Download as pdf
Download as pdf
You are on page 1of 11
elebisyon, Patalastas, Rebolusyon UZ. ELISERIO ba kayo nagtataka na ang mga ad sa telebisyon at iba pang midya'y palaganap ng negatibong pananaw tungkol sa babae? Karaniwang presenta ng mga ad ang mga babae bilang (1) madumi, (2) pangit, ac cumpleto kung walang lalake. flakikita ang unang pambabalahura ng kababaihan sa mga ad para apkin. Sa kanyang The Second Sex, inilista ng Pranses na si Simone de or ang ilang pamahiin tungkol sa regla sa sinaunang panahon. Halim- hindi pinapahawak ang mga babaeng merong mens sa bigas—pinani- aan kasing mabubulok ito kapag nangyari iyon. Nakakatawa, at akala an lampas na tayo sa primitibong pananaw na ito. Ngunit pansinin natin Bg ad ng Modcss, ang may éagline na “Kayang-kaya . . Pinapakita ang g babae sa ad na nalalagay sa sitwasyong dadaan siya sa harap ng isang ce at hindi maiiwasang maharap ang kanyang likuran sa mukha ng lalake, teyang-kayang rumampa sa class. . . . Kayang-kayang tumabi sa crush . . .” fapagtataka na regla ang paksa ngunit pigi ng babae ang binibigyang- ensyon. Sa ganitong pagrerepresenta, pinapalabas ng ad na iisa ang puwet m puke: mababahong lugar na dapat ikahiya. Walang lugar ang konsidera- spong biyolohiko na proseso ang mens, at natural lamang ito. Sa dulo ng ad, nakaupo sa damo ang babac habang nagpipicnic, humiga ang lalake kanyang mga hita. Buti na lang at walang amoy! Koncektado ito sa ikalawang negatibong pananaw na pinalalaganap ng mga ad: ang pagiging banidosa at pangit ng mga babae. Dalawa ang atake Sg ganitong mga uri ng patalastas: gumagawa ng pangangailangan, at pag Eatapos ay mag-aalok ng sagot sa pangangailangang ito. Sandata rito ang ‘Pagpipilit sa isang imposibleng ideyal, madalas nating makita sa mga cover ng magasin: babaeng madalas maputi at lagi-laging “sexy.” Nakasalalay ang mga ad na ito sa binansagan ng Amerikanang si Naomi Wolf na “mito ng kagandahan.” Pinapalabas na may isang pamantayan ng ganda, at lahat ng 83 hindi umaabot sa ideyal na ito ay pangit at dapat itakwil. Makikita ang gani- tong paghuhubog ng kamalayan sa mga ad ng pampaputi, halimbawa ng Biolink at Block and White, Alalahanin natin ang patalastas ng Biolink na hindi lamang sexist bagkus ay racist pa, sapagkat pinapalabas na pangit ang mga kayumanggi. May bagong panganak ng babae na maputi, at lalapit ang kanyang asawa. Pokus sa anak: bakit maitim? Pinapalagay na iniisip ng lalake na may ibang kinakasama ang kanyang asawa. lyon pala, gumagamit ng Biolink. May karugtong ang ad na ito: ang binyag, Nagtaka naman ang pari sa hitsura ng bata, dahil maitim ito samantalang parehong maputi ang mga magulang. Tumingin ang pari sa kanyang kanan at nakitang puro maputi ang kamag-anak ng lalake. Sa kanyang pagtingin sa kaliwa nasagot ang misteryo: maiitim ang mga kamag-anak ng babae. Ang ganitong pag- atake sa mga babae'y makikita rin sa mga ad ng liposuction sa mga billboard. Katakataka na walang ganitong katumbas na patalastas para sa mga lalake, at dito natin makikita ang sagot sa tanong sa aking unang pangungusap. Iginigiit nga ng lipunan na kailangang maging “maganda” ang mga babac, at dapat gawin nilang lahat para umabot sa pamantayang ito. Masdan na lang natin ang buhok. Ang babae, dapat mahaba ang buhok. Napakala- king gambala ito sa kanilang pamumuhay. Magastos ang mahabang buhok, kailangan mong bumili ng mas maraming shampoo, at madalas mo rin dapat itong idaan sa parlor para sa hot oil o rebond. At madali ka pang masabunutan, kahinaan sa pisikal na komprontasyon. Ngunit ang buhok ay dapat sa ulo: lang ng babac! Kung meron siyang buhok sa itaas ng labi (bigote), sasa- bihan siyang pangit. Kung meron siyang buhok sa binti, sasabihan siyang pangit. Ac pag meron siyang buhok sa kili-kili? Hindi man lang siya itutu- ring na babac! At gaano ba kahirap na magtanggal ng buhok sa kili-kili? Ahitin man ito o gamitan ng tiyane, napakasakit na proseso. Ang kailangang itanong ay kung bakit ipinipilit sa mga babae ang gani- tong pagpapakasakit, pagwasak sa sarili: At bakit ito tinitiis ng mga/babac? Hindi naman mahirap sagutin. Isipin na lang natin ang isang ad ng Safe- guard, kung saan may isang batang nagalusan dahil sa pisikal na aktibidad. ‘Ang unang inisip ng kanyang ina: hindi na puwedeng manalo sa beauty pag- eant ang kanyang anak! Pag may galos ang bata, hindi na ito maganda, kaya hindi na ito mahalaga. Ang sukatan ng babae ay ang kanyang kagandahan. Bata pa lang, ito na ang isinasaksak sa ating mga isipan- Ang batang babae'y itinutulak sa pagturing sa kanyang pisikal na anyo bilang pinakaimportante tungkol sa kanyang pagkatao, at kung gayon hindi na siya dapat maglaro at baka magalusan at magkapeklat, Kung kaya, sa kakatapos pa lamang na telenovelang Kempanerang Kuba, kahit na nagkukunwari ang mga tauhan na ang mahalaga’y ang kabutihan at panloob na kagandahan, sa dulo ng pala- bas kailangan pa ring maging sexy at maganda si Anne Curtis na kapareha 84 —_KRITIKAL NA ESPASYO NG KULTURANG POPULAR Manzano. Sino ba nga naman, sinasabi ng palabas, ang papatol at 7 kta ngayon natin ito sa isyu ng pagsasalsal. Idinidikta ng lipunan | ang ang pagsasalsal ng lalake, pero bawal ito sa babae. Ang lum- ‘kasi, pag nagsasalsal ang isang babac, puta siya. Pero ano ba ang mipikasyon ng babaeng nagbibigay ng sarap sa sarili? Syempre, na hindi @ kailangan ng iba, na hindi niya kailangan ng lalake para magkaroon tispaksyong sckswal. Tingnan ang kabuktutan: ang babac’y dapat gu- it ng nagbibigay-kanser na pamputi, pero bawal magbigay ng kasiya- sa sarili. "Ang pagiging di-kumpleto ng isang babae kung walang lalake'y pinalala- wp din sa mga fairy tale mula sa Kanluran. Halimbawa na lang sina Sleep- Beauty at Snow White, na hindi makakagising kung wala ang prinsi- eng hahalik at magliligtas sa kanila. Katulad din nila si Cinderella, na hindi rat sa buhay kung walang papakasalang mayaman. Alalahanin din natin mga kuwentong ito, ang kaaway ng mga bidang babac ay mga kontra- ang babac. Ibig sabihin, kaaway ng mga babac ang kapwa nila babae, @ ang dapat ay kumapit sa mga lalake. Ito kung gayon ang koncksyon ng ssa, pangalawa at pangatlong pang-uusig ng mga patalastas sa mga babac: bekit ba ayaw ng babaeng may regla na maamoy siya? Bakit ba kailangang spaputi ng isang babae, upang maging maganda? Ito’y dahil kailangan = mga babae ang lalake. Alalahanin natin ang ad ng Rejoice. May babac at Blake, ang lalake’y nagmamancho ng kanyang kotse. Ang babac’y pasahero maganda ang buhok. Nang bumilis ang pagpapatakbo ng kotse, nasira g buhok ng babac. Ayaw na sa kanya ng lalake! Sa ad na ito, ang lalake’y may kotse, ibig sabihin, meron siyang pera, ong kapangyarihan. Ang babae? Meron siyang buhok. Sa mga ad.na ito nakikita at pinapalaganap ang patriarkiya, sistemang? itikal at ‘sosyo-ckonomikal na nagbibigay pribilehiyo sa mga-lalakepat sasadlake'sa: mga babae sa karukhaan. Tropeyo lamang ng mga lalake, 0 kaya’y laruan, E ano naman ngayon kung puro sexistang imahen sa mga patalastas? Konek- tado ang mga sexistang imahen sa mga sexistang gawain. Halimbawa, panggaga- ‘hasa. Tto ang patawa: nang masentensiyahan si Daniel Smith sa panggagahasa kkay Nicole, meron daw nagsabing: “Sana ako na lang ang niteyp.” Paano’y gwapo si puti. Unang mito, ayos lang magahasa kapag guwapo ang kriminal. Koncktado ito sa ating paniniwalang hindi nagagahasa ang mga “pangit” {ic., ang hindi tumutugma sa depinisyon ng ganda ng industriya ng cos- ‘metics), pati na rin sa kiling natin na kapag nakadama ng sarap ay hindi na ginahasa ang babac. Madaling basagin ang unang binanggit: hindi naman Eliserio - Telebisyon, Patalostas, Rebolusyon 85 talaga pagnanasa ang dahilan ng panggagahasa; hindi lang mga ma, kundi mga “pangit” ang narereyp, pero pati na rin matandang-matanda, mga bata. Mas masalimuot ang ikalawang paniniwala, pero isipin ito: pag niliti ka'y mahirap pigiling tumawa, pero hindi ibig sabihing hindi ka tawa. At ang titi, kahit ayaw ng may-ari sa naglalaro nito, bigyan ng na panaho’y lalabasan ng tamod. May ilang gawain ang katawan na hit nakokontrol ng ating: loob. Tkalawang mito, hindi naman talaga ginahasa si Nicole, dahil sino matinong babac ang sasama't makikipag-inuman at sayawan sa mga lal sa kung anong oras ng gabi? Sa madaling salita, ang akusasyon dito'y landi si Nicole, o di kaya’y puta na nakakita ng oportunidad na kumita ng pera at maging sikat dahil sa kontrobersya. Narito ang lohika ng patti kiya: kapag maikli ang damit puwede nang silipan, kapag manlalandi p' deng gahasain. Pero ang hindi ay hindi, at ang taong wala sa kanyang sarili’y hindi makakahindi kahit gusto pa niyang humindi. At isa pa, kahit puta pu- wedeng gahasain. Ang problema’y ito: galit tayo sa mga babaeng hawak ang kanilang sekswalidad, kaya natutuwa tayong nagagahasa sila. Ang isip natin, “Naku, noon pa naman ‘yan di birhen. Buti nga.” Tkatlong mito, ginagamit ng mga babae ang isyu ng panggagahasa para mania ng mabuting pangalan. Ngunit isipin, gaano kalaki ba ang puwer- sang nananakot sa isang babacng ginahasa na nais magdemanda? Punto nga ni Susan Brownmiller, kapag hinoldap ka, sinaksak, hindi ka naman mag- tatago ng mukha kapag nagsusumbong ka sa batas. Bakit ba kailangang. magtago sa pangalang Nicole si Nicole? Dahil sa ating pagtingin, ang ba- baeng nagahasa'y madumi. Ang panggagahasa lang ang krimen kung saan ang ginawan ng krimen ang gumagamit ng alias. Lumalabas na si Nicole pa ang kriminal dahil ginahasa siya. Ngayon, si Smith at ang kanyang mga kasama, madalian ba ang proseso ng kanilang kaso? E muntik na ngang hindi masampahan! Meron silang abugadong todo ang simpatya at pag- tatanggol, hindi sila sa bilangguang nakadetine, lantad sa publiko ang kanilang estado ng kalusugan. E ang mga nakapiit sa Guantanamo Bay? Napakabait ng ating kortc at gobyerno sa mga dayuhang kinasuhan! Alalahanin natin ang slogan ng mga feminista: ang personal ay puliti- kal. Dapat nating tingnan ang kaso ni Nicole hindi bilang isang pirasong kuwentong walang kinalaman sa nagaganap sa ating paligid. Hagay natin sa konteksto. Una, hindi lang naman si Nicole ang babaeng nagahasa sa Pilipinas. Kung gayon, ang panggagahasa'y hindi personal na insidente, kundi manipestasyon ng patriarkiya. May koncksyon ang ating mga pag- kiling at palagay hinggil sa mga babae at ang ating mga ginagawa sa mga babae. Mula sa patalastas ng Skin Whitener hanggang sa ayaw-nang-pan- sining problema ng prostitusyon, mahihinuha nating nakatira tayo sa isang 86 —KRITIKNAL NA ESPASYO NG KULTURANG PopULAR tal na lipunan na nagpapalaki ng mga lalake (at babac) na namu- mga babae. Kung gayon, matibay ang relasyon ng mga sexistang ‘at praktikang: misogynistic. Pangalawang konteksto, hindi lamang a ng kasarian ang nanunuot sa kaso ni Nicole, kundi usapin din ng ng na lang natin, bakit ba may sundalong Amerikano sa Pilipinas? may Visiting Forces Agreement? Synecdoche ang kaso sa militaristiko omikong dominasyon ng Amerika sa daigdig. Kung walang sunda: nerikano sa Pilipinas, walang sundalong Amerikano ang makapang- sa sa Pilipinas. At ang tanong, kung gayon, ay paano natin mapapa- g mga sundalong Amerikano sa Pilipinas? At ang tanong, kung gayon, no natin wawakasan ang militaristiko at ekonomikong dominasyon ng sa Pilipinas tungo sa pandaigdigang demokrasya? ito isyu ng pagkamuhi sa mga puti ang balat, ito’y isyu ng kata- m. Hayaan akong magtapos sa pamamagitan ng isang sipi mula sa Briton na nanahan sa Amerika: Maligayang Pasko, sa Itim at Puti, sa Pula at Dilaw Icigil na natin ang lahat ng labanan. Tapos ang digmaan, kapag gusto mo ‘Tapos ang digmaan, kapag gusto mo kamay natin ang kapangyarihang wakasan ang panggagahasa, ang pi, ang giyera, ang pananamantala ng imperyo. Ang punto ni John dapat nating baguhin ang mundo. 4 Anong klaseng mundo ba meron tayo? Mundo ng telebisyon? _ Sa pagbugbog ni Manny Pacquiao kay Erie Morales, makikita natin ang long mapanganib na katangian ng telebisyon. Una, ang pagkiling nito. lawa, ang pagwawalang-halaga nito ng lahat. At pangatlo, ang paghi- y nito sa atin sa tunay na mundo. ‘Tungkol sa pagkiling: marami sa ati'y naniniwala na pagdating sa balita, mnsparent na midyum ang telebisyon. Na ito'y nagpapalaganap ng neutral ets, ng katotohanan. Ngunit pagkatapos ng laban ni Pacquaio, pagkatapos siyang intcrbyuhin, bumaling si Quinito Henson sa kanyang kaliwa, at inin- terbyu naman si Mike Arroyo, Ang Arroyo, may dalang cellphone, at ‘sa harap ng lahat ng manonood, binati ni Gloria Arroyo si Pacquiao. Bakit si GMA ang ipinakitang nagbibigay ng congratulations kay Pacquiao, bakit ang kanyang opinyon tungkol sa pagkapanalo ni Pacquiao ang iniulat? Bakit, sabihin na natin, hindi ang opinyon ni Satur Ocampo? E. ano naman ang alam ni Satur Ocampo tungkol sa pagboboxing, itatanong n’yo. E ano maman ang alam ni GMA tungkol sa boxing? E, isasagot n'yo naman, si GMA presidente ng Pilipinas, si Ocampo, congressman lang. Eliseria - Telebisyon, Patalastas, Rebolusyon = 87 = ‘$1 sagot na iyan makikita ang pagkiling ng telebisyon. Hindi simpleng: sinasabi nito ang ibig nitong sabihin, at ibig nitong sabihin ang sinasabi nito. Sabihin na nating nag-uulat ito ng facts, pero aling facts? Nag-iinter- byu ito ng mga eksperto, at ibang mahalagang personalidad, pero sinong cksperto, sinong mahalagang personalidad? At gaano katagal ang ibinibigay na panahon sa balita upang isahimpapawid ng mga taong ito ang kanilang opinyon. Halimbawa, kung merong rali, lang segundo ang ibinigay sa mga militante upang ipaliwanag ang kanilang mga pananaw? Mcrong adminis- trador ang telebisyon, at iniedit ang facts na ating nakukuha. Tulad din sa mga libro ng kasaysayan, sa likod ng impormasyong ibinibigay, sa likod ng. mge katotohanang ipinapahayag, merong halagahan. Konektado "yan sa ikalawang mapanganib na katangian ng telebisyon. Tangkol sa pagwawalang-halaga ng lahat: bukod sa pagbugbog ni Pacquiao kay Morales, alin pang balita ang iniulat sa palabas na pinanood n'yo? Malamang tungkol sa mga nakatakas na miyembro ng Magdalo, siguro ilang pagnanakaw at pagpatay, sigurado ang pinaka-latest sa showbiz. At pagi- tan ng mga ito, mga komersyal. Halimbawang estruktura: Pinaslang na Es- cudero, inilibing na! Komersyal ng deodorant! Manny Pacquiao, binugbog si Morales! Komersyal ng becr! Claudine Barreto, nakipagbangayan sa may ari ng Ys! Magazine! Komersyal, komersyal, komersyal. Sa:pagsasalansanungy mga balita sa komersyal, lumalabas na kasing halaga lang ngimpormasyon tungkol sa pagpapaganda ng: buhok sa pamamtagitan ng:Sunsilk‘angrimpore masyon tungkol sa tangkang pagbabago ng/ating Saligang BataswAekung, titingnan ang haba ng segundong inilalaan, lumalabas namasmahalagaang; adkaysa balita. Talaga namang mas mahalaga sa telebisyon ang komersyal kaysa katoto> hanan. Isipin na lang ang mga balita tungkol sa panggagahasa: kung ikaw ang administrador ng ulat, at pinagpipilian mo: balita tungko! sa pangga~ hasa ng lolo sa apo at pagkagahasa ng isang dispatsadora, ano ang pipiliin mo? Syempre, 'yung sa lolo, dahil incest, mas kontrobersyal, mas pumupu- kaw ng atensyon, mas hahatak ng manonood. Isa pa: malungkot mang aminin, pero napakaraming panggagahasang nagaganap sa Pilipinas oras-oras, araw-araw. Bakit iilan lang ang balita tung- kol sa panggagahasa ang iniuulat? Bakit, halimbawa, magbabalita pa tung- kol sa mga toro sa Colombia? Bakit mahaba ang panahong inilalaan sa “Mga Kwento ni Marc Logan”? Sapagkat kung puro panggagahasa ang ibabalita, kung paulic-ulit, mababagot ang mga manonood. At kapag sila'y nabagot, hindi na sila manonood, Masamang balita para sa mga may-ari ng telebi- syon, dahil kung mababawasan ang manonood, mababawasan ang mga magpapakomersyal sa estasyon. Mababawasan ang kita! Ang katotohanan BB —_KRITIKAL NA ESPASYO NG KULTURANG POPULAR $a panggagahasa, kung gayon, ay nagsisiliai lamang para mabitag ‘manood tungkol sa Nescafe. Miasy At sino naman kasi ang may gusto sa katotohanan? Tungkol sa paghiwalay ng telebisyon sa atin sa tunay na mundo: ilang ang nilaan n'yo sa panonood ng laban ni Pacquiao? Nagsimula ang ng alas dyes, natapos ng ano, alas dos? Isa pang tanong: ilang oras inilaan n'yo sa panonood ng telebisyon? Isang oras? Dalawa? Lima? Ka- ing araw? Oras na sana'y nailaan sa mas mahalagang gawain, Tulad ng ‘Tulad ng pag-aanalisa ng sosyo-ekonomiko at pulitikal na kondisyon ating bansa. Sa interbyu ni Henson kay Pacquiao pagkatapos na pagkatapos ng laban, ng ni Henson: ano ang mensahe ni Pacquiao para sa mga Filipino? sagot: pagkakaisa ng Pilipinas. Tulad na rin ng mga linya sa kanyang ) “Para sa pagkakaisa ng bayan ko.” Nakakatawang ang isang: taong buhay sa isang bayolenteng laroy nagsasalita laban sa gulo at dahas. hindi nakakatawa’y ang katotohanang hindi naman payapa ang Pilipi- sapagkat marahas ang kaayusang ipinapataw ng mga multinasyunal na panya, at ng iilang mayayamang pamilyang sakal-sakal ang ating lupain, ating mga Filipino. Totoong para sa atin ang laban ni Pacquiao, para sa patuloy na pagkaalipin. Mahal natin si Pacquiao. Mahirap lang siya noon, pero ngayo’y abot- na ang mga pangarap Mayaman, sikat na sikat. Sa mundo ng telebi- syon, ang mga nagtitiyaga'y nagtatagumpay. Sa mundo ng telebisyon, isang pindot lang sa remote control mawawala ang banta ng kudeta, ang milyong iskwater, lahat ng problema. Binubura ng telebisyon ang ating masasamang alaala. Pero dapat mag-ingat si Pacquiao. Nasa rurok siya ngayon, pero sa mundo ng telebisyon, madali natin siyang kakalimutan. Tulad na lang ng mangyari sa isa ring boksingero galing General Santos, ang tinaguriang Bad Boy ng Dadiangas, si Rolando Navarete. Sino siya? “Manny Isa Kang Bayani,” proklamasyon ng isang poster sa EDSA. Totoo, bayani tulad ni Darna. Bayani sa mundo ng telebisyon. Ang problema: hindi naman tayo sa mundo ng telebisyon nakatira. Anong klasebang mundo meron tayo? Mundokung-saan lahat-ay.ipinagbibili® “Beautiful mornings served everday” ang bagong tagline ng McDonald's. Anong nangyari’t pati-magandang umaga’yenakabase=na saviyong/kakaya- bangbumili?, Kapag pumasok ka sa kahit anong fast food restaurant, ngingi- tian ka’t babatiin ng mga empleyado, at pagkatapos mong kumai’y magpa- pasalamat sila sa iyo, at aayain kang bumalik. Ngunit mawawala lahat ng ito kung wala kang pera. Pera ang nagpapatakbo sa ating lipunan, hindi na Elisetio ~ Telebisyon, Potalastos; Rebolusyon 8g mahalaga ang mga tao bilang tao, kailangang ang tao'y mapagkakakitaan. -Lahat pinagkakakitaan. Ika nga nina Marx at Engels sa The Communist Mani- Sesto (38): fi The bourgeoisie has stripped of its halo every occupation hitherto honoured and looked up to with reverent awe. It has converted the physician, the lawyer, the priest, the poct, the man of science, into its paid wage-labourers. The bourgeoisie has torn away from the family its sentimental veil, and has reduced the family relation to a mere money relation. Sa ganitong sistema hindi na nakapagtataka ang pagkanta ng mga bata ng “No Touch” sa Goin’ Bulilit nitong nakaraang linggo, ika-5 ng Pebrero. Gag show sa ABS-CBN ang palabas na ito, pero ano nga ba ang nakaka- tawa sa mga siyam hanggang labing-isang taong gulang na mga lalake at babae na umiindayog sa awit na may mga linyang, “Pahipo naman, pahawak naman, dina kita, matsansingan”? Isa sa kanila’y si Kiray, kulot ang buhok at morena. $a napakarami nang episode ng Goin’ Bulilit, siya ang tampulan ng insulto. “Pangit” kasi si Kiray, ayon sa pamantayan ng ating patriyarkal at kontra-Filipinong lipunan, kaya siya ang gumaganap na biyenan, o kaya'y multo, o kaya’y iwinawaksi ng mga lalake (na pilit pa ring naghahabol), ltoly pang-aabuso ng bata, naglalantad sa pagiging ipokrito ng Channel 2, na madalas ipinagmamalaki ang kanilang mga misyon ng pagsasalba sa proyektong Bantay Bata at Gawad Kalinga. ‘Ang panlalait bilang patawa, ang pang-aabuso bilang paghahanap ng tubo, ay kakikitaan ng katumbas sa Bubble Gang. Bagaman matanda, pareho lang ang artistang si Diego kay Kiray, Meron halimbawang kanta si Michael V. sa gag show, “Wag; Ninyo Kaming Pansinin” ang pamagat, na may mga lin- yang “Pangit ka! Baluga ako! Hanggang tawanan na lang ba tayo?” habang ang pinapakitang video'y ang pagpunta ni Diego sa isang mangguguhit, na tatanggihan ang kanyang pag-order ng sketch dahil masyado siyang maitim at pangit lang ang magagawang drowing, Samakacuwid, Kapamilyaiman®® Kapuso, nilalamon.ang dignidad para'sa pera. Ngunit sino nga ba ang hindi magbebenta ng dangal sa isang sistema kung saan pag-aari ng iilan ang lupa, makinarya, likas-yaman at ang bawat produkto ng lakas-paggawa ng nakara- rami? Sa kapitalismo, hindi nakikita ng isang manggagawa ang kanyang rela- syon sa buong proseso ng produksyon, kaya hindi niya natatanto na wala ang sistema kung wala siya. Hindi na-natin nakikita ang atingemgassarili bilang- manlilikha, kundi, bilang mambibili na-lamang. Sintomas nito ang nabanggit sa itaas na pagtutunggali ng Kapamilya (Channel 2) at Kapuso (Channel 7). Ito na ang paraan ng iyong pagbibigay-kahulugan sa iyong buhay, sa iyong identidad: ano ang iyong channel na tinatangkilik? Ano go _KRITIKAL NA ESPASYO NG KULTURANG POPULAR — g kinokonsumo? Wala na tayong awtentikong komunidad, wala na g organikong relasyon sa isa't isa. Kaya nga ngingiti at sasayaw atmag- lait ako sa iyo, basta merong pera. napasok na tayo sa usapin ng kultura. Tutal naman nabanggit na ang lonald’s, magtungo naman tayo sa Jollibee. Kamakailan kinanta ko sa ing mga estudyante ang “Sabado Song,” iyong may linyang, “Isang tulog ng, Jollibec na naman, ang araw lulubog, bukas mabubusog sa Chicken ok at Yumburger bilog.” Mangilan-ngilan lang ang nakakilala ng it. Paano'y nakalimutan na ito, laos na. Sabagay, sino nga naman ang sa isang ad? Ngunit sa kapitalismo, lahat nagiging ad. Halimbawa, ting mga t-shirt at pantalon, prominente ang brand para maipagmalaki Sa telebisyon, hindi lang sa pagitan ng mga palabas kundi sa loob , merong ad. Sa pelikulang Feng Shui, na dapat ay horror, nasira ang nang magbenta si Kris Aquino ng Purefoods Chunky Cornedbeef. radyo naman, kung saan napakaimportante ng boses, sa iisang tinig nag ita at nagbebenta ng Liveraid si Mike Enriquez. Dumaan ka sa EDSA, mukal na dillboards ang iyong makikita, puro ad, kahit na dineklarang panganib ang mga ito kapag bumabagyo, Kasi nga, mas importante ang era kaysa tao. . Ngunit kung ang tanging kultura nati’y kuleura ng ad, hindi tayo magi- g buo bilang bayan. Kung ako ay maka-Ginebra at ika'y maka-Alaska, mas madali tayong masasakop. At, sa totoo lang, hindinga ba’tsakop naman o? Kaninong mga pelikula, kaninong mga sapatos, kaninong paraan ng jumuhay ba ang ating gustong-gusto? Kung dumating na nga ang ating tatakutan at pakikialaman ang ating Konstitusyon, maaari nang arin ng: ‘mga dayuhan ang lupa sa Pilipinas nang isang daang porsiyento! May mag- Sasabi: kailangan natin ng mga banyaga para sa investment! At, iyon na nga, bumabalik tayo sa kung ano nga ba ang kahulugan ng pagpalit ng dangal at dignidad para sa pera. Nakalimutan kasi natin na wala ang mundong ito kung wala ang ating lakas-paggawa, na tayo ang lumilikha ng mundo. Na- kikita na lang natin ang ating mga sarili bilang bénibili at mambibili. Parating na ang cleksyon, at katulad ng dati'y pare-parcho ang mga kandidato: mga balimbing, mga trapo, mga artista, mga taong sa sobrang: kapal ng mukha, hindi pa simula ng’ campaign period ay nakikita na natin ang propaganda sa telebisyon, at mga poster sa kalsada. Pagpunta mo sa MeDonald’s 0 Jollibee, puwede kang pumili ng Coke o Sprite, pero hindi ng Pepsi. Paano, bago ka pa man pumili, may pumili na para sa iyo. At ganito rin ang takbo ng mga cleksyon sa Pilipinas, parang multiple choice exam kung saan ang A, B, Cat D ay mali lahat. Ngunit ang esensyang-Leninistangekala> yaan, ayon.sa:pilosopong:si Slavoj Zizek, ay hindi-ang pagpili-sanapagpir liannaykundi'sa pagpilimgpagpipilian. O, sa ibang salita, hindi dapat tayo Eliserio - Ielebisyon, Patalastas, Rebolusyah gv manatili sa antas ng maka-Arroyo o maka-Estrada ba ang ating pipiliin. Ang tanong ay: pajgkaalipinibao'kelayaan® "Beautiful mornings served everday” ba o kasarinlan? Tubo © tao? Kiray—o rebolusyon? Sa simula ng ikalawang bahagi ng pelikulang Full Metal Jacket, ipinakita ang isang papalapit na babae. Ang mata ng camera, at kung gayon, ang mata ng manonood, ay unang. pumokus sa mga paa ng babae, pagkatapos sa mga binti, pagkatapos sa buong katawan, sa huli isinama pati ang mukha. Saka pa lamang natin maiintindihan ang nangyayari sa pag-zoom out ng camera at pagpapakita ng buong eksena. Puta ang babac at papalapit siya sa dala- wang sundalong Amerikano, Isa na namang karaniwang araw sa gitna ng giycrang Vietnam-Amerika, Ang mahabang paglalarawang ito’y para lamang ipaliwanag ang katotohanang hindi lang natin pinapanood ang isang peli- Kula, Inilalagay tayo ng pelikula sa posisyon ng titingin sa katawan ng babac, sa posigon ng dalawang Amerikano, sa posisyon ng heterosexual na lalake sAng manonood ay nililikha ng pinapanoods, Hindi lang pelikula kundi lipunan, ang mga ispesipikong operasyon ng lipunan, ang naglalagay sa atin sa mga ispesipikong posisyon, Ganito ang isang gamit, ayon sa pilosopong si Antonio Gramsci, ng hegemoniya: hindi man natin naiintindihan kung paano ang pasikot-sikotng:ekonomiya at politika, may nasa posisyon naumintindi para savatin. Inaagaw saatinang posisyong ito, at dahil nga:meron nang nasa posisyong ‘umintindi na-tema- tayo para saatin, inaabandona natin ang posisyong, “ito. Halimbawa ang isang manggagawa sa pagawaan ng manyika. May taga- kabit ng buhok, may tagasuot ng sapatos. Ang nakikita lang ng tagakabit ng buhok ay ang kanyang pagkabit ng buhok, hindi niya alam kung paano magkabit ng sapatos. Hindi lang iyon, hindi niya nakikita ang kabuuan ng sistema, Dahil siya ay nasa posisyon ng pagkabit ng buhok /amang, hindi niya nakikita na walang manyika kung wala siya, na walang kita kung wala siya, na walang halagang malilikha kung wala siya, na wala ang sistema kung wala siya. O, isipin na lang ang isang nanonood ng telebisyon, ng Wowower 0 Eat Bulaga. Nasa posisyon siya ng panonood, at sina Willie Revillame at Vie Sotto ang nasa posisyong magbigay ng pera. Ngunit ang nakakalimutan ng manonood ay walang perang maipamimigay sina Willie at Vic kung walang pagpopondo ng advertisers, ng mga kompanya. At wala ang pera mula sa mga palatastas kung walang manonood. Inilalagay tayo ng, estrukturang kapitalismo sa posisyon’ng kahinaan, samantalang tayo naman talaga ang malakas. Tayo ang dapat nasa posisyon ng kontrol, ngunit inaagaw:itoysa atinjaraw-araw: Maikukumpara natin ito sa pagpapaliwanag. ng pilosopong si Slavoj Zizek sa canned laughter sa mga komeding palabas sa telebisyon. Ngayon, ang silbi ng komedi’y patawanin tayo, at ang manonood ang dapat matawa, 92 _KRITIKAL. NA ESPASYO NG KULTURANG POPULAR ang gamit ng canned laughter ay ang okupahin ang posisyon ng tumatawa. nang tumatawa para sa atin. Sa counter ng mga fast food restaurant lipinas, makakakita tayo ng mga lata ng Bantay Bata o Caritas. Konting lang, sabi ng mga lata, at malaking tulong na. Hindi mo na kaila- tumulong, meron nang tutulong para sa ‘yo. May tumatayo na sa nating lugar: hindi na tayo ang nasa posisyong umintindi, hindi na tayo “nasa posisyong tumawa, hindi na tayo ang nasa posisyong tumulong. Punto ng mga awtor ng The Anti-Development State na sa eleksyon sa Pili- walang kandidato mula sa hanay ng maralita ang maaaring taumakbo presidente. Dahil sa estruktura ng politika at ckonomiyang Filipino, ilangan ng sandamukal na pera para tumakbo bilang meyor, repre- tibo, senador o presidente. Kung gayon, inilalagay tayo ng estrukeura sa posisyon ng pagpipili sa iilang mayaman para mamuno sa atin. sa estruktura, wala tayo sa posisyong itakda ang ating kinabukasan. estruktura ang lumilikha ng tao, Kung gayon, hindi na tayo binubulag ng deolohiya sa realidad, ang realidad na mismo pampulitikang political ads @ telebisyon ni Prospero Pichay, May batang magsasabi: “Pangarap kong in ng masarap at masustansya.” May drayber na magsasalita: “Panga- kong wala nang kotong sa lansangan.” Lalabas si Pichay at idedeklara: ap kong tuparin ang mga pangarap n’yo.” Sa estruktura ng politika ‘ekonomiyang Filipino, hindi tayo ang nasa posisyong tumupad ng ating mga . Madali na ang konklusyon: kailangang wasakin natin ang estruk- upang maibalik ang ating mga sarili sa posisyong dapat tayo ang umo- : pag-intindi, pagtawa, pagtulong, pagtakda ng ating pangarap. Ang ilang bahagi ng sanaysay na ito ay unang lumabas sa Pinoy Weekly. Talasanggunian Marx, Karl, at Friedrich Engels. 1968. The communist manifesto. Mula sa Selected works. New York: International Publishers. Zizek, Slavo}, 2001. On belief. London: Routledge. Eliserio - Telebisyon, Potalastas, Rebolusyon 93

You might also like