Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Jasmin Bernadette Bien Flores 12 – HUMSS 2 EDITORYAL

"AI Sportscasters: Pagbabago sa Pagbabalita Palakasan"

Kontorbersyal ngayon ang usapin ukol sa gma integrated news ai sportscasters. Matatandaang
inilabas ito sa pagbubukas ng national collegiate athletic associations (NCAA). Ang tanong ng karamihan,
maganda ba ang epekto nito sa sports broadcasting?

Ang gma ai sportscasters ay isang inobasyon ng gma network, isa sa mga nangungunang network
sa pagbabalita sa pilipinas. Ito ay isang teknolohiyang artificial intelligence (AI) na ginagamit upang
maghain ng mga makabuluhang impormasyon at mga komentaryo sa larangan ng paligsahan, lalo na sa
mga malalaking kompetisyon. Sinabi ng GMA Network na hindi layunin ng AI sportscasters na palitan ang
mga mamamahayag, kundi maglingkod bilang isang inobatibong plataporma sa paghahatid ng
impormasyon sa mga manonood. Ipakikita ng GMA ang kanilang pagsisikap na maghanap ng mga
malikhain na paraan upang maghatid ng mga balita at mga kawili-wiling kuwento.

Noong ika-24 ng Setyembre 2023, ipinakilala ng GMA ang kanilang bagong teknolohiya, na
kabilang dito ang pagdating ng iba't ibang opinyon mula sa mga netizens. Maraming mga tanong at
opinyon ang nabanggit patungkol sa epekto nito sa larangan ng pagbabalita gaya ng banta ng kawalan ng
trabaho para sa karamihan. Ngunit sinabi ni Ramil Escarda mula sa NMI " The creation of AI sportscasters
isn’t meant to replace human reporters but rather to serve as an innovative platform for presenting
information to the viewer. Finding creative ways to deliver news and tell compelling stories is the driving
force behind GMA Network’s digital transformation and future-proofing efforts". Ayon pa kay Amoroso
“The special participation of our AI Sportscasters is just part of the exciting plans we have for NCAA
Season 99. Maia and Marco were introduced to complement, not replace, the human aspect of our
coverage. They are AI presenters, not journalists; they can’t replace our seasoned broadcasters and
colleagues who are the heart of our organization.”Sinabi pa niya na nirerespeto nila ang mga opinyon
tungkol sa inobasyon at malugod na tinatanggap ang pagbubukas ng usapan hindi lamang sa mga
miyembro ng midya, kundi pati na rin sa publiko sa pangkalahatan.

Walang duda na maganda ang layunin nito sa larangan ng pagbabalita, para mapahusay ang mga
karanasan ng mga manonood at magbigay ng walang pinapanigan na paguulat. Ngunit ano nga ba ang
dahilan upang ipag patuloy pa ito kung marami namang mahuhusay na taga pag balita ang meron sa
panahon na ito, Gaya nalang ni G. Mike Enriquez na naging malaking bahagi ng buhay ng maraming
kababayan natin dahil sa kanyang estilo ng pagbabalita. kaya Inaasahan na ang mga negosyante at mga
nasa industriya, lalo na sa larangan ng midya, ay magbigay-pansin at magpasya nang wasto tungkol dito.

Dagdag pa rito, Kapag pinagpatuloy ang paggamit ng AI sa pagbabalita, maaaring magkaroon ng


malaking pagkakaiba sa tradisyonal na pamamaraan ng pagbabalita. Ang pagiging impersonal ng AI
sportscasters ay maaaring magdulot ng pagkawala ng koneksyon at interaksyon na karaniwang
nararanasan ng mga manonood.

Sa pangkalahatan, ang paggamit ng AI at iba pang teknolohiya ay isang walang katapusang


proseso ng pagsasaliksik at pagpapabuti. Mahalagang timbangin ang mga positibong epekto at mga
hamon na kaakibat nito sa lipunan at tiyakin na ito ay ginagamit nang responsable upang mapabuti ang
mga serbisyo at karanasan ng mga tao.

You might also like