Suri

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KABANATA I

Panimula o Introduksyon
Bilang resulta ng kakulangan ng trabaho sa Pilipinas at pagkakaroon ng mga
pagkaktaon sa iba't ang mga pilipino ay patuloy na nangingibang-bansa sa iba't ibang
mga bansa. ang mga ibang mga magulang ngayon ay hindi na nakikipag-ugnayan sa
kanilang anak ng maayo at ang mga pamilya na imigrante sa ibang bansa. bukod pa
rito, sila ay nakikipag-usap sa isa't isa sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya
bilang isang paraan ng komunikasyon. Ang social media o ang pag gamit ng Facebook
ay nagdulot ng maraming pagbabagong pampamilya.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag aaral na ito na may paksang “Kamusta Po Kayo Diyan? Epekto ng
Facebook sa Padron ng Komunikasyon ng mga Anak sa mga Pilipinong Transnasyonal
na Pamilya” ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Pagtukoy sa mga salik na problemang kinakaharap ng mga OFW sa pakikipag


komunikasyon sa kanilang pamilya
2. Pagsusuri ng facebook bilang padron ng komunikasyon sa pagitan ng magulang
at anak
3. Pagtuklas sa mga problemang kinakaharap ng Magulang sa pakikipag sapalaran
sa ibang bansa
4. Paghahambing ng pisikal at online na interaksyon sa mga anak sa kanilang mga
OFW na magulang.

Kahalagahan ng Pag aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang magbahagi ng ilang impormasyon tungkol


sa epekto ng pag gamit ng facebook sa pakikipag usap o paraan ng pakikipag
komunikasyon sa imigranteng pamilya. nais ng mananaliksik na maunawaan ang pag-
aaral ng epekto ng paggamit ng Facebook sa pakikipag-usap sa imigranteng pamilya ay
nagbibigay-daan sa pag-unawa sa mga pagbabago sa komunikasyon. Ipinakikita ito ng
mga pag-uusap na nagaganap sa pamamagitan ng mga pabalita, post, at iba pang mga
online na platform at sa pamamagitan ng paggamit ng Facebook, maaari kang
magkaroon ng mas malalim na koneksyon sa iyong imigranteng pamilya. maaari kang
magbahagi ng mga personal na karanasan, mga kuwento, at iba pang mga detalye na
nagpapalalim pa lalo ang inyong ugnayan.

Mahalaga din higit sa lahat ang pag-aaral na ito upang maipahayag o maikalat
ang mga impormasyon maari din maka tulong ang facebook sa pagbibigay-daan para
kumalat ang impormasyon tungkol sa anumang paksa. maaari kang magbahagi ng
balita o impormasyon tungkol sa isyu o eventuwalidad na maaaring makatulong o
makahulugan para sa iyong imigranteng pamilya.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag aaral na ito ay nakatuon sa karanasan ng mga anak at ibang pang
kasapi ng pamilya na humaharap sa pang araw araw na hamon dahil sa pagka sabik sa
kanilang OFW na magulang. Ang pag aaral na ito ay naka pokus sa perspektibo ng
mga anak ukol sa kanilang mga magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa,
samakatuwid ang pag aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga dagok na suliranin
ng mga pamilyang gumagamit ng facebook bilang kanilang padrong pang
komunikasyon. Ang mga mananaliksik ay nililimitahan ang kanilang pag aaral sa mga
transnasyonal na pamilya na aapektuhan ang padrong pang komunikasyon gamit ang
facebook.

Metodolohiya

Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng Kuwalitatibong pananaliksik na kung saan


nag lalakip ito ng mga datos na may mga numero. Ispisipiko, ginagamit nito ang
diskriptubong paglalarawan na kung saan ito ang pinaka angkop na disenyo ng
pananaliksik sa pag-aaral na ito. Ang pangunahing layunin ng ganitong uri ng
pananaliksik ay upang ilarawan ang mga datos at mga katangian tungkol sa gampanin
ng barayti ng wika at pinakamainanm na gamitin nito para sa pag-aaral ng katotohanan
at pagkakasangkot nito sa pakolekta ng datos sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
kwestyoner, mga obserbasyon at mga panayam na importante sa pag aaral. Ang mga
napiling respondyante sa pag aaral ay ang mga anak na may magulang na
nagtatrabaho sa ibang bansa at mga magulang na OFW.

Depenisyon ng mga Terminolohiya

1. OFW – Overseas Filipino Workers


2. Padron - isang ulit-ulit na disenyo o modelo na ginagamit bilang gabay o
pinagbabasehan sa paggawa ng isang bagay.
3. Transnasyonal na pamilya - ang transnational ay ang pamilya kung saan ang
mga miyembro ay nabubuhay sa kadalasan nang hiwalay sa isa't isa
4. Imigrante - isang indibidwal na lumipat at naninirahan sa ibang bansa o lugar
para maghanap ng mas magandang oportunidad o kalidad ng buhay nang
permanente.
5. Facebok - Ang Facebook (literal na "aklat ng [mga] mukha") ay isang social
networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo at pag-aari ng
Facebook, Inc. na isang pampublikong kompanya.

You might also like