Cot 4 Lesson Plan Esp

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BALANGA CITY
CATANING ELEMENTARY SCHOOL
QUIRINO ST., SAN JOSE, BALANGA CITY

BANGHAY-ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3

I.Layunin:

A. Pamantayang Nilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pananalig sa Diyos, paggalang sa sariling paniniwala
at paniniwala sa iba hinggil sa Diyos, pagkakaroon ng pagasa at pagmamahal bilang isang nilikha

B. Pamantayan sa Pagganap:
Naipakikita ang pagmamahal sa Diyos at sa lahat ng Kanyang nilikha kaakibat ang pag-asa

C. Pamantayan sa Pagkatuto:
22. Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at kanyang mga biyaya sa
pamamagitan ng:
22.3. pagpapakita ng suporta sa mga kaibigan o pagiging mabuting kaibigan EsP3PD- IVc-i– 9
II. Nilalaman
ISAGAWA NATIN:
Paksa: "Ang Tagumpay Mo, Ang Ligaya Ko."
III. Kagamitan sa Pagtuturo
A. Sanggunian:
1. K-12 MELC Curriculum Guide in Edukasyon sa Pagpapakatao (page 21-76)
2. Edukasyon sa Pagpapakatao 3, Ikatlong Markahan-
3. Activity Sheet sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3, 3rd Quarter Week 4
B. Iba pang Kagamitan sa pagtuturo: Laptop, powerpoint presentation, tarpapel
C. Integration: Music, Arts, Filipino

IV. Pamamaraan:
A.a. Panalangin
b. Pagbati sa klase
c. Pagtatala ng liban
d. Drill ( pag-awit sa pagkakaibigan)

B. Pagsimula ng aralin
1.Pagwawasto ng takdang aralin

Isulat ang puso kung ito ay nagpapakita ng tunay na kaibigan at tatsulok naman kung hindi
1. Ang tunay na kaibigan ay kasama mo sa hirap at ginhawa
2. Ang kaibigan ay maaasahan mo sa oras ng kagipitan.
3. Ipinagmamalaki mo ang iyong kaibigan sa kanyang tagumpay
4. Ibinabahagi mo sa iyong kaibigan ang iyong mga biyaya.
5. Kinaiinggitan ko ang aking kaibigan.
2.Balik-aral

C.1.Pagganyak/ Paglalahad sa Aralin:


Ipapakita ang isang salita na may nakalagay na :” WANTED: BESTFRIEND”
Magbabahagi ang bawat mag-aaral ng gusto nilang katangian na hinahanap nila sa isang matalik na kaibigan.

1. Bakit mahalaga sa inyo ang pagkakaroon ng ganitong klaseng kaibigan?


2. Paano nyo pangangalagaan ang inyong pagkakaibigan?
3. Kung may kaibigan kang sumali sa isang paligsahan, paano mo ipakikikta ang pagmamalasakit mo sa
kanya?

D.Pagsasanay ( Guided Practice)


Panuto: Isulat ang tsek (/) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamahal sa kaibigan at (x) kung
hindi.

1.Si Alex ay masayang sumali sa pagalingan ng pagguhit.at natuwa din ang kanyag mga kaibigan.
2.Si Mateo ay nag-eensayo ng mabuti ng awiting napili para sa paligsahan ng pagkanta at sinuportaha
siya ng kanyang mga kaibigan.
3.Si Elsa ay sumayaw sa entablado ngunit pinintasan siya ng kanyang mga kaibigan.
4.Ang batang si Jose na isang katutubo ay nagpamalas ng kanyang galing sa pagtula para sa Buwan ng
Wika at hindi siya ikinahiya ng mga kaibigan na hindi katutubo
5.Ang batang si Arnel ay isang Muslim kaya masaya din nakikipaglaro sa kanya ang kanyag mga
kaibigan kahit siya ay Muslim..
E.Pangkatang gawain
Panuto: Ang mga pangkatang gawain ay ibibigay sa mga mag-aaral ayon sa kanilang nakatalagang grupo.
(Magbibigay na ng sitwasyon ang guro sa bawat pangkat.)
PANGKATANG GAWAIN

Unang Pangkat Bumuo ng isang awit na nagpapakita tungkol sa pagkakaibigan.


(matulungin)

Ikalawang Pangkat Bumuo ng isang tula tungkol sa pagkakaibigan.

(masunurin)

Ikatlong Pangkat Bumuo ng isang dula-dulaan kung saan magiging masaya ka para sa
(masayahin) iyong kaibigan
V.PAGLALAPAT:
Paano natin maipadarama ang ating pagmamahal sa ating kaibigan sa panahon ng kanilang kasiyahan at sa
panahon ng kalungkutan?

VI.Pagtataya

TAMA o MALI Isulat ang salitang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagsuporta o pagiging
mabuting kaibigan. MALI naman kung hindi.

1. Pinalalakas ang loob ng kaibigan tuwing may sasalihang paligsahan.


2. Natutuwa at ipinagmamalaki ang mga karangalang nakakamit ng kaibigan.
3. Naiinggit sa mga bagay na mayroon ang kaibigan.
4. Nasa tabi ka ng iyong kaibigan sa kasiyahan man o kalungkutan.
5. Handang damayan ang kaibigan ano man ang sitwasyon.

VII.TAKDANG ARALIN
Gumawa ng isang pangako para sa iyong kaibigan para mapanatili ang iyong pagkakaibigan.
Ano ang mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang sa pakikipagkaibigan? Paano maiingatan at
mapatitibay ang pagkakaibigan? Ibahagi ang iyong sagot sa susunod na araw.
Ipinapangako ko __________
__________________________________
_______________________________
___________________________
______________________
________________

Prepared by:

EMILY R. DE JESUS
Teacher I Checked by:

JENNIFER DE JESUS
Master Teacher II
Noted:
LISA G. AUSTRIA
Principal IV

You might also like