Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Mahalaga na sigurado ang tao sa landas na


kaniyang tinatahak. Ito ang susi na
makatutulong sa kaniya upang makamit ang
kanyang layunin sa buhay. Ito ay mahalaga sa
pagkakaroon ng makabukuhang buhay at
ganap na pagkatao. Kaya sa tuwing
nagpapasiya, kinakailangang pag-isipan ito
nang makailang ulit upang hindi maligaw. Ito
ay dapat na makabubuti sa sarili, sa kapwa, at
sa lipunan.

Tamang Pagpapasiya
Mahalaga na sigurado ang tao sa landas na
kaniyang tinatahak. Ito ang susi na
makatutulong sa kaniya upang makamit ang
kanyang layunin sa buhay.

1
Sa pagpapasiya, kailangan natin ng gabay
upang hindi tayo maaaring magkamali nang
sa gayon, magkaroon tayo ng tamang
direksyon sa pagkamit ng mga layunin natin
sa buhay.

Bakit nga ba mahalaga na magkaroon ng


direksyon ang buhay ng tao?

Una
Sa iyong paglalakbay sa buhay mo ngayon,
nasa kritikal na yugto ka ng buhay. Ano man
ang piliin mong tahakin ay makaaapekto sa
iyong buhay na hinaharap.
Ikalawa
Kung hindi ka magpapasiya ngayon para sa
iyong kinabukasan, gagawin ito ng iba para sa
iyo.
2
Tunay na mahalaga ang pagkakaroon ng
malinaw na tunguhin sa buhay. Marahil
tinatanong mo ang iyong sarili ngayon kung
paano mo ito gagawin o sisimulan.

Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


(Personal Mission Statement)

Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


Ito ay isang katulad ng isang personal na
kredo o isang motto na nagsasalaysay kung
paano mo ninanais na dumaloy ang iyong
buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong
gagawin na mga pagpapasiya sa araw-araw.
Isang magandang paraan uto upang higit
mong makilala ang iyong sarili at kung saan ka
patungo. Nagsisilbi itong simula ng matatag
na pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling
3
kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa
iyong mga layunin sa buhay. Hindi madali ang
paglilikha nito dahil nangangailang ito ng
panahaon, inspiasyon at pagbabalik-tanaw.
Stephen Covey
Ayon sa kanyang aklat na
“ Seven Habits of Highly
Effective People ”

“ Begin with the end in


the mind”

Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw


na sa iyong isip ang malaking larawan kung
ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay.
Mahalagang kilalanin mong mabuti ang iyong

4
sarili at suriin ang iyong katangian,
pagpapahalaga at layunin. Mag-isip ng nais
mong mangyari sa hinaharap at magpasiya sa
direksyon na iyong tatahakin sa iyong buhay
uoang matiyak na ang bawat hakbang ay
patungo sa mabuti at tamang direksyon.
Sa paglikha ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay, makatutulong na
magkaroon ka ng pansariling pagtataya o
personal assessment sa iyong kasalukuyang
buhay. Ang rersulta nito ay magiging kapaki-
pakinabang sa iyong mapanagutang pasiya at
kilos.

5
6

You might also like