Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: V QUARTER: IV WEEK: 6 DAY: 1

COMPETENCY MELC: Natataya ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor (katutubo at kababaihan) sa
& OBJECTIVES pakikibaka ng bayan.
Code: AP5PKB-IVf-4
:
Objective: Naiisa-isa ang mga nagawa nina Gabriela Silang at Gregoria de Jesus bilang
partisipasyon sa pakikibaka para sa kasarinlan ng bayan

CONTENT : Partisipasyon ng Iba’t-ibang Sektor sa Pakikibaka ng Bayan (Kababaihan)


LEARNING
: AP5 Ikaapat na Markahan - Modyul 6, mga larawan, http://bitly.ws/bKfP , http://bitly.ws/bKfV
RESOURCES
PROCEDURE: A. Paghahanda: (Preparation)
Basahing mabuti ang tula.
Mga Kababaihan ng Rebolusyong Pilipino
ni Mharrey

Kababaihan ay nakipaglaban,
Makamit lamang ang kalayaan,
Kinilala sa angking katapangan,
Sapagkat sila'y walang kinatatakutan.

Hindi nila alintana ang pahamak,


Lumaya lamang ang bansang hinahamak,
Mula sa mga Espanyol na pahamak,
Sandata nila'y tanging itak,
Na kasing talim ng tabak.

Matatapang na mga pilipino,


Taas noo kahit kanino,
Likas na ang taglay na dangal,
At sa ating bansa, sila ay ikararangal.

Tanong:
➢ Ano ang pamagat ng tula?
➢ Batay sa binasang tula, anong mga katangian ang ipinakita ng mga kababaihan?
➢ Sino-sino kaya ang mga bayaning babae na kinikilala ng ating kasaysayan?
➢ Ano-ano kaya ang kanilang naging partisipasyon sa pakikibaka ng bayan laban sa mga
Espanyol?
B. Pagganyak: (Motivation)

Magpakita ng mga larawan.

Photo Credit: http://bitly.ws/bKfP Photo Credit: http://bitly.ws/bKfV

Itanong:
➢ Kilala niyo ba kung sino ang mga nasa larawan?
(Sila ay sina Gabriela Silang at Gregoria de Jesus)
➢ Anu-ano kaya ang mga nagawa nila bilang pakikibaka para sa kasarinlan ng ating bayan?

C. Paglalahad: (Presentation)
Noong panahon ng Espanyol, sa kabila nang pagbabago ng katayuan ng mga
kababaihan, mayroong bukod tanging nagpamalas ng kanilang angking tapang at lakas ng loob
upang ipagtanggol ang ating bayan laban sa mapaniil na mga Espanyol. Narito ang ilan sa mga
kababaihang nakibaka para sa kasarinlan ng ating bayan.

D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Ang Partisipasyon ng Kababaihan sa Pakikibaka ng Bayan


(Gabriela Silang at Gregoria de Jesus)

GABRIELA SILANG (1763)


Ang mga abusong ginawa ng alcalde mayor, ang tributo,
at ang polo ang naging dahilan ng pag-aalsa na pinamunuan ni
Diego Silang. Nagdeklara ng malayang pamahalaan si Silang sa
Ilocos. Ngunit patraydor siyang pinaslang ng kanyang kaibigang si
Miguel Vicos. Pumalit sa kanya bilang lider ang asawang si
Gabriela. Sumabak si Gabriela sa labanan at dahil dito ay
Photo Credit: http://bitly.ws/bKfP tinagurian siyang “Joan of Arc ng Ilocos”. Nalupig lamang ang
mga Ilocano nang gamitin ng mga Espanyol ang tropa ng mga Kapampangan upang labanan sila.
Si Gabriela ay hinuli at binitay sa Vigan noong 1763.
GREGORIA DE JESUS

Isinilang si Gregoria de Jesus sa Caloocan. Panganay siya


sa magkakapatid at masasabing naging maayos naman ang
kanilang buhay. Katatatag laman ng Katipunan nang makilala niya
si Andres Bonifacio. Labingwalong taong gulang lamang siya
samantalang tatlumpung taong gulang naman si Bonifacio na
isang balo. Bagaman tutol ang ama, napapayag niya itong makasal
siya sa Supremo ng Katipunan. Photo Credit: http://bitly.ws/bKfV

Bago maikasal ang dalawa, sumapi na sa Katipunan si Gregoria de Jesus. Sa isang


pagpupulong ng mga Katipunero, nabuo ang isang sector na pambabae sa samahan. Si Josefa
Rizal, kapatid ni Jose Rizal ay nahalal na pangulo ay siya ang inihalal na pangalawang pangulo.
Mahirap ang naging kalagayan ni Oriang, kanyang palayaw lalo na nang matuklasan ang
Katipunan. Bilang Lakambini ng Katipunan at asawa ng Supremo, siya ang tagapagtago ng mga
lihim na dokumento ng samahan. Tuwing matutunugan niya ang pagdating ng mga Espanyol sa
kanilang tahanan, sumasakay siya sa isang karatela at nililibot ang Tondo. Madalas na inaabot siya
ng gutom at hatinggabi na kung umuwi. Pinakamasakit na siguro sa tulad ni Oriang ang mawalan
ng asawa at hindi makita ang bangkay nito. Noong Mayo 10, 1897, dinala at binaril si Andres
Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na si Procopio. Hanggang ngayon, hindi pa rin nakikita ang
kanilang mga labi.
E. Paghahasa (Exercises)

Pagpapangkat:
Punan ang tsart ng partisipasyon ng kababaihan sa pakikibaka ng bayan.

Pangkat 1
Pangalan Partisipasyon

Gabriela Silang

Pangkat 2
Pangalan Partisipasyon

Gregoria de Jesus

F. Paglalahat: (Generalization)

Itanong:
a. Anu-ano ang mga naging partisipasyon ni Gabriela Silang bilang pakikibaka para sa ating
bayan?
b. Anu-ano naman ang mga naging partisipasyon ni Gregoria de Jesus?
G. Paglalapat (Application)

Panuto: Piliin sa hanay B ang kaugnay na pahayag sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
_____1. Diego Silang (c) a. Lugar kung saan binitay si Gabriela Silang
_____2. Gabriela Silang (d) b. Lakambini ng Katipunan
_____3. Gregoria de Jesus (b) c. asawa ni Gabriela Silang
_____4. Vigan (a) d. Kilala bilang “Joan of Arc ng Ilocos”
_____5. Oriang (f) e. Supremo ng Katipunan
f. Ang palayaw ni Gregoria de Jesus

H. Pagtataya: (Evaluation)

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

____1. Siya ang tinaguriang “Joan of Arc ng Ilocos”.


a. Gabriela Silang c. Melchora Aquino
b. Gregoria de Jesus d. Patrocinio Gamboa
____2. Siya ang Lakambini ng Katipunan at asawa ng Supremo.
a. Gabriela Silang c. Melchora Aquino
b. Gregoria de Jesus d. Patrocinio Gamboa
____3. Siya ang pumalit bilang lider ng mamatay ang kanyang asawa.
a. Gabriela Silang c. Melchora Aquino
b. Gregoria de Jesus d. Patrocinio Gamboa
____4. Lugar kung saan hinuli at binitay si Gabriela Silang.
a. Batangas b. Cavite c. Vigan d. Mindanao
____5. Ano ang tungkulin ni Gregoria de Jesus bilang Lakambini ng Katipunan.
a. Tagapagluto ng mga katipunero.
b. Tagapag-alaga sa mga sugatang katipunero.
c. Tagapagtago ng mga lihim na dokumento ng samahan.
d. Tumutulong sa paniniktik at sa pag-iipon ng pondo para sa rebolusyon.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Wala

Inihanda ni:

ERICKSON D. QUIPANES
Teacher I
Biasong Elementary School – Loon North District
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: V QUARTER: IV WEEK: 6 DAY: 2

COMPETENCY MELC: Natataya ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor (katutubo at kababaihan) sa
& OBJECTIVES pakikibaka ng bayan.
Code: AP5PKB-IVf-4

Objective:
:
- Naiisa-isa ang mga nagawa ni Gliceria Marella de Villavicencio bilang partisipasyon sa
pakikibaka para sa kasarinlan ng bayan
- Nakapagbibigay ng sariling reaksiyon/pananaw sa mga ginawa ni Gliceria Marella de
Villavicencio para sa bayan

CONTENT : Partisipasyon ng Iba’t-ibang Sektor sa Pakikibaka ng Bayan (Kababaihan)


LEARNING
: AP5 Ikaapat na Markahan - Modyul 6, mga larawan, http://bitly.ws/bKgi
RESOURCES
PROCEDURE: A. Paghahanda: (Preparation)
Balik-aral:
1. Sinu-sino ang dalawang kababaihang nagpamalas ng kanilang angking tapang at lakas ng
loob upang ipagtanggol ang ating bayan laban sa mapaniil na mga Espanyol ang tinalakay
natin kahapon?
(Sagot: Gabriela Silang at Gregoria de Jesus)
2. Anu-ano ang kanilang nagawa bilang pakikibaka para sa kasarinlan ng ating bayan?
B. Pagganyak: (Motivation)

Picture puzzle: Buuin ang puzzle. (see attachment)

Itanong: Kilala niyo ba ang babae sa nabuong larawan? Ano kaya ang kanyang kinalaman sa
ating aralin ngayong araw na ito?

C. Paglalahad: (Presentation)

Ang babae sa larawan ay si Gliceria Marella de Villavicencio, isa sa mga kababaihan


na nagpamalas ng angking tapang at lakas ng loob na nagtanggol sa ating bayan laban sa mga
mapaniil na mga Espanyol tulad nina Gabriela Silang at Gregoria de Jesus. Ngayong araw na ito
ay tatalakayin natin ang kanyang mga nagawa bilang pakikibaka para sa kasarinlan ng ating bayan.
D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Ang Partisipasyon ng Kababaihan sa Pakikibaka ng Bayan


(Gliceria Marella de Villavicencio)

GLICERIA MARELLA DE VILLAVICENCIO

Bagaman marami ang kumampi sa mga dayuhan, may mga


miyembro rin ng mga mayayamang angkan ang matapat na
sumuporta sa layunin ng rebolusyon. Isa sa kanila si Gliceria Marella
de Villavicencio ng Taal, Batangas. Maaga siyang nagpakasal kay
Eulalio Villavicencio sa gulang na 19. Dahil parehong nagmula sa
mayamang angkan at mahusay sa pagnenegosyo, mas napalago
Photo Credit: http://bitly.ws/bKgi
nila ang kanilang mga ari-arian.
Nang mapatay noong 1872 ang mga paring GOMBURZA, nagsimula na si Gliceria at ang
kanyang asawa sa pagiging aktibo sa Propaganda. Nang si Rizal ay nasa Hongkong, nakipagkita sa
kanya si Eulalio at nagbigay ng Php18,000.00. nang bumalik, may dala na itong kopya ng Noli Me
Tangere at El Filibusterismo ni Rizal. Ang mga ito ay kanilang ipinamigay. Sinuportahan din ng
mag-asawa ang rebolusyon ng 1896. Ipinagamit nila ang kanilang mga kamalig para sa
pagmimiting at pagpaplano ng mga Katipunero. Ito ang naging dahilan ng pag-aresto at
pagkakakulong ng kanyang asawa. Nang mamatay ang asawa, ipinagpatuloy ni Gliceria ang
pakikipaglaban. Nang gamitin ng mga Espanyol ang kanilang tahanan, sinikap niyang maging
mabuting espiya. Noong 1898, ipinahiram niya ang kanyang barko kay Aguinaldo.
Hindi siya tumigil sa mga rebolusyon kahit sa panahon ng Amerikano. Inukupa ng mga
Amerikano ang Batangas. Nahuli siya ng mga ito nang makuha ng kalaban ang liham na ipinadala
niya sa isang heneral ng puwersang rebolusyon na si Heneral Mariano Trias. Siya ay inilagay sa
house arrest at nakalaya lamang noong 1900 nang ganap nang makontrol ng mga Amerikano ang
rebolusyon.

E. Paghahasa (Exercises)

Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ang pangungusap ay tumutukoy sa mga nagawa ni Gliceria
Marella de Villavicencio para sa bayan.
_____1. Ipinahiram ang kanyang barko kay Aguinaldo. (√)
_____2. Kilala bilang “Ina ng Katipunan”.
_____3. Nakilala sa kanyang husay sa pamumuno at tinawag na “Nay Isa”.
_____4. Naging espiya nang gamitin ng mga Espanyol ang kanilang tahanan. (√)
_____5. Ipinagamit ang kanilang mga kamalig para sa pagmimiting at pagpaplano ng mga
Katipunero. (√)
F. Paglalahat: (Generalization)
Itanong:
- Anu-ano ang naging partisipasyon ni Gliceria Marella de Villavicencio bilang pakikibaka
para sa ating bayan?
- Kung ikaw si Gliceria Marella de Villavicencio, gagawin mo rin ba ang kaniyang mga
ginawa para sa bayan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
G. Paglalapat (Application)
Panuto: Isulat ang LODI kung ang pangungusap ay tumutukoy sa mga nagawa ni Gliceria
Marella de Villavicencio para sa bayan at WALEY kung hindi.

_____1. Ipinagamit nila ang kanilang mga kamalig para sa pagmimiting at pagpaplano ng mga
Katipunero. (LODI)
_____2. Kasama ng kaniyang asawa ay sinuportahan nila ang rebolusyon lalo na pagkatapos
bitayin ang GOMBURZA. (LODI)
_____3. Siya ang dahilan kung papaano nakarating ang watawat kay Heneral Delgado. (WALEY)
_____4. Siya ang nagpahiram ng barko kay Emilio Aguinaldo. (LODI)
_____5. Siya ay hindi nag-atubiling tumulong lalo na sa mga nasugatang Katipunero. (WALEY)
H. Pagtataya: (Evaluation)
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

____1. Kasama ng kaniyang asawa ay sinuportahan nila ang rebolusyon lalo na


pagkatapos bitayin ang GOMBURZA.
a. Gabriela Silang c. Melchora Aquino
b. Gregoria de Jesus d. Gliceria Marella de Villavicencio
____2. Noong 1898, ipinahiram ni Gliceria Marella de Villavicencio ang kanyang ____
kay Emilio Aguinaldo.
a. bahay b. kotse c. barko d. eroplano
____3. Taon kung kailan nakalaya si Gliceria Marella de Villavicencio nang ganap nang
makontrol ng mga Amerikano ang rebolusyon.
a. 1900 b. 1898 c. 1764 d. 1915
____4. Nang gamitin ng mga Espanyol ang kanilang tahanan, sinikap niyang maging
mabuting __________.
a. asawa b. espiya c. guro d. Pilipino
____5. Alin sa mga sumusunod ang nagawa ni Gliceria Marella de Villavicencio bilang
partisipasyon sa pakikibaka para sa bayan.
a. Kasama ng kaniyang asawa ay sinuportahan nila ang rebolusyon lalo na
pagkatapos bitayin ang GOMBURZA
b. Siya ay nagpahiram ng barko kay Emilio Aguinaldo.
c. Ipinagamit nila ang kanilang mga kamalig para sa pagmimiting at
pagpaplano ng mga Katipunero.
d. lahat ng nabanggit
I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)
Wala

Inihanda ni:

ERICKSON D. QUIPANES
Teacher I
Biasong Elementary School – Loon North District
Picture puzzle
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: V QUARTER: IV WEEK: 6 DAY: 3

COMPETENCY MELC: Natataya ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor (katutubo at kababaihan) sa
& OBJECTIVES pakikibaka ng bayan.
Code: AP5PKB-IVf-4
:
Objective: Naiisa-isa ang mga nagawa ni Patrocinio Gamboa bilang partisipasyon sa pakikibaka
para sa kasarinlan ng bayan

CONTENT : Partisipasyon ng Iba’t-ibang Sektor sa Pakikibaka ng Bayan (Kababaihan)


LEARNING
: AP5 Ikaapat na Markahan - Modyul 6, mga larawan, Photo Credit: http://bitly.ws/bKgq
RESOURCES
PROCEDURE: A. Paghahanda: (Preparation)
Balik-aral:

Photo Credit: http://bitly.ws/bKfP Photo Credit: http://bitly.ws/bKfV Photo Credit: http://bitly.ws/bKgi

(Gabriela Silang) (Gregoria de Jesus) (Gliceria Marella de Villavicencio)

Itanong:
- Sino-sino ang mga kababaihang nasa larawan?
- Ano-ano ang kanilang nagawa para sa bayan?

B. Pagganyak: (Motivation)

Ipakita ang larawan. Buuin ang salita para mabuo ang pangalan.

P __ T R __ C I __ I O G __ M B __ A
A O N A O

Photo Credit: http://bitly.ws/bKgq


C. Paglalahad: (Presentation)

Sino ang babae sa larawan?

Ang babae sa larawan ay si Patrocinio Gamboa. Katulad nina Gabriela Silang, Gregoria de
Jesus at Gliceria Marella de Villavicencio, siya ay nagpamalas din ng kanyang angking katapangan
at lakas ng loob laban sa mga Espanyol.

D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Ang Partisipasyon ng Kababaihan sa Pakikibaka ng Bayan


(Patrocinio Gamboa)

PATROCINIO GAMBOA

Tubong Iloilo si Patrocinio Gamboa. Bagaman


nagmula rin siya sa isang mayamang angkan ng mga illustrado,
kabilang siya sa mga naghahangad ng kalayaan ng Pilipinas mula
sa Espanya. Mahilig siyang magbasa ng mga komposisyon nina
Rizal at Lopez Jaena. Hindi nagtagal, sumapi na rin siya sa mga
nagrerebolusyon sa kanilang lalawigan. Hindi siya kaagad
pinagdudahan ng mga Espanyol dahil siya ay babae. Nakatulong
Photo Credit: http://bitly.ws/bKgq
siya sa paniniktik at pag-iipon ng pondo para sa rebolusyon.
Naging aktibo rin siya bilang miyembro ng Red Cross.
Ang pinakatatanging bahagi ng kanyang pagiging kasapi ng puwersang rebolusyon ay
nang matagumpay niyang malampasan ang bantay ng kalaban sa Sta. Barbara, Iloilo. Bahagi na
ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pamahalaang rebolusyonaryo ang paglaladlad ng watawat.
May watawat na nakahanda na para sa mga taga-Jaro, Iloilo ngunit ang problema nila ay kung
paano ito madadala sa kampo ni Heneral Delgado ng Sta. Barbara. Dadaanan nila ang mga bantay
na kawal ng mga Espanyol na mahigpit na naghahalughog ng mga gamit ng mga nagdaan.
Mahusay na nakaisip ng paraan si Patrocinio. Itinago niya ang regalong espada ni
Aguinaldo kay Heneral Delgado sa ilalim ng pinaggiikan ng palay samantalang ang bandila
naman ay kaniyang itinali sa kanyang baywang at saka niya isinuot ang kanyang damit.
Kasama niya ang isang katipunero na siya namang nagpanggap na kaniyang asawa. Nang
dumaraan sila sa tapat ng mga bantay ay umarte ang dalawa na nag-aaway. Natatawang
pinalampas sila ng mga bantay. Ang bandila ay nakarating sa oras ng programa.
E. Paghahasa (Exercises)

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tumutukoy sa mga nagawa ni Patrocinio
Gamboa para sa bayan at MALI naman kung hindi.

_____1. Nakatulong siya sa paniniktik at pag-iipon ng pondo para sa rebolusyon. (TAMA)


_____2. Naging aktibo bilang miyembro ng Red Cross. (TAMA)
_____3. Ipinagamit ang kanilang mga kamalig para sa pagmimiting at pagpaplano ng mga
Katipunero. (MALI)
_____4. Siya ang dahilan kung papaano nakarating ang watawat ng Pilipinas kay Heneral
Delgado sa Sta. Barbara. (TAMA)
_____5. Tinaguriang “Lakambini ng Katipunan”. (MALI)

F. Paglalahat: (Generalization)

Itanong:
- Anu-ano ang mga naging partisipasyon ni Patrocinio Gamboa bilang pakikibaka para sa
ating bayan?

G. Paglalapat (Application)

Panuto: Alamin kung ano/sino ang tinutukoy sa bawat bilang sa pamamagitan ng pagpuno ng
mga nawawalang titik para mabuo ang hinihinging salita.

1. Nakatulong sa paniniktik at pag-iipon ng pondo para sa rebolusyon.


P __ T R __ C __ N I __ G A __ B O __ (Patrocinio Gamboa)

2. Pinagdalhan ni Patrocinio Gamboa ng watawat ng Pilipinas sa Sta. Barbara.


H __ N __ R A __ D E __ G __ D __ (Heneral Delgado)

3. Si Patrocinio Gamboa ay aktibong kasapi ng ___________.


R __ D C __ O S __ (Red Cross)

4. Si Patrocinio Gamboa ay tubong __________.


I L __ I __ O (Iloilo)

5. Ang kampo ni Heneral Delgado ay matatagpuan sa _______________.


S T __. B A __ B __ R __ (Sta. Barbara)

H. Pagtataya: (Evaluation)
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel

1. Si Patrocinio Gamboa ay aktibong kasapi ng ___________.


a. Red Cross b. DOH c. pamahalaan d. HUKBALAHAP
2. Siya ang nagdala ng watawat ng Pilipinas kay Heneral Delgado sa Sta. Barbara.
a. Gabriela Silang c. Gliceria Marella de Villavicencio
b. Gregoria de Jesus d. Patrocinio Gamboa
3. Ang mga sumusunod ay mga nagawa ni Patrocinio Gamboa, maliban sa.
a. Aktibong miyembro ng Red Cross.
b. Nakatulong sa paniniktik at sa pag-iipon ng pondo para sa rebolusyon
c. Paghahatid ng watawat ng Pilipinas kay Heneral Delgado
d. wala sa nabanggit
4. Paano nakalampas si Patrocinio Gamboa sa mga bantay na kalaban para maihatid niya ang
watawat kay Heneral Delgado.
a. pinatay niya ang lahat ng mga bantay
b. sumigaw siya ng “Sunog!”
c. Kasama ang isang katipunerong nagpanggap na kaniyang asawa ay umarte silang
dalawa na nag-aaway
d. dumaan sila sa isang tagong lugar
5. Ang pinakatatanging bahagi ng pagiging kasapi ni Patrocinio Gamboa ng puwersang
rebolusyon ay ___.
a. ang pagiging aktibong miyembro ng Red Cross.
b. nang matagumpay niyang malampasan ang bantay na kalaban sa Sta. Barbara,
Iloilo.
c. ang pagreregalo ng espada kay Heneral Delgado.
d. ang pag-iipon ng pondo para sa rebolusyon.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Wala

Inihanda ni:

ERICKSON D. QUIPANES
Teacher I
Biasong Elementary School – Loon North District
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: V QUARTER: IV WEEK: 6 DAY: 4

COMPETENCY MELC: Natataya ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor (katutubo at kababaihan) sa
& OBJECTIVES pakikibaka ng bayan.
Code: AP5PKB-IVf-4

: Objective:
- Naiisa-isa ang mga nagawa ni Melchora Aquino at Teresa Magbanua bilang
partisipasyon sa pakikibaka para sa kasarinlan ng bayan
- Nakapagbibigay ng sariling reaksiyon/pananaw sa mga ginawa nina Melchora Aquino at
Teresa Magbanua para sa bayan
CONTENT : Partisipasyon ng Iba’t-ibang Sektor sa Pakikibaka ng Bayan (Kababaihan)
LEARNING
: AP5 Ikaapat na Markahan - Modyul 6, mga larawan, Photo Credit: http://bitly.ws/bKgx , http://bitly.ws/bKgC
RESOURCES
PROCEDURE: A. Paghahanda: (Preparation)
Balik-aral:

Alamin kung sino ang tinutukoy sa bawat pangungusap.

1. Siya ang tinaguriang “Joan of Arc ng Ilocos”. (Gabriela Silang)


2. Siya ang “Lakambini ng Katipunan” at tagapagtago ng mga lihim na dokumento ng
samahan. (Gregoria de Jesus)
3. Siya ang nagpahiram ng barko kay Emilio Aguinaldo. (Gliceria Marella de Villavicencio)
4. Siya ay nakatulong sa paniniktik at sa pag-iipon ng pondo para sa rebolusyon.
(Patrocinio Gamboa)
B. Pagganyak: (Motivation)

Magpakita ng mga larawan.

Photo Credit: http://bitly.ws/bKgC


Photo Credit: http://bitly.ws/bKgx

Itanong:
➢ Kilala niyo ba kung sino ang mga nasa larawan?
(Sila ay sina Melchora Aquino at Teresa Magbanua)
C. Paglalahad: (Presentation)

Katulad nina Gabriela Silang, Gregoria de Jesus, Gliceria Marella de Villavicencio at


Patrocinio Gamboa, may malaki ring naiambag sa ating bayan sina Melchora Aquino at Teresa
Magbanua. Aalamin natin kung ano-ano ba ang kanilang ginawa para sa ating bayan.

D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Ang Partisipasyon ng Kababaihan sa Pakikibaka ng Bayan


(Melchora Aquino at Teresa Magbanua)

MELCHORA AQUINO

Kilala si Melchora Aquino sa bansag na “Ina ng


Katipunan”. Sa edad na 84, hindi siya nag-atubiling magbigay ng
tulong sa mga nasugatang Katipunero sa tuwing napapasabak
ang mga ito sa labanan. Dahil mayroon siyang palayan, naging
mainam na kanlungan ng mga rebolusyonaryo ang kanyang lugar.
Hindi rin siya naging maramot na magbigay ng palay o kalakal niya
Photo Credit: http://bitly.ws/bKgx
sa kanyang tindahan. Dito madalas niyang makausap si Andres
Bonifacio. Siya ay hinuli at ikinulong dahil sa kaniyang pagtulong sa mga Katipunero. Siya ay
ipinatapon sa Guam kung saan tinanggap siya ng mag-asawang Pilipino. Pinili niyang magtrabaho
sa kanila kaysa tumanggap ng libreng tulong.
Nakabalik siya sa Pilipinas noong 1903, nang ang mga Amerikano ay nasa bansa na.
Namatay siya sa piling ng kaniyang mga anak sa edad 107.

TERESA MAGBANUA

Nagmula sa mayamang angkan si Teresa Magbanua.


Tubong Pototan, Iloilo siya at pinag-aral sa mahusay na paaralan.
Nagtapos siya sa pagkaguro at sandaling nakapagturo. Nang siya
ay mag-asawa, ginugol niya ang panahon sa pag-aasikaso sa
kanilang asyenda.
Nang sumiklab ang rebolusyon, sumanib siya sa kabila ng
Photo Credit: http://bitly.ws/bKgC
pagtutol ng kaniyang asawa. Naunang sumapi sa Katipunan ang
kaniyang dalawang kapatid na lalaki na pawang may mataas na katungkulan sa Katipunan.
Pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga kalalakihan. Tumulong siya sa pakikipaglaban.
Nakilala siya sa kaniyang husay sa pamumuno at tinawag na “Nay Isa”. Maraming labanan ang
kanilang naipanalo. Sa kabila ng gutom at kakulangan sa armas, unti-unti nilang naagaw ang
bayan ng Panay hanggang masakop ng mga puwersang rebolusyonaryo ang buong isla.
Ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa panahon ng Amerikano kasabay ng kanyang
dalawang kapatid na si Heneral Pascual at si Elias. Nang bumagsak ang Sta. Barbara, Iloilo sa
kamay ng mga Amerikano, silang magkakapatid ay naging gerilya. Napatay si Elias sa isang
labanan, samantala patraydor namang pinatay si Pascual.
Nagluksa siya sa pagkamatay ng kaniyang mga kapatid. Nang magsimulang magsisuko
ang mga Heneral, nilansag niya ang kanyang pangkat sa halip na sumuko. Lumipat siya sa bayan
ng kanyang asawa at namuhay nang tahimik. Ipinagbili niya ang kanilang mga ari-arian sapagkat
patay na ang kanyang asawa at wala naman silang naging anak. Nakitira na lamang siya sa
kaniyang kapatid sa Mindanao. Namatay siya noong 1947.

E. Paghahasa (Exercises)

Panuto: Isulat ang MA kung ang pangungusap ay tumutukoy kay Melchora Aquino at TM
naman kung tumutukoy kay Teresa Magbanua.

_____1. Kilala sa bansag na “Ina ng Katipunan”. (MA)


_____2. Nakilala siya sa kaniyang husay sa pamumuno at tinawag na “Nay Isa”. (TM)
_____3. Nagbibigay siya ng palay o kalakal sa mga Katipunero. (MA)
_____4. Sumapi sa Katipunan matapos sumapi dito ang kaniyang dalawang kapatid at namuno
sa isang maliit na pangkat. (TM)
_____5. Siya ay hindi nag-atubiling tumulong lalo na sa mga nasugatang Katipunero. (MA)

F. Paglalahat: (Generalization)

Itanong:
- Anu-ano ang naging partisipasyon ni Melchora Aquino bilang pakikibaka para sa ating
bayan?
- Anu-ano naman ang naging partisipasyon ni Teresa Magbanua?
- Kung ikaw si Melchora Aquino (edad 84) o Teresa Magbanua (guro), gagawin mo rin ba
ang kanilang mga ginawa para sa bayan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

G. Paglalapat (Application)

Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama, palitan naman ang nakasalungguhit na salita
kung mali.

_____1. Sa edad na 95, si Melchora Aquino ay hindi nag-atubiling nagbigay ng tulong sa mga
nasugatang Katipunero. (84)
_____2. Si Teresa Magbanua ay kilala sa tawag na “Nay Isa”. (T)
_____3. Dahil sa pagtulong sa mga Katipunero, si Melchora Aquino ay hinuli, ikinulong at
ipinatapon sa Guam. (T)
_____4. Si Melchora Aquino ay sumapi sa Katipunan matapos sumapi dito ang kanyang
dalawang kapatid at namuno sa isang maliit na pangkat. (Teresa Magbanua)
_____5. Si Teresa Magbanua ay nagtapos bilang isang guro bago sumabak sa pakikipaglaban sa
mga Espanyol. (T)
H. Pagtataya: (Evaluation)

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

____1. Siya ay nagtapos bilang isang guro bago sumabak sa pakikipaglaban sa mga
Espanyol.
a. Teresa Magbanua c. Gabriela Silang
b. Gregoria de Jesus d. Melchora Aquino
____2. Lugar kung saan ipinatapon si Melchora Aquino.
a. Amerika c. Hongkong
b. Guam d. Mindanao
____3. Siya ay hindi nag-atubiling tumulong lalo na sa mga nasugatang Katipunero.
a. Teresa Magbanua c. Gabriela Silang
b. Gregoria de Jesus d. Melchora Aquino
____4. Si Melchora Aquino ay kilala sa bansag na ___________.
a. Nay Isa c. Ina ng Katipunan
b. Lakambini ng Katipunan d. Joan of Arc ng Ilocos
____5. Si Melchora Aquino ay namatay sa piling ng kanyang mga anak sa edad na ___.
a. 84 b. 107 c. 99 d. 103

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Pagsasaliksik (Research work)

Magsaliksik ng iba pang mga kababaihan na nagpamalas ng katapangan at lakas ng


loob para ipaglaban ang ating bayan laban sa mga mananakop maliban kina Gabriela Silang,
Gregoria de Jesus, Gliceria Marella de Villavicencio, Patrocinio Gamboa, Melchora Aquino at
Teresa Magbanua.

Inihanda ni:

ERICKSON D. QUIPANES
Teacher I
Biasong Elementary School – Loon North District
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: V QUARTER: IV WEEK: 6 DAY: 5

COMPETENCY MELC: Natataya ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor (katutubo at kababaihan) sa
& OBJECTIVES pakikibaka ng bayan.
:
Code: AP5PKB-IVf-4

CONTENT : Partisipasyon ng Iba’t-ibang Sektor sa Pakikibaka ng Bayan (Kababaihan)


LEARNING
: AP5 Ikaapat na Markahan – Modyul 5 at 6, Summative Test Paper
RESOURCES
PROCEDURE: Paghahanda: (Preparation)
Balik-aral sa mga napag-aralan sa Ikalima at Ikaanim na Linggo

Pagganyak: (Motivation)

Pagbibigay ng panuntunan sa pagsasagawa ng Summative Test

Pagtataya: (Evaluation)

Pagbibigay ng Summative Test Paper sa mga mag-aaral

Pagwawasto at Pagtatala ng Marka

Inihanda ni:

ERICKSON D. QUIPANES
Teacher I
Biasong Elementary School – Loon North District
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN 5 SUMMATIVE TEST

GRADE: V QUARTER: IV WEEK: 6 DAY: 5

Pangalan: _____________________________________________________________ Marka: ___________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
inyong sagutang papel.

1. Ang pag-aalsa ni __________ ay nangyari noong 1574 nang salakayin niya ang mga Espanyol sa
Tondo dahil inalis ni Gobernador-Heneral Guido de Lavezares ang kanyiang mga karapatang tinamasa
na ipinagkaloob sa kaniya ni Miguel Lopez de Legazpi.
a. Diego Silang c. Lakandula
b. Francisco Maniago d. Andres Malong
2. Nagsimula ang pag-aalsa ni __________ noong 1762 sa Vigan ay dahil sa katiwalian at pang-aaping
naranasan ng kaniyang mga kababayan mula sa mananakop.
a. Diego Silang c. Lakandula
b. Francisco Maniago d. Andres Malong
3. Ipinagpatuloy ni __________ ang ipinaglalaban ng kaniyang asawa na si Diego Silang.
a. Melchora Aquino c. Gabriela Silang
b. Marcel Agoncillo d. wala sa nabanggit
4. Si ____________ ang namuno sa pag-aalsa sa Pampanga noong 1660 sa paglalayong tutylan ang
mapang-abusong sistema ng pagbubuwis, polo, bandala at ang hindi pagbabayad ng Espanyol ng mga
bigas na kinukuha sa kanila.
a. Andres Malong c. Juan Palariz
b. Francisco Maniago d. Lakandula
5. Si _____________ ang nanguna sa pag-aalsa sa Lingayen, Pangasinan noong 1660 dahil na rin sa
paghimok sa kaniya ni Francisco Maniago. Tinutulan din nila ang sapilitang pagtatrabaho at paggawa
ng mga galyon.
a. Juan dela Cruz Palaris c. Diego Silang
b. Juan Luna d. Andres Malong
6. Noong 1762, nagsimula rin ang isa pang pag-aalsa sa Binalatongan, Pangasinan sa pangunguna ni
______________________. Ang sanhi ng kaniyang pag-aaklas ay ang pagmamalabis ng mga Espanyol
at ang di makatarungang paglikom ng buwis.
a. Juan dela Cruz Palaris c. Diego Silang
b. Juan Luna d. Andres Malong
7. Ang pag-aalsa ni _______________ ang itinuturing na pinakamatagal na pakikipaglaban na nangyari
sa bansa. Ito ay tumagal ng 85 na taon mula taong 1744 hanggang 1829.
a. Francisco Dagohoy c. Sumuroy
b. Lakandula d. wala sa nabanggit
8. Si ______________ ang nanguna sa pag-aalsa sa Samar nang sapilitang ipadala ang kaniyang mga
kababayan Gobernador-Heneral Diego Fajardo sa Cavite upang gumawa ng mga galyon at mga
barkong pandigma ng mga Espanyol.
a. Francisco Dagohoy c. Sumuroy
b. Lakandula d. wala sa nabanggit
9. Pinangunahan ni ______________ na isang katutubong pari o babaylan ang pag-aalsa sa Bohol dahil
sa kanilang pakikipaglaban na talikdan ang relihiyong Katolisismo at bumalik sa paniniwalang itinuro
sa kanila ng kanilang mga ninuno.
a. Tamblot c. Sumuroy
b. Francisco Dagohoy d. Tablot
10. Ang pinakakilalang bayani sa Mindanao na matapang na nanguna sa pag-aalsa ay si
_________________, ang kilalang sultan sa Maguindanao mula taong 1619 hanggang 1671.
a. Sultan Kudarat c. Sultan Kudat
b. Sultan Kurat d. wala sa nabanggit
11. Tinaguriang Lakambinin ng Katipunan.
a. Melchora Aquino c. Teresa Magbanua
b. Gregoria de Jesus d. Gabriela Silang
12. Kasama ng kaniyang asawa ay sinuportahan nila ang rebolusyon lalo na pagkatapos bitayin ang
GOMBURZA.
a. Gliceria Marella Villavicencio c. Patrocinio Gamboa
b. Gregoria de Jesus d. Gabriela Silang
13. Sumapi sa Katipunan matapos sumapi dito ang kaniyang dalawang kapatid at namuno sa isang
maliit na pangkat.
a. Patrocinio Gamboa c. Teresa Magbanua
b. Gregoria de Jesus d. Melchora Aquino
14. Siya ang dahilan kung papaano nakarating ang watawat kay Heneral Delgado.
a. Patrocinio Gamboa c. Teresa Magbanua
b. Gregoria de Jesus d. Melchora Aquino
15. Siya ay hindi nag-atubiling tumulong lalo na sa mga nasugatang Katipunero.
a. Patrocinio Gamboa c. Teresa Magbanua
b. Gregoria de Jesus d. Melchora Aquino
16. Lugar kung saan ipinatapon si Melchora Aquino.
a. Europa c. Iloilo
b. Guam d. Ilocos
17. Nahalal bilang pangalawang pangulo sa sektor ng kababaihan ng Katipunan.
a. Josefa Rizal c. Gregoria de Jesus
b. Teresa Magbanua d. Gabriela Silang
18. Lugar kung saan nagtatag ng malayang pamahalaan si Diego Silang.
a. Iloilo c. Guam
b. Sta. Barbara d. Ilocos
19. Nagtapos bilang isang guro bago sumabak sa pakikipaglaban sa mga Espanyol
a. Patrocinio Gamboa c. Melchora Aquino
b. Gregoria de Jesus d. Teresa Magbanua
20. Ang sumusunod ay mga dahilang nagbunsod sa rebolusyon ng mga Pilipino laban sa mga
Espanyol maliban sa isa. Piliin ang hindi kabilang sa mga dahilan.
a. pangangamkam ng lupa c. pagmamalabis ng Kastila
b. relihiyon d. Edukasyon
Sagot:

1. C 11. B
2. A 12. A
3. C 13. C
4. B 14. A
5. D 15. D
6. A 16. B
7. A 17. C
8. C 18. D
9. A 19. D
10. A 20. D

Inihanda ni:

ERICKSON D. QUIPANES
Teacher I
Biasong Elementary School – Loon North District

You might also like