Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SUMMATIVE TEST

FILIPINO 7

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik at salita ng pinakaangkop na sagot.

1. Sino ang tumulong sa unang magtotroso sa kanyang naging problema?


A. lobo B. aso C. Kaibigan D. Diwata
2. Paano tinulungan ng engkantada ang unang magtotroso?
A. Sumisid siya sa lawa upang kunin ang palakol.
B. Binigyan siya ng gintong palakol.
C. Hinagisan siya ng pilak na palakol.
D. Humingi siya ng tulong sa mga kaibigang hayop.
3. Sa iyong palagay, naging matapat ba ang unang magtotroso sa engkantada?
A. Opo, naging mabuti ang lalaki. C. Hindi, nagsinungaling ito sa kanya
B. Opo, naging tapat ang lalaki. D. Hindi, ninakawan niya ito
4. Anyo ng pagpapahayag na may layuning magkwento ng isang pangyayari o magkakaugnay na pangyayari.
A. paglalarawan B. pagsasalaysay C. paglalahad D. paghahambing
5. Isang anyo ng panitikan tumutukoy sa mga paalala na maari nating matagpuan sa mga pampublikong sasakyan.
A. Awiting bayan B. palaisipan C. bugtong D. Tugmaang de Gulong
6. Ito’y pumapaksa sa pag-ibig, pamimighati o maaaring ginawa upang maging panukso sa kapwa.
A. Awiting bayan B. Palaisipan C. Salawikain D. Tulang Panudyo
7. Isang paglalarawan sa bagay na nais pahulaan.
A. Bugtong B. Palaisipan C. Tugmaang de Gulong D. Tulang Panudyo
8. Isang suliranin na sumusubok sa talino ng lumulutas nito.
A. Bugtong B. Palaisipan C. Tugmaang de Gulong D. Tulang Panudyo
9. Ano nangyari sa unang magtotroso na nagpunta sa gubat?
A. Nakakita ng maraming ginto. C. Tumalsik ang palakol niya sa lawa
B. Kinain ng mababangis na hayop. D. Nadaganan ng kahoy sa gubat
10. Ito ay mga kwentong tungkol sa ating bayan na nagpasalin-salin sa iba’t ibang tao at henerasyon.
A. Kuwentong-bayan B. Panitikan C. Literatura D. Tula
11. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng kuwentong-bayan?
A. Alamat B. Mito C. Pabula D. Nobela
12. ___________ ni Lam-eng ang kanyang mga anak na wag pumunta sa gubat
A. Sinabihan B. Binawalan C. Inutusan D. Hiniling
13. Lubhang __________ si Lam-eng ng makita ang malamig na bangkay ni Inas.
A. natakot B. natuwa C. naiyak D. natulala
14. Uri ng kahulugang kontekstwal na literal ang kahulugan kung saan matatagpuan sa diksyunaryo.
A. konotasyon B. denotasyon C. Anapora D. Katapora
15. Uri ng kahulugang kontekstwal kung saan ang mga salita o parilala ay may malalim na kahulugan o nakatatagong
kahulugan.
A. konotasyon B. denotasyon C. Anapora D. Katapora
16. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahiwatig ng denotasyon/denotatibong
pahayag?
A. Kahit pinakitaan mo na ng kabutihan, di maiiwasang may mga ahas pa rin tayong mga kaibigan.
B. Maraming mga basang sisiw na nakikita ko sa lansangan.
C. Naging mayabang siya mula nang maging kanang kamay siya ng mga politiko.
D. Maraming basang sisiw ang nakuha ko kanina sa putikan.
17. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahiwatig ng konotasyon/konotatibong pahayag?
A. Si Jamela ay balat-sibuyas tuwing nakapapanood ng malulungkot na pelikula.
B. Umaapaw ang mga plastik sa basurahan.
C. Dumaan ang pusang-itim sa may pintuan.
D. Nagsitakbuhan ang mga basing-sisiw sa bakuran.
18. Paano ginantimpalaan ng engkantada ang unang magtotroso na nagpunta sa gubat?
A. Ibinigay niya ang ginto at pilak na palakol sa pagiging tapat nito.
B. Pumutol ng maraming kahoy ang diwata.
C. Ginantimpalaan siya ng maraming pagkain.
D. Biniyayaan siya ng maraming pera.
19. Ano naman ang naging kapalaran ng ikalawang magtotroso na nagpunta sa gubat?
A. Nakuha nito ang gintong palakol
B. Naging pareho ang kapalaran nito sa kapitbahay.
C. Bigo niyang nakuha ang ginto at pilak na palakol.
D. Nagtagumpay rin ang ikalawang magtotroso.
20. Bakit naging iba ang kapalaran ng ikalawang magtotroso sa naunang pumunta sa gubat?
A. Dahil nahuli siya ng pagdating sa gubat. C. Dahil ang ikalawang lalaki ay naging tamad
B. Dahil ang ikalawang lalaki ay nagsinungaling. D. Dahil hindi na nagpakita sa kanya ang diwa
21. Makatarungan kaya ang nangyari sa unang magtotroso? Sa ikalawang ,magtotroso?Pangatwiranan.
A. Hindi, dahil parehong silang magtotroso. C. Hindi, dahil pareho silang mahirap.
B. Hindi, dahil kapwa silang naging tapat sa diwata. D. Opo, dahil ang unang magtotroso ay naging tapat at ang
ikalawa ay sinungaling.
22. Itinago ang kapatid ni Lam-eng sa ________ ng bundok.
A. ilalim B. tuktok C. gitna D. gilid
23. Ayon kay tiyo Samuel ang mabangis na si Asuw-eng ay maaring ____________ ang sinumang pumunta sa bundok.
A. kaibiganin B. lapain C. lutuin D. paglaruan
24 – 31 . Suriin kung alin sa mga pangungusap ang tinutukoy ng mga pahayag:
A. Nanay/ si Tandang Sora. B. Nanay si Tandang Sora.
____24. Nagsasabing si Tandang Sora o larawan ni Tandang Sora.
____25. Itinuturo sa nanay si Tandang Sora ay isang nanay.

A. Rebulto ng bayani na bato? B. Rebulto ng bayani na ba/’to


____26. Nagtataka kung gawa sa bato ang rebulto ng bayani.
____27. Nagtataka kung rebulto ng bayani na nga ba ang ipinakikita sa kanya.

A. Hindi malaya ang ating bansa. B. Hindi / malaya ang ating bansa.
____28. Isinasaad na hindi malaya ang ating bansa.
____29. Isinasaad na salungat sa sinasabi ay malaya ang ating ba

A. Ginang / Gabriela Silang ang babaeng bayani ng Ilocos. B. Ginang Gabriela Silang, ang babaeng bayani ng Ilocos.
____30. Sinasabing isang bayani ng Ilocos si Ginang Gabriela Silang.
____31. Sinasabing sa isang ginang na bayani ng Ilocos si Grabriela Silang.

32. Ang __________ ay tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga
letra sa pagsulat.
A. Ponemang Suprasegmental C. Segmental
B. Ponemang Supplemental D. Ponema
33. Ang tawag sa mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan
sa hulihan.
A. Ponema B. Katapora C. Supra D. Anapora
34. Ang tawag naman sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan.
A. Ponema B. Katapora C. Supra D. Anapora
35. Tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita.
A. Tono B. Intonasyon C. Diin D. Hinto
36. Ginagamit ang simbolong /^/ upang matukoy ang pantig ng salita na may ______.
A. Tono B. Intonasyon C. Diin D. Hinto
37. Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe.
A. Tono B. Intonasyon C. Diin D. Hinto

38-42. Tukuyin ang mga sinalungguhitang salita kung ito’y ginamit bilang Anapora o Katapora.
Isulat ang titik ng tamang sagot
A. Anapora B. Katapora
_____38. Nagkausap ang mga Asyano sa pangangalaga ng kapaligiran kaya naman pinupuro sila ng ibang bansa.
_____39. Nagkasakit siya kahapon. Pero pumasok na sa klase si John kanina.
_____40. “Siya ay huwarang pinuno ng bayan, sapagkat namuhay si Jessie Robredo ng may katapatan sa kanyang
serbisyo.”
_____41. Namimili si Ana sa mall kaya siya natagalan nang pagdating
_____42. Siya ang dahilan kung bakit nabasag ang salamin. Tumatakbo si Josh sa loob ng silid kanina.

43-48. Hulaan mo! Bugtong at Palaisipan:


43 Bumubuka’y walang bibig. Ngumingiti ng tahimik.
A. araw B. bulaklak C. salamin D. sapatos
44. May isang bola sa mesa, Tinakpan ng sombrero. Paano makuha ang bola nang di man lang nagalaw ang sombrero?
A. ilagay ang pusa sa mesa C. butasan ang sombrero
B. butasan ang mesa D. lahat sa nabanggit
45. Ano ang tinapay na hindi kinakain ang gitna??
A. pan de coco B. francis C. choco lanay D. donut

46-48 Punan ng angkop na pang-angkop.


46. Drinible ni James Yap ang pula____ bola bayani.
A. na B. ng C. g D. nang
47. Aking lolo at lola ay maawai___ tao.
A. na B. ng C. g D. nang
48. May masikip ___daan patungo sa amin.
A. na B. ng C. g D. nang

You might also like