Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Unang Lagumang Pagsusulit Sa FILIPINO VI

Ikalawang Markahan

Panuto: Mula sa isang talaarawan, sagutin ang mga tanong. Piliin ang letra ng pinakatamang sagot at isulat sa kuwaderno.

Biyernes, Nob. 26
Walang klase kinabukasan kaya nanood kami ng isang napakagandang pelikula tungkol sa Panginoong Hesukristo, ang
“Jesus of Nazareth.” Ipinakita rito ang pagiging maunawain, mapagmahal, marunong at matiisin ng ating Panginoong
Hesukristo. Ipinakita sa kuwento ang pagsilang, ang pakikisalamuha at pagtuturo ng Magandang Balita, ang kamatayan, at
pagkabuhay na muli ng Panginoon.
Sabado, Nob. 27
Sumama ako kay Inay upang dumalaw kay Lola sa kanilang bahay na luma sa Batangas. Maysakit si Lola kaya tuwang-tuwa
siya nang dumating si Inay. Nakahiga siya nang aming datnan at akala ko’y di makababangon dahil mahina pa ang kanyang
katawan. Hindi niya pinakinggan si Inay nang paalalahanan siyang huwag kumilos. Tumayo at inutusan ang isa niyang
kasama sa bahay na kami’y ipaghanda ng pagkain. Napakarami pa niyang ipinabaong mga kakanin at bungangkahoy sa
aming pagluwas kinabukasan.
Linggo, Nob.28
Pagkatapos magsimba sa isang kapilya at kumain ng agahan ay lumuwas na kami ni Inay nagbilin din si Inay sa mga
pamangkin niya na huwag pababayaan si Lola. Lalong naligayahan si Lola nang ipangako ni Inay na higit na magiging
madalas
ang pagdalaw namin.

1. Sino sa palagay mo ang sumulat ng talaarawan?


A. isang guro B. isang ina C. isang mag-aaral D. pamilya

2. Bakit natuwa ang kanyang lola?


A. nang makita ang kanyang ina C. sapagkat nanood siya ng kwento sa buhay ni Hesus
B. dahil may dala silang pasalubong D. dahil mataas ang kanyang marka

3. Sapagkat walang klase, ano ang kanyang ginawa?


A. nakipaglaro sa kapitbahay C. nanood ng pelikulang, “Jesus of Nazareth
B. nag-aral gumuhit D. naglinis ng bahay

4. Paano ipinakita sa talaarawan ang pagkasabik ng kanilang dinalaw ang kanyang Inay?
A. Siya ay tumayo at sila ay pinagsilbihan. C. Pinabaunan sila ng pagkain.
B. Bumangon at nakipagkwentuhan sa kanila. D. Lahat ng nabanggit

5. Bakit lalong naligayahan ang kanyang lola?


A. dahil sasama na siya pauwi C. dahil nagbigay ng mga pagkain ang ina
B. mas mapapadalas ang pagdalaw nila sa lola D. sapagkat madadalaw na din siya

Samantalang ang Pangulong Quezon ay nasa isang pagamutan sapagkat maysakit, dinalaw siya ni Padre Serapio Tamayo,
OP, isang matalikna kaibigan ng Pangulo na noon ay Rektor ng Pamantasan ng Santo Tomas. Bago pa lamang pumapasok
ang pari sa silid ng Pangulo ay hinadlangan nasiya ng nars. Nang magpilit ang pari ay sinabi ng nars na maghintay nangilang
saglit pagka't ipagbibigay-alam muna niya sa maysakit ang kanyang pagdating.Wikang Ingles ang ginamit ng nars sa
pagpapabatid sa Pangulo na maypanauhin. Ganito ang sinabi, "Mr. President, the prest is here."Dahil sa maling pagbigkas
ng nars sa salitang "priest", inakala ng Pangulo na ang kanyang panauhin ay isang mamamahayag. Ang pasigaw nautos ng
Pangulo ay, "Sabihin mo sa 'press' na pumunta sa impyerno."Subali't bago niya natapos ang pangungusap na ito ay
nakapasok naang pari sa silid ng Pangulo at narinig ang pahayag na yaon.
Mula sa isang anekdota, basahin ito at sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

A. maling pagbigkas D. Pangulong Quezon


B. Ingles E. galit
C. isang pari F. tuwa
6. Sinong pangulo ng bansa ang tinalakay sa anekdota?
7. Sino ang naging aktuwal na panauhin ng dating pangulong Quezon habang siya ay nasa ospital?
8. Ano ang emosyong naramdaman ng pangulo nang marinig ang pagdalaw sakanya ng mga mamamahayag?
9. Ano ang wikang ginamit ng nars sa pagsasabi ng panauhin ng pangulo?
10. Ano ang dahilan kung bakit mali ang pagkaunawa ng pangulo?

Ang pagdiriwang ng pistang bayan ay labis na nagugustuhan ng mga Pilipino. Bago pa dumating ang kapistahan ay abala na
ang mga tao sa paglilinis ng kani-kanilang tahanan.Sa araw ng kapistahan, magsisimba ang mga matatanda at bata,
nanonood ng parada at sumasakay sa iba’t ibang uri ng sasakyang umiikot.Sa gabi sumasama sila sa prusisyon at nanonood
ng palabas.Pagkatapos ng pista, masaya silang naglilinis ng tahanan, nagliligpit ng mga pinagkainan at nagkukuwentuhan
ng mga pinagkagastusan subalit makikita mo sa kanilang mukha ang labis na kaligayahan.
11. Ano ang ginagawa ng mga tao bago sumapit ang pistang bayan?
A. naglilinis ng bahay
B. naglalagay ng dekorasyon sa kalye
C. naghahanda ng pagkain
D. naghahanda ng bagong damit

12. Ano ang ginagawa ng mga tao sa araw ng kapistahan?


A. nanonood ng nagluluto
B. masayang nagsisimba
C. labis ang kaligayahan
D. nagdiriwang ng pistang bayan

13. Bakit ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang pista?


A. nagugustuhan ng mga tao
B. nakikisabay sa mga kasiyahan
C. nakikihalubilo sa mga parada
D. naghahanda ng gustong pagkain

14. Ano ang napapanood tuwing sasapit ang gabi sa araw ng pista?
A. nakikisaya sa mga taong dumaraan
B. sumasama sa prusisyon at nanonood ng palabas
C. nakikisayaw sa mga parada
D. nakikilahok sa paligsahan

15. Ano ang kanilang ginagawa pagkatapos ng pista?


A. pinag-usapan ang lahat ng mga nagastos
B. pinagsasauli ang mga kalderong nagamit
C. naglilinis, nagliligpit ng mga pinagkainan at masayang nagkukwentuhan
D. natutulog pagkatapos ng handaan

Basahin ang pangyayari at magbigay ng hinuha sa maaaring mangyari. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Maaaring ang
tagapagdaloy ang magbabasa ng mga pangungusap.

16. Patuloy na pagtatapon ng basura sa estero at ilog


A. Maaaring magdulot ng pagbaha kapag malakas ang ulan at bagyo.
B. Maaaring maging mas maayos ang daloy ng tubig sa estero at ilog
C. Maaaring maging malinis ang estero at ilog.
D. Maaaring dumami ang mga isda sa ilog

17. Paglanghap ng makapal at maitim na usok na ibinuga ng tambutsong sasakyan.


A. Siguro mas malinis na hangin ang ating malalanghap.
B. Siguro magdudulot ng iba’t ibang sakit na makakasama sa tao.
C. Siguro makaiiwas sa mabigat na karamdaman.
D. Siguro makatutulong sa pag-unlad ng bansa.

18. Paglabas ng bahay na walang gamit na facemask


A. marahil mas magiging malusog ang katawan
B. marahil hindi na mahawa sa sakit na COVID-19
C. marahil makaiiwas na mahawa ang ibang tao sa iyong sakit
D. marahil mas madaling mahawa at makahawa ng sakit
19. Paglalaro ng online game magdamag.
A. baka makatatapos ng mga gawain sa paaralan
B. baka maagang magising upang makapasok sa online class
C. baka hindi makapapasok sa online class dahil tinanghali ng gising
D. baka tumaas ang grado sa bawat aralin

20. Pagtaas ng presyo ng krudo o gasolina


A. marahil tataas ang presyo ng mga bilihin at pamasahe
B. marahil mas mura ang presyo ng mga produkto
C. marahil maraming drayber ang matutuwa
D. marahil mas marami ang ang bibili ng krudo o gasolina

You might also like