Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Sa kabantang ito makikita ang mga dahilan kung bakit napiling pag-aralan ng

mga mananaliksik ang ganitong uri ng paksa, mga kaligiran ng paksa, mga suliranin at

layunin ng mga mananaliksik, ang saklaw at limitasyon, kahalagahan, at katuturan ng

mga salitang ginamit sa pag-aaral.

A. Panimula

Ang Humanities and Social Sciences (HUMSS) strand ay nagbibigay sa

mga mag-aaral ng malawak na hanay ng disiplina sa paggamit ng kanilang

mga karanasan at kasanayan sa pagsisiyasat at pagtatanong ng mga

sitwasyon ng tao sa pamamagitan ng pag-aaral ng pag-uugali nito at mga

pagbabago sa lipunan. Ang HUMSS na strand ay nagbibigay sa bawat mag-

aaral ng mas malalim na pag-unawa sa kultura, pulitika, panitikan, sining, at

lipunan (Systems Plus College Foundation)

Ang mga espesyal na asignatura ay mga asignatura na natatangi sa

career track o learning strand na pinili ng mga mag-aaral. Ang mga ito ay

katulad ng mga pangunahing asignatura na kinukuha ng mga mag-aaral sa

kolehiyo, bagama't idinisenyo ang mga ito na hindi gaanong kumplikado kaysa

sa kanilang mga katapat sa kolehiyo upang matulungan ang mga estudyante

ng Senior High School sa pagpili ng kanilang mga kursong gusto kuhanin para

sa kolehiyo. Ang ilan sa mga espesyalisadong asignatura sa kursong humss ay:


- Introduction to World Religions

- Disciplines in Social Sciences

- Trends, Network and Critical Thinking in the 21st Century

- Philippine Politics & Governance

- Disciplines in Applied Social Sciences

- Creative Writing

- Creative Nonfiction

- Community Engagement, Solidarity and Citizenship

Dahil sa mga espesyalisadong mga asignatura na ito, ang mga mag-

aaral sa HUMSS ay nagkakaroon ng kinakailangang kaalaman at kasanayan sa

pagdadala ng positibong pagbabago sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga

teorya at konsepto ng agham panlipunan, mga realidad na nakabatay sa

komunidad, pag-aaral ng kultura, lipunan at pulitika, pagtalakay sa mga isyung

moral. Gamit ang iba't ibang midyum ng pakikipag-ugnayan ng tao, ang mga

mag-aaral sa HUMSS ay nagkakaroon din ng kanilang kakayahang makipag

komunikasyon sa paggamit ng mga wikang Ingles at Filipino dahil sila ay

inaasahang makagawa ng literary, research-based, performance-based,

academic at digital outputs.

B. Paglalahad ng Suliranin

Sa paksang ito ang mga mananaliksik ay humaharap sa mga suliranin na:

1. Ano ang Student Propayl ng mga respondente ayon sa mga sumusunod:


- Baitang at Seksyon

- Kasarian

- Edad

2. Anu-ano ang mga Espesyalisadong mga Paksa na napakaloob sa career

track o learning strand na Humanities and Social Sciences at bakit

kailangan ng Implementasyon nito sa career track o learning strand ng

mga mag-aaral?

3. Paano makakatulong sa mag aaral ng Humanities and Social Sciences

ang implementasyon ng Espesyalisadong mga Asignatura na

nakapaloob sa kanilang career track o learning strand?

4. Anong mga dapat isaalang alang ng mga mag aaral sa pag-aaral ng

Espesyalisadong mga Paksa at ano ang maaring maging implikasyon nito

sa pagkatuto ng mga mag aaral ng Humanities and Social Sciences?

K. Paglalahad ng Layunin

Sa paksang ito ang mga mananaliksik ay magbibigay layunin sa mga suliraning

kinakaharap:

1. Malaman ang student propayl ng mga respondente.

2. Mailahad ang mga espesyalisadong mga paksa na nakapaloob sa strand ng

Humanities and Social Sciences.

3. Malaman ang mga dapat na isa-alangalang ng mga mag-aaral sa pag-aaral

nito.

4. Matukoy kung may epekto ang pagkakaroon ng espesyalisadong mga

asignatura sa mga mag-aaral sa ilalim ng Humanities and Social Sciences.


D. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang paksang ito ay may epekto sa mga sumusunod:

Para sa mga Mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa

mga estudyante na malaman kung paano nakakaapekto ang mga

espesyalisadong paksa sa kanilang pag-aaral. Maari nilang matukoy kung alin

sa mga paksang ito ang nagbibigay ng pinakamalaking tulong sa kanilang pag-

unlad at kung paano nila mas mapapakinabangan ang kanilang oras at

pagsisikap sa pag-aaral. Bukod dito, ang mga resulta ay makakatulong sa kanila

na maghanda ng mas mahusay para sa mas mataas na antas ng edukasyon at

mga hinaharap na propesyon.

Para sa mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng mahalagang

katugunan o puna tungkol sa bisa ng kanilang pagtuturo ng mga

espesyalisadong paksa. Malalaman nila kung anong mga estratehiya ang

epektibo at kung saan kailangan ang karagdagang pagsasaayos. Ang

impormasyon na ito ay makakatulong sa kanila na mapabuti ang kanilang mga

pamamaraan ng pagtuturo at mas mahusay na matugunan ang mga

pangangailangan ng kanilang mga estudyante.

Para sa mga Opisyal ng Paaralan. Ang magiging resulta ng pananaliksik

na ito ay magbibigay ng gabay sa pagpapatupad at pagpapabuti ng mga

kurikulum. Malalaman nila kung ang kanilang mga programa ay epektibo at

makakakuha sila ng datos na magagamit sa paggawa ng mga desisyon

tungkol sa pagpapaunlad ng mga patakaran. Ito ay makakatulong sa

pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng kanilang institusyon.


Para sa mga Magulang. Ang ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng

mas malinaw na pananaw kung paano nakakatulong ang mga

espesyalisadong paksa sa pag-unlad ng kanilang mga anak. Malalaman nila

kung anong mga aspeto ng pag-aaral ang may malaking epekto at kung

paano nila masusuportahan ang kanilang mga anak sa kanilang akademikong

pagganap. Ang kaalaman na ito ay makakatulong sa kanila na maging mas

aktibong bahagi ng edukasyon ng kanilang mga anak.

E. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay my pamagat na Epekto ng Implementasyon

ng Espesyalisadong mga Asignatura sa Pag-aaral ng mga Estudyanteng may

kursong HUMSS sa paaralang ACLC - College of Manila sa taong panuruan 2024-

2025.

F. Katuturan ng mga Salitang Ginamit

Career Track - Ito ang pinipiling direksyon ng isang mag-aaral sa senior

high school na maghahanda sa kanya para sa kanyang nais na propesyon o karera sa

hinaharap.

Learning Strand - Ito ang mga iba't ibang larangan ng pag-aaral na

kasama sa kurikulum ng senior high school.

Senior High School - Ito ang huling dalawang taon ng mataas na

paaralan, ang Baitang 11 at Baitang 12, kung saan pinaghahandaan ng mga mag-

aaral ang kanilang napiling landas o kurso sa kolehiyo o trabaho.


Literary - Tumutukoy ito sa pag-aaral at pagsusuri ng mga akdang

pampanitikan tulad ng tula, nobela, maikling kwento, at iba pa.

Research Based - Ito ang paraan ng pag-aaral na nangangailangan ng

pangangalap at pagsusuri ng impormasyon upang makabuo ng mga konklusyon at

rekomendasyon.

Performance Based - Ito ang paraan ng pagtatasa ng pagkatuto ng mga

mag-aaral batay sa kanilang aktwal na pagganap o pagpapakita ng kanilang mga

natutunan sa pamamagitan ng mga proyekto.

Digital Outputs - Tumutukoy ito sa mga likha o resulta ng gawain na

nagmumula sa paggamit ng teknolohiya, tulad ng mga video, website, at digital na

presentasyon.

Humanities and Social Sciences - Ito ang track o sangay ng pag-aaral sa

senior high school na nakatuon sa pag-aaral ng mga paksang may kaugnayan sa tao,

lipunan, kultura, kasaysayan, at pilosopiya.

You might also like