Wikang Filipino Sandigan Sa Pag Unlad NG Agham at Teknolohiya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

WIKANG FILIPINO SANDIGAN SA PAG UNLAD NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA

ABSTRAK
ANSELMO A SANDOVAL MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
PULONG BALIBAGUHAN

SA BAHAGYANG PAGTUPAD SA MGA KINAKAILANGAN SA PILING LARANG

CHERRY MAE DE LEON


PRINCESS NICOLE LARA
MAGNESIUM
2024
Ang agham at teknolohiya ay mahalagang sangkap sa pag-angat ng wikang

Filipino dahil ito ang susi sa pag-unlad ng bansa. Ang Wikang Filipino ay katutubong wika na

ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon. Ang agham ay sistematikong

sangay ng karunungan base sa katotohanan na nakalap sa obserbasyon at

eksperimentasyon, ang teknolohiya naman ay sistematikong pagturing sa sining. Ayon kay, Dr.

Fortunato Sevilla III "Mas malaya ang pagtatanong at mas buhay ang talakayan sa wikang

Filipino." Ito ay nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mas malawak na paggamit

ng wikang Filipino sa iba't ibang larangan ng kaalaman at teknolohiya. Sa pamamagitan ng

mga makabagong kagamitan at pamamaraan, mas nagiging madali at epektibo ang pag-aaral

at pagtuturo. Sa Artikulong "Pagsulong ng Agham at Teknolohiya sa Pamamagitan ng Wikang

Filipino" binibigyang-diin nito kung paano nakatutulong ang Wikang Filipino sa pag-unlad at

pagpapalaganap ng agham at teknolohiya sa Pilipinas. Isa sa mga pangunahing layunin ng

pagsasalin ng mga impormasyon sa Filipino ay ang pagpapalaganap ng kaalaman at pag-lapit

ng mas maraming Pilipino sa mga bagong teknolohiya at agham. Ang paggamit ng Filipino sa

mga dokumento, mga presentasyon, at iba pang mga komunikasyon sa larangan ng agham ay

nagbibigay-daan sa mas malawak na pag-unawa at pagtanggap mula sa lokal na komunidad.

Sa ganitong paraan, ang wikang Filipino ay nagiging susi sa pagpapalakas ng pagtanggap at

paggamit ng mga makabagong konsepto at teknolohiya sa bansa. Ngunit ang ibang siyentipiko

ay tutol sa paggamit ng wikang Filipino dahil makakapigil ito sa pagiging palaban sa talastasan

ng mga estudyante dahil Ingles ang ginagamit na lingua franca.

You might also like