DLPPPPP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
Schools Division of Samar
District of Jiabong
CASAPA NATIONAL HIGH SCHOOL
School ID: 313711
Jiabong Samar
SY: 2022-2023
___________________________________________________________________________
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10

Quarter: 2nd Week: 8 Day:

I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at
pandaigdigang isyung pang ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa
matalinong pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran.

B. Pamantayang Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pangekonomiyang
nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto:


 Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon. (MELC 3)

Pagkatapos ng isang oras, 85% ng mga mag-aaral ay inaasahang:


 nailalahad ang kahulugan ng migrasyon;
 nasusuri ang mga dahilan ng migrasyon;
 nasusuri ang mga epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon; at
 nakapagsasagawa ng isang panayam (interview) sa kamag-anak ng isang OFW.

II. NILALAMAN: Migrasyon


Paksa: Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon
III. KAGAMITANG PANTURO:
A. Sanggunian
Pahina sa TG:
Pahina sa LM: 5-18
Karagdagang Kagamitan LR portal:
B. IBA PANG KAGAMITANG PANTURO:
Laptop, Ppt, Visual Aid
IV. PAMAMARAAN
A. Balik aral / Pagsisimula ng bagong Aralin:
Magtatanong sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang natutunan tungkol sa
Globalisasyon. Bibigyan sila ng pagkakataong sumagot.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin:

Panuto: Tingnan at suriing mabuti ang larawan sa ibaba. Ibahagi ang iyong kaalaman at pag-
unawa ukol dito.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin:

Tatanungin ang mga mag-aaral kung sino ang may kakilala o kapamilyang
nagtatrabaho sa ibang bansa o malayo sa pamilya. Ibabahagi sa harap ng klase kung ano ang
dahilan ng kanilang pag-alis at paano ito nakaka-apekto sa samahan ng pamilya.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng kasanayan #1


Gamit ang Ppt tatalakayin ng Guro ang mga sumusunod na konsepto:
Kahulugan ng Migrasyon at iba pang mahalalagang impormasyon tungkol dito.
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng kasanayan #2
Gamit ang Ppt tatalakayin ng Guro ang mga sumusunod na konsepto:
Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon
F. Paglinang sa kabihasaan:

Papangkatin sa dalawa ang klase at ang bawat pangkat ay magsasagawa ng isang


pagsasadula sa mabubunot na sitwasyon o pangyayari.
 Pumunta sa pinapangarap na lugar o bansa
 Negatibong implikasyon sa pamilya at pamayanan

G. Paglalapat ng aralin sa araw-araw na buhay:


Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap upang masukat ang iyong napag-aralan ukol sa
paksa. Gawin ito sa isang kalahating papel.
1. Ang migrasyon ay tumutukoy sa
_________________________________________________________________________.
2. Maraming mga Pilipino ang nangingibang-bansa dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Isa
marahil sa pinakamabigat na dahilan ay ang
_________________________________________________________________________.
3.Isa sa mga epekto ng migrasyon ay
_________________________________________________________________________.
H. Paglalahat ng Aralin:
Ano-ano ang mga mahahalagang natutunan ninyo sa aralin natin sa araw na ito?
I. Pagtataya ng Aralin:
Magbibigay ng 15 aytem na Multiple Choices na pagsusulit.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation:


Bayani sa Amin!
Panuto: Bilang karagdagang gawain at upang higit na masukat ang iyong kaalaman ukol sa
migrasyon, ikaw ay kakapanayam ng kamag-anak ng isang Overseas Filipino Worker (OFW)
na nakatira malapit sa inyong lugar. Kung maaari, kunan ng video ang gagawing panayam.
Kung hindi, isulat na lamang ang gagawing panayam sa isang buong papel.
Paalaala: Bibigyan ng karagdagang 5 puntos kapag nai-video ang panayam.

V. MGA TALA:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

VI PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng


80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano nakatulong

Inihanda ni:

MARIA DOROTHY R. LABIT


SST-II

You might also like