Professional Documents
Culture Documents
Sy Course Pack PI 100 ANGONO
Sy Course Pack PI 100 ANGONO
Tungkol sa Instruktor
Instruktor: Prop. Jose Monfred “Mon” C. Sy
Konsultasyon: 3 - 5 n.h. (Lunes hanggang Biyernes) | pagkatapos ng klase, o online sa pamamagitan
ng Zoom (ngunit mag-email muna para sa iskedyul)
Kontak: jose_monfred.sy@up.edu.ph (ilagay ang kurso at seksyon sa sabjek ng ipapadalang email)
Deskripsyon ng Kurso
Ang kursong ito ay nakatuon sa kritikal na pagsusuri sa buhay at mga akda ni Jose Rizal.
Itinatampok dito ang mga layunin na nagsusulong ng mapanuri, integratibo at makabayang pag-
unawa sa kabuluhan ng kabayanihan sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan. Sa pag-aaral ng mga
danas, panulat, at pagkilos ni Rizal at ng iba pang mga bayani, inaasahang malilinang ang diwang
aktibo, progresibo at nasyonalistiko na mahalaga sa pag-intindi at pagpapatuloy sa mga
adhikain ng tunay na kalayaan, pambansang demokrasya, at soberanya.
Inaasahang Pagkatuto
Sa katapusan ng kurso, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
1. Nakauunawa sa mga makabuluhang yugto sa kasaysayan ng Pilipinas na humubog at
nagpaunlad sa pananaw, pagkilos at pag-akda ni Jose Rizal.
2. Nakapagsusuri sa mga makabuluhang impluwensiya ni Rizal at iba pang mga bayani sa
pagkabansang Pilipino.
3. Nakapagtataya ng ambag ng buhay at mga akda ni Rizal sa paglinang at pagsulong ng
diwang sibiko, historikal na pagpapahalaga, siyentipikong kaisipan, at politikal na
kamulatan.
4. Nakapag-uugnay ng mga kaisipan, mga sinulat, at mga ginawa ni Rizal sa kasalukuyang
sitwasyon tungo sa paglinang ng kabayanihan at pagkamakabayan.
Balangkas ng Kurso
I. Lapit at oryentasyon ng araling Rizal
II. Si Rizal sa kasaysayan ng imperyalismo
III. Ilang piling tema sa mga akda ni Rizal
IV. Rizal, mga Katipunero, at ang di-nagtapos na rebolusyon
Iskedyul ng Semestre
Sesyon Paksa Gawain
Lapit at oryentasyon ng araling Rizal
Hulyo 17 Konteksto ng Basahin:
kursong Rizal R.A. 1425
Iniego, “Ang ‘Ikalawang Paglilitis’”
28
31 Amerikanisasyon Basahin:
at Filipinisasyon Constantino, “Veneration without Understanding”
Mojares, “The Formation of Philippine National Identity”
Karagdagan:
Hau, “Introduction” sa Necessary Fictions
Karagdagan:
Quibuyen, “Rizal’s Legacy”
Sy, rebyu ng Between Empires
4 Rizal at Basahin:
edukasyon Rizal, Kabanata 13: “Klase sa Pisika,” mula sa Fili
Karagdagan:
Guillermo, “The Problem of Indio Inferiority in Science”
7 Pagsusulit na pasulat
8 Rizal at Basahin:
kalusugan Rizal, “La Curación de los Hechizados”
Karagdagan:
Derain, “Aswang ni Rizal”
9 Rizal at Basahin:
kalikasan Rizal, “Mariang Makiling”
Karagdagan:
Diaz, “The Forest as Radical Illegibility”
Karagdagan:
Salazar, “A Legacy of the Propaganda”
11 Rizal at Basahin:
repormang Rizal, “Tungkol sa Katamaran ng mga Pilipino”
agraryo
Karagdagan:
Aguilar, “Colonial Sugar Production”
Karagdagan:
Asiniero, “From Cadiz to La Liga”
15 Kababaihan at Basahin:
pagbabagong Rizal, liham sa kadalagahan ng Malolos
panlipunan
Karagdagan:
Camagay, “Ang Kababaihan sa Teksto”
Karagdagan:
Guillermo, “Andres Bonifacio: Proletarian Hero”
17 Pagsusulit na pasalita
18
Pilosopiya ng Kurso
Kinikilala ng klaseng ito ang mga isyung bumabalot sa cumulative assessment, o ang pagpapataw
ng mga kahingiang sumusubok sa masteri ng mag-aaral sa nilalaman ng kurso. Sa diwa ng kritikal
na pedagohiya (cf. Paulo Freire), itinuturing ang pagtuklas ng sariling kaalaman, pagkritika sa
namamayaning kapangyarihan, at paglutas ng mga problema bilang mga prinsipyo ng pagtatasa.
Takdang-aralin (10%)
Saklaw nito ang iba’t ibang aktibidad at gawaing kinukumpleto sa tahanan (homework) pati na
rin ang trabahong tinatapos sa klase (classwork). Mayroong insentibo o dagdag puntos sa
bahaging ito ang bawat pagdalo sa mga irerekomendang kaganapan ng instruktor.
Aklatan ng Kurso
Matatagpuan ang kalakhan ng mga sanggunian sa elektronikong aklatan
(Google Drive) ng kurso: https://tinyurl.com/PI100Angono. Maaari
ding iskan ang QR code sa kaliwa.
Sanggunian ng Kurso
Mga babasahing akda ni Rizal
1886 – “A las Flores de Hiedelberg” (“Sa mga Bulaklak ng Heidelberg”)
1887 – Noli Me Tangere
1889 – Liham ni Rizal sa kadalagahan ng Malolos
1889 – “Ang Pagong at ang Matsing”
1889 – Mga anotasyon ni Rizal sa Sucesos de las Islas Filipinas ni Antonio de Morga (1601)
1889 – “Filipinas dentro de Cien Años” (“Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon”)
1891 – El Filibusterismo
1890 – “Mariang Makiling”
1895 – “La Curación de los Hechizados” (“Pagpapagaling sa mga Kinulam”)
Mga pananaliksik, sanaysay, at pelikula
Aguilar, Filomeno V. Jr. “Colonial Sugar Production in the Spanish Philippines: Calamba and Negros
Compared.” Journal of Southeast Asian Studies, tomo 48, blg. 2, 2017, mp. 237-261.
Anderson, Benedict. Imagined Communities: Reflections on the Origin and Spread of Nationalism,
rebisadong edisyon, London: Verso, 2006.
Aseniero, George. “From Cádiz to La Liga: The Spanish Context of Rizal’s Political Thought.” Asian
Studies Journal, tomo 49, blg. 1, 2013, mp. 1–42.
Batas Republika blg. 1425, Rizal Law. http://www.chanrobles.com/republicactno1425.html
Bonifacio, Andres. “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog.” 1896.
Camagay, Ma. Luisa. “Ang Kababaihan sa Teksto at Reyalidad.” Review of Women’s Studies, tomo 6,
blg. 1, 1996, 1-9.
Constantino, Renato. “Veneration without Understanding.” Dissent and Counter-Consciousness,
Lungsod Maynila: Erewhon, 1970, mp. 125-145.
De Leon, Mike, direktor. Bayaning 3rd World [pelikula]. Cinema Artists Philippines, 1999.
Derain, Allan. “Aswang ni Rizal.” Katipunan: Journal ng mga Pag-aaral sa Wika, Panitikan, Sining at
Kulturang Filipino, tomo 7, blg. 1, 2021, mp. 177-208.
Diaz, Glenn L. “Disrupting the Realist Nation: The Forest as Radical Illegibility in the Novels of Jose
Rizal.” Southeast Asian Studies, tomo 12, blg. 2, 2023, mp. 1-25.
Guillermo, Ramon. “Andres Bonifacio: Proletarian Hero of the Philippines and Indonesia.” Inter-Asia
Cultural Studies, tomo 18, blg. 3, 2017, mp. 338-346.
Guillermo, Ramon. “The Problem of Indio Inferiority in Science: Rizal’s Two Views.” Philippine Studies:
Historical and Ethnographic Viewpoints, tomo 59, blg. 4, 2011, mp. 471-93.
Hau, Caroline. Necessary Fictions: Philippine Literature and the Nation, 1946-1980. Ateneo de Manila
UP, 2000.
Iniego, Florentino. “Ang ‘Ikalawang Paglilitis’ kay Jose Rizal: Ang Pagpapasá ng Batas Republika
1425.” Lagda: Journal ng U.P. Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, tomo 10,
blg. 1, 2015, mp. 151-168.
Mojares, Resil. “The Formation of Philippine National Identity under U.S. Colonial Rule.” Philippine
Quarterly of Culture and Society, tomo 34, blg. 1, 2006, p. 11-32.
Ocampo, Nilo. “Pagtuligsa, Pagbawas at Muling Sipat kay Rizal Bilang Bayani.” Lagda: Journal ng UP
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, tomo 10, blg. 1, 2015, mp. 129-150.
Quibuyen, Floro. “Rizal’s Legacy for the 21st Century: Progressive Educational, Social
Enterpreneurship and Community Development in Dapitan.” Social Science Diliman, tomo 7,
blg. 2, 2011, mp. 1-29.
Salazar, Zeus. “A Legacy of the Propaganda: The Tripartite View of Philippine History.” Sa
Kasaysayan at Kamalayan : Mga Piling Akda Ukol sa Diskursong Pangkasaysayan,
pinamatnugutan nina Neil Martial Santillan at Mary Bernadette Conde. Limbagang
Pangkasaysayan, 1998, mp. 17-35.
Sison, Jose Maria. “Rizal the Subversive.” Sa Himalay Rizal: Kalipunan ng mga Pag-aaral kay Jose
Rizal, pinamatnugutan nina Patricia Melendez-Cruz at Apolonio Bayani Chua, Maynila:
Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, 1991, mp. 396-403.
Sy, Jose Monfred C. Rebyu ng Between Empires: Martí, Rizal, and the Intercolonial Alliance, ni Koichi
Hagimoto. Philippine Journal of Public Policy: Interdisciplinary Development Perspectives,
2020, mp. 121-127.
Salaysáyan: Mga Talakay sa Araling Pilipino
Spotify: https://open.spotify.com/show/78oz6aelzTNIY04uz2cVG2?si=65c8a5179ef848fa
Apple Podcasts: https://podcasts.apple.com/us/podcast/salays%C3%A1yan-mga-talakay-sa-
araling-pilipino/id1638620210
Radio Public: https://radiopublic.com/salaysyan-mga-talakay-sa-araling-6Blxbp
Wikang Filipino, ang ating wikang pambansa, ang gagamitin bilang midyum sa klase.
Ukol sa grado. Ipinapakita ng instruktor ang pagpupuntos para sa bawat bahagi ng pinal na grado
ng mag-aaral. Maaari itong komentohan lalo na kung may pagkakamali. Gayunman, mahigpit na
ipinagbabawal ang grade solicitation. Paparusahan ang mga manghihingi ng ispesipikong grado na
hindi nababatay sa pagpupuntos ng kaniyang mga kahingian.
Mga kinatawan. Upang matiyak ang demokrasya sa klasrum, maghahalal ang klase ng
dalawang kinatawan. Magiging katuwang ng instruktor ang dalawa sa pangangasiwa sa mga
aktibidad ng klase, partikular na sa paglilista ng pagdalo at pangangasiwa sa Facebook group
chat. Makakatanggap ng dagdag puntos ang mga kinatawan batay sa kanilang kahusayan.
Komunikasyon. Hinihikayat ang lahat na kumonsulta sa guro tungkol sa mga aralin kung
kinakailangan. Maaaring mag-iskedyul ng konsultasyon sa pamamagitan ng email (o SMS—kung
walang internet—sa 0906 557 5647). Sa tulong ng mga kinatawan ng klase, magkakaroon din tayo
ng Messenger group chat.
Tumbasan ng grado
Dayalogo. Kung mayroong problema o isyu tungkol sa klase (mental health, remote learning, atbp.),
hinihikayat na idulog ito sa guro. Malugod akong mag-aadjust para sa mga pangangailangan niyo.
Sama-sama nating babakahin ang hamon ng semestre sa ngalan ng karapatan sa edukasyon.