REVIEWER in TLE 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REVIEWER SA TLE 4

Name:
Section: Date:

I. Basahin at sagutin ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Ito ay electronic device na ginagamit upang mas mabilis na ang proseso ng datos at impormasyon
a. computer b. network c. website
_____ 2. Kayo ay naatasang pumunta sa computer laboratory ng inyong paaralan, alin sa mga sumusunod ang
dapat ninyong gawin?
a. Buksan ang computer, at maglaro ng online games.
b. Tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin.
c. Kumain at uminom habang hindi pa nagsisimula.
_____ 3. Alin sa mga sumusunod ang negatibong epekto ng sobrang paggamit ng mga teknolohiyang
pangkomunikasyon?
a. Mas madali ang pangangalap, pag iimbak at pagbabahagi ng impormasyon.
b. Makapanood ng mga palabas na hindi angkop sa mga bata.
c. nakakapaglibang sa pamamagitan ng mga laro sa computer.
_____ 4. Pinahintuutan kayo ng inyong guro na gamitin ang inyong cellphone upang magsaliksik sa mga
kapakinabangan ng ICT, alin sa mga ito ang dapat gawin?
a. Maaari kong i-check ang aking email anumang oras na naisin ko.
b. Maaari akong pumunta sa chat rooms o gamitin ang instant messaging para makipag-
ugnayan sa aking mga kaibigan.
c. Maaari ko lamang gamitin ang internet at magpunta sa aprobado o mga pinayagang
websites kung may pahintulot ng guro.
_____ 5. Ano ang kahulugan ng ICT?
a. Information and Communication Technology
b. Information and Communications Technology
c. Informations and Communication Technology
_____ 6. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng netiquette o tamang pag-asal sa internet?
a. Si Patricia na gumagamit ng magagalang na salita sa pakikipag usap online.
b. Si Angela na gumagamit ng “emotion icon” o emoticon sa kanyang mensahe.
c. Si Alexander na gumagamit ng malaking titik sa pakikipag-usap.
_____ 7. Naatasan kayong magsaliksik ng mga kahalagahan ng ICT at nais ng inyong guro na ipasa ito sakanya.
Ano ang tawag sa dokumentong nakaimprenta sa papel?
a. soft copy b. hard copy c. folder
_____ 8. Ang mga computer ay nangangailangan ng pag-iingat. Alin sa mga sumusunod ang uri ng computer
virus?
a. malware b. software c. hardware
_____ 9. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng browser, maliban sa isa. Alin dito?
a. Microsoft Word b. Google Chrome c. Internet Explorer
_____ 10. Ito ay isang espesyal o mahalagang website na nagpapadali ng paghahanap ng mga impormasyon?
a. Search engine b. refresh button c. address bar

II. Tukuyin ang mga sumusunod. Gawing gabay sa pagsagot ang nasa loob ng kahon.

H – Hardware S - Software

_____1. mouse _____6. computer games


_____2. word processor _____7. scanner
_____3. keyboard _____8. printer
_____4. monitor _____9. programming tool
_____5. spreadsheet _____10. webcam
III. Tukuyin ang mga bahagi ng Web Browser. Pumili ng kasagutan sa loob ng kahon.

back button refresh button address bar

exit button forward button home button

1. 3.

2.

4.

5.

IV.Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang ipinapahayag nito ay tama at isulat
ang MALI kung hindi.
__________ 1. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at pagkuha ng impormasyon ang paggamit ng mga
ICT equipment at gadgets.
__________ 2. Gumamit ng internet sa paaralan anumang oras at araw na naisin.
__________ 3. Maaaring magbigay ng personal na impormasyon sa taong nakilala mo gamit ang internet.
__________ 4. Ang pagbagal ng computer ay maaaring dahil sa virus
__________ 5. Gumamit ng fake account para siraan ang taong kagalit.
__________ 6. Magbasa ng mga kaaya-aya at nakatutulong sap ag-aaral
__________ 7. Bisitahin ang mga website na kahina-hinala ngunit nakaeengganyo.
__________ 8. Ano mang uri ng dokumento o media file na pagmamay-ari ng iba ay dapat munang
ipagpaalam bago ipamahagi.
__________ 9. Ang pangongopya ng anumang nabasa sa isang website at ipagpapalagay na sarili mo itong
likha ay isang uri ng pagnanakaw.
__________ 10. Kailangan ang gabay ng mga magulang sa paggamit ng website.

You might also like