Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO10

AKADEMIKONG TAON 2023-2024

Pangalan: ________________________________ Antas/Seksiyon: __________ Petsa: ________ Iskor: ________


Gng. Ma. Winda Lim, LPT / Bb. Carina Salo, LPT

I.Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang bawat pahayag.Isulat ang sagot sa patlang. (40 pts.)

__________ 1. Isang marangyang hapunan ang inihandog ni Quiroga bilang pasasalamat sa


magandang takbo ng kanyang negosyo.
__________ 2. Ang mga negosyante ay panay ang daing kay Simoun tungkol sa pagtataas ng buwis
sa mga kalakal dahil naniniwala sila na makararating sa heneral ang kanilang hinaing.
__________ 3. Malaki ang paggalang ni Quiroga kay Simoun dahil malapit ito sa heneral.
__________ 4. Nasa mukha ni Isagani ang pagmamalaki sa nakikitang paghanga ng lahat kay Paulita.
__________ 5. Mataas ang pagtingin sa mga gawang Pilipino noong panahon ng mga Kastila.
__________ 6. Nakadama ng paghanga ang manonood pagpasok sa pagtatanghalan ng ulong
nagsasalita.
__________ 7. Nang bigkasin ni Mr. Leeds ang unang salita, dumulas ang papiro sa kanyang kamay at
bumagsak sa lupa.
__________ 8. Nang sumigaw ang Amerikano ng “Deremof”, bumukas ang kaha at lumitaw ang isang
ulo na tila bangkay na itim na itim.
__________ 9. Nakaligalig sa mga nanonood ang isinalaysay ni Imuthis na mga kasamaan sapagkat
kahawig ito ng mga naganap sa Pilipinas.
__________ 10. Sa mga paring nanonood, ang lubhang naapektuhan ay si P. Camorra.
__________ 11. Ang ano mang ipag-utos ni Gaumata ay sinusunod ng mga pari upang di mabunyag
ang pandarayang kanilang ginagawa.
__________ 12. Tumakas at pinatay si Imuthis sa lawa ng Abydos.
__________ 13. Ayon sa ulong nagsasalita, siya ay muling nabuhay upang ihayag ang kataksilan ng
pari at usigin ito sa pagkakasalang nagawa.
__________ 14. Sinadya ni Simoun na hindi dumalo sa pagtatanghal.
__________ 15. Tinangka ni Basilio na huwag nang gamutin si Kapitan Tiyago upang makuha na niya
ang kanyang mana.
__________ 16. Nagrerepaso si Basilio ng kanyang aralin nang dumating sina Isagani, Tadeo, at
Macaraig.
__________ 17. Inihahalintulad ni Simoun ang malubhang sakit ni Kapitan Tiyago sa kalagayan ng
Pilipinas na malapit nang malagot.
__________ 18. Para sa bayang minamahal ang layunin ni Simoung makapaghiganti.
__________ 19. Si Padre Irene ang nagbigay kay Kapitan Tiyago ng apyan sa hangad na lalong
palubhain ang sakit nito.
__________ 20. Pitong pangkat ang inihanda ni Simoun upang maghimagsik laban sa mga Kastila.
__________ 21. Marangal ang budhi ni Basilio, at walang inaalala kundi ang kinabukasan ni Huli.
__________ 22. Nanangis si Kapitan Tiyago sa pagkamatay ni Maria Clara sapagkat namatay ang huli
na hindi nakilala ang tunay niyang ama.
__________ 23. Kamatayan ni Maria Clara ang nagpaliban sa mga balak ni Simoun na maghimagsik.
__________ 24. Umaga nang Huwebes ang tipanan nina Isagani at Paulita.
__________ 25. Naunang naghintay sa Paseo de Maria Cristina si Isagani.
__________ 26. Si Juanito at Donya Victorina ay kasama ni Paulita sa pagtungo sa Malecon.
__________ 27. Para kay Isagani, si Donya Victorina ay parang hangal na di maaaring mabuhay nang
walang alipin.
__________ 28. Malaki ang pag-asa ni Paulita na makakasundo niya sa buhay si Isagani .
__________ 29. Ayaw ni Paulitang maglakad patungo sa bayan ni Isagani.
__________ 30. Naniniwala si Donya Victorina na lalaya ang bayan dahil sa matatalo ng mga Pilipino
ang mga kalaban.
__________ 31. Katulad ni Isagani, pinapangarap din ni Paulita ang pag-unlad ng kanyang bayan.
__________ 32. Nais ni Isaganing ipagmalaki siya ni Paulita sakaling masasawi siya sa paghahangad ng
kaunlaran ng bayan.
Buksan sa pahina 2…

-pahina 2-
__________ 33. Ang mga Kastilang kaibigan ni Isagani sa Madrid ay maaari daw makatulong sa kanila
upang matupad ang hangaring mapaunlad ang bansa.
__________ 34. Ang kasaysayan ni Imuthis ay kahawig ng buhay ni P. Damaso.
__________ 35. Hindi tumalab sa mga nanonood ang kasaysayan ng ulo.
__________ 36. Ang pangkat na nais manood ng palabas ay galing sa pista ng Quiapo.
__________ 37. Ang mga panukala ni Don Custodio ay walang saysay katulad ng buto ng manok na
isa sa mga sangkap ng pansit guisado.
__________ 38. Ang “crab mentality” ay taglay ng mga prayle kaya sa kanila inihandog ang tortang
alimango.
__________ 39. Ang talumpati ni Pecson ay patungkol sa matapat na pagmamalasakit ng mga prayle
sa mga Pilipino.
__________ 40. Ang pagsasaya ng mga mag-aaral sa pansiterya ay paraan ng pagpapahayag ng
kanilang sama ng loob at hinanakit sa naging desisyon ni Don Custodio kaugnay sa
akademya.

II. Panuto: Kilalanin ang tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat ang sagot sa patlang. (20 pts.)

______________________ 1. Naghanap siya ng paraan para mabuko si Mr. Leeds.


______________________2. Pinag-usapan nila kung ipagbabawal ba o hindi ang palabas na ______________________
3. katulad ng kay Mr. Leeds.
______________________ 4. Isang lalaking payat, marumi, mapula ang mukha at kinakaladkad ang isang
paa kung lumakad.
______________________ 5. Pinagkalooban ng anim na pisong Mehikano sa pagkabit ng paskil.
______________________ 6. Pinanguluhan niya ang mga prayleng tutol sa pagtatanghal ng operang
Pranses.
______________________ 7. Nag-utos sa taong tila militar ng “Ang hudyat ay isang putok.”
______________________ 8. Nagkabit ng huwad na bigote upang hindi siya makilala sa loob ng Teatro.
______________________ 9. Hindi nakasama sa panonood ng palabas dahil naging abala sa pag-
aalaga sa maysakit.
______________________ 10. Naatasang manuligsa sa palabas at magsalin nito sa wikang Kastila.
______________________ 11. Namamahala sa samahang Pranses na magtatanghal.
______________________ 12. Isang oportunista na iniwan ang kababayang probinsiyano.
______________________ 13. Ang operetang Pranses na itatanghal sa Teatro de Variedades.
______________________ 14. Kasama ni Paulita Gomez sa dulaan na pinagselosan ni Isagani.
______________________ 15. Ang ugaling taglay ng mga prayle kaya sa kanila inihandog ang tortang
limango.
______________________ 16. Doon naisip ni Placido na magpunta upang magpayaman at maghiganti
sa mga prayle.
______________________ 17. Ang prayleng hinimatay sa isang palabas sa perya.
______________________ 18. Ang Amerikanong salamangkerong nagtanghal sa perya.
______________________ 19. Ang Intsik na nangarap magkaroon ng konsulado ang bansang Tsina sa
Pilipinas.
______________________ 20. Ang pangalan ng ulong nagsasalita at nagbunyag sa mga kasamaan ng
mga prayle.

III. Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang mga titik na nagsasaad ng inyong wastong kongklusyon hinggil sa mga
sumusunod na pahayag. (10 pts.)

___1. Kalimitan, ang mga matataas na tao ay huling dumarating sa pagtitipon.


a. Marami silang ginagawa.
b. Sinasadya nila iyon sapagkat ang paniwala nila sa kanilang sarili, sila ay importante.
c. Nakakahiya naman kasi na sila pa ang maghihintay sa mga nakabababa sa kanila.
___2. Hindi maituturing na “Filipino Time” ang oras nang magsimula ang palabas sa dulaan.
a. Maraming katibayan na ang tunay na oras-Pilipino ay iyong unang-una pa nga sa oras ng tipanan at hindi
nahuhuli.
b. Hindi naman ang mga Pilipino ang nahuli sa pagdating kundi ang mga Kastila.
c. Ang may kasalanan ay ang mga namamahala sa opereta sapagkat di napagsabihan ang Kapitan-Heneral nang
tamang oras ng pagsisimula.

Buksan sa pahina 3…

-pahina 3-
___3. Sa mga nagsidalo sa pagtatanghal, tanging si Isagani ang nagmukmok sa kanyang inuupuan.
a. Tahimi siya at ayaw ng ingay.
b. Pinilit lamang kasi siya ni Macaraig na sumama, higit niyang nais na magbasa na lamang sa bahay.
c. Nginangatngat ng panibugho ang kanyang puso dahil nakitang magkasama sina Paulita at Juanito.
___4. Mapanganib at hindi magandang huwaran si Ben Zayb sa pagpapanggap na matalino at
nakakaunawa ng sining.
a. Gumawa siya ng krimen at takot na mahuli dahil sa panloloko.
b. Maaari siyang ituring na isang nasisiraan ng ulo at wala nang maniniwala sa kanya.
c. Isa siyang mamamahayag na maraming mapapaniwala at mahahawang mabuti sa kanyang kahangalan dahil
mababasa ang kanyang malalathalang sinulat.
___5. Binayaran ni Macaraig si Pepay upang maakit ang kalooban ni Don Custodio.
a. Gusto niyang maging matalik na kaibigan si Don Custodio na isa sa mga tinitingala noon.
b. Sa pamamagitan ng pang-akit na alam ni Pepay ay papanigan ni Don Custodio ang petisyon nila hinggil sa
Akademya ng Wikang Kastila.
c. Nais niyang gamitan ng “blackmail” si Don Custodio sa tulong ni Pepay upang mahawakan ito sa ilong, wika nga.
___6. Nagulat subalit labis na nagalak si Serpolette nang makilala ang nagbabakasyong si Padre Irene.
a. Matagal na silang magkakilala sa Europa at nagkaroon pa ng relasyon.
b. Masalapi na si Padre Irene at maaari nilang ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan.
c. Hindi kasi akalain na ang isang tulad nitong makamundo ay magiging pari na iginagalang pa.
___7. Nagkaroon ng kasiyahan at malaking pag-asa ang mga estudyante tungkol sa kanilang
kahilingan.
a. Napansin nilang masayang-masaya si Pepay at may iwinawasiwas pang animo’y liham.
b. Kinawayan sila ni Don Custodio at nakangiti pang itinaas ang dalawang daliri na nangangahulugang tagumpay.
c. Nakausap mismo ni Sandoval ang Kapitan Heneral at siniguro nito na pinagbigyan ang kanilang kahilingan.
___8. Bagama’y may lihim nang ugnayan ay nasa magkaibang palko pa sina Don Custodio at Pepay.
a. Ayaw nilang mabulgar na may pagkakaunawaan na pala silang dalawa.
b. Gusto muna nilang itago ang kanilang relasyon hangga’t di pa sila nakakapagbalak tungkol sa kasal.
c. Isang malaking batik sa karangalan ni Don Custodio kung makikitang kasama siya ng isang mananayaw na tulad
ni Pepay.
___9. Isang palko lamang ang naiwang bakante at iyon ay para kay Simoun.
a. Hindi batid ni Simoun na may isa palang palkong inilaan sa kanya.
b. Walang balak dumalo si Simoun dahil may ibang balak siyang isasagawa.
c. Hindi tipo ni Simoun ang ganoong palabas.
___10. Hindi nasiyahan ang mga estudyante sa pamumuno ni Macaraig sa naging pasiya sa kanilang
kahilingan.
a. Magiging kolektor lamang sila ng akademya na ang mamamahala rin ay mga Kastila.
b. Inuuto lamang sila ng mga prayle at ayaw kilalanin ang kanilang katalinuhan.
c. Ang kanilang petisyon ay hindi pinaburan sa kabila ng maganda nilang layunin.

IV.Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang. (17 pts.)

_______ 1. Ang grupong magtatanghal sa dulaang Variedades ay


a. Mga dayuhang Pranses c. Mga dayuhang Tsino
b. Mga dayuhang Amerikano d. Mga dayuhang mangangalakal
_______ 2. Ang lalaking ipinagwalang-bahala ang palabas.
a. Don Custodio c. Tadeo
b. Camaroncocido d. Basilio
_______ 3. Sino ang tinutukoy ng salitang may salungguhit? “Kukunin mo roon ang isang taong ikaw
lang ang nakakikilala bukod kay Kapitan Tiyago.”
a. Maria Clara c. Basilio
b. Simoun d. Padre Salvi
_______ 4. Sino ang nagwika nito? “Kalat na kalat na ang lason sa katawan ng matanda. Maaaring
mamatay ito, bukas o sa makalawa.”
Buksan sa pahina 4…

-pahina 4-

a. Simoun c. Maria Clara


b. Basilio d. Kapitan Tiyago
_______ 5. Sino ang nagwika? “Hindi totoo! Buhay si Maria Clara! Hindi dapat mamatay si Maria
Clara! Ngayong gabi ay ililigtas mo siya!”
a. Basilio c. Kapitan Tiyago
b. Simoun d. Padri Salvi
_______ 6. Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Si Simoun ay di nanood ng opera,
siya’y malungkot at balisa.
a. Nagugulumihanan c. Nagagalit
b. Malugod d. Natatakot
_______ 7. Sino ang tinutukoy ng salitang may salungguhit? Siya ang nagbibigay ng labis na apyan
kay Kapitan Tiyago na dahilan ng labis na paghitit nito. Hangad din niya ang lalong madaling
pagkamatay ng matanda.
a. Basilio c. Pade Salvi
b. Don Custodio d. Padre Irene
_______ 8. Ibigay ang simbolo ng salitang may salungguhit. “Hindi magtatagal, ang buong kapuluan
ay malalagyan na ng daang-bakal.”
a. Kaunlaran c. Kapayapaan
b. Kalayaan d. Kaluwalhatian
_______ 9. Ang mag-aaral na wala sa pulong sa pansiterya ng mga Tsino.
a. Macaraig c. Juanito
b. Isagani d. Basilio
_______ 10. Sino ang tinutukoy ng salitang may salungguhit? May ilang araw ng may sakit si Maria
Clara. Narito ang sulat ng prayle na naglalaman ng masamang balita.
a. Padre Salvi c. Padre Irene
b. Padre Camorra d. Pare Sibyla
_______ 11. Sino ang tinutukoy ng salitang sinalungguhitan? Tahimik na umiyak si Basilio. Naisip niya
ang kapalaran ng binata. Naglagalag, nagpayaman. Natangay ng simbuyo ng kalooban na
maghiganti dahil sa kaapihang sinapit.
a. Ibarra c. Isagani
b. Juanito d. Makaraig
_______ 12. Isang karwahe ang dumating at nakipag-usap sa isang military. Nakilala ni Camaron-
cocido ang nasa loob nito at nag-utos. Sino ng nasa loob ng karwahe?
a. Padre Salvi c. Simoun
b. Don Custodio d. Padre Irene
_______ 13. Ang kalagayan ni Kapitan Tiyago ay itinulad ni Simoun sa
a. Sakit ng bayan c. Nakawan sa pamahalaan
b. Problema ng simbahan d. Kaguluhan sa paaralan
_______ 14. Sino ang kausap ng taong nagpahayag? “Bahagya na ang tibok ng puso. Mahinang-
mahina ang pulso. Nawalan na siya ng gana sa pagkain. Minsan mabait, minsan masungit.”
a. Kapitan Tiyago c. Basilio
b. Maria Clara d. Simoun
_______ 15. Tukuyin ang layunin ng pahayag: “Basilio, naparito ako upang ihandog sa iyo ang
dalawang bagay, ang iyong kamatayan o ang iyong hinaharap!”
a. Pananakit c. Pagpapaalala
b. Panggigipit d. Pamamaalam
_______ 16. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari.
A. Sa kalagitnaan ng palabas ay sabay-sabay na tumayo at lumabas ng tanghalan ang mga mag-aaral.
B. Nalaman ng mga mag-aaral na aprubado ang Akademya ng Wikang Kastila subalit ang mga Dominiko ang
hahawak nito.
C. Kinabukasan, naglitawan sa unibersidad ang mga paskin.
D. Nagtungo sa pansiterya ang mga mag-aaral at doon sila naglabas ng sama ng loob.
E. Marami ang nanood ng palabas kabilang na ang mga mag-aaral na nagsusulong ng AWK.
a. ABDEC d. EBACD
b. EBADC e. ABEDC Buksan sa pahina 5…
c. EABDC
-pahina 5-
_______ 17. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari.
A. Umalis na labis na nagdadalamhati si Simoun.
B. Ibinalita ni Basilio na patay na si Maria Clara.
C. Inatasan ni Simoun si Basilio na kunin sa kumbento ng Sta. Clara si Maria Clara.
D. Dinalaw ni Simoun ang matandang may sakit.
E. Hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa planong himagsikan.

a. DECBA c. DEBCA
b. DCBEA d. DCEBA

V. Panuto: Tukuyin ang uri ng kaganapan ng pandiwa na nakasalungguhit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa
patlang. (13 pts.)

_________________________________1. Ang masukal na gubat ay hinawan ni Kabesang Tales.


_________________________________2. Ang mga magsasaka ay nagbabayad ng buwis taon-taon sa
may-ari ng lupa.
_________________________________3. Itinanghal ang operetang Pranses sa teatro.
_________________________________4. Nagtungo sa perya ang isang grupo ng kalalakihan upang
saksihan ang isang palabas.
_________________________________5. Hinimatay si Padre Salvi dahil sa nakatatakot na salaysay ng ulo.
_________________________________6. Ang pansiterya ay naghain ng apat na putahe para sa mga
mag-aaral.
_________________________________7. Si Simoun ay naglingkod sa isang aliping mag-aaral sa pamama-
gitan ng pagpapahiram ng kanyang karwahe.
_________________________________8. Si Paulita Gomez ay nakipag-usap kay Isagani upang linawin ang
di nila pagkakaunawaan.
_________________________________9. Nagdiwang ang mga estudyante sa isang restawran ng mga
Intsik.
_________________________________10. Pumasok ang mga kalalakihan sa isang silid na pagtatang-
halan ng ulong nagsasalita.
_________________________________11. Dumanas si Quiroga ng kapighatian dahil sa pagkalugi sa
negosyo.
_________________________________12. Ang masaganang hapunan ay inihanda ng Instik para sa mga
panauhin na makatutulong sa kanyang pangarap na maging
konsul.
_________________________________13. Si Basilio ay maaaring makiisa sa himagsikan sa pamamagitan
ng pagliligtas kay Maria Clara.

Ang taong may karunungan, di basta- basta nalalamangan.

You might also like