Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SCHOOL Dampil Elementary School Grade Level 5

GRADE V
DAILY LESSON TEACHER ROSELYN C. SILVIDAD Quarter 2
PLAN SUBJECT FILIPINO 5 DATE November 17 ,2024
SLAC

I. Layunin

A. Naipamalas ang kakahayan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.

B.Nakapaglarawan ng pangngalan o panghalip ng mga hayop gamit ang pang uri.

C.Nagagamit ang pang-uri sa kaantasan ng pahambing sa paglalarawan ng mga eksotikong hayop

II. Paksang- Aralin A.Nilalaman/Paksa:

Paggamit ng Pang-uri sa Kaantasan ng Pahambing sa paglalarawan ng mga hayop na eksotiko.


a. Sanggunian: Gabay Pangkurikulum Baitang 5 pahina 69 Alab ng Filipino pahina 108-110

b. Mga Kagamitan: LED TV, Powerpoint presentation, activity sheet at group activity sheet

Integration: Science,ESP

III. Pamamaraan (, Collaborative Method, Student-Centered approach)

1. Panimulang Gawain

A. Balik-aral (Ipakita ang larawan ng dugong sa mga mag- aaral at itanong ang mga sumusunod.)
Kahapon ay binasa natin ang tungkol sa isang eksotikong hayop na nakatira sa karagatan. Ano ang
hayop na ito?
Anong uri ng hayop ang dugong? Ilarawan mo nga ito.
Paano nabubuhay ang dugong?
-Ang dugong ay isang eksotikong hayop. Ito ay umaabot sa sampung talampakan ang haba at mahigit
300 kilo ang bigat. Nakatira ito sa baybayin ng Isabela, Quezon, Mindoro at Palawan. Ito ay lumalangoy
malapit sa ina hanggang sa matutuhan nito ang kumain at lumangoy na mag-isa .
Bakit nanganganib na mawala ang mga dugong?
- Bilang isang mag-aaral, Ano ang inyong dapat gawin para mapangalagaan ang mga nakatirang
eksotikong hayop sa ating bansa katulad ng dugong? Ano pa?

B. Pagganyak *Hula-Larawan!

Magpapakita ng mga larawan ang guro at magbibigay ng ideya ang mga mag-aaral sa kung ano ang kanilang
opinyon ukol sa larawan. Ipalarawan sa mga bata ang exotikong hayop katulad ng nasa larawan
Itala sa pisara ang mga salitang naglalarawan dito.
Kilala ba ninyo ang tawag sa mga hayop na ito?
Ngayon basahin natin ang isang tula tungkol sa mga eksotikong hayop.
C. Paglalahad: Basahin ang tula na may pamagat na “Tayo nang Mamasyal, isinulat ni Gng. Rachel
a.Gawayon (Ipabasa ang tula ng pangkatan, dalawahan o isahan)
Ito ay nanganganib na mawala dahil sa polusyon o pagdumi ng dagat na nakasisira sad among-dagat na pangunahing pagkain
ng mga ito. Hindi dapat magtapon ng basura kung saan-saan lalong lalo na sa ilog at dagat dahil maraming mga hayop na
mamamatay gaya ng dugong. Tumulong sa ating komunidad sa paglilinis ng ating kapaligiran gaya ng pagpupulot ng basura sa mga
kanal, ilog at dalampasigan. Ang mga hayop na ito ay nabibilang sa mga eksotikong hayop sa ating bansa.

Babasahin ang Tula: Tara, Tayo Nang Mamasyal


Isa, dalawa, tatlo imulat ang iyong mga mata.
Ano, ano ang iyong nakikita?
Agila na kasintaas ng kalangitanang paglipad
O di kaya’y baboy ramo na kasimbangis ng lobo.
Halina’t umpisahan ang pagtakbo.
Ngunit mas mabilis ang usa sa iyo kaibigan.
Lumingon,lumingo ka at iyong makikita.
Makukulay na mga ibon, Parot, maya, o ibong pipit.
Kay gandang pakinggan mga huni nila na kasintamis
ng iyong tinig.
Kaibigan ikay mag-ingat sa iyong pamamasyal.
Baka iyong maapakan sawa na mahimbing sa pagtulog.
Ito’y mas mahaba kaysa sa bayawak.
Ngunit huwag matakot kaibigan pagkat ang mga itoy katulad mo.
Nilikha ng ating Maykapal kaya’t ating pangalagaan.
Mga tanong:
Sa inyong binasa, Ano-ano ang mga hayop na binanggit? Ilarawan ang mga ito?

D. (Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1)


Pang-uri - naglalarawan ng pangngalan at panghalip.
Mga Kaantasan ng Pang-uri .
Mga Halimbawa:
1. Ang sawa ay mas mahaba kaysa sa bayawak.
2. Ang huni ng mga ibon ay kasintamis ng aking tinig.
3-5.
E.(Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Bagong kasanayan #2)
Basa hin ang mga pangungusap. Sabihin kung anong kaantasan ng pang-ri ang bawat pangungusap.

1. Ang paglipad ng agila ay kasintaasng kalangitan.


2. Ang baboy-ramo ay kasimbangis ng lobo.
3. Mas mabilis ang pagtakbo ng usa kaysa sa akin.
4-5.
F.(Paglinang sa Kabihasaan Tungo sa Formative Assesment 3)
Piliin ang mga angkop na pang – uri para sa patlang.
mabangis masaya kakaiba

malungkot malansa

1. __________ ang platypus dahil isa itong mammal na nangingitlog.

G. PAGLALAPAT: Hatiin ang mga bata sa tatlong pangkat.

a. Pangkat A. Tingnan ang mga larawan ng mga hayop na eksotiko. Bumuo ng pangungusap gamit ang kaantasan
ng pang-uri.

b. Pangkat B. Sabihin kung ang bawat pangungusap ay lantay , pahambing ,o pasukdol.


1.Higit nga madami ang mga paniki sa kweba kay sa gubat.
2. Tunay na banayad ang elepante habang nagpapahinga sa damuhan.
3.-5.

c. Pangkat 3. Gumawa ng maikling tula na naglalarawan ng mga hayop na eksotiko.

H.PAGLALAHAT:

Tandaan:
Kaantasan ng Pang-uri
1.Lantay-pinakasimpleng paraan ng paglalarawan ng katangian
2.Pahambing- pinaghahambing ang katangian ng dalawang pangngalan o panghalip.
3. Pasukdol – namumukod o katangi-tangi sa lahat.
I. Pagtataya:
Suriin ang larawan. Bumuo ng pangungusap gamit ang kaantasan ng pang-uri.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation.

Bumuo ng limang pangungusap gamit ang kaantasan sa pang -uri sa paglalarawan.

Prepared by:

ROSELYN C. SILVIDAD
MT- I Checked by:

DANILO S. VALLAR , HT-II


School Head

You might also like