Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

2ND Semester PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG

TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Lesson 3
Aralin: ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO

I. Panimulang Nilalaman

I. Layunin:

A. Pamantayang Nilalaman

Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig

B. Pamantayang Pagaganap

Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at


panlipunan sa bansa

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto

Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto


Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat.

II. Nilalaman:

ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO


2ND Semester PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Lesson 3
Aralin: ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO

Konsepto ng Aralin
.

TALAKAYIN NATIN:

Ang tekstong deskriptibo ay nagbibigay-larawan sa isip at damdamin ng mambabasa ng kalagayan ng tao,


bagay o lugar na ipinaliliwanag sa mga salitang karaniwan ay masining at maharaya. Inilalarawan sa
teksto ang mga katangian at kalikasan ng paksa ng teksto na maaaring tao, bagay, lugar o pangyayari: Ito
ang uri ng tekstong nagpapakita ng mga ideya, damdamin at mga larawang pangkaisipan o mental sa
pamamagitan ng mga salita na may hatid na mga imaheng biswal. Gumagamit ito ng matayutay na mga
salitang naghahatid ng mga ideya at damdamin sa anyong makakikintal ng larawan sa isip at
makapagbibigay ng malinaw na larawan sa imahinasyon at emosyon.

Ang tekstong deskriptibo ay may layuning makabuo ng malinaw na impresyon ng tao, bagay at maging
ng pangyayari. Nais ng tekstong ito na makabuo sa isip ng nagbabasa ng larawang nais nitong ikintal at
"makita" sa isip ang malinaw na hitsura ng inilalarawan. Karaniwang mga salitang naglalarawan ang
ginagamit at mga salitang nagbibigay ng deskripsyon ng limang pandama katulad ng paningin, pandinig,
pang-amoy, pansalat at panlasa. Sinasabi rito kung ano ang makikita sa kanan o kaliwa, sa likod o
harapan o magbibigay ng impormasyong pangkaligirang kailangan sa pagsasalaysay ng kuwento.
Halimbawa, nais ng nobela o kuwentong isipin mo ang katangian ang mga karakter na inilalarawan nito
at makita mo sila sa iyong isip. Gayundin, ang aklat sa paglalakbay ay magnanais na makita mo ang
kagandahan ng bayan o lugar na inilalarawan nito.

Ang mga tekstong karaniwang kabilang sa uring deskriptibo ay sumasakop sa mga nobela, katutubong
salaysayin, tula, kuwento, dula, fiksyon para sa kabataan at mga bata katulad ng mga isinalarawang
kuwento at mga tekstong multimodal katulad ng pelikula at sine. Hindi kailangang ang tekstong
deskriptibo ay kabuuan ng mga nabanggit; manapa, ito ay bahagi ng mga uring deskriptibong nabanggit
sa itaas, Nangangahulugan ito na ang bahaging deskriptibo ng mga uring nabanggit ang lalong
magpapaganda dahil sa malinaw na larawang naikikintal nitong imahe sa isipan at damdamin ng
nagbabasa.
MGA DAPAT TANDAAN:
ANO ANG TEKSTO DESKRIPTIBO?

Ang tekstong deskriptibo ay nagbibigay-larawan sa isip at damdamin ng mambabasa ng kalagayan ng


tao, bagay o lugar na ipinaliliwanag sa mga salitang karaniwan ay masining at maharaya.
2ND Semester PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Lesson 3
Aralin: ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO

Gawain 1: Paunang Pagtataya

Tala ng Gawain 1

Instruksyon: Magtala ng descriptibong teksto na nabasa mo na at idetalye ito


2ND Semester PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Lesson 3
Aralin: ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO

Pagsasanay 1

Panuto: Tingnan ang sumusunod na mga halimbawa at sagutin ang mga tanong na sumusunod.
SIGNOS

ni Eros S. Atalia

Nangangamoy kandila't bulaklak. Nanindig ang kanyang balahibo. Kanina kasi'y may itim na paruparong
palipad-lipad sa kanyang harapan.

Napatingin siya sa makinis na krus na kulay-ginto. Napaantanda siya.

Lalong tumindi ang amoy ng bulaklak at kandila. Dumami rin ang itim na paruparong palipad-lipad.

Napatingin siya sa mga nakapilang rebultong anghel.

Napuno ang paligid ng sirena ng bombero't ambulansya.

Lumabas siya para makibalita. Sumabog pala ang pagawaan ng paputok sa kanilang lugar. Napakaraming
patay at sugatan.l

Patakbo siyang bumalik sa loob.

- Nasa Wag Lang Di Makaraos, VISPRINT, 2011

Instruksyon: Sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa tekstong Signos.

1. Pang-amoy

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Pansalat

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3. Paningin

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

4. Pandinig

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

5. Anong damdamin ang ginising sa nagbabasa ng tekstong nasa itaas? Paano nagising ang ganitong
damdamin?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

6. Anong mga salitang deskriptibo ang nagbigay ng malinaw na larawan sa isip ng nagbabasa?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2ND Semester PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Lesson 3
Aralin: ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO

Pagsasanay 2

Heto ang isa pang tekstong sinulat ni Eros S. Atalia.

WHITE LADY SA AKING SULATING PORMAL

ni Eros S. Atalia

Ganito ang ipapasa kong essay sa sulating pormal para sa buwan ng Nobyembre Ang
pinakamalapit na paksang pwedeng isulat ay tungkol sa mga nakatatakot. At isa sa pinakatipikal na
kinatatakutan ng lahat ay ang mga White Lady.

White Lady

Hindi biro ang maging White Lady. Dapat na konsistent na malinis at maputi ang damit. Hindi
pwedeng naninilaw. Hindi pwedeng nangingitim. Parang walang karapatang makapanakot ang white
lady kung hindi sya pwedeng maging endorser ng sabong panlaba at bleach. Dapat laging long hair at
bahagyang magulo. Saka mas okay kung medyo may eye bag. Wag ding kalilimutan na iba ang dating
kapag simputi ng damit ang mukha. Yun bang ginawang kanin at ulam ang glutathione. Uy, at ang
pinakapanalo sa lahat, lumulutang dapat ng isa o dalawang piye mula sa lupa. At lahat ng ito ay dapat
mangyari at maipakita kung gabi. Parang may color coding ang mga white lady. Sa gabi lang pwede
lumabas, ika nga. Bago magliwanag, garahe na dapat.

Kapag umaga, malamang beauty rest ang mga white lady. Hindi sila naaarawan kaya siguro
mapuputi sila. At sa palagay ko, madalas nilang ikula ang kanilang mga damit sa araw kaya no-show
sila kapag hindi pa present ang kadiliman. Kaya siguro laging malalaki ang eye bag ng mga white lady,
always puyat kasi.

Siya nga pala, bakit laging solo-lakad ang white lady? Never pa silang lumakad nang may
kasama. Otherwise, ang lagi sana nating sinasabi ay "white ladies." I don't know kung ano ang
qualifications para maging miyembro ng sorority ng mga white lady. Kasi paano kung may mag-aplay na
aprikana, aeta, negrita at mga lahing may kaitiman ang kulay? May height requirement ba? Kasi wala
pa tayong nababalitaang unanong white lady. Wala pa rin akong nakikitang medyo oberweyt na white
lady.

Oo nga pala. Bakit puro ladies lang? Di ba pwede ang mga lalaki dito?

Hindi makukumpleto ang talaan ng mga kinatatakutan nating nilalang kung wala ang white lady. Kaya
pahalagahan natin ang white lady.
Ano kaya ang magiging grade ko? Sa tingin ninyo? Kakanta na lang ako. Be My (White) Lady.

- Nasa Wag Lang Di Makaraos, VISPRINT, 2011

Instruksyon: Babasahin ang mga sumusunod na katanungan at sagutin ito.

1. Anong mga larawan ang "nakita" mo sa iyong isip nang basahin mo ang teksto?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2. Ano ang naging epekto ng teksto sa iyo matapos mo itong mabasa? Higit ka bang natakot, natawa o
natuwa? Bakit?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3. Sa palagay mo ay angkop ba ang tekstong sinulat para maging sulating pormal ng isang estudyante?
Pangatwiranan.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
\

2ND Semester PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG


TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Lesson 3
Aralin: ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO

Gawain 3:
PERPORMANCE TASK

Instruksyon: Gumawa ng isang sanaysay na hindi bababa sa 200 ang- bilang ng mga salita
ngunit maaaring humigit pa batay sa hinihingi sa sumusunod.

Pumili kayo ng isang lugar sa Pilipininas na itinuturing na isa sa pinakamagandang


tanawin. Humanap kayo ng larawan ng lugar na ito at idikit sa isang bond paper. Ilarawan ninyo
ang nasabing lugar batay sa inyong nakikita sa larawan at sa nakita sa iba pang social media.
2ND Semester PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Lesson 3
Aralin: ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO

Gawain 2: Lingguhang Pagtataya

Tala ng Gawain 3

Instruksyon: May mga sumusunod na pangungusap na ang isa o higit sa isang salita
ay may salungguhit. Kung tama ang ideyang isinasaad sa pangungusap isulat ang
salitang WASTO sa linyang nasa unahan ng bilang. Kung mali ang ideyang isinasaad,
palitan ang may salungguhit na salita o mga salita upang maging tama ito at isulat sa
linyang nasa unahan ng bilang ang salita o mga salitang ipinalit mo.

1. Nagbibigay-larawan ang tekstong deskriptibo sa mambabasa

2. Gumagamit ng mga salitang naglalarawan para sa anim na


pangunahing pandama ng tao ang tekstong deskriptibo.

3. Ang tekstong deskriptibo ay nag-iiwan ng imahe sa isipan at damdamin


ng mambabasa.

4. Ang mga pelikula at sine ay maituturing na mga tekstong multimodal.

5. Upang maging epektibong makapag-iwan ng mga imaheng biswal sa


isip at damdamin ng mambabasa ay gumagamit ng mga salitang
karaniwan sa tekstong deskriptibo.

6. Ang salitang masarap ay nagbibigay deskripsyon para sa pandamang


pandinig.

7. Ang mga salitang nagbibigay ng larawan ay nakakaapekto sa


imahinasyon at emosyon ng mambabasa,

You might also like