Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

KABANATA 43: Mga Panukala

NARRATOR: Parang walang nadaraanang tao si Padre Damaso sa kanyang pagpasok. Tuloy-tuloy siya sa
kamang kinahihigaan ni Maria Clara. Ang mga mata niya'y maluha-luha. Namangha si Maria sa nakitang
inanyo ni Padre Damaso.

PADRE DAMASO: Anak ko, hindi ka mamamatay.

NARRATOR: Hindi napigilan ni Padre Damaso ang kanyang damdamin, kaya't siya'y lumayo, at sa silong
ng balag sa ilalim ng balkonahe'y umiyak siyang parang bata. Doon niya ibinulalas ang lahat ng kanyang
sama ng loob.

LINARES: Ako po'y si Alfonso Linares na iananak ng inyong bayaw.

PADRE DAMASO: Ikaw pala ang inaanak ni Carlicos. Ako'y tumanggap ng liham ukol sa iyo, ngunit hindi
kita nakilala. Iya'y bunga marahil nang umalis ako sa Espanya'y hindi ka pa ipinapanganak.

A, ibig ni Carlicos na ihanap kita ng mapapasukan at mapapangasawa. Um... madali ang mapapasukan.
Ikaw ba'y marunong sumulat at bumasa?

LINARES: Nag-aral po ako ng abogasya sa Universidad Central.

PADRE DAMASO: Isang asawa... isang asawa. Halika binata at kausapin natin si Santiago.

NARRATOR: Samantala, si Padre Salvi nama'y malungkot, at tila nag-iisip habang paroo't parito. Nasa
ganito siyang kalagayan nang makarinig ng isang tinig.

PADRE SALVI: Ano ang ibig mo?

LUCAS: Padre, ako po ang kapatid ng nasawi noong pista. Pinuntahan ko po si G. Ibarra noong isang
araw, ngunit ako po'y kanyang sinipa at pinaalis, sapagkat kamuntik na siyang namatay nang dahil sa
aking kapatid. Bumalik po ako kahapon, ngunit nakaluwas na po siya. Nag-iwan po siya ng 500 piso para
sa akin, at mahigpit na ipinagbiling huwag na akong babalik.

NARRATOR: Napuna ng kura ang kanyang pagkukunwari, kaya pakutya siyang nginitian nito.

PADRE SALVI: At ano ang gusto mo ngayon?

LUCAS: Sana'y pagpayuhan po ninyo ako. Batid ko pong ang mga alagad ng Diyos ay mabuting magbigay
ng payo.

NARRATOR: Nilapitan si Lucas ni Padre Salvi na nagagalit at itinuro ang kalsada.

PADRE SALVI: Umuwi ka na, at pasalamatan mo si G. Ibarra, sapagkat hindi ka niya ipinabilanggo. Sulong-
layas!
KABANATA 44: Pagsusuri ng Budhi

NARRATOR: Samantala, si Maria Clara'y maputla pa rin. Ang dalawa niyang kaibigan ay patuloy na
nagbabantay sa kanya. Pinainom ni Sinang si Maria Clara ng isang pildoras na maputi na kinuha sa
bumbong na kristal at nagbilin siyang tigilan ang gamot pag siya'y namimingi na.

MARIA CLARA: Sumulat ba siya ulit?

SINANG: Hindi, marahil ay maraming ginagawa. Ang sabi lamang ay lalakarin niya sa arsobispo na maalis
ang ekskomunyon upang....

NARRATOR: Napatigil ang usapan dahil sa pagpasok ni Tiya Isabel. Si Maria Clara ay pinagsabihang
kukumpisalin nang gabing iyon, at ang dalaga ay hindi nakatutol. Nang makaalis ang matanda ay
bumulong siya kay Sinang.

MARIA CLARA: Sulatan mo siya, sabihin mong ako'y limutin na niya!

SINANG: Ano?

Kabanata 45: Ang mga Pinag-uusig

Nagtungo sa kagubatan si Elias, mula sa malaking batumbuhay ay lumabas ang isang lalaking may hawak
na rebolber.

ELIAS: Kasama ba ninyo si Matandang Pablo?

LALAKI: Kayo po ba si Elias? Sumunod kayo sakin?

Nakarating sila sa isang yungib na natatanglawan ng sulo. Namalas ni Elias ang may 12 to 15
sandatahang lalaking marurumi. Bahagya silang nag-uusap. Nakita niya rito ang isang matandang
lalaking ang ulo'y natatalian ng panyong may dugo, ang siko'y nakapatong sa hapag, at anyong
nalukungkot.

ELIAS: Bakit kayo nasa ganyang kaligayan?

TANDANG PABLO: Oo, may anim na buwan lamang ang nakakaraan nang ika'y pinatuloy ko sa aking
bahay at ako ay naawa sa inyo, ngayun ay nagbago ng kapalaran. Ikaw naman ang nahahabag sa akin,
Maupo ka at sabihin mo ang iyong sadya.

ELIAS: Ako'y po'y naparito upang ialok sa inyo ang isang bagay. Ang balak ko po'y mag tungo sa dakong
hilagas at makipamuhay sa malalayang lipin di binyagan sapagkat wala akong matagpuang isa man
lamang na kaanak ng mga nagbigay kasawian sa aking pamilya.

ELIAS: Sumama kayo sa akin, ituring ninyo akong tunay na anak at kayo'y aarlin kong ama sapagkat
kapwa tayo sawi at wala ni isa mang nalalabing kamag-anak.
Umiling ang matanda at sumagot

TANDANG PABLO: Bakit pa ako magpapakadusta sa ibang lupain? Ano ang dahilan ng ganito kong
pamumuhay na tulad ng isang halimaw ba pinag-uusig? Isang sugo ng Diyos sa lupa ang naglugso ng puri
ng anak kong babae.

TANDANG PABLO: Nagsiyasat ang dalawa kong anak na lalaki sa nangyaring kabuktutan, ngunit akong
amang matanda na'y natutunong magpatawad.

TANDANG PABLO: Pagkatapos ay nagkaroon ng nakawan sa kumbento at ang isang anak ko'y
isinumplong. Ang isa'y hindi nadamay sapagkat wala siya noon sa bayan. Ang anak ko'y ibinitin sa
kanyang buhok at narinig ko ang kanyang mga sigaw, ang kanyang daing, at pagtawag sa kanyang ama
ngunit, naging duwag ako, sapagkat nasanay ako sa buhay na tahimik.

TANDANG PABLO: Ang bintang ng pagnanakaw ay hindi napatunayan. Napagkilala na yao'y


kasinungalian kaya't inilipat ang kura sa ibang bayan, ngunit ang anak ko'y patay na. Ang isa kong anak
na hindi duwag ay hinuli dahil pinangangambahang maghihiganti. Naiwan akong buhay sa gitna ng
kahihiyan. Ako'y maghihiganti!

Sa sama ng loob ay nahatak niya ang tali sa kanyang ulo, kaya't umagos ang dugo.

TANDANG PABLO: Maari kapang makalimot sapagkat bata kapa at hindi nawawalan ng huling pag-asa
ako'y asahan ninyong hindi papatay ng walang-sala.

Ang matanda ay humalukipkip upang makinig kay Elias.

ELIAS: Ginoo, ako'y nagkapad na makatulong sa isang binatang, mayaman, matapat, at nagmamahal sa
kanyang bayan. Siya'y may lakas sapagkat kaibigan siya ng Kapitan Heneral.

ELIAS: Kung siya'y sakaling pumayag sa atin ay hindi ba kayo sasang-ayong siya'y papagdalhin ng
karaingan ng bayan upang tayong mga aba'y linlagin?

Ang matanda'y umiling

TANDANG PABLO: Sakali mang pumayag siya at makarating sa Kapitan Heneral ang ating mga daing at
ipalagay na nating siya'y makatagpo sa Madrid ng mga kinakatawang magtatanggol sa atin, sa palagay
mo kaya'y pakinggan ang ating nga karaingan?

ELIAS: Subukan po muna natin bago tayo gumawa ng isang bagay na magiging dahilan ng pagdanak ng
maraming dugo.

Ang binita'y niyakap ng matanda.

TANDANG PABLO: Ikaw na ang bahalang magsabi ng ating mga daing. Kailan ko malalaman ang sagot?
ELIAS: Sa ikaapat na araw ay patunguhin ninyo sa baybayin ng San Diego ang isa ninyong tauhan at
sasabihin ko sa kanya ang sagot. Kung siya'y sasang-ayon ay magtatango tayo ng katarungan, at kung
hindi, ako ang unang kasama ninyong maghahandog ng buhay sa pakikipaglaban.

KABANATA 47: Ang Dalawang Senyora

NARRATOR: Sina Donya Victorina at Don Tiburcio ay namamasyal sa mga lansangan sa bayan upang
malasin ang tahanan ng mga Indio.

DONYA VICTORINA: Napakapangit na mga bahay. Tanging mga Indio lamang ang makatitira riyan.... Mga
walang pitagan! Nasasalubong na tayo'y hindi man lamang nagpupugay. Paluin mo ng sumbrero tulad ng
ginagawa ng kura. Turuan mo silang gumalang!

DON TIBURCIO: At kung ako'y saktan nila?

DONYA VICTORINA: Hindi ka ba lalaki?

DON TIBURCIO: Ngunit ako'y pilay!

NARRATOR: Nagyayang umuwi ang Donya sapagkat hindi pinapansin ng mga dalagang nakakasalubong
ang kanyang magarang kasuotan. Natanaw ni Donya Victorina ang Alperesang si Donya Consolacion na
nananabako habang nakadungaw sa bintana ng bahay nito. Hinagod si Donya Victorina ng tanaw mula
ulo hanggang paa at saka lumura.

DONYA VICTORINA: Bakit kayo nagkakaganyan, Donya? Kayo ba'y naiinggit sa akin at tinatanaw ninyo
ako nang ganyan?

DONYA CONSOLACION: At bakit ko kayo kaiinggitan? A! Kinaiinggitan ko nga pala ang buhok ninyong
kulot!

DONYA VICTORINA: Kilalanin ninyo ang inyong kaharap! Hindi ito probinsiyana o kalunya ng sundalo!
Ang mga Alperes ay sa pinto lamang ng bahay ko naghihintay.

DONYA CONSOLACION: Aba! Excelentisima Señora Pupot! Ang mga Alperes nga'y hindi, ngunit ang mga
pilay na tulad niya ay maaari. Ha! Ha! Ha!

NARRATOR: Nagbalak pumasok si Donya Victorina ngunit pinigil siya ng bantay.

DONYA VICTORINA: Hoy! Ang pakikipag-usap ko sa inyo'y nakapagpapavava ng aking karangalan! Ibig ba
ninyong maglaba ng aking damit? Uupahan ko kayo ng malaki! Batid kong dati kayong labandera.

NARRATOR: Nanaog ang Alperesa na dala ang latigo ng asawa, ngunit hindi sila nag-abot dahil sa
pagdating ng Alperes.
DONYA VICTORINA: Parangalan ninyo ang inyong asawa at inyong bihisan... Kung wala kayong salapi ay
papagnakawin ninyo ang inyong sundalo.

ALPERES: Kung hindi lamang kayo babae ay nabugbog ko na sana kayo ng sipa!

DON TIBURCIO: Gi... Ginoong Alperes!

ALPERES: Magtigil ka, medikong Lucas! Hindi kayo lalaki!

NARRATOR: Inabutan ng Don at Donya aa bahay ni Kapitan Tiago na kausap ni Linares sina Maria Clara,
Sinang, at Victoria. Ibinalita ng Donya na uuwi na sila sa Maynila...

DONYA VICTORINA: Ngunit ikaw, Linares, ay maiiwan upang hamunin ang Alperes. Kayo'y maglaban sa
pamamagitan ng sable o rebolber, at kung hindi'y malalaman ni Kapitan Tiago ang mga kasinungalingang
sinabi mo sa kanya.

LINARES: Ngunit Donya Victorina! Magpakahinahon kayo! Kahiya-hiya tayo.

DONYA VICTORINA: Hahamunin ni Linares ang Alperes at kung hindi'y huwag ninyong pahihintulutan
ang pakikipag-isang dibdib niya kay Clarita. Ang duwag ay hindi nababagay sa inyong anak.

NARRATOR: Si Maria Clara at namutla sa narinig.

SINANG: Hindi ko akam na ikaw pala'y salawahan.

MARIA CLARA: Ihatid niyo ako sa aking silid. Ako't hindi makalalakad.

KABANATA 48: Ang Talinghaga

NARRATOR: Dumating si Ibarra kinabukasan. Una niyang sinadya ang bahay ni Kapitan Tiago upang
ibalitang hindi siya ekskomulgado. Taglay niya ang isang liham ng arsobispo sa kura. Si Kapitan Tiago'y
wala noon sa bahay. Pinatuloy siya ni Tiya Isabel kasabay ng pagsasabi sa pamangking pinatawad na ang
binata ng arsobispo.

Biglang naudlot si Ibarra nang mamalas si Maria Clara na nasa balkon kasama si Linares.

IBARRA: Kararating ko lamang at ang unang ninasa kong makita ay ikaw... Mabuti ka na pala kaysa rati.
Ipagpatawad mo sana ang pagdating ko nang walang pasabi. Sa ibang araw ko na ipaliliwanag sa iyo ang
lahat... Maaari ba kitang madalaw bukas?

MARIA CLARA: Ikalulugod ko ang iyong pagdalaw.


Kabanata 49: Ang Tinig ng mga Inuusig

Bago ang takipsilim ay lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias na nasa baybay ng tabing lawa.

ELIAS: May dala po akong paki-usap na dala ng maraming sawimpalad. Ibig nila humingi ng pagbabago sa
pamamalakad ng mga guwardiya sibil at ng mga pari at pati ang pagpapatupad ng katarunga. Sa
madaling salita'y ang pamamahala'y maging isang tunay na amang mapagmahal sa bayan.

CRISOSTOMO IBARRA: Ano pong uri ng pagbabago?

ELIAS: Ito po'y tungkol sa pagpipitagan at paggalang sa karangalan ng tao, sa katiwasayan ng


pamumuhay. Sa pag-aalis ng sandata, at pagbabawas ng kapangyarihan sa nga guwardiya sibil na
nagmamalabis sa kanilang tungkulin.

CRISOSTIMO IBARRA: Elias, ang iyong kilos at mga kuro-kuro ay ibang-iba sa mga taong nakilala ko na.
Totoo ngang maraming bagay ritong hindi kanais-nais na dapwa't ang pagbabago ay lalo pang
makasasama.

ELIAS: Ang katahimikan ng bayan? Labinlimang taon na tayong may guwardiya sibil, ngunit ang mga
tulisan ay gumagala pa at ang tahimik na mga mamamayan ay napipinsala. Ano po bang kabutihan
idinulot ng mga guwardiya sibil sa ating bayan? Ang pigilin at pahirapan ang isang tao kahit na marangal
dahil sa nakalimutan lamang niya ang cedula personal at apihin ang mga mambubukid ng walang
kadahilanan?

CRISOSTIMO IBARRA: May mga kasamaang nagaganap dapwa't nagbubunga din ito ng kabutihan. Dahil
sa guwardiya sibil kaya hindi dumarami ang salarin sapagkat natatakot sa kanila.

ELIAS: O, baka naman dumarami ang masasama takot. Noong wala pa tayong guwardiya sibil ang mga
tulisan ay nawawala sa langsangan, pagkatapos ng panahon ng taggutom. Ngunit ngayon, dahil sa
kalupitan ng mga guwardiya sibil, sila'y nanatiling tulisan, habambuhay.

CRISOSTIMO IBARRA: Ang guwardiya sibil ay kailangan ng pamahalaan upang siya'y igalang at kailangan
din ang kapangyarihan upang magpatupad ng batas.

ELIAS: Ginoo, ipagtatanggol ko ang bayan sa inyong paratang na walang utang na loob. Ang mabuting
gawa po'y hindi naghihintay ng gantingpala, katulad ng mga unang misyonero sa Pilipinas, na ang nag-
udyok ay ang pagmamahal sa sangkatauhan at walang gantimpala. Sila'y may dakilang puso, ngunit dahil
po ba sa nangauna ay mapagkawanggawa'y hahayaan na natin ang mga sumusunod sa gawaing
mahahalay?

CRISOSTIMO IBARRA: Elias, iisa ang damdamin natin sa bayan, nauunawaan kita at naniniwala ako na
mayroon tayong pagkakamali; ang pagbabago ng palakad ay hindi kailangan dito.

ELIAS: Ang kasawian ko'y may pinag-mulan at alam na ito ng lahat.


CRISOSTIMO IBARRA: Maari ngang ang inyong nakaraan ay makapagpapabago ng aking paniniwala. Ang
pananalig ko po'y nasa pangyayari at wala sa sinasabi lamang.

ELIAS: Kung ganun pakinggan po ninyo ang aking maikling kasaysayan.

Kabanata 50: Ang Kaanak ni Elias

Sinimulan ni Elias ang paglalahad sa kanyang kasaysayan.

Matapos mapakinggan ni Elias, si Ibarra ay nagsalita ng mahina.

CRISOSTOMO IBARRA: Mukhang may katwiran kayo sa pagsasabing ang pamahalaa'y dapat magbigay ng
gantimpala sa mabubuti at magturo naman sa nakakasala. Kaya kamang ito magagawa sapagkat kapos
ng salapi ang pamahalaan upang kumuha ng bagong kawani.

ELIAS: Kung kayo'y panigan ng bayan?

CRISOSTOMO IBARRA: Iya'y hindi mangyayari! Hindi ko maaaring pamunuan ang magsisigamit ng dahas
upang makamit ang kahilingan. Kung walang liwanag ay walang landas.

ELIAS: Kung walang paglalaban walang kalayaan!

CRISOSTOMO IBARRA: Tutol ako sa ganyang uri ng kalayaan.

ELIAS: Kung walang kalayaan ay walang liwanag. Kayo rin ang may sabing hindi ninyo gaanong kilala ang
bayan. Ang paglalaban ngayo'y sa isipan lamang ngunit darating ang sandali na ang unos ay aabot sa
kabayanan at daranak ng dugo.

ELIAS: Ano po ang ibabalita ko sa mga nag-utos sa akin?

CRISOSTOMO IBARRA: Dinaramdam ko nang labis ang kanilang katayuan, ngunit maghintay sila. Ang
kasamaa'y hindi nagagamot ng kapwa kasamaan. Tayo rin ang maysala sa kalagayang ito.

ELIAS: Salamat sa iyong kabutihan. Alang-alang sa kabutihang iyan, limutin na ninyo ako. At kung sa
ibang pagkakataon ay magkita tayo, huwag na sana ninyo akong kilalanin.

Kabanata 51: Ang Pagbabago

Balisan si Linares at nawalan ng kibo dahil sa liham na tinaggap mula kay Donya Victorina. Ganito ang
isinasaad ng liham:

Mahal kong pinsan,


Sa loob ng tatlong araw ay kailangang malaman ko kung hinahamon mo ang Alperes. Kapag matapos
ang taning na araw ay umasa kang mababatid ni Kapitan Tiago na ikaw ay hindi naging kalihim, hindi
nakasama ni Heneral Martinez sa anumang kasayahan at hindi mo nabibiro si Canovas. Ipagtatapat ko
kay Clarita ang iyong lihim at hindi rin kita ng kuwalta. Ang lahat ng hihilingin mo ay ipagkakaloob ko sa
iyo pag-kinalaban mo ang Alperes. Hindi ako tatanggap ng iyong paumanhin o dahilan.

Ang pinsan mong nagmamahal sayo nang buong puso,

VICTORINA DELOS REYES DE ESPADAÑA

Sampalok, Lunes, ika-7 ng gabi

Nalalaman ni Linares na hindi nagbibiro si Donya Victorina. Walang nalalabing paraan kundi hamunin
ang Alperes.

Ibinalita ni Padre Salvi na siya'y tumanggap ng liham sa Maynila, liham na nagpapatunay na si Ibarra ay
pinatawad na.

PADRE SALVI: Wala na ngayong sagabal.

PADRE SALVI: Ngayon ko nakilalang si G. Ibarra ay mabuting binata kaya lamang pabigla-biglang kumilos
ngunit mabilis magpuno sa kanyang pagkukulang. Kung 'di lamang dahil kay Padre Damaso...

KAPITAN TIAGO: Paano kung hindi mapatawad ni Padre Damaso si Ibarra?

PADRE SALVI: Kung gayo'y.. si Maria Clara na ang bahala. Si Padre Damaso ay kanyang kompesor, kaya't
sila'y magkaunawaan.

Nang mga sandaling iyon ay dumating si Ibarra kasunod ni Tiya Isabel. Binati niya si Kapitan Tiago at
yumukod kay Linares. Sinalubong siya ni Padre Salvi at siya'y buong lugod na kinamayan. Nagtaka si
Ibarra.

PADRE SALVI: Huwag kayong magulat, ngayon lamang ay pinupuri ko kayo.

CRISOSTOMO IBARRA: Nagagalit ba sa akin si Maria?

SINANG: Oo.

CRISOSTOMO IBARRA: Kailan ko malalaman ang sagot?

SINANG: Bukas ay magtungo ka sa amin nang maaga ngunit sabihin mo sa akin ang lihim.

Kabanata 53: Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga


Nagtungo si Don Filipo sa bahay ni Pilosopo Tasyo at sila'y nag-usap. May ilang araw nang nahihiga ang
pilosopo dahil sa mabilis na panghihina ng katawan.

PILOSOPO TASYO: Hindi ko kayo mabati sa inyong pagbibitiw ng tungkulin, sapagkat ngayon ay kalaban
na ninyo ang guwardiya sibil at tila hindi nararapat. Ang puno'y kailangang manatili sa kanyang tungkulin
sa panahon ng digma.

DON FILIPO: Dapat nga po, kung ang Heneral ay matapat. Batid ba ninyo na ang mga nahuli kong
guwardiya sibil ay paniwalan nang hindi man lamang inusig? Kung walang pahintulot ang aking puno ay
wala akong magagawa.

DON FILIPO: Wala po akong magagawa sa bayang natatakot. Tingnan ninyo si G. Ibarra na sumunod sa
paniniwala ng marami. Siya p ba'y naniniwala sa ekskomunyon?

PILOSOPO TASYO: Iba ang katayuan ninyo kay G. Ibarra. Ang nasa niya'y magtanim at upang magawa
iyon ay kailangang magbigay siya sa kalikasan. Ang tungkulin ninyo'y magpasunod kayat kayo ang
nangangailangan ng lakas. Sa halip na kalabanin ninyo ang kapitan kinalaban ninyo sana ang
nagmamalabis sa katungkulan at ang nanliligalig sa bayan. Marahil hindi na kayo mag- iisa, sapagkat ang
isipan ng baya'y hindi na katulad noong may 20 taon na ang nakalilipas.

PILOSOPO TASYO: Hindi ninyo nakita ang panahong nagdaan at hindi rin ninyo napag-aralan ang
ibinunga ng pagdami rito ng mga Europeo, ang pagdating ng mga bagong aklat, at ang pagtungo ng
marami nating kabataan europa. Malasin ninyo ang masisiglang kabataang nagsisikap matuto ng
Kasaysayan, Matematika, Heograpiya, Panitikan, Pisika, at iba't ibang wikang kinasusuklaman ng marami
noong araw. Nalalaman na ng tao na siya'y tao.

PILOSOPO TASYO: Wala na tayo sa panahon ng pagsisiyasat kung ano ang Diyos, at sa pagsusuri ng mga
bagay na hindi maunawaan. Sinisiyasat natin ngayo'y mga bagay na nakapaligid sa atin. Ang mga makata
natin ay nagpapahayag ng kayamanan ng kalikasan at tayo'y inakit na gumawa. Ang karunungang nag-
udyok sa mga pagsusuri ay namumunga na, kulang pa nga lamang sa kaayusan.

PILOSOPO TASYO: Lahat ay nagpapakilala ng pagbabago ng panahon. Pakinggan ninyong mangusap ang
ating mga kabataan. Dumalaw kayo sa loob ng paaralan at hindi na ninyo maririnig ang mga pangalan
nina Sto. Tomas, Suarez, Sanchez, Amat, at iba pa na dinarakila namin noong araw. Hindi na maaaring
sugpuin ng kumbento ang bagong kilusan; ang mga diyus- diyusan ay mawawala na...

PILOSOPO TASYO: Sa pag-ikot ng daigdig tungo sa pagsulong ay dadaloy ang dugo ng ilan, datapwa't sa
patak ng mga dugong iya'y lilitaw ang mga bago't malulusog na supling. Ang mga pahayaga'y hindi
nagpupunyaging umunlad ngunit umuunlad din kahit hindi sinasadya. Ang mga Dominikano ay
tumutulad sa mga Heswita, na kanilang kalaban sa pagpipista ng mga kolehiyo, pagpapatayo ng dulaan,
at pagpapasulat ng mga tula, sapagkat nalalaman nilang makatutulong sa kanilang pagpapaunlad sa
panahong darating.

PILOSOPO TASYO: May tatlong paraan ng pagsunod sa pagsulong: sa unahan, sa tagiliran, at sa likuran.
Ang mga nauuna ay umaakay, ang nasa tagiliran ay napadadala, at ang nahuhuli'y napatatangay sa agos
ng pag-unlad. lyan ang mga Heswita sa Europa. Pinili nila ang lumagay sa likuran upang hindi
masagasaan ng mabilis na takbo ng kabihasnan. Ang Pilipinas ay tatlong dantaong naiwan ng Daong ng
Pagsulong, kaya't ang mga Heswita sa Europa ay papaurong samantalang dito'y kumakatawan sila sa
pagsulong.

PILOSOPO TASYO: Ang pinag-uusapan nati'y ang kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas. Palubog na sa
kanluran ang araw ng aking mga kapanahon, ngunit kayo'y papaharap pa lamang sa pakikipaglaban. Ang
naglalaban ay ang kahapong nakakapit sa umuugang moog ng mga panginoon, at ang hinaharap na
umaawit ng tagumpay at natatanglawan ng silahis ng isang magandang umaga, silahis na taglay ang
mabuting balita mula sa ibang lupain. Sino ang masasawi sa dalawa at madaraganan ng mga batong
guguho?

Sandaling tumigil si Mang Tasyo nang mapansing nagmumuni si Don Filipo.

PILOSOPO TASYO: Ipinalalagay ninyong ako'y namamali sapagkat ako'y may sakit. Bukod dito,
nabubuhay ako sa panaginip, may katwiran kayo. Ako'y nananaginip. Ang ating mga binata'y walang
iniisip kundi kaligayahan, panliligaw, at paglulugso ng karangalan ng mga dalaga kaysa kagalingan ng
bayan. Ang mga babae, dahil sa pag aalaga sa tahanan ng Diyos, ay nakalilimot sa sariling tahanan.
Masisipag sa bisyo at matatapang sa paggawa ng kahihiyan ang mga binata. Ang mga bata'y nagigising sa
masamang kaugalian. Ang matatanda'y siya pang nagtutulak sa kabataan sa kasamaan dahil sa kanilang
masasamang halimbawa. Ikinagagalak ko ang kamatayan nang dahil diyan.

Nagtanong si Don Filipo upang ibahin ang usapan.

DON FILIPO: Ibig ba ninyo ng gamot?

PILOSOPO TASYO: Ang mga mamamatay ay hindi nangangailangan ng gamot. Ang gamot ay para sa
inyong maiiwan. Ipakisabi lamang kay Ibarra na nais ko siyang makita bukas, may mahalaga lamang
akong sasabihin. Ilang araw na lamang ang nalalabi sa aking buhay at ako'y yayao na. Ang Pilipinas ay
nalalambungan ng kadiliman!

Nagpaalam na si Don Filipo na taglay ang malabis na kalungkutan.

Kabanata 54: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag Walang Hindi Nagkakamit ng Parusa

Dumating si Elias sa bahay ni Ibarra.

ELIAS: Sunugin ninyong lahat ang mga kasulatang makapipinsala sa inyo at tumungo kayo sa isang pook
na malayo sa panganib.

CRISOSTOMO IBARRA: Bakit?

ELIAS: Sapagkat nabatid ko ngayon ang isang pag- aalsa at kayo ang ipinangangalandakang puno upang
kayo'y masawi!
CRISOSTOMO IBARRA: Isang pag-aalsa! At sino ang may kagagawan?

ELIAS: Hindi ko masabi sa inyo sapagkat ayaw ipagtapat ng isang inupahan.

CRISOSTOMO IBARRA: Hindi ba sinabi sa inyo kung sino ang umupa sa kanya?

ELIAS: Opo, pagkatapos na hilingin sa aking ilihim ko, ay sinasabing kayo raw.

CRISOSTOMO IBARRA: Diyos ko!

ELIAS: Kumilos na kayo ngayon din sapagkat ang pag-aalsa'y nakatakda ngayong gabi! Umiwas kayo!
Ilayo ninyo ang inyong sarili sa panganib alang-alang sa inyong bayan!

CRISOSTOMO IBARRA: Saan ako paroroon? Ngayong gabi'y hihintayin ako ni Maria Clara.

ELIAS: Kahit saan, ngunit huwag lamang dito. Sa bahay ng isang maykapangyarihan upang hindi
masabing kayo ang nasa likod ng kilusan.

CRISOSTOMO IBARRA: At kung isuplong ko ang pag-aalsa?

ELIAS: Kayo ang magsusuplong? Sasabihin ng mga mag-aalsang kayo'y taksil at duwag. Ang iba nama'y
magpaparatang na gumawa kayo ng pakana upang kayo'y magtamo ng karangalan.

CRISOSTOMO IBARRA: Ano ang dapat kong gawin?

ELIAS: Sunugin ninyo ang lahat ng inyong mga kasulatan, tumakas kayo, at hintayin ang anumang
mangyayari.

Tumulong si Elias sa paghanap ng mga kasulatang makapipinsala kay Ibarra nang bigla siyang napahinto
sa isang kasulatan.

ELIAS: Nakilala ba ng inyong pamilya si G. Eibarramendia?

CRISOSTOMO IBARRA: Mangyari pa! Siya ang ama ng aking nuno.

ELIAS: Ama ng inyong nuno si Don Pedro Eibarramendia?

CRISOSTOMO IBARRA: Opo. Ang aming apelyido ay pinaikli sapagkat lubhang mahaba.

ELIAS: Siya ba ay taga- Viscaya?

CRISOSTOMO IBARRA: Opo, ngunit ano ang nangyari sa inyo?

ELIAS: Kilala ba ninyo kung sino si Don Pedro Eibarramendia? Siya ang taksil na nagbintang sa aking nuno
at naging sanhi ng aming kasawian. Matagal ko nang pinaghahanap ang apelyidong iyan at ngayo'y
inihandog sa akin ng Maykapal. Pagbayaran ninyo ang lahat ng aming kasawian!

Tinakbo ni Elias ang sisidlan ng mga sandata, datapwa't ilang saglit lamang ay nabitiwan din ang balaraw
na kinuha, at nilisan ang bahay.
KABANATA 55: Ang Kaguluhan

NARRATOR: Hindi kumain ng hapunan si Maria Clara sapagkat ayaw niyang makaharap sa hapag si
Linares, bukod pa sa paghihintay niya sa pagdating ni Ibarra. Binulungan siya ni Sinang....

SINANG: Tingnan mo at ang kurang iya'y hindi aalis dito. Darating siya mamayang ikawalo.

Lahat ay nabigla maliban kay Ibarra na walang katinag-tinag. Si Padre Salvi ay nanganlong sa likod ng
isang haligi. Ang tatlong kumakain ng hapuna'y patakbong pumasok sa bulwagan na sumisigaw ng
"Tulisan", at sina Maria Clara at Sinang ay magkayakap na kinakabahan.

Sapilitang bumaba ng bahay si Padre Salvi, ipinagtabuyan naman ni Tiya Isabel na pumasok sa kuwarto
sina Sinang at Maria Clara. Pinigil rin ni Tiya Isabel na pumanaog si Ibarra.

TIYA ISABEL: Ikaw ay hindi pa nangungumpisal. Huwag ka nang pumanaog.

NARRATOR: Ngunit hindi ito pinansin ni Ibarra.

KABANATA 58: Ang Isinumpa

Dalawang karitong hila-hila ng baka ang huminto sa harap ng tribunal nang mag-iikalawa ng hapon.
Kaagad itong pinaligiran ng mga tao sa hangaring sirain, ngunit sinaway sila ni Kapitana Maria. Dalawang
guwardiya sibil ang tumaliba sa magkabilang gilid ng kariton. Lumabas na kasunod ang mga bilanggo na
pinangungunahan ni Don Filipo na nakagapos.

Napaiyak si Aling Doray at tinangkang yumakap sa asawa ngunit inilayo siya ng mga guwardiya sibil.

Si Ibarra ang huling inilabas. Hindi siya nakagapos, ngunit nasa gitna ng dalawang sibil.

TAO: Siya ang may sala, at siya pa ang walang gapos!

IBARRA: Siya, gapusin ninyo ako ng mahigpit.

NARRATOR: Sumunod ang mga guwardiya sibil sa hiling ni Ibarra. Noo'y lumabas ang Alperes na
nakasakay sa kabayo, at batbat ng sandata ang katawan. Ang mga bilanggo ay may mga kaanak na
nakikiusap at nananaghoy maliban kay Ibarra na ni walang kaibigan.

Namasdan ni Ibarra ang umuusok pa niyang tahanan, tahanang punungpuno ng matatamis at


maliligayang sandali ng kanyang kabataan sa piling ng kanyang mga magulang. Napayuko siyang
tumatangis sapagkat ngayo'y wala na siyang tahanan, walang pag-ibig, walang bayan, at walang
kaibigan, at walang kinabukasan.

Kinabukasan, natagpuan ng pastol ang bangkay ni Pilosopo Tasyo sa may pintuan ng kanyang tahanan.
Kabanata 60: Ikakasal si Maria Clara

Dumating sina Donya Victorina, Don Tiburcio, at Linares sa bahay ni Kapitan Tiago.

Si Maria Clara, ay magaling na, ngunit may pamumutla pa rin. Pagkatapos ng kaugaliang
pagkukumustahan ay nagpatuloy na naman si Donya Victorina.

DONYA VICTORINA: Ang sinadya nga po namin ay nauukol sa Birhen, Kapitan Tiago. Kailangang ituloy
natin ang atin nang napag-usapan.

Ang tinutukoy na Birhen ni Donya Victorina ay si Maria Clara.

KAPITAN TIAGO: Bukas ay magpapapista tayo. Ihanda mona ang loob ni Maria Clara sapagkat siya'y
ipapakasal natin sa loob ng maikling panahaon. Mag-aakyat-manaog tayo sa palasyo kapag naging
manugang natin si Linares, at tayo'y kaiinggitan ng marami.

Kinbukasan, ang bulwagan ng bahay ni Kapitan Tiago ay puno ng mga panauhin. Ang paksa ng usapan ng
mga kababaihan ay si Maria Clara.

Ang kalalakihan (Teyente Guevara, Don Tiburcio de Espadaña, Padre Sibyla, Padre Salvi) nama'y nag-
uusap ukol sa nakaraang pangyayari.

TENYENTE GUEVERA: Kung hindi niya pinagkatiwalaan ang mga taong sinulatan niya, at kung hindi
nabigyan ng ibang kuhulugan ang laman ng liham na iyon, ay natitiyak kong siya'y napawalang-sala.

Nang mga sandaling iyon, isang bangka ang sumadsad sa ibaba ng bahay ni Kapitan Tiago. Ang isa sa
dalawang lalaki ay pumanhik sa hagdang bato at lumundag sa pader hanggang sa makarating sa asotea.

MARIA CLARA: Crisostomo.

CRISOSTOMO IBARRA: Ako nga! Maria, bago ako lumayo'y ibig kong malaman mong pinatatawad kita.
Maging maligaya ka nawa, paalam.

Humakbang na palayo si Ibarra, ngunit pinigil siya ng dalaga. Inilahad niya kay Ibarra ang lihim ng
kanyang pagkatao.

MARIA CLARA: ang tunay kong ama. Siya ang nagbawal sakin na ika'y ibigin. Maliban na lamang kung
ika'y papatawarin sa kalapastanganang ginawa mo sa kanya.

Mula sa kanyang dibdib ay inilabas ng dalaga ang dalawang putol na papel.

MARIA CLARA: Ito'y dalawang liham ng aking inang isinulat sa gitna ng paghihirap samantalang ako'y
nasa kanyang sinapupunan. Basahin mo at makikita mo ang hangarin niyang mamatay ako. Mahihinuha
ko ba kung saan nila gagamitin ang lihim mo?

CRISOSTOMO IBARRA: Maria, ika'y isang malinis na Anghel.


MARIA CLARA: Ibig kong malaman mong ako'y minsan lamang umibig kung walang pag-ibig, at ikaw, ano
kaya ang mangyayari sa iyo?

CRISOSTOMO IBARRA: Ako'y lamang isang takas, hindi magtatagal at matutuklasan ang aking pagtakas,
Maria...

KABANATA 61: Ang Habulan sa Lawa

NARRATOR: Nang nakalayo na, nag-usap muli sina Elias at Ibarra.

ELIAS: Hindi n po ba magbabago ang inyong pasiya?

IBARRA: Hindi na! Isinusumpa ko sa ngalan ng aking ama! Gigisingin ko ang nahihimbing at ipalilimot ko
sa kanila ang kanilang mga kapatid. Sasabihin kong labanan ang pang-aalipin sapagkat karapatan ng tao
ang humanap ng kalayaan!

ELIAS: Iyan ang palwa. Humiga kayo nang matakpan ko kayo ng bayong.

NARRATOR: Binalak ni Elias na magbalik sa pasig, ngnunit natanaw niya ang isang bangkang may lulang
guwardiya sibil. Ipinihit niya ang bangka at sumagwan nang matulin.

ELIAS: Ako’y sisisid na palayo sa inyo upang sila’y iligaw. Magpapahabol ako. Magkita tayo sa Noche
Buena sa libingan ng inyong nuno.

NARRATOR: Tinugis ng palwa at ng bangkang humahabol si Elias at sa Tuwing lilitaw ay binabaril.


Pagkaraan ng kalahating oras, nakita ng mga namamangka ang pagkukulay-dugo ng lugar na
pinagbarilan kay

KABANATA 62: Ang Pagtatapat ni Padre Damaso

NARRATOR: Nabalitaan ni Maria Clara sa pahayagan ang pagkalunod ni Ibarra sa lawa. Maya-maya’y
biglang dumating si Padre Damaso

PADRE DAMASO: Sa lalawigan pa ako nanggaling upang masaksihan ang iyong kasal.

NARRATOR: Napa hikbi si Maria Clara.

PADRE DAMASO: Bakit ka humihikbi, anak ko? Nagkatampuhan ba kayo ni Linares?

NARRATOR: Napa iyak si Maria Clara nang mapatingin sa inaama.

PADRE DAMASO: Huwag kang umiyak, anak ko. Ako ang nagdurusa sa iyong ginagawa.
MARIA CLARA: Ako po ba’y minamahal ninyo? Tulungan ninyo ang aking ama at sirain ang kasunduan sa
kasal.

NARRATOR: Isinilaysay ni Maria Clara ang lahat ng huli niyang pagkikita kay Ibarra maliban sa lihim ng
kaniyang pagkatao.

PADRE DAMASO: Ako ang nagdulot sa iyo ng kasawian, anak ko, patawarin mo ako. Ika’y napamahal sa
akin…. Tulad ng isang anak. Wala akong kaligayahan kundi ikaw.

NARRATOR: Si Padre Damaso’y napaiyak na parang bata.

MARIA CLARA: Kong gayo’y payagan ninyo akong magmongha.

PADRE DAMASO: Magmongha? Magmongha? Hindi mo alam anak ko, ang buhay at lihim sa likod ng
makapal na pader ng kumbento.

MARIA CLARA: Ang kumbento o ang kamatayan?

PADRE DAMASO: Diyos ko! Ako’y pinarurusahan mo anak ko! Magmongha ka, huwag ka lng
magpakamatay.

NARRATOR: Umalis si Padre Damaso na malungkot at nagbuntong-hininga.

PADRE DAMASO: Diyos ko, ako ang iyong paghigantihan. Ngunit, iligtas mo po ang walang malay kong
anak.

KABANATA 63: Ang Noche Buena

Isang batang payat, maputla, at may malamlam na mga mata ang nakaupo sa isang punong nakabuwal.
Ang batang ito ay si Basilio. Si Basilio'y may sugat sa paa at pinasasaya ng dalawang bata.

MATANDANG LALAKI NA NAKAKITA KAY BASILIO: Dalawang buwan na buhat nang makuha ka naming
sugatan. Akala nga namin ay hindi ka na mabubuhay....

BASILIO: Diyos na po ang bahalang gumanti sa inyong kabutihan. Ang nais ko po'y makita ang aking ina
at bunsong kapatid na nasa bayan.

NARRATOR: nagpaalam umuwi si Basilio sa matanda. Siya'y nagpumilit at hindi naman nabigo....

KABANATA 64: Ang Huling Kabanata

Narrator: Nang pumasok sa kumbento si Maria Clara, sa Maynila na nanirahan si Padre Damaso. Ilang
buwan pa lamang ang nakalilipas ay nakatanggap na elya ng kautusan na inililipat siya sa malayong
lalawigan. Kinabukasan, natagpuan siyang patay sa kanyang higaan.
Narrator: Si Padre Salvi ay nasa Maynila na rin. Samantalang hinihintay niya ang gantimpalang mitra ay
bumigkas siya ng sermon sa simbahan ng Sta. Clara.

Narrator: Ilang linggo bago maging ganap na mongha si Maria Clara, si Kapitan Tiago'y nakaramdam ng
panghihina kaya nangayayat. Sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na sa Malabon o sa San Diego
sapagkat ibig niyang mamuhay mag-isa.

Narrator: Kinahumalingan niya ang liam-po, sabong, at paghithit ng apyan. Palagi siyang makikita sa
tindahan ng Teino: payat, naninilaw ang balat, inaantok, laging marungis, at kung tumingin sa mga tao'y
waring hindi nakakikita.

Narrator: Pagsapit ng gabi'y lumalakad siyang dala ang kanyang tungkod at ang tinutungo'y isang
maruming bahay na ganito ang nakasulat sa pinto: FUMADERO PUBLICO DE ANFION.

Narrator: Si Donya Victorina'y nagdagdag pa ng piluka upang manatili sa pagpapanggap niyang taga-
Andalucia. Siya ngayon ang nangungutsero ng karwahe at si Don Tiburcio'y hindi na niya pinagagalaw.
Gumagamit na siya ng salamin at hindi na natatawag upang manggamot, at madalas na walang pustiso.

Narrator: Si Linares ay malaon nang nalibing sa libingan ng Pako. Ayon sa balita'y namatay ito dahil sa
masamang pag- aalaga ni Donya Victorina.

Narrator: Ang Alperes na taglay ang katungkulang tenyente grado comandante ay umuwi na saEspanya
at iniwang nanlilimahid ang asawa. Ang Alperesa'y nagumon sa pag-inom ng alak at paghitit ng tabako.

Narrator: Walang malinaw na balita kay Maria Clara.

You might also like