Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1.

PAGSASAKA/ PAGTATANIM
Batay sa CARP 2003, patuloy na isinasagawa ang sumusunod upang
maisakatuparan ang nais ng pamahalaan na maiangat ang kalagayang
pangkabuhayan ng mga magsasaka.

MGA PATAKARAN AT PROGRAMA


 Pagtatayo ng bahay-ugnayan para sa mga magsasaka upang
masigurong
mayroon suportang maibibigay sa kanila.
 Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka; Pagsisiguro na ang mga
anak ng mga magsasaka ay makapag-aaral kaya itinayo ang Pangulong
Diosdado Macapagal Agrarian Reform Scholarship Program;
 at KALAHI agrarian reform zones.

2. PANGINGISDA

Pagtatayo ng mga daungan. Upang higit na mapadali ang pagdadala sa mga


huling isda sa pamilihan o tahanan, nagsisilbing sentro o bagsakan ng mga
ito ang mga daungan. Dahil dito, nagiging mas madali para sa mga
mamamayang maabot ang mga produkto mula sa mga ito.

MGA PATAKARAN AT PROGRAMA


 Philippine Fisheries Code of 1998. Ito ang itinadhana ng pamahalaan na
naglilimita at naglalayon ng wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng
Pilipinas.
 Fishery Research. Ang pananaliksik at pagtingin sa potensiyal ng
teknolohiya tulad ng aquaculture marine resources development, at
post-harvest technology ay patuloy na ginagawa upang masiguro ang
pagpaparami at pagpapayaman sa mga yamang-tubig.

3. PAGTOTROSO

MGA PATAKARAN AT PROGRAMA


 Community Livelihood Assistance Program (CLASP)-paglilipat
teknolohiya o pagtuturo sa mga mamamayan ng wastong paglinang sa
mga likas na yaman ng bansa. Halimbawa, ang mangrove farming sa
Bohol, plantasyon ng kawayan sa La Union, at plantasyon ng mga
halamang medisinal sa Penablanca, Cagayan.
 National Integrated Protected Areas System (NIPAS)- ito ay programa na
ang pangunahing layunin ay maingatan at protektahan ang kagubatan. Ito
ay paraan upang mailigtas ang mga hayop at pananim dito.
 Sustainable Forest Management Strategy- ito ay pamaraan upang
matakdaan ang permanente at sukat ng kagubatan. Ito ay estratehiya ng
pamahalaan upang maiwasan ang suliranin ng squatting, huwad at illegal
na pagpapatitulo ng lupa at pagpapalit ng gamit sa lupa.

You might also like