Pagpapalegal NG Aborsyon Sa Pilipinas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAGPAPALEGAL NG ABORSYON SA PILIPINAS

Ni: Elyssa May D. Bantigue

Ang usapin ng pagpapalegal ng aborsyon dito sa Pilipinas ay isang


napakadelikado at kontrobersyal na isyu. Ang aborsyon ay pagpatay ng isang sanggol
sa loob ng tiyan ng mga babae. Sa ibang bansa legal ang aborsyon, sila ang
magdidisisyon kung papatuluyin pa ba nila ang kanilang pagbubuntis o tatapusin na
ito sa pamamagitan ng pagpapalaglag. Sa kabilang banda, dito sa Pilipinas ito ay
ipinagbabawal. Para sa atin ang sanggol ay isang biyaya na galing sa diyos, para sa atin
isang malaking kasalanan ang pagpapalaglag.

Habang dumarami ang mga menor de edad na nabubuntis, tumataas din ang
kaso ng aborsyon dito sa Pilipinas. Bilang isang tao na may pananampalataya sa diyos,
hindi ako pabor sa aborsyon. Ang walang muwang na bata ay nangangailangan ng
espesyal na proteksyon dahil hindi pa nito kayang ipaglaban ang kanyang sarili. Bawat
bata ay isang regalo na mula sa diyos. Wala tayong karapatan na sirain ang bibiyang
ito. Kadalasang dahilan ng mga kababaihang nagpapaaborsyon ay hindi pa sila
handang maging ina, ayaw panagutan ng ama, ayaw matigil sa pag-aaral, takot sa
magulang at takot sa mga sasabihin ng ibang tao o takot na mapanghusgahan tao.
Nakasaad sa ika-limang utos ng diyos na huwag kang pumatay, ang pagpapaaborsyon
ay isa ring uri ng pagpatay. Bilang isang anak ng diyos, responsibilidad natin na
buhayin ang kanyang ibinagay na regalo, wala tayong karapatan na sirain ang buhay
ng tao na walang kalabanlaban. Ayon din sa Article 256-259 ng Act No. 3815 (1930) of
The Revised Penal Code.

Ipinagbabawal ang anumang uri ng pagpapalaglag. Bilang isang mamamayan na


sumusunod sa batas, mas lalo akong hindi sang-ayon na gawing legal ang aborsyon
dito sa Pilipinas. Responsibilidad ng mga magulang ng bata na sila ay buhayin at
palakihing mabuti, wala silang karapatan na kitilin ito. Malaking responsibilidad ng
nga magulang na buhayin ang mga anak nila dahil higit sa lahat, kung hindi pa sila
handang maging magulang at ayaw nila ng malaking responsibilidad, alamin muna ang
mga posibilidad na mangyayari bago gawin ang isang bagay na ang kapalit ay hindi
naman kayang paninindigan
Sa kabila ng mga argumento na ito, mahalagang tandaan na ang usapin ng
aborsyon ay napakakomplikado at nababatay din sa relihiyosong pananaw ng mga tao.
Ito ay isang usapin na dapat pag-aralan, talakayin, at bigyan ngpansin. Sa huli, ang
pagpapalegal ng aborsyon ay isang mahirap na usapin na dapat pag-aralan at
pagtalakayin ng maingi. Ito ay isang isyu na kailangan ng malawakang talakayan at
pakikipag-ugnayan ng mga rehilyosong tao at ng nga politika upang makamit ang
pinakamahusay na solusyon sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa karapatan ng mga
kababaihan at ng buhay ng sanggol.

Pinasa kay:
Bb. Shellah May Gallardo

You might also like