Esp 10 Lesson

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)

Baitang 10
Paksa Ang Maingat na Paghuhusga (Takot at Karuwagan)
Baitang at Pangkat Grade 10 - Einstein
Paglalaan ng Oras 50 minutes
Guro MAVIS FAY S. SAPICO
Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa maingat na
paghuhusga.

Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos na nagpapakita


ng maingat na paghuhusga.
Kasanayang Pampagkatuto:

Natutukoy ang mga kilos na nagpapakita ng maingat na paghuhusga. (EsP10PB -IIIa-9.1)


Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakakikilala ng pagkakaiba ng karuwagan at takot.
2. Napapahalagan ang kakayahan na makagawa ng maingat na paghuhusga.
3. Nakagagawa ng angkop na kilos na nagpapakita ng maingat na paghuhusga.
Isakonteksto:
Sa bawat araw ng ating buhay, nasusubok ang ating kakayahan sa pagpapasiya. Minsan ay
nalalagay tayo sa mga sitwasyon na sinusubukan ang ating paghuhusga. Bilang mga mag-aaral na
nasa sampung baiting ng Valencia National High School nararapat na magabayan sila sa mga
panahong malalagay sila sa mga alanganing sitwasyon, alam nila kung paano gumawa ng maingat
na paghuhusga at mabungang pagpapasiya.
Integrasyon:
Araling Panlipunan – Kung paano kumilos sa isang komunidad
Mga Estratehiya sa Pagtuturo:
Pagsuri ng Sitwasyon, Brain Storming, Collaborative Learning
Kasanayan sa Pag Pokus
Pagbabalik-aral (5 mins)
Magkakaroon ng 4 na aytem na “HULAAN ANG SALITA” na gawain ang guro bilang pagbabalik-aral.
1. Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan. HALIIP
2. Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. EAAPG
3. Ito ang personal na relasyon ng tao sa Diyos. AYPPAALTAMAAANN
4. Isa sa mga gawain na nakakapanaliti ng ating ugnayan sa Diyos. YPAINNGILA
Pagganyak (5 mins)
Ang guro ay magkakaroon ng gawain na pinamagatan “WOULD YOU RATHER (MAS GUGUSTUHIN
MO BA)”. Magbibigay ang guro ng dalawang sitwasyon na pagpipilian ng mga mag-aaral at
kailangan nilang makagawa ng pasya sa itinakdang panahon ng guro (5 seconds).
Pagtuklas (15 mins)
PAGSURI NG SITWASYON
Magkakaroon ng gawain sa pamamagitan ng groupings (6 groups). Bibigyan ng guro ang bawat
grupo ng sitwasyon at sa pamamagitan ng brain storming na kung sakaling sila ang nahaharap sa
sitwasyon, ano ang gagawin nila. Bibigyan lang ng 5 minuto ang bawat pangkat at ilalahad ng
Leader o Reporter sa harapan ang kanilang sagot.
Ito ang katanungan na kanilang sasagutin:

1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga taong ito, paano mo maipapakita ang maingat na
paghuhusga sa iyong pasiya at kilos?
Sitwasyon A
May nakitang pitaka si Carl habang paakyat siya sa ikalawang palapag ng kanilang paaralan. Nang
buksan niya ito, nakita niyang naglalaman ito ng malaking halaga, kasama ang ibang
mahahalagang pagkakakilanlan ng may ari. Naisip ni Carl na hindi siya mahihirapang hanapin at
isauli ito ngunit biglang may naalala siya. Noong nagdaang gabi, narinig niya ang may-ari ng
kanilang inuupahang bahay na galit na galit habang kausap ang kaniyang ina. Ayon dito, kung hindi
pa sila makababayad sa loob ng tatlong araw ay tuluyan na silang paaalisin. Limang buwan na
silang hindi nakababayad ng upa. Si Carl lamang ang tao noon na paakyat sa hagdanan at walang
nakakita sa kaniya. Ano ang nararapat niyang gawin?
Sitwasyon B
Saksi si Abby sa madalas na pangongopya at pandaraya ni Paula sa mga pagsusulit sa paaralan.
Nitong nakaraang markahan, tinanghal si Paula bilang isa sa Top 10 sa kanilang klase. Magkaklase
sila mula elementarya kaya’t itinuturing na rin ni Abby na kaibigan si Paula. Ngunit nakaramdam
siya ng lungkot at panghihinayang para kay Jenny na isa rin niyang kaibigan sa klase. Mahusay na
mag-aaral si Jenny at higit siyang nararapat na itanghal sa mapasama sa Top 10. Ayaw ni Abby na
mapagalitan at mapahamak si Paula kung magsusumbong siya, ngunit maaaring magpatuloy ang
gawaing ito at tuluyang mawalan ng pagkakataon si Jenny na mabigyan ng parangal. Kung ikaw si
Abby, ano ang gagawin mo?
Sitwasyon C
Matapos bumili ng mga grocery, napagpasiyahan mong kumain muna bago umuwi sa inyong
bahay. Nang binilang mo ang iyong pera, napansin mong hindi nai-punch ng kahera sa grocery ang
isa sa mga binili mo. May kamahalan ang halaga nito, kaya malaki ang natipid mo. Pagbalik mo sa
tindahan, mahaba na ang pila ng mga bumibili at nagbabayad. Naisip mong hindi mo na ito
pagkakamali at gamitin na lang ang sobrang pera na pambili ng pagkain mo at pasalubong sa iyong
kapatid. Sa kabilang banda, alam mo rin na maaaring mapagalitan ang kahera at ibawas sa
kaniyang suweldo ang halagang na hindi mo nabayaran. Ano ang gagawin mo?
Sitwasyon D
Parating na ang malakas na ulan. Nananawagan na ang baranggay na simulan na ang paglikas.
Ganoon na nga ang ginagawa ng inyong mga kapit-bahay. Lilikas ka ba tulad nila o hindi?
Delikadong maiwan ang mga kagamitan sa inyong bahay n’yo, dahil talamak ang mga nakawan sa
mga panahon ng paglikas tulad ng naranasan mo na sa nakaraan. Ilang taon ding
pinagtrabahuhan ng nanay mo sa ibang bansa para makumpleto ang gamit ninyo sa bahay. Ano
ang gagawin mo? Magpapaiwan ka ba upang bantayan ang bahay o lilikas na upang iligtas
ang sarili?
Sitwasyon E
Nagtapat ang kaibigan mo sa iyo na siya ang kumuha ng dalawang libong pisong hinahanap ng
inyong kaklase. Kailangan ng kaibigan mo ang pera ngayon upang pagtakpan ang nagastos niyang
pambayad ng kaniyang matrikula. Kilala ang kaniyang mga magulang sa pagiging malupit at
mabigat ang kamay. Ang kaklase mo naman ay may kayamanan at ang dalawang libong piso ay
ipambibili lamang niya ng sapatos na marami naman siya. Nakarating na sa inyong guro ang balita
ng nawawalang pera. Aaminin mo ba sa guro ang ginawang pagkuha ng iyong kaibigan?
Pagrtatakpan mo ba siya tulad ng hinihingi niya?
Sitwasyon F
Lagi kang pasimuno sa mga kalokohan sa inyong klase. Sa bawat araw, mayroon kang hirit na
magiging dahilan upang maghagalpakan sa katatawa ang buong klase. Hindi natutuwa ang inyong
guro rito dahil naaantala ang daloy ng talakayan. Nagbabala na siya na dapat itigil ang biruang ito.
Isang beses, may humirit sa klase. Hindi ikaw ito. Napuno ang guro at pinagalitan ka sa klase. Ano
ang gagawin mo? Hindi mo kilala kung sino ang gumawa ng hirit na iyon. Ikaw ang inuturo ng lahat
na may gawa ng kalokohan. Ipagtatanggol mo ba ang iyong sarili? Paano?

Pagtatalakay (10 mins)


Ang Maingat na Paghuhusga
“Pagisipan mo muna ng maraming beses bago ka gumawa ng anumang pasiya”
Karuwagan at Takot
Ang kalaban lagi ng tao ay karuwagan. Magkaiba ang takot sa karuwagan.
Natural lang para sa isang tao ang matakot. Sino nga ba ang hindi? Babala yan ng ating utak upang
ingatan ang ating sarili. Ang karuwagan naman ay ang pagsuko sa hamon dahil sa kawalan ng
tiwala sa sarili.
Kailangan makita ang pagkakaiba ng taong umaayaw sa isang bagay dahil natatakot siya sa hamon
o dahil talagang alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya kaya ang hamon.
Ang isang taong takot ay nanginginig, nag-aalinlangan, hihingi ng suporta sa iba, at saka gagawin
ang isang bagay kapag handa na siya. Natatakot mang gawin ang isang bagay ng mag-isa, hindi na
kung siya ay may kasama.
Saan nagmula ang takot:
 Takot na masaktan
 Takot magkamali
 Takot sa sasabihin ng iba
 Takot dahil ikapapahamak ko ang bagay na gagawin ko
Ang karuwagan ay pagpikit ng mata sa mga tawag ng halaga. Yuyuko at titiklop ang isang duwag sa
kaniyang sariling kahinaan. Sa halip na tumingin sa liwanag ng mga dapat, tungkulin, prinsipyo, at
pagpapahalaga, ang pagtutuunan ng pansin ay ang dilim ng sariling kahinaan.
Ito ang unang pagpili na ating gagawin: magpadaig sa karuwagan o aminin ang takot at kumilos
nang angkop?
Pagpapalalim (5 mins)
Para mas maintindihan ang pagkakaiba ng takot at karuwagan, subukan natin ang mga
halimbawa:
TAKOT KARUWAGAN
Natatakot ka ng magdilim Answer: Natatakot ka ng magdilim. Hindi ka na
tumuloy.
Kinakabahan ka na sa pagdating ng crush mo. Answer: Kinakabahan ka na sa pagdating ng
crush mo. Kaya patakbo kang umalis.
Natatakot ka na dahil ipinatawag ka sa Answer: Natatakot ka na dahil ipinatawag ka
guidance. sa guidance. Umuwi ka na ng maaga.

Pagtataya (10 mins)


Magpapasagot ang guro sa mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan:
1. Ano ang pagkakaiba ng karuwagan sa takot?
2. Paano malalampasan ang takot sa ating nararamdaman bilang bahagi ng pagsubok sa buhay?
Paglalapat
Gawain: SONG ANALYSIS
Panuto:
Magkaroon ng kopya ng kanta ni Yeng Constantino na “Hawak Kamay”. Basahin at intindihin ang
lyrics. Maghanda para sa gawain sa susunod na pagkikita.

Sanggunian:
DepEd Grade 10 Edukasyon sa Pagpapakatao Learning Module
Downloaded pictures from Google

Prepared by: Checked and Verified by:

MAVIS FAY S. SAPICO ORLANDO T. BOLO


Guro sa ESP 10 EsP Department Head

You might also like