016 akala ko buntis na naman ako at naoperahan ulit dahil may iba silang
nakita. Pagkalipas lang ng tatlong buwan matapos akong operahan, muli akong
nagsumikap para sa pang dagdag sa mga gastosin ng aking pamilya. Ang hindi
ko talaga makakalimutan na nangyari sa akin ay noong ako’y naparalisa.
Hanggang ngayon, kahit ganito ang sitwasyon ko bilang isang ina, ako’y
nagsasaka at nagtatanim ng mga halaman para ibenta.

Rachel Fermin Masgit


PWD

YOUTH

Ako si Mailyn Lambuan, 23 years old, parehong IP ang aking mga


magulang, bunso sa siyam na magkakapatid. Sobrang mahirap po ng buhay
namin dahil ang aking mga magulang ay walang sapat na kita, pero sobrang
pasalamat ko sa kanila sa kanilang pagsisikap at sakripisyo nakapagtapos po
ako sa kolehiyo bilang BSHRM sa Golden State Kiamba Branch at malaking
tulong din ang Scholarship Program ng UNIFAST. Sa ngayon aktibo din po ako
sa mga activities sa Barangay bilang IP Youth at SK Kagawad rank number 3,
habang naghihintay ng pagkakataon na makapagtrabaho.

Mailyn Lambuan
Youth

You might also like