Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Indibidwal na Gawain

FILIPINO 9

PANGALAN:
BAITANG AT PANGKAT:

Pagbasa ng Noli Me Tangere


(Ang Pulong sa Tribunal)
Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan
at lugar na pulungan ng mga may kapangyarihang tao sa bayan. Nang
dumating sina Ibarra at ang guro, nagsisimula na ang pagpupulong. May
dalawang pangkat na nakapaligid sa mesa. Ito ay binubuo ng dalawang
lapian sa bayan. Ang conserbador na pinamumunuan ni Don Felipo ay
pangkat ng mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng mga liberal na
binubuo ng mga kabataan. Pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos
ng pista ng San Diego. May labing isang araw na lamang ang nalalabi at
pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang Tinyente Mayor at Kapitan dahil
malabo pa ang mga paghahanda sa piyesta. Kung saan-saan napunta ang
kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan Basilyo,isang mayaman na
nakalaban ni Don Rafael. Walang bisa at kawawaan ang talumpati niya.
Dahil dito, isinahapag ni Don Felipo ang isang mungkahi at talaan ng mga
gastusin. Ang mungkahi niya ay magtayo ng isang malaking tanghalan sa
liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa loob ng isang linggong
singkad. Ang dulaan ay nagkakahalaga ng P160.00 samantalang ang
komedya ay P1,400 na tig-P200 bawat gabi. Kailangan din ang mga paputok
na paglalaanan ng P1,000. Binatikos si Don Felipo sa kanyang mga
mungkahi, kung kaya’t iniatras niya ang mga ito.Sumunod na
nagpananukala naman ay ang Kabesa na siyang puno ng mga matatanda.
Ang kanyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3)
ang magpapalabas ng komedya ay taga San Diego at ang paksa ay sariling
ugali upang maalis ang mga masamang ugali at kapintasan.

Nawalang saysay din ang panukala ng Kabesa sapagkat ipinahayag ng


Kapitan na tapos na ang pasya ng Kura tungkol sa pista. Ang pasya ng Kura
ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor
at komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng Kura, kaya sumang-ayon na lamang
ang dalawang pangkat. Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya’y
pupunta sa dulumbayan ng lalawigan upang lakarin ang isang mahalagang
bagay.

1: INTEGRASYON SA Kapayapaan
Ibigay ang mga negatibong pag-uugaling makikita sa binasa at
magbigay ang mungkahing solusyon para makamit ang katiwasayan.(social
order)

Hal: Pag-iiringan - solusyon:

NEGATIBONG PAG-UUGALI MUNGKAHING SOLUSYON


1.
2.
3.

2. Ibigay ang sanhi o bunga


1. Pagtatalo
2. Pagsasabi ng mga layaw na gagawin sa pista
3. Desisyon ng kura
ISYU SANHI BUNGA
1. Pagtatalo

2. Pagsasabi ng mga layaw


na gagawin sa pista

3. Desisyon ng kura

3. Panuto: Gamitin ang wastong ekspresyon sa mga sumusunod na


pangungusap Piliin ang sagot sa kahon.

Higit Sa aking palagay Dahil Kung ako ang tatanungin Mas

1._____ na mas nakabubuti ang magsaliksik muna bago magbigay ng sariling opinyon.
2. ______ na mainam ang gulay kaysa ang kumain ng mga inimbak na pagkain.
3. Nakakuha siya ng mataas na marka ____ nag-aral siya ng mabuti.
4. ____ marami ang lumalabas na mahirap ngayon kaysa noon.
5. ______ mainam na makatapos ng pag-aaral dahil madaling makahanap ng trabaho.

You might also like