Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino

sa mga Mag-aaral ng PNTC sa Unang Antas

Ginawa nina:
Mdn Charles Lordwin D. Magtibay
Mdn Ramir Gem Dula
Mdn Lawrence Reyes
Mdn Bill Andrew Bernandino
Mdn Renz Francis Dela Cruz

I. PANIMULA:
Ayon sa mga gumawa ng pagsasaliksik o pag-aaral na ito ang kanilang layunin
ay ang matugunan ang mga suliranin ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng sapat
nakaalaman sa ating sariling wika. Ang pagmulat sa isipan ng mga mag-aaral tungkol
sa kalagayan ng wikang Filipino sa panahon ng makabagong teknolohiya ay isa rin sa
layunin ng mga mananaliksik. Buhat sa pag-aaral na ito, magkakaroon ng kaisipan ang
mga mag-aaral kung paano gamitin ng tama at wasto ang ating sariling wika, ang
wikang Filipino.

II. KATAWAN:

Nakalahad sa pagsasaliksik ng grupo na ayon kay Dr. Alfonso Santiago, may


iba’t-ibang klase ang wikang Filipino. Ito ay ang Puristic Tagalog, ang Taglish o
Enggalog at ang Bertaglish. Ang Puristic Tagalog ay wikang nililikha sa halip na
humihiram. Ang Taglish o Enggalog naman ay pinaghalong Tagalog at English habang
ang Bertaglish naman ay binubuo ng Bernakular, Tagalog at English. At ayon naman
daw kay Gonzales taong 1977, ang mga Pilipino ay nagsasalita ng bersyon ng Taglish
para sa layuning pang-sosyolinggwistika at hindi dahil sa hindi alam ang sistemang
pangwika.

Dagdag pa nila na ang pagiging daynamiko o pagbabago ay isa sa mga


makabuluhang katangian ng wika. Ito daw ay dahil sa paglipas ng panahon at
pagkakaroon ng pagbabago sa kapaligiran at dahil na rin sa malikhaing pag-iisip ng tao
na nagsisilbing dahilan ng pagkakaroon ng mga bagong salita.
a. Kahalagahan ng Pag-aaral:

Sa pag-usbong daw ng moderno at makabagong teknolohiya, nagkakaroon ang


mga tao ng mga bagong kaalaman dahil sa pananaliksik at malikhaing pag-iisip. Isa sa
mga produkto ng makabagong teknolohiya ay ang pagkakaroon ng mga Social Media.

Ang pagkakaroon ng mga Social Media ay may iba’t-ibang dahilan. Ang


pagkakaroon ng mas mainam na komunikasyon ay isa na daw dito. Ang Facebook ay
isang Social Media site na ginagamit sa buong mundo. Sa pamamagitan nito,
nakakakapag-usap ang mga gumagamit nito kahit saan mang dako ng mundo
naroroon.

Sa kanilang pananaliksik, malaki na ang naitulong ng Facebook sa mga tao,


ngunit hindi sa wika. Dahil, madalas napapalitan ang orihinal at tamang pakabaybay ng
mga salita. Halimbawa na kanilang nabanggit ay, sa halip na sabihing “dito” ay “d2”
nlang ang ginagamit. Habang may mga bagong lenggwahe naman ay nabubuo katulad
ng Jeje Language o Jejemon, Gay Language o Bekimon at iba pa. Nagkakaroon din ng
bagong salita tulad ng “gg” na ang ibig sabihin ay good game, selfie, at iba pa. Ang
paggamit ng mga bagong grupo ng mga salita ay nabubuo din tulad ng edi wow! rak na
itou at pusuan tayo.

Ang mga nabanggit na suliranin ang nagtulak sa mga mananaliksik upang


tuklasin at alamin ang kalagayang pangwika sa mga mag-aaral nang dahil sa paggamit
ng Social Media.

b. Sakop ng Pag-aaral:

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa pagsusuri ng mga epekto ng paggamit


ng social media sa wikang Filipino sa mga mag-aaral ng PNTC.

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagkakaroon ng mga pagbabago sa wikang


Filipino dahil sa paggamit ng social media. Pinagtuonan din ng pansin ang pagkakaroon
ng iba’t-ibang lenggwahe na ginanagamit sa social media ng mga mag-aaral.
c. Metodo:

Ang pagbasa at pananaliksik, pagsisiyasat at pakikipagpanayam ay isinagawa


ng mga mananaliksik upang magkaroon ng kaalaman sa suliraning napili. Ilang piling
mag-aaral sa unang antas ng PNTC Colleges ang nilapitan ng mga mananaliksik at
hiningian ng impormasyon batay sa nasabing paksa.

III. PAGSUSURI:

You might also like