Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 91

Filipino – Ikalawang Baitang

Alternative Delivery Mode


Unang Markahan – Modyul 1: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan sa
Pag-unawa ng Napakinggang Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtaglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaring kopyahin o iimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Nenita F. Albarando at Jonah Fe C. Flores


Tagasuri : Romela U. Quiamco
Tagawasto : Janette P. Cobrado
Tagaguhit : Marco Fernando U. Cecida
Tagalapat : Radino Bryan C. Sardido

Tagapamahala
Schools Division Superintendent:
Dr. Marilyn S. Andales, SDS, CESO V
Assistant School Division Superintendents:
Dr. Cartesa M. Perico
Dr. Ester A. Futalan
Dr. Leah B. Apao

Chief, CID : Dr. Mary Ann P. Flores


EPS, LRMS : Mr. Isaiash T. Wagas
EPS, Filipino : Mrs. Araceli A. Cabahug

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Kagawaran ng Edukasyon – Region VII, Division of Cebu Province
Tanggapan: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax :( 032) 255-6405
E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino – Ikalawang Baitang ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul 1 para sa araling Paggamit ng Naunang Kaalaman o
Karanasan sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang magaaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalangalang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung
paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa Mag - aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino – Ikalawang Baitang ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul 1 ukol sa Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan
sa Pag-unawa ng Napakinggan Teksto.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pagaaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman


mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang
Balikan maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
Tuklasin pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Suriin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Pagyamanin
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
Isaisip sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Isagawa Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong kaalaman o

Tayahin

Karagdagang
Gawain

kasanayan sa natutuhang aralin.


Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng Pagwawasto mga gawain
sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na


ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-alinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompet ensi.
Kaya mo ito!

Para sa Guro

Mahalagang magamit ng mga bata ang


kanilang sariling karanasan o kaalaman upang
lalong maunawaan ang kanilang napakinggang
teksto.
Alamin

Ang mga araling nakapaloob sa modyul na ito ay ginawa upang kayo ay


may matutunan pa rin kahit kayo ay nasa bahay lamang dahil sa pandemya na
Covid.

Ang mga pagsasanay at mga pagtatasa ay pinagsumikapang maiangkop ayon sa


inyong kakayahan upang kayong lahat ay matuto na gamitin ang naunang
kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto.

Sa araling ito, susukatin ang iyong kakayahan sa pakikinig. Magpatulong ka sa


iyong kapamilya para basahin ang mga teksto o kuwento. Maaari ring humingi
ng gabay sa pakikinig ng teksto sa kamag-anak na nakatira o malapit sa inyong
bahay tulad ng iyong tiya at tiyo.

May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong kaalaman
tungkol dito. Basahin mong mabuti ang panuto sa bawat bahagi at isulat ang
iyong mga sagot sa sagutang papel.

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ang magaaral ay inaasahang:

 Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang


kwento. (F2PN-Ia-2)
Paggamit ng Naunang Kaalaman o
Karanasan sa Pag-unawa ng
Napakinggan Teksto

Subukin

Nasubukan niyo na ba na magpunta sa isang mall? Ano ang napapansin mo


doon? Naisipan mo rin bang magkaroon ng ganoon sa inyong lugar? Pakinggan
ang tekstong babasahin ng iyong kapamilya. Sagutin mo ang
sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng iyong sagot.
Si Nonong Mapangarap

Isang araw, namasyal si


Nonong sa mall kasama ng kanyang Kuya Lito at
Ate
Ningning. “Ang lamig-lamig pala rito,” ang sabi ni
Nonong.’’Bakit
malamig kahit saan tayo pumunta?” “Naka-aircon ang buong gusali,” ang sagot
ng kanyang kuya Lito. “Naku, ang daming mabibiling pagkain, damit, sapatos
at laruan!” ang hiyaw ni Nonong. “Narito lahat ang maaaring bilhin ng
mga tao. Namamasyal ka na, nabibili mo pa ang kailangan mo,” ang sagot ng
kanyang Ate Ningning. “May naisip ako,” ang sabi ni Nonong. “Ano? Ang
tanong ng kanyang Kuya Lito.
“Magpapatayo ako nito sa probinsya natin paglaki ko,” ang sagot ni
Nonong.
Natawa ang kanyang Kuya Lito at Ate
Ningning. “Nangarap ka na naman,” ang sabi ng
kanyang Kuya Lito. “Kung sa bagay baka
magkatoo.” “Baka nga. Baka si Nonong ang
makagawa ng pagunlad sa San Roque,” ang sabi
ng
kanyang Ate Ningning.

1. Kanino ipinatungkol ang kwento?


A. Nonong B. Roque C. Neneng

2. Ano ang pangunahing ideya ng kwento?


A. Ang Bisita ni Nonong
B. Ang Pangarap ni Nonong
C. Ang mga Kaibigan ni Nonong

3. Anu-ano ang nakita ni Nono sa mall?


A. mga pagkain, sapatos, damit at laruan
B. mga magagandang tanawin
C. mga payaso at mahikero
4. Dapat bang hangaan si Nonong sa kanyang pangarap?
A. Opo B. Hindi C. Siguro

5. Naisipan mo rin bang magkaroon ng ganoong pangarap sa inyong lugar?


A. Siguro B. Hindi C. Opo

Balikan

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Saan nagpunta sina Nonong, Kuya Lito at Ate Ningning?

A. B.
2. Ano-ano ang

nakita ni Nonong

sa mall?

3. Ano ang nararamdaman ni Nonong nang siya ay nasa mall?

A. B.
4. Kung ipapasyal ka ng magulang mo sa isang mall, ano ang mararamdaman
mo?

A. B.
5. Kasama ba nina Nonong at Kuya Lito si Ate Ningning sa pamamasyal sa
mall?
A. Tama B. Mali

Tuklasin
Panuto: Makinig sa kuwentong “May Sakit si Ina” na babasahin ng iyong
kapamilya.
May Sakit si Ina

Mabait at masipag na bata si Trina. Lagi siyang


tumutulong sa mga gawaing bahay. Isang araw,
nagising si Trina na may sakit ang kaniyang ina.
Maaga pa nang pumunta sa trabaho ang kaniyang
ama. Inutusan siya ng ina na bumili ng gamot. Dali-
dali naman
siyang sumunod. Alalang-alala si Trina. Naisip
niyang ipagluto ang kaniyang ina ngunit hindi siya marunong.
“Inay, ipagluluto ko po kayo ng lugaw. Ituro po ninyo sa akin kung
paano,” pakiusap ni Trina.
“Naku, maraming salamat, anak,” sabi ng
kaniyang ina.
“Makinig kang mabuti. Una, maglagay ka
ng kalahating takal ng bigas sa kaldero. Sunod
naman ay hugasan mo ang bigas. Pagkatapos ay
lagyan mo ito ng tatlong basong tubig para sa sabaw. Isalang mo sa
kalan at hintaying kumulo. Hayaan mong kumulo nang sampung
minuto. Panghuli, timplahan mo ng asin kapag luto na,” sabi ng ina.
“Madali lang pala. Hayaan po ninyo, susundin
ko nang maayos ang inyong sinabi,” masayang sabi
ni Trina.
Masayang pinanood ng nanay si Trina habang abala
sa pagluluto. “Maaasahan
talaga si Trina,” bulong ng ina.

Suriin

Pagkatapos makinig, sagutan ang mga tanong ukol sa kuwento. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Anong uri ng bata si Trina?

2. Ano ang nangyari sa kaniyang ina?

3. Paano niya ipinakita ang pagmamahal sa kaniyang ina?

4. Sa palagay mo, masusundan ba ni Trina ang panuto na ibinigay ng


kaniyang ina?

5. Ano kaya ang nararamdaman ng ina ni Trina sa ipinakita nitong


pagmamalasakit sa kaniya?

Tandaan ito!

Bawat kwento ay may ipanapahiwatig na ideya

na maari nating maiugnay sa ating sariling kaalaman o karanasan. Ang

kuwentong isinasalaysay ay dapat mapakinggan nang mabuti upang


lubusang maunawaan ito. Mahalagang masagutan ang mga tanong tungkol
sa detalye ng kuwento. Ang mga

tanong na dapat sagutin ay ang sino, ano, saan at kailan. Ang taong na sino ay
tumutukoy sa tao. Ang ano ay sumasagot sa bagay. Ang saan ay naglalarawan
ng lugar. Ang kailan ay nagsasabi ng oras at panahon.

Pagyamanin
Gawain A
Basahing mabuti ang kwentong “Ang Halamanan ni Helen” at sagutan ang mga
sumusunod na tanong ukol sa kuwento. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
Ang Halamanan ni Helen

Si Helen ay
masipag na bata. Ang
kanilang halamanan ay
nasa kanilang bakuran sa
Kalye Maharlika.
Alagangalaga niya ang kaniyang tanim na mga
gulay at mga bulaklak. Napakaganda
ng kaniyang mga rosas at mga sampagita. Tamangtama na gawing
kuwintas at ipagbili kay Gng. Flores, ang may-ari ng tindahan ng
mga bulaklak. Isang umaga, nagising si Helen na sirang-sira
ang kaniyang halamanan. Nakatumba ang mga puno ng
mga bulaklak. Wala ng dahon ang mga gulay.
Nalungkot si Helen. Isang misteryo sa kaniya ang
nangyari.
Nag-imbestiga si Mang Rodel, ang tatay ni
Helen. Inikot niya ang paligid ng bakuran.

Pinuntahan din
niya ang likod
bahay at
kulungan ng mga
hayop. Nakita niya ang mga bakas ng mga
paa ng kambing sa buong paligid.
Sa hindi kalayuan ay nakita niya si Goryo, ang paboritong alagang
kambing ni Helen.

1. Sino ang batang mahilig sa halaman?


A. Mang Rodel B. Helen C. Goryo

2. Saan nakatira sina Helen?


A. Kalye Mabini
B. Kalye Marikit
C. Kalye Maharlika

3. Anong hayop ang sumira ng halaman ni Helen?


A. Aso B. Kabayo C. Kambing

4. Ano ang nararamdaman ni Helen nang malaman niya na ang paborito niyang
kambing ang sumira ng kanyang halaman?
A. nagalit B. masaya C. nalungkot

5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Helen, ano ang gagawin mo?
A. Ibebenta ang kambing.
B. Wala akong gagawin.
C. Papaluin ang kambing.
D. Hayaan nalang ang nangyari sapagkat hindi naman sinasadya na sirain ng
kambing ang kanyang mga halaman.

Gawain B
Pagtambalin ang mga nasa Hanay A sa Hanay B batay sa kuwento na
“Halamanan ni Helen”. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot.

Hanay A Hanay B

1. Ang alagang hayop ni Helen na sumira A. Gng. Flores


sa kanyang mga halaman.
2. Ang batang nagmamay-ari ng B. mga gulay at
ng isang hardin. bulaklak
3. Tumulong kay Helen na mag- C. Goryo
imbestiga sa nangyari
4. Mga halaman ni Helen sa D. Helen
kanyang hardin.
5. Ang may-ari ng tindahan ng E. Mang Rodel
mga bulaklak.
Isaisip

Bawat ________ ay may ipanapahiwatig na ideya


na maari nating maiugnay sa ating sariling ___________.
Ang kuwentong isinasalaysay ay dapat mapakinggan
nang mabuti upang lubusang maunawaan ito.
Mahalagang masagutan ang mga tanong tungkol sa

detalye ng kuwento. Ang mga tanong na dapat sagutin

ay ang sino, ano, saan at kalian. Ang taong na sino ay

tumutukoy sa tao. Ang ano ay sumasagot sa bagay.


Ang saan ay naglalarawan ng lugar. Ang kailan ay
nagsasabi ng oras at panahon.

Isagawa

A. Batay sa iyong sariling karanasan, ano ang gagawin mo sa mga sumusunod:

1. Nakita mo ang isang matandang babae na may maraming dala.


2. May mga tuyong halaman sa inyong bakuran.
3. Nagkasakit ang iyong ama.
4. May maraming nakatambak na basura sa iyong paligid.

B. Pumili ng 1 sa tatlong kwento na iyong napakinggan. Iguhit at isulat ang


iyong sariling karanasan batay sa pagkabasa mo nito.
Tayahin
Direksiyon: Basahin ang mga sumusunod na mga katanungan batay sa mga
kwentong napakinggan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang naramdaman ni Nonong sa loob ng mall? A. nanlalamig B.


naiinitan C. natatakot
2. Paano ni Trina ipinapakita ang kanyang pagmamahal sa kanyang ina na may
sakit?
A. Inaalagaan B. Inuutusan C. Pinagmalabisan
3. Dapat bang tularan si Trina? Bakit?
A. Oo, dahil mabait at masipag si Trina.
B. Hindi, dahil mapapagod lang tayo.
C. Ewan ko.
4. Sino ang tumulong kay Helen na mag-imbestiga sa nangyari sa kanyang
halamanan?
A. Gng. Flores
B. Mang Roldan
C. Mang Rodel
5. Bakit kaya naisipan ni Helen na gawing kwentas ang mga bulaklak ng
sampaguita at rosas? A. Upang may mapagkakakitaan.
B. Upang mabawasan ang kanyang mga pananim.
C. Upang maubos ang kanyang mga halaman.
Karagdagang Gawain

Direksiyon: Ikuwento ang iyong sariling


. karanasan na hindi mo malilimutan.
Isulat to sa sagutang papel.

Sa wakas!!!!! Natapos mo na rin


ang iyong aralin sa linggong ito.
Handang -handa kana para sa
susunod na Aralin…..

SANGGUNIAN:

Garvia, Nilda S. D., et.al. 2014, 2016. Ang Bagong Batang Pinoy, Filipino Kagamitan ng Mag-aaral 2:
70-73.
Liwanag, Lydia B., 1999. Filipino sa Pagbasa 2: 33-34.
Villafuerte, Patrocinio V., Ona, Luzviminda L., 2003. Pagdiriwang ng Wikang Filipino 2: 175-176.
MELC Grade 2 pp. 147, aklat: Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2: 70-73.
K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum sa Filipino. Department of Education 2016, 18.
K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 2. Department of Education
Curriculum and Instruction Strand 2020, 147.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd -BLR)


IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City, Philippines 6000
Telefax: (032) 255 -640
Email Address: cebu.province@deped.gov.ph

Alamin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makagagamit ng magagalang na


pananalita sa angkop na sitwasyon (pagbati, paghingi ng pahintulot, pagtatanong ng
lokasyon ng lugar, pakikipag-usap sa matatanda, pagtanggap ng paumanhin,
pagtanggap ng tawag sa telepono, pagbibigay ng reaksiyon o komento).

Subukin

Panuto: Piliin ang angkop na magalang na pananalita na dapat gamitin. Isulat ang letra ng
tamang sagot.

1. Nagmamadali ka sa pagpasok sa inyong paaralan. Sa iyong pagtakbo ay nabunggo mo at


natumba ang isang batang babae. Ano ang iyong sasabihin?
A. Maraming salamat.
B. Magandang umaga.
C. Paalam sa iyo.
D. Pasensiya na.
2. Kaarawan mo kaya binigyan ka ng regalo ng iyong ate. Ano ang sasabihin mo?
A. Kumusta po?
B. Paalam po.
C. Pasensiya na po.
D. Salamat po.

3. Magbabakasyon ka kasama ang iyong pinsan. Paalis na kayo, nasa kusina ang
iyong nanay at tatay. Ano ang sasabihin mo sa kanila? A. Aalis na po kami.
B. Magandang umaga po.
C. Pasensiya na po.
D. Salamat po.

4. Umaga nang makasalubong mo ang iyong guro.


Ano ang sasabihin mo?
A. Magandang umaga po.
B. Magandang tanghali po.
C. Magandang hapon po.
D. Magandang gabi po.

5. Nasalubong mo ang iyong kaibigan. Nagpasalamat siya sa iyong ibinigay na


regalo. Gustong-gusto niya ito. Ano ang sasabihin mo?
A. Mabuti naman.
B. Magandang umaga.
C. Maraming salamat.
D. Walang anuman.
Aralin
Magagalang na
2 Pananalita at Pagbati
Magandang araw! Alam mo bang kinatutuwaan ng lahat ang batang
marunong gumamit ng po at opo? Nais mo bang lalo ka pang kalugdan ng
lahat? Alam kong isa kang batang magalang kaya magiging kaaya- aya para sa
iyo ang ating aralin.

Balikan

Sa pag-unawa natin sa napakinggan o binasang teksto, natutuhan natin


na mahalagang ito ay maiugnay natin sa ating karanasan. Mayroon akong
inihandang isang sitwasyon para sa iyo.

Panuto: Basahin ang sitwasyon at isulat ang wastong sagot sa loob ng kahon.

Ikaanim ng gabi nang kayo ay pumunta sa bahay ng iyong lolo at lola.


Kaarawan kasi ng iyong lolo kaya napagkasunduan ng pamilya na sabay-sabay
kayong maghahapunan sa araw na iyon. Pagdating ninyo sa bahay nila ay agad
kang sinalubong ng iyong lolo na nag-aabang sa labas. Ano ang iyong gagawin
at sasabihin?

Tuklasin

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging magalang. May mga magagalang
na pananalita at pagbati tayong dapat na ginagamit. Halina at iyong basahin
ang ilan sa mga iyan mula sa ating kuwento.
Ang Umaga ni Lena
Akda ni Cristina T. Fangon

Lunes, maagang pumasok sa paaralan si Lena, nasalubong niya ang


katiwala ng kanilang paaralan. “Magandang umaga po, Kuya Allan,” masayang
bati ni Lena.
“Magandang umaga rin naman,” nakangiting bati ni Kuya Allan, ang
katiwala ng kanilang paaralan.
Oras ng recess, bibili si Lena sa kantina. “Makikiraan po,” sambit niya
habang dumaraan sa pagitan ng mga gurong nag-uusap.
Habang namimili ay natapakan ni Lena ang paa ng kanyang kamag-aral.
“Naku pasensiya na, hindi ko sinasadya,” may pag-aalalang sabi niya. “Ayos
lang, hindi naman ako nasaktan,” tugon ng kanyang kamag-aral.
Sabay na bumalik ang magkamag-aral sa silid- aralan. Natapos ang
umaga ni Lena na walang naging problema.

Suriin

Isa sa magagandang katangian ng mga Pilipino ang pagiging magalang.


Dapat itong ugaliin sa lahat ng oras at pagkakataon. Lahat ng tao ay dapat
nating igalang.
Halika ating balikan sa kuwento ang ilang magagalang na
pagbati at pananalitang ginamit.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Sino ang bida sa ating kuwento?

2. Ano ang mga katangian ni Lena?

3. Ano ang sinabi ni Lena nang maapakan niya ang paa ng kanyang kamag-
aral?

4. Sa palagay mo, ano ang mararamdaman ng kaklase ni Lena na kanyang


naapakan kung hindi siya nanghingi ng paumanhin? Bakit?

5. Ano-ano ang mga magagalang na pananalita ang ginamit sa kuwento?

Mga Tala para sa Guro


Basahin ang mga sitwasyon sa mga susunod na
gawain. Ipagawa ang mga pagsasanay sa mag-
aaral.

Pagyamanin

Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Makinig sa babasahing sitwasyon. Isulat sa iyong sagutang
papel ang angkop na magagalang na pananalita.
1. Isang hapon, pagkagaling sa paaralan ay nakita mo sa labas ng
inyong bahay ang iyong ina. Ano ang dapat mong sabihin?

2. Natalisod sa paa mo ang iyong kapatid. Ano ang dapat mong


sabihin?

3. Nagpasalamat ang iyong kaibigan sa ibinigay mong regalo.


Ano ang dapat mong sabihin?

4. Galing ka sa bahay ng iyong kaibigan, hapon na kaya gusto


mong magpaalam sa kanyang ina. Ano ang sasabihin mo?

5. Gusto mong kunin ang aklat sa sala, pero sa kinalalagyan ng


aklat ay naroon ang nanay at tita mo na nag-uusap. Ano ang
dapat mong sabihin?

Pinatnubayang Pagtatasa 1
Panuto: Kung ikaw ang bata sa larawan, ano ang sasabihin mo sa
sumusunod na sitwasyon?
Isuat ang letra ng iyong sagot.
1. A. Maraming salamat.

B. Pasensiya na, hindi ko

sinasadya.

2. A. Mano po, magandang

gabi po.

B. Mano po, magandang

umaga po.

3. A. Magandang araw .

B. Makikiraan po.

4. A. Aalis na po ako.

B. Patawad po.

5. A. Maraming salamat.

B. Pasensiya na po.
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang sitwasyon. Isulat sa sagutang papel ang dapat mong sabihin.

Araw ng Sabado, matapos mong mananghalian ay pumunta ka sa bahay nina Arman para
gumawa ng inyong proyekto. Nakasarado ang kanilang pinto subalit naririnig mo rin naman na may
tao sa loob. Ano ang iyong sasabihin at gagawin?

Pinatnubayang Pagtatasa 2
Panuto: Isulat kung tama o mali ang sinasabi ng bawat bilang.

1. Ugaliing gumamit ng po at opo kapag nakikipag- usap sa nakatatanda sa iyo.

2. Huwag pansinin ang kaibigan mong matagal mong hindi nakita.

3. Bumati ng magandang araw sa iyong guro kung ito ay makakasalubong o makikita mo.

4. Laging magpasalamat sa taong nakagawa ng mabuti sa iyo.

5. Ugaliing manghingi ng paumanhin kung ikaw ay nakasakit.

Malayang Pagsasanay 1
Panuto: Bilugan ang mga salitang nagsasabi ng magagalang na pagbati at pananalita.

Alis!

Aalis na po kami.

Magandang umaga po.

Makikiraan po.

Tumabi ka nga!
Malayang Pagtatasa 1
Panuto: Laygan ng tsek ()sa iyong sagutang papel ang bilang kung ang nakasulat ay magalang na
pagbati at pananalita at ekis () kung hindi.

1. Salamat po.

2. Magandang gabi po.

3. Manahimik ka nga!

4. Kumusta po?

5. Walang anuman.
Malayang Pagsasanay 2
Panuto: Ano ang iyong sasabihin sa sumusunod na mga sitwasyon? Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
naitulak mo ang iyong

kapatid at siya ay nadapa.

2. Nasalubong mo isang

umaga ang inyong

punong guro.

3. Kaarawan mo kaya binigyan

ka ng regalo ng iyong ina.

4. Nagpasalamat ang iyong

kaklase sa pagpapahiram

mo sa kanya ng iyong

aklat.

5. Isang araw umuwi ang

tatay mo galing sa

trabaho.

1.
Sa inyong paghahabulan ay

Malayang Pagtatasa 2
Panuto: Ano ang iyong sasabihin sa sumusunod na mga sitwasyon? Piliin ang tamang sagot.

* Walang anuman. * Aalis na po ako.


* Magandang tanghali po. * Kamusta ka na?

* Pasensiya na, hindi ko sinasadya.

1. Isang tanghali nasalubong mo ang iyong guro sa pamilihan.

2. Nagpasalamat sa iyo ang iyong kapatid dahil sa iniregalo mo sa kanyang laruan.

3. Nagkauntugan kayo ng iyong kaibigan nang sabay ninyong pulutin ang lapis.

4. Paalis ka ng bahay para pumasok sa inyong paaralan.

5. Nagkita kayo ng kaibigan mong matagal mo ng hindi nakikita.

Isaisip

Panuto: Isulat ang hinihingi sa bawat bilang.

1. Isulat ang mga magagalang na pananalita at pagbati na iyong natutunan?

2. Gaano kahalaga ang paggamit ng magagalang na pananalita at pagbati?

3. Bakit kailangan tayong gumamit ng maggaalang na pananalita?

Isagawa
Panuto: Piliin ang angkop na magagalang na pananalita sa para bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng
tamang sagot.

1. Isang hapon, nasalubong mo ang nanay ng iyong matalik na kaibigan. Ano


ang iyong sasabihin?

A. Magandang gabi po.

B. Magandang hapon po.

C. Magandang tanghali po.

D. Magandang umaga po.


2. Habang gumagawa kayo ng proyekto ay biglang natapakan mo ang isa sa
mga gamit ninyo. Ano ang sasabihin mo sa iyong mga kagrupo?

A. Maaari bang tumabi ka muna.

B. Pakitabi mo ang mga gamit.

C. Pakitapos na agad ang proyekto.

D. Pasensiya na, hindi ko sinasadya.

3. Mataas ang nakuha mong marka. Bilang regalo, binigyan ka ng bagong damit
ng iyong ama at ina. Ano ang sasabihin mo sa kanila?

A. Ibili po uli ninyo ako.

B. Maraming salamat po.

C. Pasensiya na po.

D. Wow, ang ganda!

4. Isang umaga, nakita mo sa pamilihan ang kapitan ng inyong barangay. Ano


ang sasabihin mo?

A. Magandang gabi po.

B. Magandang hapon po.

C. Magandang tanghali po.

D. Magandang umaga po.

5. Sa simbahan, napulot mo ang nalaglag na panyo ng isang ale. Iniabot mo ito


sa kanya at siya ay nagpasalamat sa iyo. Ano ang iyong itutugon?

A. Magandang umaga po.

B. Magandang araw po. C. Marami pong salamat.


D. Walang anuman po.
Tayahin
Panuto: Piliin ang angkop na magalang na pananalita na dapat gamitin. Isulat ang letra ng tamang
sagot.

1. Nakabasag ka ng plato habang naghuhugas. Ano ang sasabihin mo sa iyong nanay? A.


Magandang hapon po.

B. Pasensiya na po.

C. Salamat po.

D. Walang anuman po.

2. Kaarawan ng iyong kaibigan ngunit kailangan mong umalis dahil kayo ay magsisimba. Ano
ang sasabihin mo?

A. Pasensiya na may lakad kami

B. Pasensiya na magsisimba kami.

C. Pasensiya na kailangan ko nang umalis.

D. Pasensiya na hindi ko sinasadya.

3. Isang gabi, galing ka sa bahay ng iyong lolo at lola, sa iyong pag-uwi ay nakita mo si Aling
Maria na inyong kapitbahay. Anong magalang na pagbati ang gagamitin mo?

A. Magandang gabi po.

B. Magandang hapon po.

C. Magandang tanghali po.

D. Magandang umaga po.

4. Iniabot sa iyo ni Biboy ang lapis mong nahulog. Ano ang sasabihin mo?

A. Hindi ko sinasadya. B. Magandang araw.

C. Maraming salamat.

D. Pagpasensiyahan mo na.

5. Naglalaro kayo sa labas ng bahay. Tinawag ka ng nanay mo para kumain. Ano ang
sasabihin mo sa iyong mga kalaro? A. Aalis ako.

B. Diyan na kayo.
C. Paalam.

D. Salamat.

Karagdagang Gawain
Panuto: Basahin ang sitwasyon at isulat ang iyong dapat sabihin at gawin.

Oras ng pananghalian, kumakain kayong magkaklase sa loob ng silid-aralan. Tumayo ka


upang kumuha ng tubig. Pagbalik mo, papunta sa iyong upuan, natalisod ka at tumapon ang hawak
mong tubig sa iyong kamag-aral na kumakain din.
Alamin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makasasagot sa mga
tanong tungkol sa napakinggang kuwentong kathaing- isip tulad ng pabula.

Subukin

Panuto: Pakinggan ang maikling kuwento. Sagutin ang sumusunod na mga


tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.

Ang Magkakaibigan
Isang umaga, sa isang malaking sanga ay nagkita- kita ang
magkakaibigang sina Tipaklong, Uod at Bubuyog.
Masaya ako
ngayon kasi
kasama ko kayo!
Ako rin masaya.
Ang ganda ng sikat ng
Kumusta na mga araw. Tara, maglaro
kaibigan? muna tayo.

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


a. si Tipaklong
b. ang magkakaibigan
c. si Uod
d. si Bubuyog

2. Ilan ang tauhan sa kuwentong binasa?


a. 2
b. 4
c. 3
d. 5

3. Saan nagkita-kita ang magkakaibigan?


a. sa isang malaking sanga
b. sa bukid
c. sa dahon
d. sa bulaklak

4. Sino ang nagyayang maglaro?


a. si Tipaklong
b. si Uod
c. si Bubuyog
d. si Wala

5. Ano ang damdamin ng magkakaibigan sa kuwento?


a. malungkot
b. galit
c. takot
d. masaya

Aralin Pagsagot sa mga Tanong


3 Tungkol sa Napakinggang
Kuwentong Kathang-isip
Ang pakikinig ay isang kasanayan na dapat linangin sa
magaaral. Ang batang may mabisang kasanayan sa pakikinig ay
may kakayahang makipag-ugnayan at maipahayag ang kanyang
saloobin na magagamit niya sa pang-araw-araw.
Ang pakikinig ng pabula ay lubos na kinagigiliwan ng mga
bata. Pinupukaw nito ang damdamin at kamalayan ng
nagbabasa/nakikinig sa mas mababaw at nakakaaliw na paraan.
Paano nga ba maipamamalas ang mabisang pakikinig?

Balikan
Ang sumusunod na mga pahayag ay nagpapakita ng iba’t ibang
gawi sa pakikinig. Lagyan ng ✓ (tsek)ang patlang kung ang gawi
ay tama at x (ekis) kung mali.

1. Ituon ang pansin sa nagbabasa.

2. Makipag-usap sa katabi habang nakikinig ng kuwento.

3. Umupo ng tuwid at ihanda ang sarili sa pakikinig.

4. Tandaan ang mahahalagang impormasyong maririnig


sa kuwento.

5. Ibaling ang paningin sa mga bagay na nasa loob ng


silidaralan habang nakikinig ng kuwento.
Tuklasin

Panuto: Pakinggang mabuti ang babasahing kuwento at


unawain ito.

Ang Matalik na Magkaibigan

Matalik na magkaibigan sina Tiktok Manok at Ming Pusa,


mahal nila ang isa’t isa. Madalas na maglaro ang dalawa sa bukid.
“Bilisan mo naman ang takbo Tiktok malayo na ang bola,” ang
wika ni Ming. Saluhan ng bola ang madalas nilang nilalaro.
Sa kanilang pag-uwi lagi silang nakikipag-unahan sa paglubog
ni Haring Araw.

Suriin
Nagustuhan mo ba ang narinig na kuwento?
Panuto: Mula sa napakinggang kuwento, sagutin ang sumusunod
na mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Sino-sino ang bida sa kuwento?
a. Beng at Ming c. Tiktok at Ming
b. Tiktok at Maya d. Beng at Mata
2. Saan madalas maglaro ang magkaibigan?
a. sa bundok c. sa daan
b. sa ilog d. sa bukid
3. Ano ang madalas nilang nilalaro?
a. saluhan ng bola c. taguan
b. habulan d. sipa
4. Paano ipinakita ng magkaibigan ang kanilang
pagmamahal sa isa’t isa?
a. Palagi silang nag-aaway.
b. Sabay silang kumakain.
c. Madalas silang maglaro.
d. Sila ay nagbibigayan.
5. Bakit mahalagang magkaroon ng kaibigang tulad nina
Tiktok at Ming?
a. upang maging masaya
b. upang may kalaro
c. upang masarap may nagmamahal
d. lahat ay tama
Para saTagapagdaloy
Basahin ang kuwento at gabayan sa pagsagot

nang wasto sa mga tanong na may lubos na

pagkaunawa ang mag - aaral.

Pagyamanin
Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Pakinggan ang babasahing kuwento at sagutin ang mga
tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Ang Matakaw na Buwaya
“La la la la…. busog na busog ako, ang sarap matulog,” ang pakantang wika ni
Bua.
Ang lahat ng hayop na mapunta sa ilog ay hindi nakakaligtas sa mata
ni Bua.
Halos di na makagalaw si Bua sa kabusugan nang biglang, “Magandang
araw kaibigan, pwede ba akong makiinom?” ang bati ni kuneho kay Bua.”
Lumapit ka para makainom ka ng marami,” aya pa ng buwaya. Kahit
busog na siya gusto pa rin niyang kainin ang kuneho.
“Sandali, kaibigan uminom ka pa mukhang uhaw ka pa”
pagpipilit ni Bua.”
Hindi maaari nandito na ang mga mangangaso ayokong mahuli!”
Mabilis na nakatakbo si kuneho. Samantalang si Bua ay hindi makagalaw
sa busog kaya siya ay nahuli ng mga mangangaso.

1. Sino ang nakatira sa ilog?


a. si Kuneho b. si Bua c. si Tikboy

2. Ano ang katangian niya?


a. mapagbigay b. antukin c. matakaw
3. Aling pahayag sa kuwento ang nagpapatunay na siya ay matakaw.
a. “La la la la…. busog na busog ako ang sarap matulog.”
b. Ang lahat ng hayop na mapunta sa ilog ay hindi nakakaligtas sa mata
ni Bua.
c. ” Lumapit ka pa para makainom ng marami”
4. Sino ang dumating sa ilog para makiinom?
a. si Maya b. si Daga c. si Kuneho
3. Bakit nahuli ng mangangaso si Bua?
a. dahil hindi na siya makagalaw dagil sa sobrang busog
b. dahil siya ay nakatulog
c. dahil gusto niyang magpahuli
Pinatnubayang Pagtatasa 1
Panuto: Pakinggan ang babasahing kuwento. Iugnay ang tanong sa Hanay A sa tamang
sagot sa Hanay B.

Ang Mahiwagang Keso ni Dodi

Masayang umuwi ng bahay si Dodi Daga. “Anak, bakit ka ba masaya?” tanong ng


kanyang ina. “Nanay may nakita po akong matanda at mukhang gutom kaya ibinigay ko
po sa kanya ang baon kong tinapay,” masayang pagkukuwento pa niya.

Matutulog na sana si Dodi nang bigla niyang maalala ang matanda na kanyang tinulungan.
“Anak, dahil mabuti ang iyong kalooban, tanggapin mo itong munti kong regalo sa iyo,” ang
wika ng matanda sa kanya. Binuksan ni Dodi ang kahon at nakita niya ang
isang maliit na keso.
Mahiwaga ang keso ni Dodi. Lumalaki ito araw-araw.

Hanay A Hanay B
a. tinapay
1. Sino ang batang daga sa
kuwento?
b. mahiwaga
2. Ano ang naramdaman niya nang tulungan niya
ang matanda?

c. si Dodi
3. Ano ang ibinigay niya sa matanda?

d. masaya
4. Ano ang regalong natanggap niya?
5. Ano ang katangian ng regalo? e. keso

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Pakinggan ang babasahing kuwento at sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

Si Mayang Masayahin

Kanta dito kanto doon, ito ang hilig ni Maya kaya marami siyang kaibigan. Hindi
siya mapipigil sa pagkanta kahit may ginagawa siya.
“Naku! Tanghali na pala, uwi na tayo,” wika ni Loro. “Oo nga, masakit na sa balat
ang sikat ng araw,” sagot naman ni Kuwago. “Nalibang tayo dahil sa walang hintong
pagkanta ni Maya. Ha ha ha!” sabat naman ni Pipit. “La la la… oras na para umuwi at
maghiwa- hiwalay,” paawit na wika ni Maya.

Ang kanyang mga kaibigan ang tumawag sa kanya ng Mayang Masayahin.

1. Sino ang mahilig kumanta?


2. Ilan ang magkakaibigan sa kuwento?

3. Sino sa magkakaibigan ang nag-ayang umuwi?


4. Ano ang uri ng panahon sa kuwento?

5. Ano ang itinawag ng magkakaibigan kay Maya?


Pinatnubayang Pagtatasa 2
Panuto: Basahin ang kuwento. Sagutan ang mga tanong.

Si Bantay
Sa umaga, ang gawain ni Bantay ay magwalis ng paligid at magdilig ng mga
halaman. Sa tanghali naman ay tinutulungan niya ang kanyang ina sa paghahanda ng
pagkain. Pagkatapos ng kanyang mga gawain, masayang nakikipaglaro si Bantay sa
kanyang mga kaibigang aso.

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Sino ang bida sa kuwento?
3. Ano-ano ang ginagawa niya sa umaga?
4. Ano naman ang ginagawa niya pagdating ng tanghali?
5. Sino ang mga kalaro niya?

Malayang Pagsasanay 1
Panuto: Pakinggan ang babasahing kuwento at gawin ang

pagsasanay. Iguhit ang kung ang sagot sa tanong

ay tama at isulat naman ang Mali kung mali ang sagot.

Pasaway na Isda
Papalayo nang papalayo ang paglangoy ni Dely nang tawagin siya ng
kanyang ina. “Delikado pa sa iyo ang lumangoy sa malayo. Maliit ka pa anak
at baka mawala ka!” banta ng ina sa kanyang anak.
Isang umaga, hindi napigilan ni Dely ang lumangoy habang ang kanyang
mga magulang ay natutulog pa. “Inang Dilis at Amang Dilis, nasaan po kayo?”
tanong ni Dely. Dahil sa kakalangoy di namalayan ni Dely na nawawala na
pala siya.

Nagtago si Dely sa malaking bato sa takot na makain siya ng


malalaking isda.

1. Sino ang bida sa kuwento?


Sagot: si Dely
2. Ano ang hilig niyang gawin?
Sagot: kumanta
3. Anong uri ng isda si Dely?
Sagot: Dilis
4. Kailan siya nawala?
Sagot: gabi
5. Saan siya nagtago?
Sagot: sa halaman

Malayang Pagtatasa 1
Panuto: Pakinggan ang babasahing kuwento at sagutin ang mga tanong. Isulat
ang letra ng tamang sagot.
Ang Uod at Paruparo
Tuwing umaga nagkikita sina Paruparo at Uod sa halamanan. Si
Paruparo ay masayang palipat-lipat sa mga bulaklak habang si Uod naman
ay palipat-lipat sa mga dahon.

Isang umaga. “Kaibigang Uod bakit malungkot ka?” tanong ni Paruparo.


“Naiinggit ako sa iyo kaibigang Paru- paro,” sagot naman ni Uod. “Gusto kong
makalipad tulad mo at makarating sa iba’t- ibang lugar,” paliwanag pa niya.
“Huwag kang mag-alala kaibigan darating ang panahon na makakalipad ka
rin,” wika naman ni Paruparo. Natuwa si Uod sa kanyang narinig. Mabuting
kaibigan si Paruparo. Ayaw niyang nalulungkot ang kanyang kaibigan.

Makalipas ang isang linggo, sabay nang lumilipad at nagpapalipat-lipat sa


mga bulaklak ang magkaibigan.

1. Sino ang magkaibigan sa kuwento?


a. sina Paruparo at Kulisap
b. sina Uod at Bubuyog
c. sina Paruparo at Uod

2. Kailan nagkikita ang dalawa?


a. tuwing umaga
b. tuwing tanghali
c. tuwing gabi

3. Bakit nagtutungo si Paruparo sa halamanan?


a. upang magpalipat-lipat sa mga dahon
b. upang magpalipat-lipat sa sanga
c. upang magpalipat-lipat sa mga bulaklak
4. Anong kakayahan ni Paruparo ang gustong magkaroon ni Uod? a.
makalipad
b. makatakbo
c. makatalon
5. Anong uri ng kaibigan si Paruparo?
a. mayabang b. mabuti c. mapagbigay

Malayang Pagsasanay 2
Panuto: Pakinggan ang babasahing kuwento at sagutin ang mga tanong. Isulat
sa patlang ang iyong sagot.

Bertong Payatot
“Payatot, payatot!” sigaw na naririnig ni Berto kaya patakbo siyang
umuwi ng kanilang bahay. Hindi kumakain ng gulay si Berto kaya siya ay sakitin
at payat.
“Nanay, kakain na po ako ng gulay. Gusto ko pong maging malusog
para hindi na po nila ako tawaging payatot,” wika ni Berto.

Ngayon, si Berto ay isa nang malusog at masiglang kalabaw kaya mula


noon tinawag na siyang Bertong Makisig.

1. Sino ang tinatawag na payatot sa kuwento?

2. Ano ang ayaw niyang pagkain?

3. Bakit kaya siya sakitin at payat?

4. Bakit niya gustong maging malusog?

5. Ngayong malusog at masigla na siya, ano na ang tawag sa kanya?


Malayang Pagtatasa 2
Panuto: Pakinggan ang babasahing kuwento at sagutin ang mga tanong. Isulat
sa patlang ang iyong sagot.

Pula, Dilaw at Itim


“Tiktilaok, tiktilaok mga anak gising na,” ang tawag ni Inahing Manok
sa mga anak. “Pula, maghanda ka na at maaga tayong pupunta sa bukid,”
wika pa nito.
Mabilis na kumilos si Pula at inihanda ang mga kagamitan sa pagtatanim.
Si Pula ang pinakamatanda sa magkakapatid. Siya ang katulong ni
Inahing Manok sa bukid.
“Itim, mag-ingat ka sa paglalaro baka masaktan ka,” paalala ni Dilaw sa
bunsong kapatid. Si Dilaw ang nag-aalaga sa bunsong kapatid habang si
Inahing Manok ay nasa bukid.
Mababait na anak sina Pula, Dilaw at Itim. Tinutulungan

nila si Inahing Manok sa iba’t ibang mga gawain nito.


1. Sino ang katulong ni Inahing Manok sa pagtatanim?

2. Paano masasabing mabait na kapatid si


Dilaw?
3. Sino ang bunsong manok?
4. Bakit sinabi ni Dilaw na mag-ingat sa paglalaro si Itim?

5. Dapat bang maging mabuting anak tulad nina Pula, Dilaw at Itim na
manok? Patunayan

Isaisip
Ang pakikinig ay mahalagang kasanayan na dapat malinang sa mag-aaral.
Ito ay makatutulong sa pang- araw- araw na pamumuhay. Ang kasanayang ito
ang dapat matutuhan upang madali tayong makaunawa sa ating pinakikinggan
at sa sinasabi ng ating kausap.
Isaalang-alang ang sumusunod na mga panuntunan para matutuhan ang
kasanayan sa mabisang pakikinig at pagkaunawa . Masusukat ito sa
pamamagitan nang wasto at tamang pagsagot sa mga inihandang tanong.

▪ Ihanda ang sarili sa pakikinig.


▪ Ituon ang atensyon sa nagbabasa.
▪ Unawaing mabuti ang bawat salita at pangyayari/ impormasyon sa
kuwentong pinapakinggan.
▪ Tandaan ang mahahalagang pangyayari o impormasyon sa
napakinggan.
▪ Itala ang mahahalagang detalye sa napakinggan.
 


Isagawa

Panuto: Makinig sa kuwento at gawin ang pagsasanay. Lagyan ng tsek () ang
tamang sagot sa mga tanong.

Si Mimi Kambing
Si Mimi Kambing ay isang pasaway na anak. Hindi siya sumusunod sa
mga bilin at pinag-uutos sa kanya. Kaya madalas si Mimi ay napagsasabihan ng
kanyang mga magulang.
Isang araw, sina Amang Kambing, Inang Kambing at Mimi ay pumunta sa
burol upang kumuha ng pagkain.
“Anak, huwag kang palundag-lundag baka mahulog ka sa bangin,” ang
bilin ni Inang Kambing. Ngunit nagpatuloy pa rin sa paglundag si Mimi.

Nang bigla na lang may narinig si Inang Kambing “Mee-mee!


Tulong! Tulungan ninyo ako,” ang malakas na iyak ni Mimi.
1. Sino ang pasaway na kambing?
a. Enteng
b. Mimi
c. Emi

2. Bakit siya madalas pagsabihan ng kanyang mga magulang?


a. Dahil siya ay madaldal.
b. Dahil siya ay pasaway.
c. Dahil siya ay matakaw.

3. Sino-sino ang nagpunta sa bukid?


a. Amang Kambing, Inang Kambing at Mimi
b. Amang Baka, Inang Baka at Berto
c. Amang Usa, Inang Usa at Isa
4. Ano ang bilin sa kanya ni Inang Kambing habang sila ay nasa burol?
a. “Anak, huwag kang palundag-lundag baka mahulog ka sa bangin.”
b. “Anak, huwag kang pupunta sa malayo.”
c. “Anak, umupo ka lang.”

5. Ano ang nangyari kay Mimi nang hindi siya sumunod sa bilin ng
kanyang ina?
a. Siya ay nadapa.
b. Siya ay nawala sa burol.
c. Siya ay nahulog sa bangin.
Tayahin

Panuto: Makinig na mabuti sa babasahing kuwento. Sagutin ang


sumusunod na mga tanong.

Si Bokyong Ayaw Maligo


Si Bokyo ay isang batang uod. Hilig niya ang kumain ng kumain
ngunit hindi ang paliligo.
“Ayokong maligo! Ayokong mabasa!” pagtutol ni Bokyo. “Bakit ba kasi
kailangan umulan? Sana huwag ng umulan kahit kailan,” panalangin ni
Bokyo.

Nakalipas ang ilang araw na hindi umuulan.


Napansin ni Bokyo na hindi na makatas at masarap ang dahon na kanyang
kinakain. Naalala ni Bokyo na kailangan ng mga halaman ang ulan para sila ay
lumusog at dumami.
“Panginoon, patawarin po ninyo ako”. “Sana po, muli nang umulan
upang lumusog ang mga halaman,” muling panalangin ni Bokyo. Pagkaraan ng
ilang sandali muling dumilim ang langit at bumagsak ang ulan.

1. Sino ang batang uod sa kuwento? 2. Ano ang araw-araw na gawain

niya?

3. Ano naman ang ayaw niyang gawin?

4. Ano ang nangyari sa mga halaman noong hindi na umulan?

5. Ano ang ginawa ni Bokyo para muling maging malusog ang mga
halaman?

Karagdagang Gawain
Panuto: Makinig na mabuti sa kuwento at sagutin ang sumusunod na mga
tanong.

Ang Mayabang na Baboy


“Tabi ang baho mo!” ang wika ng mayabang na si Tikboy. Sa Baryo
Kuliglig, siya ay hinahangaan dahil sa kanyang makinis na balat at mga pinong
balahibo. Ito rin ang dahilan kaya ayaw niyang makisama sa ibang baboy.

“Tikboy, maglaro tayo,” aya ni Bokyo.


“Di tayo magkatulad kaya ayaw kitang kalaro,” ang madalas sabihin ni
Tikboy.

1. Sino ang bida sa ating kuwento?


2. Ano-ano ang mga katangian niya?

3. Saan nangyari ang kuwento? _


4. Sino ang nagyaya kay Tikboy para maglaro?

5. Ano ang masasabi sa pag-uugali ni Tikboy? Dapat ba siyang


tularan? Patunayan ang kasagutan.

Alamin
Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang makasusunod sa
nakasulat na panutong may 1-2 at 3-4 na hakbang.

Subukin
Panuto: Gawin ang panutong ibinigay. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

A. Gumuhit ng araw. Kulayan ito ng dilaw.

B. Isulat ang iyong pangalan gamit ang malalaking letra.


C. Gumuhit ng dalawang magkatabing bituin. Kulayan ng pula
ang unang bituin.
Kulayan naman ang pangalawang bituin ng dilaw.

D. Gumuhit ng isang sobre. Sa tabi nito, gumuhit ka ng isang


lapis.
E. Isulat ang salitang salamat. Guhitan ito ng isang beses.

Aralin
Pagsunod sa Panutong may
4 1-4 na Hakbang
Tayong mga Pilipino ay kilala sa napakaraming magagandang
katangian. Isa sa mga katangiang ito na talaga gusto ng lahat ay ang
pagiging masunurin lalo na ng isang batang katulad mo.

May kabutihan bang dulot ang pagiging masunurin?

‘Yan ang ating tatalakayin ngayon sa ating aralin.

Balikan
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang nagsasabi ng lokasyon at ekis () kung
hindi.

1. itaas ng puno
2. ilalim ng mesa

3. kama at upuan

4. loob ng bahay

5. mabangong bulaklak

Tuklasin
Marunong ka bang sumunod sa ipinag-uutos sa iyo? Alam mo ba
kung bakit dapat kang sumunod? Ano nga ba ang maaaring mangyari
sa iyo kung hindi ka marunong sumunod sa ibinigay na panuto?
Tara, alamin natin ang mga kasagutan sa mga tanong na nasa
ating kuwento.
Si Nicole ay nasa ikalawang baitang, katulad din siya ng ibang
bata na medyo may kakulitan.
Minsan ay isinama ni Aling Marta si Nicole sa pamilihan dahil na
rin sa pagpupumilit nito. “O sige, isasama kita subalit kailangan
mong sumunod sa akin,” ang sabi ng ina. “Pangako po,” tugon
niya.
“Huwag na huwag kang hahawak ng kahit anong bagay sa
palengke, dapat ay lagi kang nasa tabi ko at nakahawak sa akin.
Huwag ka ring aakyat sa ibabaw ng mga upuan at susuot sa ilalim ng
mga mesa, matapos nating mabili ang lahat ay ibibili kita ng manika,”
mahabang paliwanag ng ina. “Talaga po Nay, sige po,” tugon ng bata.
Pagdating sa pamilihan ay nakalimutan na ni Nicole ang
pangako sa ina. Akyat dito,akyat doon. Suot dito, suot doon. Hawak
dito, hawak doon. Takbo dito, takbo doon ang kanyang ginawa.
Napabuntong-hininga na lamang si Aling Marta.
Matapos mabili ang lahat ay tuloy-tuloy na lumabas ng
pamilihan ang mag-ina. “Nay may nakalimutan po kayo, yung manika
ko po,” paalala ni Nicole.
Tumingin sa kanya nang seryoso ang ina at sinabi “Hindi ako ang
nakalimot, hindi mo ba naalala ang mga ibinilin ko sa iyo?”
seryosong sagot nito.
Walang nagawa si Nicole kundi tumahimik dahil alam niyang
galit ang ina. “Dapat pala sumunod ako,” bulong niya sa sarili.

Suriin
Ang pakikinig at pagsunod sa sinasabi sa atin ay
napakagandang pag-uugali na kayang-kaya mong gawin, hindi ba?
Tara, balikan natin ang ating kuwento.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Sino ang bata sa ating kuwento?
2. Ano ang katangian ni Nicole?
3. Kung ikaw si Nicole, susundin mo ba si Nanay?
Bakit?
4. Ano kaya ang maaaring mangyari kay Nicole sa
pagtakbo niya sa loob ng palengke?
5. Ano-ano ang mga panuto o utos nabasa mo sa
kuwento?
6. Ano-ano ang mga salitang tumutukoy sa lokasyon?
7. Bakit mahalagang sumunod sa panuto?

Mga Tala para sa


Guro
Gabayan ang mag
-aaral na masunod nang
wasto ang mga Pinatnubayang Pagsasanay at
Pagtatasa.

Pagyamanin
Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Sundin ang panuto sa bawat bilang.

1. Isulat ang  at ikahon ito.


2. Isulat ang iyong buong pangalan.
3. Gumuhit ng kalahating bilog na nakataob at
kulayan ito ng itim.
4. Gumuhit ng 2 arrow na nakaturo sa itaas.
5. Isulat ang bilang na isa hanggang sampu,
siguraduhing may pagitan ang bawat bilang.

Pinatnubayang Pagtatasa 1
Panuto: Sundin ang panuto sa bawat bilang.

1. Gumuhit ng isang araw, sa ibaba ay gumuhit ng


isang buwan na may kasamang bituin.
2. Gumuhit ng isang bilog at tatsulok. Lagyan ito ng
guhit sa ilalim.
3. Gumuhit ng larawan ng isang babae at lalaki.
Kulayan ito ng itim.
4. Isulat ang salitang tama at gumuhit ng tsek ✓ sa
tabi nito. Sa ibaba ay isulat ang salitang mali at sa tabi ay
iguhit ang ekis 
5. Gumuhit ng isang bilog. Lagyan ito ng tuldok sa
loob.

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Isulat ang T kung tama o dapat ugaliin ang isinasaad
sa bawat pangungusap at M kung mali.

1. Ang pagsunod sa panuto ay may magandang


maidudulot sa atin.
2. Maraming matutuwa sa akin kung ako ay
matututong sumunod.

3. Susunod ako sa panuto nang may buong pang-


unawa.

4. Susunod lamang ako kung ako ay bibigyan ng


pera.

5. Hindi ko pakikinggan ang nagbibigay ng panuto.

Pinatnubayang Pagtatasa 2
Panuto: Lagyan ng tsek (✓ kung ito ay isa sa mga dapat
gawin upang makasunod sa nakasulat o nabasang panuto at
ekis () kung hindi.

1. Basahing mabuti ang panuto.

2. Gawin ang panuto kahit hindi pa ito nababasa ng


buo.

3. Sundin lamang ang unahan ng panuto.

4. Unawaing mabuti ang nabasang panuto.

5. Sundin ang panuto ayon sa hakbang ng


pagkakasunod-sunod nito.
Malayang Pagsasanay 1
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan. Lagyan ng bilang 1-4
ang larawan upang masunod ang mga panuto sa sitwasyon.
Sitwasyon:
Araw ng Sabado, maagang umalis si Aling Minda
para magtinda sa palengke. Nag-iwan siya ng nakasulat
na mensahe para sa kanyang anak. Nakalagay ito sa
lamesita na nasa bandang ulunan ng tulugan ng bata.
Nakasulat din dito na babalik agad ang ina. Narito ang
nakasulat:
1. Magdasal ka.
2. Ligpitin mo ang iyong pinaghigaan.
3. Kumain ka ng almusal na iniwan ko sa lamesa at
iligpit ito pagkatapos.
4. Maligo ka para maging mabango at malinis.

A . _____ B . _____

C . _____ D . _____

Malayang Pagtatasa 1
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan. Lagyan ng bilang 1-4
ang larawan upang masunod ang bawat hakbang ng panuto.

1. Kumuha ng isang plorera at lagyan ito ng tubig.


2. Pumitas ng 3 bulaklak na may tangkay.
3. Ilagay ang mga bulaklak sa plorera.
4. Ipatong ang plorera sa mesa.
A. _____ B. _____

C . _____ D . _____
Malayang Pagsasanay 2
Panuto: Pag-aralan ang larawan. Isulat ang letra ng wastong
panuto ayon sa larawan.

1. A. Isuot ang bag at


sombrero.
B. Hawakan ang bag at
sombrero.

2. A. Magmano sa lola.
1. B. Magmano sa lolo.
2.

3. A. Tawagin ang kaibigan at


maglaro ng habulan
B. Tawagin ang kaibigan at
makipagkuwentuhan

4.A. Nakatayo at
kumakaway
B. Nakatayo at sumasayaw
. 5.A. Buhatin ang manika.
B. Buhatin ang regalo.
Malayang Pagtatasa 2
Panuto: Basahin at sundin ang panuto.

A. Sa itaas na bahagi ng sagutang papel ay isulat ang iyong buong


pangalan.

B. Bakatin ang iyong kaliwang kamay.

C. Gumuhit ng masayang mukha sa bahagi ng palad.

D. Kulayan ng dilaw ang masayang mukha.

Isaisip

A. Panuto: Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang


kaisipan. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

sundin lokasyon panuto

Ang ____________ ay ang pagbibigay ng direksyon at tagubilin na


dapat ____________ sa pagsasagawa ng mga gawain. Maaaring
gumamit ng mga salitang nagsasaad ng ____________ tulad ng itaas,
ibaba, tabi, likod, harap at gillid upang higit na maging malinaw ang
pagbibigay ng panuto.
Halimbawa:
Ilapag ang lapis sa ibabaw ng mesa.
Hintayin mo ako sa tapat ng aming bahay.

Upang makasunod sa panutong may 1 hanggang 4 na hakbang


dapat nating tandaan ang sumusunod:
1. Pakinggan o basahin at intindihing mabuti ang buong panuto.
2. Upang hindi malito, gawin muna ang unang hakbang ng panuto
bago gawin ang susunod pang mga hakbang.

B. Panuto: Buoin ang kaisipan.


Mahalaga ang pagsunod sa panuto upang
__________________________________________________
__________________________________________________

Isagawa

Panuto: Gawin ang panuto sa iyong sagutang papel.

1. Gumuhit ng isang bilog. Sa loob nito ay gumuhit ng isang malaking


bituin. Kulayan ng itim ang labas na bahagi ng bituin. Siguraduhing
makukulayan ang lahat ng bahagi nasa labas ng bituin.

2. Isulat ang bilang na 4 at bilugan ito.

3. Isulat ang pangalan ng iyong matalik na kaibigan at guhitan ito.

4. Gumuhit ng masaya at malungkot na mukha.

5. Gumuhit ng bola sa ilalim ng mesa.

Tayahin

Panuto: Gawin ang panuto sa iyong sagutang papel.

1. Gumuhit ng larawan ng pamilya kasama sina nanay, tatay, kuya, ate


at bunso. Kulayan ng pula si bunso.
2. Gumuhit ng tatlong bulaklak at isang paruparo.
Kulayan ng dilaw ang mga bulaklak.

3. Gumuhit ng isang lobo, kulayan ito ng pula. Isulat sa loob ng lobo


ang bilang na 1.

4. Gumuhit ng isang kahon, isulat sa gitnang bahagi ang salitang saya.


Iguhit ang masayang mukha pagkatapos nito.

5. Gumuhit ng isang kotse. Kulayan ito ng ube o lila.

Karagdagang Gawain
Panuto: Gawin ang panuto.

➢ Gumuhit ng ulap
➢ Kulayan ito ng bughaw.
➢ Isulat ang salitang Filipino ako sa loob ng ulap.
➢ Gumuhit ng 3 ibon na lumilipad sa ilalim ng ulap.
Alamin

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang makapagyayaman ng


talasalitaan sa pamamagitan ng paghanap ng maikling salitang matatagpuan
sa loob ng mahabang salita at bagong salita mula sa salitang-ugat.

Subukin

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang salitangugat na matatagpuan sa


mahabang salitang nakasulat.
1. nagyayaan 4. kaligtasan
• aya • kali
• yaya • tasan
• maya • iatas
• kaya • ligtas
2. tindahan 5. mabilisan
• tinda • isa
• ahan • bilis
• inda • lisa
• dahon • lisan
3. kagubatan
• gubat
• agub
• bata
• ata

Aralin

5 Salitang-ugat

Alam mo bang mula sa mahabang salita ay maaari tayong


makahanap o makabuo ng maikling salita? Iyan ang ituturo sa iyo ng
araling ito.
Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging palabasa. Sa bawat
babasahin na ating binabasa tulad ng salaysay, kuwento at iba pang
babasahin ay may mga maikling salita na nakapaloob sa mahabang
salita na tinatawag nating salitang- ugat. Dapat mo itong malaman
at maunawaan.

Balikan
Panuto: Pagsamahin ang mga pantig upang makabuo ng salita. Isulat
sa sagutang papel ang nabuong salita.

ma da

ku ma in

nag la ba

u ma wit

su ma yaw

Tuklasin
Naranasan mo na bang magbakasyon? Saan- saan ka na ba
nakarating? Basahin at unawain natin ang kuwento at alamin kung
katulad ka rin ng mga tauhan.

Ang Bakasyon ng Magkapatid


Akda ni Mildred N. Montañez
Sabado, maagang nagising ang magkapatid na Ely at Joy.
Masaya sila dahil ito ang unang pagkakataon na magbabakasyon sila
sa probinsiya ng kanilang lolo at lola. “Natutuwa ako dahil
makakadalaw na tayo kina lolo at lola,” ang sabi ni Joy.
“Handa na ba kayo mga anak?” tanong ng kanilang ama.
“Opo!” sagot ng magkapatid. “Tara na, upang maaga tayong
makarating sa ating patutunguhan,” sambit ng kanilang ama.
Masaya silang sumakay nang dumating ang pampasaherong
bus. Habang naglalakbay, nakita nila ang kagandahan ng kapaligiran.
Nakarating sila sa probinsya nang ligtas. Agad na pumasyal ang
magkapatid sa bukirin ng kanilang lolo at lola.
Naging masaya ang bakasyon ng magkapatid.

Suriin
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong tungkol sa binasang
kuwento. Isulat ang letra ng iyong sagot.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


A. Ely at Joy B. tatay at nanay C. Ely at Mhel
2. Saan pupunta ang magkapatid?
A. sa Maynila B. sa bukid C. sa probinsiya
3. Ano ang gagawin nila sa probinsiya?
A. maglalaro
B. magbabakasyon

C. maliligo sa dagat
4. Anong damdamin ang ipinakita ng magkapatid sa
kuwento?
A. malungkot B. masaya C. galit
5. Ano ang nakita ng magkapatid habang naglalakbay?
A. kagandahan ng kapaligiran
B. kagandahan ng bundok
C. umaandar na bisikleta

Heto ang ilan sa mga salitang ginamit sa binasa mong


kuwento. Basahin ang mga ito.

magbabakasyon makakadalaw

naglalakbay magkapatid

kagandahan

Mula sa mga mahahabang salitang nabanggit ay maaari tayong


makahango ng payak o salitang-ugat. Gaya ng bakasyon, dalaw,
lakbay, kapatid, ganda
Mga Tala para sa Guro
Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa mga
Pinatnubayang
Pagsasanay.

Pagyamanin
Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Tingnan ang larawan. Isulat ang salitang-ugat na ipinakikita
sa larawan.

1. kaarawan

2. palaisdaan

3. kabahayan

4. panglimahan

5. kabundukan
Pinatnubayang Pagtatasa 1
Panuto: Piliin ang salitang-ugat sa loob ng panaklong na makikita sa
mahabang salita.

1. mabilisan (abil, bilis, malis)


2. natahimik (atam, tahim, tahimik)
3. madalian (dali, mada, alian)
4. kahusayan (sayan, kahuy, husay)
5. pahalagahan (pahal, halaga, agan)

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang-ugat na nakapaloob sa
mahabang salitang nakatala.

1. kalikasan
2. pinagsabihan
3. kaarawan
4. kagandahan
5. kaputian

Pinatnubayang Pagtatasa 2
Panuto: Kopyahin ang sumusunod na salita at bilugan ang salitang-
ugat.

1. nahihirapan
2. naglalampaso
3. lumalakad
4. kinakausap
5. lumilikas
Malayang Pagsasanay 1
Panuto: Lagyan ng tsek () ang kahon ng salitang-ugat na makikita
sa mahabang salita.

1. kagubatan atan
gubat
kagub

2. kalinisan
kalin
isan
linis

3. nagpapagupit
gupit
pagup
upit

4. lumilipad
milip
lumi
lipad

5. nagtotroso
totro troso agto

Malayang Pagtatasa 1
Panuto: Isulat ang salitang-ugat ng salitang may salungguhit sa
sagutang papel.
1. Mabilis na naggapangan ang mga batang iskawt.
2. Ang mga baso ay dapat na hinuhugasang mabuti upang
di maging malansa ang amoy.
3. Nagulat si Mang Jose sa mga nagtatakbuhang bata.
4. Nagmadaling lumakad si Ana dahil dumidilim na sa
paligid.
5. Nagpapahinga sa ilalim ng punong mangga si Caloy nang
makarinig siya ng malakas na putok.

Malayang Pagsasanay 2
Panuto: Lagyan ng ✓ kung tama ang may guhit na salitang-ugat sa
pangungusap at X kung hindi.

1. Nagmadali si Ed dahil tanghali na.


2. Nagpasalamat siya sa kanyang kapatid.
3. Nakapagbakasyon ka na ba sa probinsiya?
4. Bigla siyang napatayo nang tumunog ang bell.
5. Nagsisimba ka ba tuwing Linggo?

Malayang Pagtatasa 2
Panuto: Isulat ang salitang-ugat ng bawat salita. Gawing gabay ang
mga kahon.

1. umalis

2. paglalakbay

3. kaligtasan

4. mabilisan

5. maglinis
Isaisip
Ang payak na salita sa isang mahabang salita ay tinatawag
nating salitang-ugat.
Ang salitang-ugat ay makikita sa mahabang salita dahil ito ay
dinagdagan na ng panlapi.
Ang pag-unawa sa binasa ay isang paraan upang makilala natin
ang salitang-ugat na nakapaloob sa mahabang salita.

Punan ang sumusunod na talahanayan.

Magtala ng tatlong natutuhan sa aralin?

Isagawa
4. Humanga ka sa likhang sining ng iyong kamag-aral.
Anong maikling salita ang masasabi mo?
A. Galing
B. Ang galing-galing
C. Napakagaling

5. Kasalukuyan kang kumakain ng dumating ang kaibigan


mo. Paano mo siya aalukin sa maikling salita lamang?
A. Kumain ka.
B. Kakain ka?
C. Kain.

Tayahin
Panuto: Piliin ang salitang-ugat na nakapaloob sa mahabang salita sa
bawat bilang.

1. isinasama
A. isin
B. inas
C. sama

2. magsisisakay
A. sakay
B. sikay
C. masi
3. nagsusuklay
A. uklay
B. suklay
C. sukla

4. tinataniman
A. tanim
B. iman
C. anima

5. magkakasabay
A. asab
B. akas
C. sabay

Karagdagang Gawain
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga salitang-
ugat.

1. yaman

2. bait

3. bilang

4. sayaw

5. turo
Alamin
Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang makasusulat ng
parirala at pangungusap nang may wastong baybay, bantas at tamang
gamit ng malaki at maliit na letra.

Subukin
Panuto: Basahin at isulat nang wasto ang mga pangungusap gamit ang
malaki at maliit na letra. Lagyan ito ng tamang bantas.

1. nagpunta ba si sara sa palaruan

__________________________________________________

2. panatilihing malinis ang kapaligiran

__________________________________________________

3. aray kinagat ako ng lamok

__________________________________________________

4. sa maynila siya nakatira

__________________________________________________

5. binilhan ng bagong damit si tonyo

__________________________________________________
Aralin
Pagsulat ng Parirala at
6 Pangungusap

Kapag tumitingin sa paligid marami tayong makikitang mga


babasahin. Ang mga ito ay may iba’t ibang mensahe na gustong
ipabatid na maaaring magdulot ng kalituhan kung hindi mauunawaan
nang maayos. Sa pamamagitan ng paggamit ng malalaki at maliliiit na
letra at tamang bantas mas magiging maayos ang pagbasa at mas
malinaw ang mga mensahe nito.

Balikan
Panuto: Lagyan ng tamang bantas ang mga pangungusap.

_____________1. Diligan mo ang mga halaman


_____________2. Nagsisimba kami tuwing Linggo
_____________3. Bigay ba ni Didit ang regalo
_____________4. Yehey panalo tayo
_____________5. Paano ka nasugatan

Tuklasin
Panuto: Basahin ang kuwento at unawain itong mabuti.

Ang Pagsusulit ni Robi


Akda ni: Clarissa Jane V. Gonzaga

Pagkagaling sa paaralan tinawag ni Robi ang kapatid upang


maglaro. “Pakikuha mo yung bola Kiko para makapaglaro na tayo,”
ang sabi ni Robi. “Bumalik kayo sa silid may pagsusulit kayo bukas,”
sabi ng nanay.
Agad naman sumunod ang magkapatid.
Nagtaka si Robi dahil nasa loob na siya ng silidaralan. Ibinibigay
na ang resulta ng kanilang pagsusulit. Hawak na niya ang kanyang
papel. “Ano kaya ang aking marka?” sabi ni Robi sa kanyang isip.
Pagbuklat ng kanyang papel nakita niya, bagsak ang marka niya. Iyak
nang iyak si Robi dahil siguradong magagalit ang kanyang ina. “Robi,
gising!” boses ito ng kanyang ina. Nagising si Robi. Pagmulat ng
kanyang mata ay nakita niya ang kanyang ina. Nanaginip lang pala
siya. “Nanay, mag-aaral na po ako nang mabuti.” sabi ni Robi.
Panuto: Sagutin ang mga tanong ayon sa kuwentong binasa. Isulat ang
letra ng tamang sagot.

_____1. Sino ang may pagsusulit?

A. Kiko B. Robi C. Rico


_____2. Ano ang ginawa niya pagkagaling sa paaralan?

A. nagyayang maglaro
B. natulog sa kuwarto
C. nakipagkwentuhan sa kapatid

_____3. Kung ikaw si Robi ano ang gagawin mo kung mayroon kang
pagsusulit?

A. makikipaglaro sa kapatid
B. mag-aaral na kaagad
C. matutulog na lang muna

_____4. Bakit magagalit ang ina ni Robi?

A. bagsak ang marka niya


B. nakatulog siya
C. naglaro siya

_____5. Anong aral ang natutunan ni Robi?

A. Huwag matutulog kapag nag-aaral.


B. Makipaglaro na lang sa kapatid.
C. Mag-aral nang mabuti.

Suriin
Ang binasang kuwento ay madaling maunawaan dahil sa
wastong gamit ng malaki at maliit na letra. Bukod dito mapapansin din
na tama ang gamit ng bantas.
Balikan natin ang ilang pangungusap sa kuwento at suriin.

Basahin ang mga sumusunod:


1. Nanay, mag-aaral na po ako ng mabuti.
2. Ano kaya ang aking marka?
3. Robi gising!
4. Pakikuha mo yung bola, Kiko para makapaglaro na tayo.
5. Pumunta kayo sa inyong silid at mag-aral may pagsusulit
kayo bukas.

Pagkatapos suriin ang mga pangungusap mauunawaan mo na:


✓ Ang umpisa ng pangungusap ay laging nagsisimula sa malaking
titik.
✓ Ang tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari ay
dapat na nagsisimula sa malaking letra.
✓ Ang hulihan ng pangungusap ay laging nagtatapos sa tamang
bantas.
✓ Ang ilan sa mga bantas na ginagamit ay:
• tuldok (.) - ginagamit tuwing pasalaysay o pautos
• tandang pananong (?) - ginagamit tuwing nagtatanong
• tandang padamdam (!) - ginagamit tuwing nagpapahayag
ng matinding damdamin
• kuwit (,)- ginagamit tuwing pansamantalang hihinto
Mga Tala para sa Guro
Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot ng
mga Pinatnubayang Pagsasanay.

Pagyamanin

Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Piliin sa kahon ang salita na hindi wasto ang paggamit ng
malaki at maliit na titik.

Tagpi Aso Blackie


1.

2. guro nars Doktor

3.
Dilaw Bughaw Kulay
4.
gumamela Sampaguita bulaklak
5.

ibon Maya agila


Pinatnubayang Pagtatasa 1
Panuto: Isulat ang tsek (✓) kung wasto ang pagkakasulat ng mga salita
at ekis () kung hindi wasto.

_____1. si Bitoy

_____2. ang Pulis

_____3. sina Kokoy at pipay

_____4. asong tumatahol

_____5. tatakbong Bata

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Isulat ang Oo o Hindi kung ang pangungusap ay gumamit ng
tamang bantas at tamang gamit ng malaki at maliit na letra.

1.
Nakita mo ba ang nawawala kong pantasa?

2.
Pulutin ninyo ang mga kalat,

3.
Sina Lolit, Bebe at Dani ay
-eensayo
nag ng sayaw?

4.
Bilisan ninyo! kunin na ang mga gamit may sunog!

5.
Maghugas ng kamay bago kumain.

Pinatnubayang Pagtatasa 2
Panuto: Piliin ang letra na tumutukoy sa maling bahagi ng
pangungusap. Kung lahat ay tama, piliin ang letrang C.
_____1. Ang paborito kong kulay ay Pula.Tama
A B C
_____2. Nasaan ang iyong nanay? Tama
A B C
_____3. Si Soni ay nagwawalis! Tama
A B C
_____4. Masustansiya ang upo? kalabasa at talong. Tama
A B C
_____5. aray! Ang sakit ng ngipin ko. Tama
A B C

Malayang Pagsasanay 1
Panuto: Isulat ang salitang WASTO kung tama ang pahayag at DI-
WASTO kung mali.

____________1. Ang dulo ng pangungusap ay laging nagsisimula sa


malaking titik.

____________2. Ang tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at


pangyayari ay dapat na nagsisimula sa malaking
letra.
____________3. Ang hulihan ng pangungusap ay laging nagtatapos sa
tamang bantas.
____________4. Ginagamit ang bantas na padamdam (!) tuwing
pansamantalang hihinto.
____________5. Ginagamit ang bantas na tandang pananong(?)
tuwing nagtatanong.
Malayang Pagtatasa 1
Panuto: Hanapin sa mga pangungusap ang salitang dapat isulat sa
malaking letra, pagkatapos isulat ito ng tama.
1. Si marites ay matulungin sa nangangailangan.

2. Bakit ka pupunta sa tagaytay Bino?

3. tumulong kang magluto ng ulam natin.

4. Tuwing buwan ng wika nagkakaroon ng paligsahan.

5. Naku! nadulas si nelia.

Malayang Pagsasanay 2
Panuto: Kopyahin sa sagutang papel ang mga pangungusap at lagyan
ito ng tamang bantas.

1. Ang kabayo ay tumatakbo__

2. Wow__ Ang ganda ng iyong proyekto.

3. Malinis po ba ang hangin sa probinsya__

4. Makikipaglaro ako kina Lisa__ Niko at Anya.

5. Magpunas ka ng mga kabinet__

Malayang Pagtatasa 2
Panuto: Iguhit ang masayang mukha (☺) kung wasto ang pagkakasulat
ng pangungusap at malungkot na mukha () kung hindi.

_____1. Maaari po ba kaming humingi ng bayabas?


_____2. Yehey! Nanalo ang aking kaklase.

_____3. Palakpakan natin ang ating mga panauhin.

_____4. Ang Manga! Mansanas at Papaya ay mga prutas.

_____5. paano po gumawa ng saranggola?

Isaisip
Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang sumusunod na pahayag.

Ang pagsulat ng ____________________ letra ay ginagawa sa


unahan ng pangungusap at sa mga tiyak na ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar, at pangyayari. Ang mga bantas na ginagamit ay
____________________,
____________________, ____________________ at
____________________ sa pagbuo ng pangungusap.

Isagawa
Panuto: Isulat ang letra ng pangungusap na may wastong gamit ng
maliit at malaking letra at may tamang gamit ng bantas.
_____1. A. Namasyal kami sa Baguio. B.
namasyal kami sa Baguio.
C. Namasyal kami sa baguio.

_____2. A. Maaari ba akong dumaan?


B. Maaari ba akong dumaan!
C. Maaari ba akong dumaan.

_____3. A. Huwag magtapon ng basura kahit saan? B.


Huwag magtapon ng basura kahit saan.
C. huwag magtapon ng basura kahit saan.

_____4. A. ilan ang dala mong libro? B.


Ilan ang dala mong libro? C. Ilan ang dala
mong libro.

_____5. A. grabe! Sobrang init ng panahon?


B.Grabe! Sobrang init ng panahon,
C.Grabe! Sobrang init ng panahon.

Tayahin
Panuto: Basahin at isulat ang mga pangungusap nang may wastong
gamit ng malaki at maliit na letra at lagyan ng tamang bantas.

1. uminom ng maraming tubig araw-araw


__________________________________________________

2. bakit ka nagtatago sa sulok

__________________________________________________

3. gusto ni elisa maging doktor

__________________________________________________

4. yehey nakakuha ako ng mataas na marka

__________________________________________________

5. pwede po bang makausap si wilma

__________________________________________________

Karagdagang Gawain
Panuto: Bumuo ng dayalogo mula sa mga larawan.
Gumamit ng tamang bantas, ng malaki at maliit na letra.
TEMA

You might also like