Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

PANUKALA SA PAGBIGAY NG LIBRENG CHECK UP AT GAMOT PARA SA

MGA BARANGAY BAYTO

Mula kay allysa L. Lozada


Purok 2, barangay bayto
Sta. Cruz Zambales
Ika-24 ng abril, 2024
Haba ng panahon gugugulin: 7 buwan at kalahati

I. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

Isa ang Barangay Bayto Sta.Cruz Zambales na mayroong madaming bilang ng tao na hindi
nakakapag pa check-up dahil sa problemang pinansyal, hindi din sila nakakatanggap ng tamang reseta na
para sa kanilang kalusugan.
Ang mga mamayanan ng Barangay Bayto ay walang access sa mga regular na medikal check-up, na
humahantong sa hindi natukoy na mga isyu sa kalusugan, madami sa mamayanan ng Barangay Bayto ang
nag titiis na lamang sa sakit ng kanilang katawan,ulo,dibdib at madami pa ibang sakit na nararamdaman,
karamihan sa mamayanan ng Barangay Bayto ay hindi na nakakayang bumili ng gamot at mag pa check-
up dahil sa problemang pinansyal.
Dahil dito nangangailangan ang barangay bayto sta.cruz Zambales ng isang health center na may
doktor na malawak ang kaalaman at makakatulong sa mga mamayanan ng Barangay Bayto. Sa
pamamagitan ng pagbibigay ng libreng medikal na eksaminasyon at mga gamot sa mga mamayanan ng
Barangay Bayto, ginarantiyahan nito na lahat sila ay may access sa pangunahing pangangalagang medikal,
anuman ang kanilang sitwasyon sa pananalapi. Sa pamamagitan ng maagang pagtuklas ng mga isyu sa
kalusugan maiiwasan ang pangambang mag karoon ng malalang sakit, dahil mag ka karoon tayo ng
pagkakataon maagapan ito at magamot agad. Kailangan maisagawa na ang proyektong ito sa madaling
panahon para sa kapakanan at kalusugan ng mga mamayanan.

II. LAYUNIN
Makapagpagawa ng health center at mamigay ng libreng gamot at libreng check-up na
makakatulong upang magamot ang mga mamayanan nangangailangan, matutulungan nito ang mga
mamayanang nakakaranas ng problemang pinansyal.

III. PLANO NA DAPAT GAWIN

1. Pagpapasa, pag-aaproba at paglalabas ng badyet para sa proyekto (7 araw)


2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sap ag papagawa ng health
center (2 lingo)
• Ang mga contractor ay inaasahang magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa
pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamitin
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor sa pag gagawa ng health
center nlgg

• Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor para sa
kabatiran ng nakakarami.
4. Pag papatayo ng health center sa pamamahala ng konseho ng barangay (4 buwan)
5. Pamimigay ng libreng gamot at libreng check-up sa mamayanan tulong ng konsehal ng Barangay
Bayto
6. Pag pili ng mga lisensyadong doktor at mga lisesnsyadong nurse at iba pang tauhan na mga
kailangan sa health care
7. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng health center (1 araw)

IV. BADYET

MGA GASTUSIN HALAGA

1, Halaga ng pagpapagawa ng Php 3,500,000.00


Health center batay sa isinumete ng napiling
contractor (kasama na rito ang lahat ng
materyales at suweldo ng mga trabahador)

2,pag hihire ng doctor at mga kailangang tao para Php 100,564.00


sa health center(kasama na rito ang sweldo ng mga
tauhan monthly)

3,Gastusin para sa pagpapasinaya at pagbabasbasin Php 25,870.00


nito

Kabuuang halaga PHP 3,626,434.00

V. BENEPISYO NG PROYEKTO AT MGA MAKIKINABANG NITO

Ang pagpapatayo ng health center ay magiging kapaki-pakinabang sa mga nakakaranas ng


problemang pinansyal at sa lahat ng mamayanan ng Barangay Bayto. Ang pangangamba sa mataas na
bayarin sa ospital ay masosolusyunan.
Hindi na muli makakaranas ang mamayanan ng poblema sa kanilang mga bayarin sa ospital at
kalusugan dahil maari na itong ipa tingen sa health center ng libre at walang
Ang pagkuha ng pangangalagang pangkalusugan ay hindi dapat maantala ng mga kalagayang
pinansyal ng isang tao. Ang mga libreng medikal na eksaminasyon at mga gamot para sa Barangay Bayto
ay nakakatulong upang maisulong ang katarungan sa lipunan sa pamamagitan ng sinisigurado na ang
lahat, kabilang ang mga nangangailangan ng tulong pinansyal, ay maaaring makakuha ng pangangalaga
na kailangan nila.

You might also like