Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Noon at Ngayon: "Pagbabago ng Istilo ng Panliligaw ng mga bagong

Henerasyon"

Mananaliksik:

Kristina Casandra B. Asuncion

Adrian Joshua Y. Rumbaoa

Jaylord D. Victoriano

Mary Jane D. Agoo

John Paul A. Abon

Jennifer N. Reyes

Julius R. Calma

Guro sa Pagbasa at Pagsuri ng Iba't-Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik:

Beverly Santiago Paraiso


KABANTA 1

A. Panimula

Sa mundong ating ginagalawan marami ang mga pagbabagong

nagaganap. Isa na rito ay ang pamamaraan ng panliligaw ng mga bagong

henerasyon. O kay sarap nga namang balik balikan ang mga nakagawian

ng mga tao noong unang panahon sa pamamaraan ng panliligaw.

Nakakailang mang pagusapan pero ang panliligaw ay ating mararanasan sa

ating buhay korni man ito pakinggan ngunit hindi naman natin

maipagkakailang na isa ito sa mga nagpapakilig sa atin noong tayo ay

kabataan.

Naikwento na ba sayo ng tatay mo kung papaano sila nagkita

at nagkakilala ng iyong mama? Kung ano ang nakita nya sa iyong ina na

hindi nya nakita sa iba? Pati narin ang mga awit at liham na kayang

kinanta’t nilikha upang maipakita nyang sya’y mahal na mahal nya?

Sadyang nakakikilig nga naman diba? E yung mga pagsusuyuan nilang

talaga namang nakakakilig na pakinggan habang kayo’y

nagkwekwentuhan? Makikita natin na ang pagmamahal ng dalawang nag

iibigan ay may halong sinseridad at tunay na pagmamahal na nagpapakita

na ang panliligaw ay hindi basta basta pinapasok lamang ng hindi ka pa

handa.

Habang lumilipas ang panahon unti-unti ng nababago ang

mga paraan ng panliligaw kung noon ay kailangan pang humingi ng


pahintulot sa mga magulang ang mga kalalakihan ngayon ay basta nalang

magugulat ang mga magulang na may jowa o kasintahan na ang kanilang

anak sabay sabing “inay si Bogart po boypren ko dalawang taon na po

kami” dito palang sa mga katagang ito ay talagang makikita na natin ang

malaking pagbabago ng paraan ng panliligaw. Kung noon ay kailangan mo

pang gumawa ng love letter o liham para sa minamahal at hihintayin mo

pa ito ng ilang araw upang matanggap at mabasa ang isinulat ng iyong

nililigawan, ngayon sa simpleng pindot mo lang at pag chat ay

makakausap mo na sa selpon at matatawagan mo pa ang iyong

nililigawan. Makikita nyo pa ang isa’t isa sa pamamagitan ng video call na

sadya namang nakamamangha. Dito makikita natin na malaki rin ang

naging epekto ng makabagong teknolohiya sa pamamaraan ng

pagliligawan.

Nakahiligang magbasa ng wattpad, webtoon at manood ng

mga k-drama at anime ng mga kabataan ngayon at isa rin nga ba ito

dahilan na kung minsan nagiging basehan ito ng mga babae sa pagpili ng

manliligaw sa kanila? Ngunit kahit na ganoon napapanatili parin nating

mga pilipino ang konsepto ng panliligaw na sya namang nagpapakita na

kung talagang mahal natin ang isang tao maglalaan tayo ng oras at buhay

para sa kanya. Kung mahal mo ang isang tao kahit masakit na mananatili

ka dahil ang tadhana ay hindi totoo, tayo ang magsusulat ng ating kwento

at kung mahal mo ang isang tao ikaw ang gagawa ng paraan upang

maging kayo hanggang dulo.


B. Paglalaad ng Suliranin

Ang pag-aaral at pananaliksik na ito ay may katangiang nais na sikapin at

bigyang kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang mga bagay na nagpabago ng istilo ng panliligaw?


2. Anu ano ang mga istilo’t pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon?

3. Ano ang pananaw ng mga kababaihan tungkol sa pamamaraanng


panliligaw noon at ngayon?
4. Ano ang mas nais maranasaan ng kababaihan na istilo ng
panliligaw?
5. Isa na nga bang dahilan ng pagbabago ng istilo ng panliligaw ang
teknolohiya?

C. Layunin at Kahalagahan sa Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik nang sa

ganon ay masagot ang mga tanong at problemang nakapaloob dito at

matalakay kung ano ngaba ang mga pagbabago ng paraan ng panliligaw ng

mga bagong henerasyon noon at ngayon. Ang mga tiyak na layunin nito ay

ang sumusunod:

1. Malaman kung nag-iba nga ba ang layunin o kasidhian ng

pamamaraan ng panliligaw sa bagong panahon.


2. Upang maipaghambing ang paraan ng pagbabago ng pagliligawan

noon at ngayon.

3. Matuklasan kung ano ang mas preperado ng mga kabataan na istilo

ng panliligaw, kung noon nga ba o ngayon.

4. Malaman ang mga dahilan kung bakit nagbago ang istilo ng

panliligaw

D. Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pananaliksik na ito malalaman at mailalantad kung papaano at

bakit nagbago ang istilo ng panliligaw ng mga bagong henerasyon.

Binibigyang diin ng mananaliksik kung ano ang mga salik na dahilan ng

pagbabagong-anyo ng paksang sasaliksikin.

E. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa pananaw ng

mga mag aaral sa ikalabing-isang baitang ng ASHS. Ang pananaliksik na

ito ay nakatuon sa pagbabago ng istilo ng panliligaw ng mga bagong

henerasyon.

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng Disenyong Deskriptibo upang

makuha ang tama at nararapat na datos.

Isang descriptive survey approach sa paggamit ng

talatanungan at pakikipanayam ang magsisilbing instrumento sa pagkamit

ng resulta ng pag-aaral na ito. Sa mga paghihigpit na dala ng pandemya,


isasagawa ang questionnaire sa pamamagitan ng Google form at ipapadala

sa mga kalahok sa pamamagitan ng Messenger. Ito’y naglalaman ng

katanungan na naaayon sa paksa, Noon at Ngayon: "Pagbabago ng Istilo ng

Panliligaw ng mga bagong Henerasyon". Ang mga natuklasan ay susuriin

gamit ang thematic coding.

F. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga

mambabasa minarapat naming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod

na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat sa pamanahong -

papel na ito.

Panliligaw/ligaw - Ito ay isang gawain ng taong nanunuyo sa kanyang

taong napupusuan. Isa ito sa ginagawa ng isang lalaki upang maipahayag

at masabi niya ang kanyang damdamin at nadarama sa babaeng kanyang

napupusuan. Isa ito sa mga kultura at kaugaliang makikita sa Pilipinas.

Makabagong Teknolohiya - Ito ang pagsulong at paglapat ng mga

kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas

ng mga suliranin ng tao. Ang teknolohiya ay may malaking bahagi sa

buhay ng tao at naging parte na ng ating pang araw-araw na buhay.

Cellphone, computer, laptop, smart boards, mga sistema ng GPS, at iba pa.

Lahat ng iyan ay nagmula sa teknolohiya.


Jowa - Ang Jowa ay isang salitang balbal na ginagamit upang tukuyin ang

taong iyong karelasyon o ang iyong kasintahan.

Love letter - Isa itong liham na nagpapahayag ng pagmamahal at iyong

nararamdaman sa iyong kasintahan o iniibig. Isa itong liham na isinusulat

sa taong karelasyon mo. Isa itong romantikong paraan upang maipahayag

ang iyong damdamin.

Chat - Isa itong paraan upang makipag-usap sa ibang tao sa internet.

Isang paraan ng pag uusap na nagbibigay daan sa mga tao upang

makapag usap, at mabilis na makapag padala ng mensahe sa iba.

Video call - Isang tawag na ginawa sa pamamagitan ng isang cellphone, na

nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na makita ang isa't isa habang sila

ay nag-uusap. Isa ito sa paraan ng pag uusap kung saan nagbibigay daan

sa mga taong magkalayo upang makapag usap.

Wattpad - Ang Wattpad ay isang website, kung saan nagbabahagi ka ng

mga kwentong isinulat mo, at nagbabasa at nagkomento sa mga gawa ng

ibang tao. Ito ay para sa mga mambabasa at manunulat upang

makapagbahagi ng mga bagong kwento.

Webtoon - Ito ay isang uri ng elektroniko o didyital na komiks na nagmula

sa Korea. Ito ay serye ng mga komiks na inilathala online.

Korean Drama - Ang mga Korean drama na mas kilala bilang K-dramas,

ay teledrama sa wikang Korean, na ginawa sa South Korea. Ito ay sikat sa

buong mundo. Ang Korean drama walang pinagkaiba sa ating lokal na

teleserye, ngunit may mga natatanging tampok na nagpapaiba sa kanila


mula sa lokal na mga serye sa telebisyon at mga telenobela na ginawa sa

ibang lugar.

Anime - Ang anime ay ang tawag sa estilo ng pagguhit at animasyon na

nagmula sa bansang Hapon. Isang itong istilo ng animation na nagmula sa

Japan na nailalarawan sa pamamagitan ng mga makukulay na graphics na

naglalarawan ng mga makulay na character sa mga plot na puno ng

aksyon na kadalasang may kamangha-manghang na mga tema.

You might also like