Inbound 2862255011940767455

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

COMMISION ON HIGHER EDUCATION

Ilocos Sur Polytechnic State College


College of Teacher Education
Tagudin Campus

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


MGA KONTEMPORARYONG ISYU
Ikalawang Markahan

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang mahahasa ang kakayahan at
nagawang:
1. Tukuyin ang iba’t ibang dahilan at epekto ng migrasyon sa loob at labas ng bansa.
2. Ilahad ang kahalagahan ng migrasyon sa kontemporaryong panahon.
3. Makabuo ng angkop na paraan sa pagtugon ukol sa mga epekto/suliraning dulot ng
migrasyon.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Migrasyon
Sanggunian:
https://asnhs.net/images/modules/grade10/AralingPanlipunan/PDF/AP10_Q2_Mod3_
Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon-
FINAL_revised.pdf&ved=2ahUKEwi526SQl5z_AhULbt4KHSWvAn4QFnoECB4Q
A&usg=AOvVaw0e9CZlxotkvx_dr5vo9j8g
https://www.slideshare.net/YhanzieCapilitan/pagtukoy-at-pagtugon-sa-epekto-ng-
migrasyon
Kagamitan: TV/laptop, pisara, video clip, marker
Istratehiya: Pagsasaliksik
Pagpapahalaga: Pagsasakripisyo, Pagtitiyaga, at Pagtutulungan

III. PAMAMARAAN:

Guro Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Bago natin simulan ang ating talakayan, “ Sa ngalan ng ama, ng anak at ng


manalangin muna tayo. Tumayo po tayong Espiritu Santo, Amen”
lahat, _______, pwede bang pangunahan mo
ang panalangin.
2. Pagbati

Salamat, _______. Magandang umaga sa ating


lahat.
Magandang umaga din po guro.

3. Pagnagtala ng Liban
Sino ang lumiban sa klase? Wala pong lumiban, guro.

(ang mga mag-aaral ay


pumalakpak)

Magaling!, at dahil diyan bigyan ng limang


bagsak ang sarili.

B. Paglinang na Gawain

Pagganyak
Ngayong araw ay magbubukas muli tayo ng
isa sa pahina ng ating paglalakbay sa
ikalawang markahan. Isa sa mga
kontemporaryong isyu na tiyak na madami sa
inyo ang may kaugnayan sa ating paksa.

Sanggunian:
https://www.youtube.com/@xersei578

Ano ang nakita niyo sa bidyu?


Ma’am tungkol po sa migrasyon.

Mahusay!

C. Paglalahad ng Paksa
Sa aking hinuha ay may ideya na kayo
sa ating aralin.

Kaya ngayon dadako na tayo sa ating


aralin patungkol sa migrasyon kaakibat
ang dahilan, epekto, kahalagahan at
ang mga posibleng tugon sa suliraning
dulot nito.

D. Pagtatalakay
Sa napanood ninyong bidyu kanina,
ano nga ulit ang ibig sabihin ng
migrasyon?

Ma’am!

Sige anak.
Migrasyon ay tumutukoy sa
proseso ng pag-alis o paglipat
mula sa isang lugar o teritoryong
pulitikal patungo sa iba pa,
maging ito man ay pansamantala
o permanente.

Mahusay anak!

At dahil siguradong may ideya na kayo


tungkol sa migrasyon, unahin na nating
tukuyin ang mga uri nito.

(Powerpoint presentation)

Mangyaring pakibasa, ibigay ang dalawang uri


ng migrasyon. Ang dalawang uri ng migrasyon
ay ang panloob at panlabas na
migrasyon.
Yan, salamat anak.

Unahin nating bigyang kahulugan ang


migrasyong panloob.

Migrasyong panloob- ang paglipat ng isang tao


o pamilya mula sa isang bayan, lalawigan, o
rehiyon patungo sa ibang bahagi ng bansa.

Halimbawa ng migrasyong panloob,


Ang pamilya ni Jarred ay nakatira sa
probinsiya ng Quezon, ngunit kalaunan ay
nagdesisyong manirahan na lamang sa
Maynila dahil sa oportunidad sa trabaho,
edukasyon atbp.

Nakuha niyo ba ang punto ng migrasyong


panloob?
Konti lang sa klase ang umimik.

Sige, sa madaling salita ang migrasyong


panloob ay ayon lamang sa ispisipikong lugar,
kapag ang isang pamilya ay lumipat ng
tirahan, ngunit ditto lamang sa loob ng bansa.

Naintindihan na ba mga anak?

Opo ma’am.

Dumako na tayo sa pangalawang uri, ang


migrasyong panlabas.

Mangyaring pakibasa _______.


Migrasyong panlabas, nagaganap
kapag ang isang tao o pamilya ay
lumilipat sa ibang bansa upang
manirahan o magtrabaho.
Yun po bang sa mga OFW mam?
May naisip ka bang halimbawa nito?

Tama anak!

Halimbawa ng pangalawang uri ng migrasyon


ay sa mga OFW o Overseas Filipino Workers,
na nagsasakripisyo na magpunta sa ibang
bansa, na ang pangunahing dahilan ay Ako po mam…
maghanap buhay.
Mam ako po…
Sino sa inyo ang may magulang o kamag-anak
na OFW? (sunod-sunod na nagsitaasan ng
kamay ang mga mag-aaral na may
kamag-anak na OFW)

Mam, magtrabaho po.

Mam, makapasok sa mas


moderno at advanced na paaralan.
Ngayon mga anak, sa tingin niyo ano ang mga
dahilan ng migrasyon ng mga tao?

Tumpak ang inyong sagot!

Pagkatapos nating bigyang kahulugan at


halimbawa ang dalawang uri ng migrasyon,
dumako na tayo sa dahilan ng migrasyon.

Bukod sa nabanggit niyong mga dahilan, ating


alamin ang iba pa sa mga ito.

A. Push-factor na dahilan-mga negatibong


salik na nagiging dahilan ng migrasyon:
1. Paghahanap ng payapa at ligtas na
lugar na matitirhan.
(pagpapaliwanag)
2. Paglayo o pag-iwas sa kalamidad.
(pagpapaliwanag)
3. Pagnanais na makaahon mula sa
kahirapan. (pagpapaliwanag)
B. Pull-factor na dahilan-positibong salik na
dumarayo dahil sa sumusunod na dahilan:
1. Pumunta sa pinapangarap na lugar o
bansa.(paliwanag)
2. Pag-aaral sa ibang bansa.(paliwanag)
3. Magandang oportunidad gaya ng
trabaho at mas mataas na kita.
(paliwanag)
4. Panghihikayat ng mga kamag-anak na
matagal nang naninirahan sa ibang
bansa.(paliwanag)

Tatanungin ko kayo mga anak, sa


tingin niyo, ganito din bah ang mga
dahilan ng inyong mga kamag-anak na
kabilang sa proseso ng migrasyon? Opo mam, karamihan po ay para
sa oportunidad ng edukasyon at
trabaho.

Tama anak, talagang karamihan ay


dahil diyan.

Ngayon dahil nalaman na natin ang


mga sanhi, dumako na tayo sa mga
epekto naman nito:
1. Pagbabago ng Populasyon.
(paliwanag)
2. Negatibong implikasyon sa
pamilya at pamayanan.(paliwanag)
3. Pagtaas ng kaso ng paglabag sa
karapatang-pantao.(paliwanag)
4. Brain Drain(paliwanag)
5. Pag-unlad ng
Ekonomiya(paliwanag)
6. Integration at
Multiculturalism(paliwanag)

Ngayong nalaman na natin ang


sanhi at epekto ng migrasyon, sino
sa inyo ang may planong maglipat
bayan o mangibang bansa?

(Magtataas ng kamay ang mga


E. Pagyamanin estudyante at sasabihin ang
kanilang mga saloobin,ukol sa
OFW* sa Gitna ng Disyerto tanong ng guro.)

Bayani kung ituring kami ng gobyerno


Wala naman magawa kapag kami’y inaabuso
Baka masira daw relasyon sa bansang kinalalagyan ko
Magtiis na lang hanggang matapos kontrata ko.
Mayroon nga tayong konsulado
Mga nakatalaga naman dito mga abusado
Walang pakialam kung ano kalagayan mo
Baka mas malala pa kapag napadpad ka rito.
Isa lang akong saksi sa buhay dito sa disyerto
Na kung tawagin lupa ng pera piraso
Dahil kung hindi huli limang buwang walang sweldo
Walang pakialam magutom man ang pamilya mo.
Tama na sa akin ang tawaging OFW
Na umalis ng bayan para sa kinabukasan ng pamilya ko
Ang kaligayahan pansamantalang kinalimutan ko
Mapunta sa bansang lungkot ang karamay mo.
Di ko pinagsisihan ang pagpunta rito
Bahagi lang ito ng pakikibaka sa buhay ko
Hindi ang maging saksi sa mga mapagsamantalang
politiko
Na lalo lang nagpapahirap pagnakaupo na sa puwesto.
Ang hiling lang namin tunay na pagbabago
Mabigyan pansin mga karaingan naming OFW
Dahil bahagi rin kami ng pag-unlad kahit kami’y malayo
Isigaw sa buong mundo, mabuhay and Pilipino!

Sanggunian:
https://www.bulatlat.com/2005/10/09/mga-tula-ng-isang-
migrante-mula-sa-saudi-arabia/_

Batay sa tulang binasa, mangyaring


sagutang ang mga sumusunod na mga
tanong:
a. Sino ang paksa ng tula?
b. Anong nais ipahiwatig ng may akda?
c. Magbigay ng mga karanasan na nasabi sa tula.
d. Ano ang saloobin ninyo sa tungkol sa tula?

Sagot:
a. OFW ang paksa ng tulang
binasa at natalakay.
b. Nais ipahiwatig ng may-
akda ang iba’t ibang
karanasan ng OFW lalo na
sa paghahanapbuhay sa
ibang bansa.
c. Ang mga OFW ay
nakakaranas ng:
-Pang-aabuso sa kamay
mismo ng kanilang mga
amo.
-Hindi naasusunod ang
pagbibigay ng dapat
buwanang sweldo.
-Kalungkutan dahil sa
pagkasabik mula sa
malayo sa kanilang mga
mahal sa buhay.
-Bigat ng pakiramdam na
mawalay sa pamilya
ngunit nangingibabaw
pagtitiis at
pagsasakripisyo mabigyan
lang ng magandang
kinabukasan ang pamilya.
d. Ang paghihirap at
pagsasakripisyo ng
mga OFW ay di
matatawaran ngunit kahanga-
hanga, ang hangaring mabigyan
ng magandang kinabukasan ang
pamilya ang puno’t dulo kahit na
kaakibat nito ay lungkot at pasakit
na malayo sa mga taong mahalaga
sayo. Kaya dapat lang na sila’y
tawaging bagong bayani, wala
mang pambihirang lakas o
kakayahan, di naman
F. Aplikasyon matatawaran taglay na katangian.

Gawain: Pics for Words

Gawain 1. Punan and bawat patlang

Kumpletuhin ang mga pangungusap upang masukat ang iyong


napag-aralan ukol sa paksa. Gawin ito sa hiwalay na papel.
1. Ang migrasyon ay tumutukoy sa __________?

Ang migrasyon paglipat sa


malayong dako gaya ng ibang
probinsiya, rehiyon, o
bansa. migrasyon gaya sa kaso ng
mga biktima ng slave trade,
human trafficking, at ethnic
cleansing. (OFWs) ang tawag sa
mga Pilipinong transnasyonal na
migrante.
2. Maraming mga Pilipino ang nangingibang-bansa dahil sa
iba’t ibang kadahilanan. Isa marahil sa pinakamabigat na
dahilan ay ang ___________________________________

Magandang oportunidad gaya ng


trabaho at mas mataas na sweldo.

G. Paglalahat
Sa kabuuan ng ating aralin sa araw na ito, maaari
niyo bang ibigay ang kahulugan ng migrasyon?
At magbigay ng isang salik at epekto nito sa
lipunan.
Ang migrasyon ay tumutukoy sa
proseso ng pag-alis o paglipat
mula sa isang lugar o teritoryong
pulitikal patungo sa iba pa,
maging ito man ay pansamantala
o permanente.

Ang sanhi ng migrasyon ay


nakapaloob sa push at pull factor,
at ang epekto nito ay mga
sumusunod:
1. Pagbabago ng
Populasyon
2. Negatibong
implikasyon sa pamilya at
pamayanan
3. Pagtaas ng kaso ng
paglabag sa karapatang-
pantao.
4. Brain Drain
5. Pag-unlad ng
Ekonomiya.
6. Integration at
Multiculturalism
Mahusay, napakagaling niyo mga anak!
Lubos niyo ngang naintindihan ang
ating aralin.

Magaling!

IV. EBALWASYON
Ibigay ang isinasaad ng mga sumusunod:
1-3. Magbigay ng 3 sanhi ng migrasyon
4-6.Magbigay ng 3 epekto ng migrasyon
7-10. Gumawa ng isang talatang tula tungkol sa mga OFW’S. (4 puntos).
V.TAKDANG ARALIN
Gumawa ng video presentation patungkol sa dahilan at epekto ng pagmigrasyon ng mga
kapwa Pilipino natin.

Ipapasa kay: Ipinasa ni:


Gng. Marites Dulay Ericka G.Garlejo

BSED 2 SOCIAL STUDIES

You might also like