Esp Week 5 7

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Learner’s Activity Sheet (LAS) para sa IKALAWANG MARKAHAN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

IKAAPAT NA LINGGO – MODYUL 5: MGA YUGTO NG MAKATAONG KILOS

PANGALAN: Rvhain Dyson D. Sison SEKSYON: 10-Truth

GURO: Sir Dominador Paray

Gawaing Pagganap – B.1

Mag-isip ng isang karanasan sa iyong buhay na gumawa ng isang pagpapasiya. Ilapat ito sa mga Yugto ng
Makataong Kilos.

1. Pagkaunawa sa layunin: Matagal ko nang gustong magkaroon ng laptop na aking magagamit hindi lamang
sa personal na pangangailangan kundi para rin sa aking kinabukasan. Magagamit ko ito upang ako’y kumita
ng pera gamit ang aking kakayahan sa pag-eedit, pagsusulat, pagpo-program, at iba pang gawaing
ginagamitan ng aghimuang ito.
2. Nais ng layunin: Sa una, ako’y nagnanasang makamtan ito kaya’t nag-isip ako ng paraan upang ito’y
makamtan nang hindi gaano nanghihingi sa magulang ng tulong pinansyal.
3. Panghuhusga sa nais makamtan: Ito ang nais ng aking kalooban, ang magkaroon ng kagamitang ito na
aking magagamit bilang asset upang makamtan ang aking mga liabilities.
4. Intensiyon ng layunin: Sa mga oras na ito, ako’y nananatili pang “undecided” dahil sa mga salik na
nakakaapekto sa aking desisyon tulad ng kapakanan ko o ng ibang tao sa hinaharap na siyang pilit na
kumukubli sa aking desisyon na bumili nito. Kung bibili ba ako nito upang magkaroon ng asset na siyang
makakatulong sa akin o ipantutulong ko muna ang ipambibili ko rito upang makabawas ng gastusin sa bahay.
5. Masusing pagsusuri ng paraan: Inalisa’t sinuri ko ng mabuti ang mga paraan na aking gagawin sa iba’t
ibang sitwasyon upang mapanatili ang katiwasayan at kaayusan ng aking pipiliing desisyon. Isinaalang-alang
ko rito ang mga maaaring maging kahihinatnan ng aking isasagawang kilos, kaya’t ako’y nagplano ng hindi
lamang isa, hindi lamang dalawa, kundi marami sapagkat hindi natin alam kung ano ang maaaring mangyari
bukas at sa mga susunod pang bukas.
6. Panghuhusga sa paraan: Aking hinusgahan kung alin ang pinakamabuti at naaayon sa sitwasyon na aking
kinakaharap ngayon.
7. Praktikal na panghuhusga sa sarili: Matapos ang ilang araw ng pagmuni-muni, nakabuo ng konklusyon
ang aking isipan at idinikta nito ang pinakamabuting paraan na naaayon sa sitwasyon – ang pagbabayad
nito ng paunti-unti gamit ang aking mga naipon simula nung ako’y elementary pa lamang at mga ipon sa
bangko na mula sa aking iskolar na siyang ginamit bilang puhunan sa isang tindahan upang ito’y lumago sa
paglipas ng panahon.
8. Pagpili: Dito papasok ang malayang pagpapasiya kung saan ang isip ay idinidikta na bilhin ang nasabing
laptop.
9. Utos: Matapos ko itong mabili ay ginamit ko na ito.
10. Paggamit: Dito ko naunawaan kung angkop ba ang aking isinagawang kilos.
11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin: Labis na tuwa’t galak ang aking nadama nang magkaroon ako nito.
Kaya’t di na ako nagpaligoy-ligoy pa’t naghanap ako ng mga “commission-on-edit works” upang matupad ko
ang aking tunay na layunin.
12. Bunga: Ang resulta ng aking pinili.

Matagumpay kong naipon ang kinakailangang halaga para mabili ang inaasam-asam na laptop na ngayon ay
nagiging kapaki-pakinabang na asset sa aking mga gawain. Sa proseso ng pagtupad sa layunin, natutuhan kong
mahalaga ang tamang pagpaplano at pagsusuri ng mga paraan upang makamit ito. Ang pagiging praktikal at
mapanagot sa mga desisyon ay nagbigay daan sa tagumpay ng aking layunin.

Ang kahalagahan ng disiplina at maingat na pagpapasya ay nagbibigay daan sa tagumpay.

B.2. Nakaranas ka na ba sa iyong buhay na gumawa ng maling pasiya? Ipaliwanag kung paano ito nagsilbing aral sa
iyong buhay.

Ang aking karanasan sa maling pagpapasiya ay noong ako’y nagpasiyang sumali sa samu’t saring mga
paligsahan upang ire-presenta ang aming iskwelahan – hindi lamang sa aming munisipalidad kundi pati na rin sa
iba’t ibang lugar. Sumali ako sa mga paligsahang ito hindi lamang para ire-presenta ang iskwelahan bagkus ako’y
sumali sa mga ito sa kadahilanan ding gusto kong mapagyaman ang kakayahan at talentong inilapat sa aking palad
upang maibahagi sa iba. Bagamat mayroon akong taglay na talento’t kakayahan sa mga ‘yon, hindi ito umaayon sa
aking oras.

Sa halip na aking mapamahalaan ang aking oras nang maayos, nadama ko ang bigat ng mga trabaho’t
tungkulin na kailangan kong gampanan sa bahay, akademiko, simbahan, at iba pa. Kaya sa huli’y binitawan ko ang
karamihan sa mga ito sa kadahilanan ding ako’y napapagod ng sobra na nauuwi sa pagkakasakit na nag-uudyok
upang ako’y lumiban sa klase at hindi magampanan ang mga tungkuling nakapasan sa akin.

Ang aral na aking natutuhan mula rito ay nagsilbing isang bumbilya ng kaliwanagan at paalala sa akin.
Isang maliwanag na bumbilyang mas nagliliwanag ang sinag kumpara sa mga ningning na walang paliwanag. Tulad
ng bumbilya na nagsisilbing ilaw sa atin sa nakakayamot at nakasusulasok na dilim, binigyan nito ng kaliwanagan
ang aking kaisipan sa kung ano ang marapat kong gawin upang magampanan ng maayos ang mga tungkulin.

Natutuhan kong sa bawat sinag ng liwanag ng bumbilyang nagsisilbing liwanag ay kailangang magsakripisyo
ng ningning na kapag nasobrahan ay nakakabulag, kung nais makamtan at magampanan ng maayos ang isang bagay
na hinahangad. Kaya’t upang manaig ang liwanag ng bumbilyang ito ay marapat ding bawasan o balansehin ang
ningning. Mainam na umunawa, magsuri, mag-analisa, magplano, at magkaroon ng makatarungang paghuhusga
bago magsagawa ng desisyon.

Hindi lahat ng pagkakamali ay masamang bagay; minsan, ito'y nagiging daan upang mas mapagtanto natin
na tayo rin ay napapagod at may limitasyon. Do the next right thing to do.
Learner’s Activity Sheet (LAS) para sa IKALAWANG MARKAHAN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

IKAAPAT NA LINGGO – MODYUL 6: KAHALAGAHAN NG ISIP AT KILOS-LOOB SA MORAL NA PAGPAPASIYA

PANGALAN: Rvhain Dyson D. Sison SEKSYON: 10-Truth

GURO: Sir Dominador Paray

B.1. Panuto: Bumuo ng plano sa pagpapasiyang


GAWAIN 1: Pasulat na gawain gagawain sa iyong pag-aaral.

1. Magkalap ng patunay 1. Isulat ang pasiyang gagawin sa unang kolum at sa

2. Isaisip ang mga posibilidad ikalawa kung paano isasabalikat ang pananagutan nang

3. Maghanap ng ibang kaalaman sa gayon ay magbunga ng makataong pagkilos.

4. Tingnan ang kalooban 2. Isulat sa ikatlong kolum ang maaaring mangyari kung
5. Umasa at magtiwala sa tulong ng sakaling hindi magiging mapanagutan sa gagawing
Diyos pasiya.

6. Magsagawa ng pasiya 3. Ipakita sa magulang ang ginawang plano at ipasulat sa


kanila ang kanilang puna at payo.

4. Palagdaan ito sa kanila.

Pasiyang gagawin Paano isasabalikat ang Ano ang mangyayari Puna at payo ng
pananagutan? kung hindi magiging magulang
mapanagutan ang
gagawing pasiya?
Gumawa’t gumamit ng Sundan ang itinakdang Ito’y magdudulot ng mga “Maganda ‘yan, gumamit
PLANNER o TO DO LIST oras batay sa planner na negatibong epekto hindi ka ng planner para sa mga
para sa mga deadlines at ginawa. Iwasan din lamang sa akin tulad ng kailangan mong gawin.
responsibilities. hanggat’ maaari ang mga cramming at Walang mabilis na paraan
posibleng distractions na procrastination, kundi sa paggawa ng mga bagay
Sa planner na ito, maaaring makasira sa pati na rin sa mga eh, lahat ‘yan dumadaan sa
maipapamahagi ang aking pagiging organisado ng maaaring maapektuhan proseso. Kung gusto mo ng
oras ng pantay at naaayon planong ito upang maging nito kung hindi ito maayos at mapabilis ‘yung
sa aking kakayahan, bigat matagumpay. mapapanagutan ng paggawa mo sa mga bagay
at oras ng maayos. na kailangan mong gawin
pangangailangan ng isang ay kailangan mo ‘yan –
bagay o responsibilidad kailangan mong maging
na kailangang gampanan. organisado, lalo na sa oras.
Bawat segundo ay
mahalaga.
Kagandahan nga n’yan eh,
handa ka na parang scout.
Siguraduhin mo lang na
magiging consistent ka sa
paggawa n’yan, dapat
nakapokus ka.” – Papa

“Syempre, may di-


magandang mangyayari
d’yan kung ‘di ka susunod
sa mga pinaglalagay mong
oras d’yan. Kailangan
talaga maging responsable
ka d’yan kasi mas ma-
stress ka pa at mas lalo
kang papayat kung ma-
stress ka. Kaya kung may
mga pagkakataon na
nahihirapan ka o may mga
bagay na hindi mo alam
kung paano gawin, huwag
mag-atubiling humingi ng
tulong sa diyos, sa akin o
sa iba pang tao”. – Mama

Learner’s Activity Sheet (LAS) para sa IKALAWANG MARKAHAN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

IKAAPAT NA LINGGO – MODYUL 7: LAYUNIN, PARAAN, SIRKUMSTANSIYA, AT KAHIHINATNAN

PANGALAN: Rvhain Dyson D. Sison SEKSYON: 10-Truth

GURO: Sir Dominador Paray

B.2. Panuto: Mag-isip ng dalawang sitwasyon mula sa iyong karanasan


GAWAIN 1: Pasulat na gawain na may suliranin (dilemma).

1. D Tayahin ang kabutihan o kasamaan nito batay sa layunin, paraan,


2. A sirkumstansiya, at kahihinatnan nito.
3. C
Ipakita at ipabasa ito sa iyong magulang. Anyayahan sila na magbigay ng
4. A
komento o payo sa iyong ginawa.
5. A
Palagyan ito sa kanila ng lagda bilang katibayan na kanilang nabasa ang
iyong ginawa.
Learner’s Activity Sheet (LAS) para sa IKALAWANG MARKAHAN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

IKAAPAT NA LINGGO – MODYUL 6: B.2 – Gawaing Pagganap (Unang Suliranin)

PANGALAN: Rvhain Dyson D. Sison SEKSYON: 10-Truth

GURO: Sir Dominador Paray

Suliranin Layunin Paraan Sirkumstansiya Kahihinatnan Komento,


Paghuhusga: payo, at lagda
Mabuti o ng
Masama ang magulang
kilos? Bakit?
Isa sa aking Bagamat ang Tinuruan ko a. Sino. Ako na Mabuti ang Ayon sa kanila,
mga kamag-aral kaniyang layunin siya sa paraang nagsagawa ng kinahinatnan maganda’t
ang ay basta na lamang madali niyang kilos at ang ng kilos na ito makatao ang
nahihirapan sa mangopya ng maiintindihan aking kamag- sapagkat sa aking ginawa
asignaturang sagot, iba naman sa aral na may araw ng aming gayundin ang
matematika ito sa akin pamamagitan kahirapan sa pagsusulit ay naging
noong unang sapagkat ito’y ng pagkonekta pag-aaral na nakakuha kahinatnan nito
markahan. labag sa aking nito sa tumanggap ng kaming lahat ng sa una, subalit
Hiniling nito na kalooban. Hindi kaniyang hilig aking kilos. pasadong iskor. hindi ko
kung maaari’y ako sang-ayon sa at gabay ng Subalit, kontrolado ang
siya ay akin pamamaraan aking mga b. Ano. Ang mayroon din sitwasyon at
munang niyang ito kaya’t lectures sa aking itong isip ng tao –
pakopyahin sa nag-isip ako ng asignaturang isasagawang negatibong nasa tao lang na
aming takdang ibang ito. pagtulong sa epekto sa tumanggap ng
aralin sapagkat pamamaraan kaniya ay tumanggap ng aking kilos ang
kaniyang upang siya’y aking maaaring kilos. Nang problema
nakalimutan o matulungan sa makapagdulot bumaligtad sapagkat hindi
hindi suliraning naman ng naman ang siya marunong
naintindihan kaniyang pagkagambala mundo naming lumingon sa
ang araling kinakaharap nang sa aking oras ng dalawa sa hindi kaniyang
tinalakay ng naaayon sa aking pagtulog inaaasahang pinanggalingan
aming guro sa kalooban. Pinili ko sapagkat pagkakataon at tumanaw ng
araw na iyon. siyang turuan marami rin kung saan ako utang na loob.
kaysa pakopyahin akong ginagawa naman ang
sapagkat takdang kaya ako’y nahuhuli sa
aralin pa lamang napapagod din. aralin sapagkat
ito, paano na kaya Subalit, may ako’y na-
kung exam pagsusulit eexcuse sa klase
sapagkat alam (quiz) dahil sa aking
Dahil dito, kong marapat na kinabukasan mga extra- Mahalaga ang
napagpasiyahan paghirapan ang kayat’ kailangan curricular. pagiging
kong siya’y isang bagay upang na kailangan handang
turuan na makamtan ito ng niya ito. Hindi ako bumangon sa
lamang kung tunay. nakatanggap ng oras ng
gusto niya ganito mula sa pagkalugmok
upang Layunin ng kilos c – e. kaniya bagkus upang umahon.
masagutan ang na ito ang Saan. Paano. nakatanggap
aming takdang pagkakaisa sa Kailan. ako ng panlalait Wika nila,
aralin. kabila ng pagkaka- at hindi “Hindi tayo
isa. Walang Isinagawa ko pagpansin mula nabubuhay sa
mapag-iiwanan ang kilos na ito sa kaniya. Buti mundong
kung lahat ay sa aming bahay na lamang ay perpekto kung
nagtutulungan bago ako hindi ako saan lahat ng
tungo sa matulog, online. umaasa sa mga gustuhin natin
kaunlaran. Iangat Mahirap na ganito at handa ay makakamtan
ang mga nasa magturo via ako. Tunay nga natin, at ang
laylayan, magkaisa, internet kaya na sa mundong plano natin ay
magtulungan, naman ito, ay huwag aayon sa
bilang kabataan na maraming oras kang umasa’t sitwasyon natin.
pag-asa ng bayan. at mahabang maghintay ng Patuloy kang
pasensya ang sukli. Hindi tumulong sa
kailangang lahat ng iba. Hindi ibig
gugulin upang ibinigay mo ay sabihin nun’
maisagawa ito babalik sayo. naglilingkod ka
na maayos. Kaya sa kanila. Lagi
magpatuloy mong tandaan
lang sa paggawa na tinutulungan
ng mga ganito mo sila kasi
dahil hindi naglilingkod ka
lamang ibang sa Diyos.”
tao ang
tinutulungan
mo, kundi ang
iyong sarili na
lumago.
Learner’s Activity Sheet (LAS) para sa IKALAWANG MARKAHAN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

IKAAPAT NA LINGGO – MODYUL 6: B.2 – Gawaing Pagganap (Ikalawang Suliranin)

PANGALAN: Rvhain Dyson D. Sison SEKSYON: 10-Truth

GURO: Sir Dominador Paray

Suliranin Layunin Paraan Sirkumstansiya Kahihinatnan Komento, payo,


Paghuhusga: at lagda ng
Mabuti o magulang
Masama ang
kilos? Bakit?
Habang Pabiro nitong Isinagawa ang a. Sino. Ako na Mabuti ang Marapat at
kami’y sinabi na siya ay kilos ng may nagsagawa ng kinahinatnan ng kailangan
nagku- nag-aalala na maayos na kilos at ang aking kilos, siya na’y talagang
kwentuhan baka manatili usapan, pagsuri kaibigan na nakapagdesisyon isaalang-alang
ni Ariel siyang sa kaniyang nagdadalawang- sa kung ano ang ang mga bagay
changkol sa undecided sa sarili: kakayahan isip na pipiliin niyang na maaaring
kung ano ang kanyang pipiliing at talento, tumanggap ng kurso sa makaapekto sa
aming kurso pagtukoy sa aking kilos. kolehiyo ng may desisyon natin.
kukuning habangbuhay kanyang mga kaalaman at
kurso sa kaya’t naisipan pinahahalagahan, b. Ano. Ang kilos kalayaan sa Wika nila,
kolehiyo kong tulungan pagsaalang-alang na ito ay paggawa ng “Kailangan din
matapos ang siyang makapili ng mga pros and maaaring pasya niyang ito. natin ng tulong
aming ng kaniyang cons ng bawat makakatulong o Matapos nito, ng iba, hindi
pagsasanay kurso. Batid career path at iba makasama sa pinayuhan ko naman tayo
para sa kong para pang aspeto na kaniya kaya siya na marapat perpekto na
darating na maging masaya maaaring marapat na ito’y ay hindi pabago- lahat ng bagay ay
MSPC, bigla at satis ied ang makahadlang maisagawa ng pabago at alam natin, kaya
siyang isang tao sa dito. Hindi ito maayos upang sigurado sa ka nga nag-aaral
napatanong kaniyang minadali, ito’y ito’y makabuti sa kaniyang landas para matuto.
sa kung ano desisyon ay inumpisahan sa kaniya. na kaniyang ‘yang pag-aaral
ang marapat na pinakamababa. tatahakin. Laging hindi lamang
magandang ginusto niya ito c – e. may mga taong nalilimitahan sa
kurso o ng may Saan. Paano. handing school ‘yan
career path kaalaman at Kailan. tumulong sa kundi sa mga
sa kolehiyo kalayaan na atin, matutong taong nagbibigay
na in- hindi Isinagawa ko ang sumangguni sa ng aral sa’yo.
demand at dinidiktahan ng kilos na ito ng iba sapagkat
pwede sa sinuman. may maayos at hindi lahat ng
kaniya Layunin ng aking komprehensibong alam natin ay
sapagkat isinagawang ugnayan matapos mabuti at hindi “Tama lang yung
siya’y kilos na ang aming lahat ng mabuti ginawa mo.
nananatiling matulungan ang pagsasanay, ay alam natin. Kilalanin mo
“undecided” aking kaibigan sa maaari itong Nasa sa atin pa sarili mo, unang-
pa rin dito. pagpili ng kurso makatulong sa ring mga kamay una ‘yan.
Tinulungan ng hindi ito akin sapagkat ang huling Umpisahan mo
at dinidiktahan. ito’y baraha ng sa pinakauna,
sinuportahan nakakatulong desisyon sa kung pinakamababang
ko siya sa upang ano ang ating part. Wala
pagpili ng madagdagan ang magiging namang
kaniyang aking kaalaman aksiyon. nagsisimula pa
kurso. bilang manunulat. Kailangan nating lang tapos nasa
tipunin ang mga taas na agad e.”
impormasyon
nang sa gayon ay
makapag-
analisa’t
makalikha tayo
ng
makabuluhang
desisyon.

You might also like