2 Lesson Plan Writeshop

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (HE) 5

I. Layunin:
1.8 naisasagawa ang wastong paraan ngpamamalantsa (EPP5HE0d-8)

1.8.1 Nasusunod ang batayan ng tamang pamamalantsa.


1.8.2 Naipakikita ang wastong paraan ng pamamamlantsa at wastong
paggamit ng plantsa.

II. Paksang – Aralin: Wastong Paraan ng Pamamalantsa


A.Sanggunian. K- 12 Curriculum Guide EPP 5HE-0d-8;Makabuluhang
GawaingPantahanan at Pangkabuhayan V,pah. 30 -33
B.Kagamitan. plantsa, ironing table, ropero, hanger
C.Pagpapahalaga. Pagtitipid sa Kuryente

III. Pamamaraan.
A. Pambungad na Gawain.
1.Pagganyak.
Pagpapakilala ng mga kagamitan sa pamamalantsa at pagtatanong ukol dito.

B. Panlinang na Gawain.
1.Paglalahad
Tanungin ang mga bata:
a. Kailan dapat plantsahin ang damit ?
b. Anu- ano ang wastong paraan sa pamamalantsa?
Pagpapakilala sa bagong aralin.

2.Pagtatalakay
Pag-usapan at ipakitang turo ang wastong paraan ng pamamalantsa.

3.Paglalapat
Ipagawa sa mga mag-aaral ang wastong hakbang sa pamamalantsa.

C. Pangwakas na Gawain.
1. Pagbubuo ng Kaisipan
Anu-ano ang wastong paraan ng pamamalantsa
IV. Pagtataya
Panuto. Isaayos ang hakbang sa pamamalantsa ayon sa wastong pagkakasunod-sunod na dapat
gawin. Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang puwang sa tabi ng titik.

__________a. Isabit ang damit sa hanger o kaya’y tiklupin.

__________b. Wisikan ng tubig kung kinakailangan.

__________c. Ihanda ang gamitan sa pamamalantsa.

__________d. Painitin ang plantsa at ihagod sa tuyong dahon ng saging o

lumang damit.

__________e. Plantsahin ang baywang,bulsa at laylayan bago baligtarin

ang karayagan at kahabaan ng damit.

V. Takdang –Aralin

Ipasaulo ang wastong hakbang sa pamamalantsa.

Iniwasto ni Inihanda ni:

GORGONIO A. BATILARAN JR. LOTIS V. SORIANO


EPS 1 – EPP/TLE Teacher II
Mga Dapat Ihanda Bago Mamalantsa

Ang Wastong Hakbang sa Pamamalantsa

A. Polo/Blouse
1. Wisikan ng tubig bago plantsahin. Itupi nang pabilog. Gumamit ng malinis na
pasador sa paghagod ng manhid na bahagi ng damit.
2. Unahing plantsahin ang bahagi ng balikat sa likuran at unahan.
3. Plantsahin ang bahagi ng balikat sa likuran at unahan.
4. Plantsahin ang harapang bahagi at ituloy hanggang makaikot sa buong
katawan ng polo/blouse.
5. Plantsahin muli ang laylayan ng polo/blouse kung ito ay polo jacket
Upang masundan ang piliges.
6. Ihanger nang maayos at nakasara ang unang dalawang butones
sa bahagi ng leeg.

B. Short/Pantalon

1. Wisikan ng tubig kung kinakailangan.


2. Unahing plantsahin ang mga bulsa at isunod ang bahagi ng zipper.
3. Plantsahin ang bahagi ng baywang at sinturera patungo sa bahaging balakang at hita
ng pantalon.
4. Baliktarin – platsahin muli ang baywang at balakang na bahagi ng pantalon hanggang
sa kuminis ang bahagi ng bulsa.
5. Plantsahin ang kaliwang hita at isunod ang kanang bahagi. Pag-angkupin
ang mga lupi bago ilapat ang plantsa upang hindi maging doble ang piston ng
pantalon mula sa paa.
6. Plantsahin hanggang maging makinis ang bahagi ng hita o kabuuan ng pantalon.
7. Ihanger ang pantalon/ short o ilupi nang maayos.

C. Palda

1. Wisikan ng tubig kung kinakailangan.


2. Unahing plantsahin ang bulsa, bahagi ng baywang o sinturera, at zipper.
3. Baligtarin, plantsahing muli ang bahagi ng baywang.
4. Unatin ang buong palda at balikan sa bahagi ng zipper upang lupian nang wasto ang
mga piliges.
5. Ihanger nang maayos.
Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan ( HE) 5

I.Layunin:
1.9 napapanatiling maayos ang sariling tindig (EPP5HE0d-9)
1.9.1 Naipakikita ang maayos na pag-upo, pagtayo, at paglakad, wastong
pananamit at magalang na pananalita

II.Paksang – Aralin.:Maayos at Mabikas na Pagganyak

A. Sanggunian. K to 12 Curriculum Guide EPP5HE-0d-9 ; Agap at Sikap 6,pah.6 -16;


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan VI, pah. 6
B. Kagamitan. Larawan ng wastong tindig at uri ng kasuotan
C. Pagpapahalaga. Pagiging maayos at mabikas
III.Pamamaraan.
A. Pambungad na Gawain.
1. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan na naghahambing ng dalawang
taong may angkop at di- angkop na pagganyak .

B. Panlinang na Gawain.
1. Paglalahad
Pagpapakilala ng bagong paksang – aralin.

2.Pagtatalakay
Talakayin ang kabutihang dulot ng pagiging maayos at mabikas
na pagganyak.

3.Paglalapat
Hayaang ipakita ng mga bata ang wastong gawi sa pag – upo,
pagtayo, at paglakad.
Maliban sa pagkakaroon ng mabikas at maayos na pagganyak,
higit na kailangan bigyan ng pansin ang pagiging magalang sa pananalita.

C.Pangwakas na Gawain.
1. Pagbubuo ng kaisipan.
Paano masasabi na ikaw ay batang may mabikas/maayos
na pagganyak ?
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na tindig
sa pagdadala ng kasuotan ?
Paano mapananatili ang mabuting pakikitungo sa kapwa ?

IV. Pagtataya.
Panuto. Kumuha ng isang pirasong papel. Sagutin at ipaliwanag ang tanong.

Ano-anu ang dapat bigyan ng pansin upang mapanatiling maayos ang sariling tindig ?

V. Takdang – Aralin.

Pumili ng kamag-aral na pinakamalinis at pinakamaayos sa kanyang sarili.


Ipaliwanag sa kwaderno.

Iniwasto ni Inihanda ni:

GORGONIO A. BATILARAN JR. LOTIS V. SORIANO


EPS 1 – EPP/TLE Teacher II
Pamantayan sa Wastong Pag – upo
Umupo ng tuwid ang katawan, liyad ang diddib
Ilapat sa sahig ang mga paang magkalapit

Pamantayan sa Wastong Pagtayo

Tumayo ng tuwid liyad ang dibdib at pasok ang tiyan


Magkalapit ang dalawang paa sa posisyong magbibigay balance sa
pagtatayo

Pamantayan sa Wastong Paglakad

Ituwid ang ulo at katawan, iliyad ang ulo, pasok ang tiyan nakatingin
nang tuwid
Ihakbang ng Malaya ang mga paa at salisihang “i-swing” o iimbay ang mga braso at
kamay
Magagandang Pag-uugali
Kaayang-ayang pakitunguhan ang isang tao kung hindi lamang panlabas na kaanyuan niya ang
magandang kundi pati na rin ang kanyang pag-uugali at kalooban. Higit na kanais-nais ang taong
malinis sa pananamit, sa salita, at sa gawa. Ipinahihiwatig ng mga ito ang kanyang tunay na
pagkatao.

Mahalagang gawing bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ang mabuting pag-uugali. Dapat


itong sanayin sa loob pa lamang ng tahanan upang maitanim nang husto sa pag-iisip at maging
bahagi nang iyong personalidad. Maganda ang pagtingin at pakikitungon ng marami sa taong
may magandang pag-uugali.

Dapat pahalagahan ang pag-iisa o privacy ng bawat miyembro ng pamilya. Napauunlad ang
tiwala, pagmamahal, at paggalang ng mga kasapi ng mag-anak sa isa’t isa kung may ganitong
pagpapahalaga. Naipakikita ang pagpapahalagang ito sa pamamagitan ng pagkatok bago
pumasok sasilid ng iba, hindi pagbubukas ng sulat ng iba, paghingi ng pahintulot bago hiramin
ang gamit ng iba, at pag-iwas sa pakikinig o pagsabat sa usapan ng iba.

Ang paaralan ay may mga pamantayan din na inaasahang igagalang at susundin ng lahat ng mag-
aaral sa lahat ng panahon.

Narito ang ilan pang tuntuning may kinalaman sa magandang pag-uugali na dapat tandaan at
isagawa:

1.Maging magiliw at magalang sa ibang tao sa lahat ng oras. Ugaliing bumati o ngitian ang
sinumang kakilala,kaibigan o kapitbahay na makakasalubong sa daan. Gumamit ng mga salitang
tulad ng po at ho kapag nakikiusap sa nakatatanda.

2.Maging mapagbigay at matulungin sa tama at angkop na mga pagkakataon. Ialok ang tulong
kung kinakailangan ito.

3.Maging maingat sa pananalita. Panatilihing katamtaman ang lakas ng boses kapag nakiki-usap
at iwasan ang pagtili at pagsigaw. Piliin nang mabuti ang mga salitang bibitiwan upang matiyak
na hindi makakasakit ng damdamin ng iba.

4.Maging mapagbigay at maunawain sa damdamin ng iba. Iwasan ang pabalang na pagsagot at


pakikipag-away kung salungat ang paniniwala at gawi ng iba. Pag-aralanng igalang ang naiibang
opinion ng kapwa.

5.Maging maalalahanin. Mag-ukol ng pagbati sa mga kaanak, kaibigan, at kakilalang


nagdiriwang ng kanilang kaarawan o iba pang espesyal na okasyon. Huwag kalimutang bumisita
o magpadala ng card kung may kakilalang maysakit. Palakasin ang loob ng mga kaibigang may
suliranin at tulungan sila sa abot nang maka-kaya.

6.Igalang at sundin ang anumang mga tuntunin at pamantayang may kinalaman sa kagandahang
asal sa loob at labas ng tahanan.
Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (HE) 5

I.Layunin.
1.9 napapanatiling maayos ang sariling tindig (EPP5HE0d-9)

1.9.2 Naisasagawa ang pagkain ng masustansiyang pagkain, pag-iwas sa sakit at


di- mabuting nga gawain sa kalusugan

II.Paksang – Aralin.:Masustansyang Pagkain ng Mag-anak

A. Sanggunian. K to 12 Curriculum Guide EPP5HE-0d-9, Makabuluhang Gawaing


Pantahanan V, pah. 69 – 73; TM pah. 37 – 39

B. Kagamitan. Tsart ng pangkat ng wastong pagkain


Tsart ng mga sustansiya ng pagkain
Larawan ng mga pagkain
Larawan ng mga sakit na dulot sa kakulangan sa sustansiya
ng pagkain

C. Pagpapahalaga. Maibigay ang sustansiya at pagkain ng bawa’t kasapi


ng mag – anak

III.Pamamaraan.
A. Pambungad na Gawain.

1. Pagganyak

Ilagay sa bawat hanay ang larawan ng pagkain na angkop sa bawat


pangkat.

Tagapag – ayos ng Tagapagbuo ng Tagapagbigay – init


Katawan Katawan at Lakas ng Katawan

B. Panlinang na Gawain.
1. Paglalahad
Ipakillala ang paksang – aralin sa pamamagitan ng larawan ng mag – anak

2. Pagtatalakay
Talakayin ang iba’t ibang uri ng pagkain at pangkatin ito ayon sa
sustansiya. Sabihin ang sustansiyang dulot at sakit na maiiwasan.

3. Paglalapat.
Hayaang alalahanin ng mga bata ang kanilang kinain sa
Agahan/Tanghalian/Hapunan. Isulat sa pisara ang menu ng pagkain.
Suriin ang mga sangkap na sustansiyang dulot nito at isulat ang
sakit na dulot ng kakulangan nito.
C. Pangwakas na Gawain.
1. Pagbubuo ng Kaisipan.
Bakit kailangan ng mga bata ang higit na masustansiyang
pagkain ?
Paano masasabi na masustansiya ang pagkain na iyong kinakain ?

IV. Pagtataya

Panuto. Pagtapatin ang Hanay A at Hanay B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

_______1. Asin/Sodium Chloride a. Tagapagbigay ng init/ energy


giving food
_______2. Carbohydrates b. anemia, leukemia

_______3. Iron c. Tagapagbuo ng tisyu

_______4. Protina d. panunuyo at pagkalubot ng


balat o dehydration
_______5. Iodine e. goiter o bosyo

f. pagkasira ng ngipin

V. Takdang – Aralin

Magsaliksik gamit ang internet tungkol sa iba’t ibang uri ng sakit na dulot ng di –
wastong pagkain ng masustansiyang pagkain.

Iniwasto ni Inihanda ni:

GORGONIO A. BATILARAN JR. LOTIS V. SORIANO


EPS 1 – EPP/TLE Teacher II

Masustansiyang Pagkain
Ang kaalaman ng bawat kasapi ng mag-anak sa mga sustansyang buhat
sa pagkain ay mahalaga upang maisama ang masustansyang pagkain mula sa pamimili ,
hanggang sa pagluluto at paghahain. Ang tatlong gabay sa wastong
pagkain ay dapat isaisip sa pagbabalak ng pagkain ng mag – anak sa tuwina.

Tatlong Gabay sa Wastong Pagkain


1. Tagapagbigay Lakas at Init ng Katawan – Mga pagkaing mayaman sa carbohydrates
tulad ng mga puting butil-bigas, malagkit, wheat, oatmeal, at mga pagkaing mula dito
gaya ng mga cakes, tinapay, noodles, pansit, pasta; mga bungang- kahoy tulad ng kamote,
ube, chocolate, margarina, at iba pa.

2. Tagapagbuo ng Katawan- Mga pagkaing mayaman sa protina tulad ng karne ng


baboy, baka, manok, itlog at ibang kauring pagkain tulad ng gatas, keso at lamang-dagat.

3. Tagapagsaayos ng Katawan – Mga pagkaing mayaman sa iba’t ibang uri ng bitamina at


mineral tulad ng gulay, prutas, at ibang pagkaing dagat tulad ng dilis, hipon, at alamang.

Mga Sustansyang Taglay ng Pagkain

1. Carbohydrates – nagbibigay ng lakas at enerhiya sa katawan.


- bumubuo ng matabang tisyu
- nagtataglay ng calorie na kailangan sa pagpapasigla ng katawan

Mga Pinagkukunan:
a. Asukal at tsokolate
b. Arina at bigas – oatmeal, cornstarch, wheat, malagkit, cake flour, suman,
bibingka
c. Bungang- kahoy - kamote, gabi, patatas, ube, kamoteng kahoy
d. Taba – margarina, langis

2. Protina – binubuo at inaayos ang mga tisyung nagpapalakas ng katawan.


- Nagtataglay ng sustansiyang tinatawag na amino acid.
Ang dalawang uri ng protina ay ang ganap at di-ganap. Ang ganap na protina - ay
nagpapalaki at kumukumpuni ng mga nasirang tisyu sanhi ng labis na pagod o pagkakasakit.
Ang di-ganap na protina - ay tumutulong naman sa pagpapalaki at pagmamantini ng buhay.

Mga Pinagkukunan:

a. Mula sa hayop – karne ng baboy at baka, lamang loob, isda, itlog, gatas, at balot
b. Mula sa butong gulay – munggo, beans, pinatuyong buto, kadyos, at tokwa

3. Mineral –gumagawa at nag – aayos ng tisyu na nangangalaga ng kalusugan ng katawan.


a. Calcium – kailangan ng buto, ngipin, kuko, at balat gayundin ng dugo.

Mga Pinagkukunan – dilis, shellfish, bagoong, balatong, madahong gulay


(petsay,letsugas,malunggay, kangkong)
Sakit na dulot ng kakulangan – rickets at polio.

b. Iron – nagpapapula ng dugo na tinatawag na hemoglobin.


Pinagkukunan – pula ng itlog, karne , beans, green peas, molasses,dahon ng
ampalaya, malunggay
Sakit na dulot ng kakulangan –anemia, leukemia

c. Iodine – kailangan sa kalusugan ng thyroid glands.


Pinagkukunan – shellfish, tahong, talaba, iodized salt
Sakit na dulot ng kakulangan – bosyo o goiter

d. Phosphorus – kailangan sa maayos na pagdaloy ng dugo sa katawan.


Pinagkukunan – saging, patatas, ubas, bagoong at hipon- kakainin pati balat tulad ng
tagunton at alamang na sariwa.
Sakit na dulot ng kakulangan – pulikat – madalas na pamamanhid ng mga daliri at
braso, paa, at binti.

e. Fluoride – sustansyang nagpapatibay ng ngipin.


Sakit na dulot ng kakulangan – pagkasira ng ngipin
f. Asin – sodium chloride, kailangan ng likido ng katawan.
Pinagkukunan – asing dagat, iodized salt, bagoong
Sakit na dulot ng kakulangan – panunuyo at pagkakulubot ng balat o dehydration

g. Tubig – kailangan ng katawan upang magamit ang iba pang sustansya.


Ang 20% ng katawan ay binubuo ng tubig kaya’t kapag nababawasan ito dahil sa
pagpapapawis at pag – ihi, kailangang palitan agad ng sapat na tubig at asin.
Mga Pinagkukunan – matubig na prutas tulad ng melon at pakwan, singkamas, at
sago.

4. Bitamina – pinalulusog ang katawan upang makaiiwas sa impeksyon.

a. Bitamina A – pinalilinaw ang mga mata, pinakikinis ang balat at panlaban sa


mikrobyo.
Mga Pinagkukunan – madilaw na gulay at prutas tulad ng mangga, saging,
dalandan, karots,papaya, tiesa, at iba pa.

Sakit na dulot ng kakulangan – xeropthalmia, sore eyes, kuliti, color blindness

b. Bitamina B – pinaliliksi ang pangangatawan at pinagbubuti ang taglay at


takbo ng mga ugat.
B1 – thiamine – tumutulong sa pag –iwas sa sakit na beri-beri
B2 – riboflavin - nagbibigay o lakas sa loob ng katawan
B12 – cyanocobalamin – para sa normal na daloy ng dugo sa katawan
B6 – pyridoxine – para maiwasan ang pagiging nerbiyosa at tumutulong na
makabuo ang katawan ng anti- bodies o mga panlaban sa mga sakit

Niacin – kasama ng mga B – complex na tumutulong sa mga gawain ng


carbohydrates, protina at taba, at tumutulong din sa pagpapababa ng
kolesterol.

Sakit na dulot ng kakulangan – pellagra at pahinga ng sentro ng nervous


system
Mga Pinagkukunan – karne, manok, enriched breads, madahong gulay

c. Bitamina C – ito ang tinatawag na ascorbic acid at mahalaga sa paggawa ng


mga selula ng katawan, resistensya sa impeksyon at pagpapatibay ng mga
buto at ngipin.

Mga Pinagkukunan – maaasim na prutas – bayabas, kasuy, manga,


guyabano,strawberry, sinigwelas, dalandan, kamias, kamatsili, balimbing,
kamatis, at iba pa.

Sakit na dulot ng kakulangan – madalas na sipon at ubo, matagal gumaling na


sugat, pagbaba ng timbang kakulangan sa dugo at scurvy.

d. Bitamina D – tinatawag din itong sunshine vitamin dahil sa sikat ng araw


makakamit ang kailangang bitamina para sa pagpapatigas ng mga buto at
ngipin. Ang calcium ay tumutulong sa pagbubuo ng bitamina D.

Sakit na dulot ng kakulangan – panlalabot ng buto, pagiging mahinang mga


ngipin, pagiging sakang, pike, at komang at rickets.
e. Bitamina E – para sa normal na pagdadalantao at maiiwasan ang pagkabaog,
pagpapanatili ng kailangang hormones sa katawan.

Mga Pinagkukunan – gatas, itlog, karne, isda, cereal, at madahong


gulay

Sakit na dulot ng kakulangan – di normal na pagbubuntis sa anak, pagkabaog,


madaling panghihina ng liksi ng katawan.

f. Bitamina K – pananggalang sa pammumuo ng dugo at nangangalaga laban sa


labis na pagdaloy o agos ng dugo. Nakatutulong sa kalusugan ng atay.

Mga Pinagkukunan – kamatis, ispinats, repolyo, cauliflower, pula ng itlog,


atay, madahong gulay

Sakit na dulot ng kakulangan – labis at hindi maampat na pagdurugo kapag


nasugatan.

Iniwasto ni Inihanda ni:

GORGONIO A. BATILARAN JR. LOTIS V. SORIANO


EPS 1 – EPP/TLE Teacher II

Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (HE) 5

I.Layunin:
1.13 naisasagawa ang pagsasaayos at pagpapaganda ng tahanan (EPP5HE0e-1

II.Paksang – Aralin.:Paraan ng Pag – aayos at Pagpapaganda ng Tahanan

A. Sanggunian. K to 12 Curriculum Guide EPP5HE-0e-13, Makabuluhang Gawaing


Pantahanan V, pah. 49 - 50

B. Kagamitan. Larawan ng iba’t ibang parti ng bahay

C. Pagpapahalaga. Pagpapaganda ng Tahanan

III.Pamamaraan.
A. Pambungad na Gawain.
1. Pagganyak.
Ipakita ang paskilan ng may kaayusan ng iba’t ibang bahagi ng silid/
kaayusan ng mga muwebles

B. Panlinang na Gawain.
1. Paglalahad
Pagpapakilala ng paksang – aralin.

2. Pagtatalakay.
Talakayin ang mga prinsipyo sa wastong pag-aayos ng mga muwebles at
kasangkapan.

3. Paglalapat
Magbigay ng larawan ng bahay. Hayaang ipaliwanag nila kung
paano ito isinaayos.

C. Pangwakas na Gawain.
1. Pagbubuo ng Kaisipan.
Bakit kailangan maging maganda at maayos ang ating
tahanan ?
Anu – anong kasangkapan o palamuti ang makatutulong sa kaayusan at
kagandahan ng isang bahay ?

IV. Pagtataya.
Panuto. Magdrawing ng isang parte ng bahay sacoupon bond. Ayusin ang mga muwebles
at kasangkapan ayon sa prinsipyo ng kaayusan.

V. Takdang – Aralin.

Bumisita sa mga lugar na may mga kaayusan ng pamamahay o interior decoration tulad
ng mga shopping centers o furniture shop. Ipaliwanag kung, paano nila isinaayos gamit ang
prinsipyo ng kaayusan.

Iniwasto ni Inihanda ni:

GORGONIO A. BATILARAN JR. LOTIS V. SORIANO


EPS 1 – EPP/TLE Teacher II

Ang Maayos at Magandang Tahanan

Ang maayos at magandang tahanan ay kagigiliwang tirahan ng lahat ng


mag – anak at sila’y magtutulong –tulong sa pagpapaganda at pagpapanatili ng kaayusan nito.
May mga tuntuning dapat tandaan sa wastong pagsasaayos ng mga kasangkapan sa tahanan at
wastong pagpili ng mga gamit na angkop sa uri ng bahay at pamumuhay, ganda at tibay ng
gamit, kulay, at yari na naaayon sa kagustuhan at kilatis ng mag – anak.
Ang mga gamit sa iba’t ibang silid ng tahanan ay dapat maging angkop sa silid. Ang mga
ito’y kailangang isaayos ayon sa laki at gamit.

A. Sala o Silid – Tanggapan


Dito unang pumapasok ang mga tao, ang may – ari ng bahay at bisita.
Kailangang magmukhang kaaya-ayang pasukin ito, laging malinis at maaliwalas.
Ang malalaking muwebles ay dapat na nakaayon sa dingding, ng sulok na bahagi ay may angkop
na muwebles, ang mga silya ay magkakaharap upang maayos na makapag-usap ang sinumang
uupo rito.

Iwasang magkabungguan ang mga taong nagdaraan o mababangga ang mga kasangkapan
upang maiwasan ang sakuna. Laging isaalang- alang ang ganda at kaligtasan ng tahanan.
Music Corner
Karaniwan sa mga tahanan ang may radio at telebisyon, kaya maaaring ilagay sa silid-
tanggapan ang mga ito upang maging libangan ng mga bisita. Sa oras ng paglilibang ng mag –
anak, dito rin sila nagtitipon upang magsaya, umawit, tumugtog at manood.

B. Silid –Tulugan
Ito ang silid na may higaan o papag na pahingaan o tulugan na dapat nakalagay nang
malapit sa dingding. Ang ibang nga kasangkapang pansarili ay daspat ayusin sa isang bahagi na
di nakakaabala sa paggalaw ng tao. Ang silid tulugan ay nagagamit ding silid- aralan.
Kailangan lamang isaayos ang mesa at upuan saisang sulok ng silid at maaari rin itong lagyan ng
bookshelf. Dito rin nakalagay ang aparador at salamin at kagamitan sa pagbihis. Ang malalaking
muwebles na ito ay dapat malapit sa dingding upang maging maaliwalas ang pagkilos ng tao.
Ang silid – tulugan ay malapit sa palikuran upang madali itong puntahan sa gabi.

C.Silid – Kainan
Ang nga kasangkapan dito’y malaking hapag – kainan at may mga upuan para sa lahat
ng kasapi ng mag – anak. Makikita rin dito ang kabinet para sa kagamitan sa paghahain at mga
kasangkapan magaganda at mamahalin na karaniwang ginagamit lamang kung may pagtitipon.
Ito’y ang China Cabinet. Maaari itong ilagay na pangharang o pangtabing sa silid-lutuan o sala
kung saan ang tahanan ay maliit lamang. Ang mga pinto nito ay karaniwang salamin at dapat
ilagay sa madaling buksan upang makakuha ng kasangkapang kailangan.

D.Silid- Lutuan o Kusina


Ang kusina ang pinakamahalagang silid ng isang bahay at dapat itong maging laging
maayos at malinis dahil dito inihahanda ang pagkain ng mag-anak. Ang mga pangunahing
kasangkapan sa pagluluto ay mesang paggagawaan, kalan, o oven, lababo, paminggalan at
palamigan o refrigerator. Ang malalaking
Kasangkapan ay nakaayos ayon sa uri at gamit ng mga ito. Iwasang pagtabihin ang oven at
refrigerator, isaalang-alang ang tatlong sentro ng gawaan sa pagkilos mula kanan pakaliwa. Ang
mga ito’y sentro ng paghahanda ng pagkain, ang sentro ng paglilinis ng pagkain at paghuhugas
ng mga ito at ang sentro ng pagluluto. Ang patatsulok na ayos o hugis U na ayos ng kusina ay
makatutulong sa madaling pagkilos at paghahanda ng lutuin. Ang mga cabinet ay maaaring nasa
ilalim ng mga gawaang lugar o itaas na bahagi ng pinaggagawaan upang madaling makuha ang
kailangang kasangkapan. Kailangan ay may laging malinis na lalagyan ng tubig o may gripo.
Kung ang lutuan ay ginagamitan ng uling o kahoy, ito’y dapat may singawan ng usok palabas na
malapit sa bintana o pintuan. Ang mga gamit sa pagluluto ay dapat na may sadyang taguan at
natatakpan.
Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (HE) 5

I.Layunin. Natutupad ang mga tungkulin sa pag – aayos ng tahanan.

II.Paksang – Aralin.:Talatakdaan ng mga Gawain ng Mag - anak

A. Sanggunian. K to 12 Curriculum Guide EPP5HE-0d-10, Makabuluhang Gawaing


Pantahanan V, pah. 57-59

B. Kagamitan. Larawan ng iba’t ibang parti ng bahay

C. Pagpapahalaga. Pag-uunawaan at mabuting samahan ng mag-anak

III.Pamamaraan.
A. Panimulang Gawain.
1. Pagganyak.
Pagpapakita ng larawan ng mag – anak na may pinagtutulungang gawain.

B. Panlinang na Gawain.
1. Paglalahad.
Pagpapakilala ng bagong paksang – aralin.

2. Pagtatalakay.
Bakit kailangan ang talatakdaan ng gawain ng mag – anak ?
Anu – anong gawain sa inyong tahanan ang kailangang pagtulugan
ninyong mag – anak ? Isulat sa pisara at gabayan sa paggawa ng talatakdaan. Pansinin
ang mga gawain kung may kakayahan at kaalaman ang mga magsisigawa nito.

3.Paglalapat.
Pagawain ng pangmag – anak natalatakdaan ng gawain ang mga mag –
aaral sa araw ng Sabado.

C. Pangwakas na Gawain.
1.Pagbubuo ng Kaisipan
Bakit kailangan ang talatakdaan ng gawain ng mag – anak ?
Anu – anong gawain sa inyong tahanan ang kailangang pagtulungan
ninyong mag – anak ?

IV. Pagtataya.
Panuto. Kumuha ng isang pirasong papel. Gumawa ng pansariling talatakdaan sa
araw ng Linggo.

V. Takdang – Aralin.
Magpagawa ng talatakdaan ng mag – anak. Pag – usapan ang oras ng paggawa at
kakayahan ng gagawa nito. Papirmahan sa miyembro ng pamilya ang napagkasunduan.

Iniwasto ni Inihanda ni:

GORGONIO A. BATILARAN JR. LOTIS V. SORIANO


EPS 1 – EPP/TLE Teacher II
Talatakdaan ng mga Gawain ng Mag – anak

Mahalagang may talatakdaan ng gawain ang mag – anak o kaya ay mga pinagkasunduang
gawain ng pamilya. Ito ay nakatutulong sa madaling pagtapos ng mga gawain ng pamilya. Ito ay
makatutulong sa madaling pagtapos ng mga gawaing bahay na isinasagawa ng mga kasama ng
mag – anak. Ang mga pinagsasamahang gawain ng isang pamilya ay nakatutulong sa mabuting
relasyon at pag – uunawaang maaaring magpatibay ng pagmamahalan ng mag – anak.

Halimbawa ng isang talatakdaan ng Gawain ng mag – anak para sa araw ng Sabado.

ORAS MGA GAWAIN TAONG GAGAWA

6:00 – 6:15 Paggising; pagdarasal Buong mag – anak, ate, kuya,


Pagliligpit ng higaan bunso

Marami pang ibang gawain sa bahay na mapagtutulungan ng mag – anak. Ang ibang
malayang oras na walang gawaing bahay ay maaaring gamitin sa pag – aaral, paggawa ng
proyektong pampaaralan o nakalilibang na gawain tulad ng pananahi sa makina, pagbuburda,
cross – stitch, gantsilyo, pagsususlsi ng sirang damit upang mapabuti pa ang kasanayan sa
paggawa na maaari ring mapagkakitaan kung gugustuhin.

Mahalagang masunod ang talatakdaan ng gawain ayon sa oras upang magkatulong –


tulong ang mag – anak sa iba pang mabigat na gawain at maiwasan din ang suliranin na may
ibang kasapi ng mag – anak na hindi nakatutulong sa gawaing bahay. Kung matapos na ang
gawain at may oras pa na tumulong ay dapat magkusang-loob upang matapos nang madali ang iba
pang mabigat o maraming gawain.

Mga Salik na Dapat Tandaan sa Paghahanda ng Talatakdaan

1. Gulang – Ang mga bata’y mas maliksi at mabilis kumilos kaysa sa mga nakatatanda
at maaari silang bigyan ng maraming gawain.
2. Kakayahan at Kaarawan – Makabubuti na alam natin ang kakayahan at kaalaman ng
taong gaganap sa mga tungkulin upang mapagkatiwalaan siya sa mga gagawin.
3. Lakas – May mga gawaing kailangan ang higit na lakas upang maging mabuti ang
paggawa, tulad ng pagbubuhat o paglilipat ng mga kasangkapan kapag nag – aayos ng
pamamahay.
4. Oras – oras sa pagsasagawa o bilang ng oras na maaaring ilaan sa pagsasagawa ng
mga gawain.

Sa paghahanda ng talatakdaan ng gawain ay dapat itala ang mga gawaing


inaasahang matatapos ng isang araw at ang oras na gugugulin sa paggawa, gayundin ang mga
taong tutulong sa mga gawain.
Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (HE) 5

I.Layunin:
1.13 naisasagawa ang pagsasaayos at pagpapaganda ng tahanan (EPP5HE0e-13)

1.13.1 Nakagagawa ng plano ng pag – aayos.


1.13.2 Naitatala at nagagawa ang mga kagamitan at kasangkapan sa pagaayos 1
1.13.3. Nasusuri ang ginawang pagsasaayos at nababago ito kung kailangan.

II.Paksang – Aralin.:Pagpapaganda ng Tahanan


Paglalagay ng Kurtina
Pag – aayos ng Bulaklak

A. Sanggunian. K to 12 Curriculum Guide EPP5HE-0e-13, Makabuluhang Gawaing


Pantahanan V, pah. 49 - 55

B. Kagamitan. Larawan ng iba’t ibang parti ng bahay; kurtina; cornice,plorera,bulaklak

C. Pagpapahalaga. Pagpapaganda ng tahanan

III.Pamamaraan.
A. Panimulang Gawain.
1. Pagganyak.
Pagpapakita ng larawan ng tahanan na may maayos na kaayusan.

B. Panlinang na Gawain.
1. Paglalahad
Pagpapakilala ng bagong paksang – aralin.

2. Pagtatalakay
Bakit kailangan maging maganda at maayos ang ating
tahanan ?

3.Paglalapat
Pumili ng pag – aayos ng kurtina na isasagawa ng
inyong pangkat.

C. Pangwakas na Gawain.
1. Pagbubuo ng Kaisipan
Anu – anong kasangkapan o palamuti ang makatutulong
sa kaayusan at kagandahan ng isang bahay ?
Ano ang kagandahan ng paglalagay ng kurtina sa
ating pamamahay ? ng bulaklak ?

IV. Pagtataya
Panuto. Pumili ng pag – aayos ng mga bulaklak na isasagawa ng inyong pangkat.

V. Takdang – Aralin.
Magsaliksik tungkol mga palamuti at kasangkapan na maaring gamitin sa pagpapaganda
ng tahanan.

Iniwasto ni Inihanda ni:

GORGONIO A. BATILARAN JR. LOTIS V. SORIANO


EPS 1 – EPP/TLE Teacher II
Pagpapaganda ng Tahanan

May mga palamuting kailangan sa pagpapaganda ng ating tahanan ngunit hindi kailangan
na mamahalin ang mga ito. Pumili ng mga bagay na maliit, kaakit – akit at nakapagpapaganda
saan man ito ilagay. Mayroong mga palamuting nababagay sa iba’t ibang bahagi ng tahanan.
Narito ang mga paraan ng ng pagpapalamuti sa tahanan.
1. Paglalagay ng kurtina – ang kurtina ay mahalagang palamuti ng tahanan.
Dapat na nababagay ito sa lugar at yari o uri ng pamamahay. Ang kurtina’y ginagamit bilang
pananggalang sa labis na liwanag ng araw, pansangga sa sobrang alikabok o hangin. Ito’y
ginagamit din na panghati ng silid at pantabing sa mga bahaging di dapat agad matanaw,
pantabing din sa dingding at nagsisilbing palamuti.
Ang cornice – ay kahoy na may disenyo na inilalagay sa mataas na bahagi
ng kurtina upang di makita ang mga kawad na ginamit sa pagsabit nito.
Ang kahoy na ito ay nakadaragdag sa kaayusan ng paglalagay ng kurtina.
Makabubuting gamitin ang metal o kahoy sa sabitan upang hindi lumundo ang kurtina lalo na
kung ito’y mabigat.

Mga Dapat Tandaan sa Paglalagay ng Kurtina

1. Isaalang – alang ang kaayusan at sukat ng pamamahay. Alamin kung gaano ang gustong
haba para sa bahagi na lalagyan ng kurtina. Kung nais na hanggang pasilyo ng bintana
lamang, bigyang – pansin ang kulay at disenyo ng kurtinang gagamitin, ang sukat at
hugis ng bintana at ang laki at sukat ng silid.
2. Ang kurtinang tuloy – haba o drapes ay maaari rin sa mga bintanang may pasilyo.
Manipis na uri ng kurtina ay sa magkabilang gilid ng bintana. Ito’y maaaring
kumbinasyon ng may disenyo at walang disenyong mga panig.
3. Ang paglalagay ng kurtinang tuloy – haba o drapes ang glass curtain o manipis na yari ng
lace ay maaaring lagyan ng valance.
Ang valance -ay kurtinang maikli at isinasabit sa pagitan ng dalawang mahabang kurtina
sa itaas na bahagi ng unang kurtina.
4. May mga kurtinang pleated, sadyang kulubot o may sheering may continental design at
kurtinang nais gawin at gamitin sa tahanan.
5. Kung may malalaking bintana sa inyong bahay at nais mong
mukhang maliit na bahagi o lugar na iyon, gumamit ng kumbinasyon na kurtina. Subalit
kung madilim ang silid, pumili ng kurtinang mapusyaw ang kulay na magbibigay ng saya
at liwanag, tulad ng dilaw, rosas, dalandan o puti. Kapag makitid at mataas na bintana,
ang kurtinang dapat gamitin ay may hati o sash at valance sa itaas na bahagi at
sumasakop sa magkabilang daigdig ng dingding.

Pagsasaayos ng Bulaklak
Ang inayos na mga bulaklak ay nakadaragdag ng kagandahan sa loob ng
pamamahay. Maaaring sariwang bulaklak ang ilagay sa isang sulok ng lamesita o sa ibabaw ng
cabinet at sa iba pang bahagi ng tahanan.
Ang halamang berde o luntian sa paso ay maaaring ipasok sa loob ng bahay upang
maging sariwa ang hangin na malalanghap. Maghanda ng dalawang pangkat ng halaman upang
ipamalit sa mga halamang nasa loob.Matapos ang ilang araw, ilabas naman ito upang maarawan.
Sa ganitong paraan ay sisigla at tatagal ang buhay ng mga halaman.

Iba’t ibang Paraan ng Pagsasaayos ng Bulaklak


1. Mass flower Arrangement
2. Floating Arrangements
3. Line Arrangement
4. Ikebana
5. Bouquet Arrangement
6. Crescent Arrangement

1.Mass Flower Arrangement – halu – halong maramihang bulaklak. Ito’y inaayos sa isang
plorera na may kabuuang sama - sama ngunit may pabilog na anyo sa paningin at hindi nakikita
ang mga pinagtusukan.
2.Floating Arrangement – palutang na bulaklak. Ito’y mga bulaklak na pinutulan nang malapit
sa talulot at ipinatong sa bowl sa cystal na may tubig. Ito’y ginagamit sa mga mesang may mga
nag – uusap nang harapan.

3.Line Arrangenment – Langit, tao at lupang kaayusan. Ang mga bulaklak ay may kaayusang
may simbolo na ang pinakamataas ay tinatawag na Langit, ang napagitnang ayos sa plorera ay
Tao at ang pinakanababa ay Lupa.

4.Ikebana – ito’y ayon sa damdamin at mula sa bansang Hapon ang prinsipyo ng pag – aayos.
Ito’y may sinusunod ding simbolo ayon sa damdamin at interpretasyon ng nag – aayos.
Karaniwan nitong gamit ang pinagsamang sariwa at tuyong bahagi ng halaman.

5.Bouquet Arrangement – ito ay pag – aayos ng bulaklak na kinapapalooban ng ternong


sariwang bulaklak at ribbon upang mapa – anyong bouquet. Ito ay karaniwang ginagamit na
dekorasyon sa mahalagang okasyon tulad ng debut, anibersaryo, kaarawan, binyagan, pista at iba
pa na inilalalgay sa mga pintuan o hagdanan.

Maaari ring magamit ang bouquet arrangement na hinahawakan para sa kasal,


may abay, pagsagala sa santacrusan, debut at kaarawan. Ito rin ang ibinibigay sa mga babaeng
nanalo sa mga timpalak at paligsahan o inaalay sa piling panauhin o ikinakabit sa damit.

6.Crescent Arrangement – ang kaayusan ng bulaklak ay parang bagong sikat na buwan ang
anyong nakikita sa linya sa mababang plorera. Maganda ilagay ito sa hapag na kainan, mesang
pangkomperensya o pansulok na palamuti kung malaki ang paghahanda.

Ang mga inaayos na bulaklak ay nagsisilbing dekorasyon sa isang silid. Subalit


ang piniling kulay, tekstura at halimuyak ay magpapasigla ng damdamin ng taong makikita nito.
Ang kaayusan ng bulaklak ay dapat angkop sa uri ng plorera at lugar na paglalagyan upang
maging kasiya – siya at mapayapa ang damdamin ng mga taong lalagi sa silid.

Different Curtain Design


Different Flower Arrangeent

You might also like