Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

School: Daraga Community College Grade level: Grade 9

Teacher: Ian M. Palmaria Learning Area: Araling Panlipunan

Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan

“Ekonomiks ng Pangangailangan at Kagustuhan”


Baitang 9

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaraln ay inaasahang:

1. Nasusuri ang kaibahan ng pangangailangan (needs) at kagustuhan (wants)


2. Napahalagahan ang konsepto ng pangangailangan.
3. Naisusulat ang mga bagay na pangangailangan at kagustuhan ng tao.

II. Nilalaman
Paksa: Ekonomiks ng Pangangailangan at Kagustuhan
Sanggunian: Kalakasan sa Ekonomiks 9, Pahina 58-64
Kagamitan: Powerpoint, Laptop, Projector, White Board,

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Pangunahing Gawain
1. Pag tsek ng attendance
2. Pagbati
Magandang Umaga sa inyong lahat, Kumusta Magandang Umaga rin po sir, maayos naman po
kayo? kami.

B. Pagganyak

Bago nating pormal na simulan ang gating klase


Opo Sir
ay maglalaro muna tayo. Hahatiin ko kayo sa
dalawang grupo. Ang unang grupo ay
magsusulat ng mga bagay na alam niyong
kailangan niyo at ang ikalawang grupo
magsusulat ng mga bagay na alam niyong
kagustuhan nyo. Tatayo ang mga sekretarya ng
bawat grupo at isusulat sa pisara. Ang
pinakamaraming maisulat sa loob ng tatlong
minuto ang siyang magwawagi. Nakuha niyo ba
ang direksyon ko?

At ang nagawing grupo ay ang unang pangkat,


Salamat po Sir!
congratulations sa inyong lahat!

C. Pagtalakay sa Aralin

Matapos ang ginawa nating laro kanina, may Ang tatalakayin natin ngayon araw Sir ay tungkol
ideya ba kayo kung ano ang araling an gating sa Pangangailangan at Kagustuhan ng isang Tao
pag-uusapan o tatalakayin sa araw na ito?

Magaling! Tama yun. Ang araling tatalakayin


natin sa araw na ito ay may kinalaman sa
Pangangailangan at Kagustuhan ng tao. Opo sir!
Tatalakayin din natin ang Teorya ng
Pangangailangan. Handa na ba kayong matuto?
Pero bago natin talakayin ang kabuuan ng lahat
ng mga pangangailangan, alamin muna natin
kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang
Pangangailangan? Sino ba sainyo ang gustong Ang Pangangailangan ay ang mga bagay na
mag bahagi ng kanyang ideya patungkol sa kung kailangan ng tao sa pang araw-araw.
ano ang pangangailangan?

Tama magaling! Sa kabilang banda naman ay


ano ang kagustuhan? Sino ang gustong
magbahagi ng kanyang ideya tungkol sa Ang kagustuhan ay mga luho ng isang tao
kahulugan ng kagustuhan?

Magaling! Ngayon naman, tignan natin kung


talaga bang alam ninyo ang pangangailangan at
kagustuhan. Halimbawa, may kompyuter ang Pangangailangan po Sir!
isang graphic artist, pangangailangan o
kagustuhan?

Tama ka dyan! Paano naman kung ang kung ang


mangingisda ang mayroong kompyuter?
Pangangailangan o kagustuhan?
Kagustuhan po Sir!

Hahatiin ko kayo ngayon sa apat na pangkat,


ang unang dalawang pangkat ay mag dedebate
patungkol sa mga kailngan at kagustuhan ng tao
at ang ikatlo at ikaapt na pangkat ay gagawa ng
plster patungkol sa pangangailangan at
kagustuhan ng tao.

D. Pangwakas Gawain
1. Ano ang kaibahan ng kagustuhan sa pangangailangan?
2. Sa dalawang bagay na ating tinalakay – Pangangailangan at Kagustuhan, ano ang mas
mahalaga para sa iyo?
Essay:
E. Pagtataya
Isuluta ang salitang TAMA kung ang isinasaad ng mga pangungusap ay katotohan at MALI kung hindi.

1. Lahat ng tao ay nais matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.


2. Ang kagustuhan ay maaring mawala sa buhay ng tao.
3. Ang pagkakaroon ng kapayapaan ay hangarin ng bawat tao.
4. Ang pangangailangan ay hindi kailangan ng tao upang mabuhay.
5. Ang Coke ay pangunahing pangangailangan ng Tao.
6. Ang tao ay kailangan ng mamahaling alahas para mabuhay.
7. Magkaroon ng magandang hanapbuhay.
8. Ang tubig ay pangunahing pangangailangan ng tao.
9. Hindi kailangan tao matulog ng sapat na oras para mabuhay.
10. Ang tao ay kailangan laging kumain sa mamahaling restaurant.

F. Takdang Aralin
Pag-aralan ang Teoryang pangangailangan ni Abraham Maslow.

Ian M. Palmaria
III – Social Studies

You might also like