Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SEMI-DETAILED LESSON PLAN IN FILIPINO VI

I.Layunin

●nakapanonood nang may pang-unawa;

●nakapagtatala ng impormasyon o datos mula sa napanood; at

●nakapag-uulat tungkol sa pinanood.

II.Paksang Aralin

a.Paksa: Nakapag-uulat tungkol sa pinanood. (F6PD-IIIc-j-15)

b.Sanggunian: Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

c.Kagamitan: Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan

A.Panimulang Gawain

1.Pambungad na Panalangin

2.Pagbati sa klase

3.Pagtala ng liban at pagsasa-ayos ng klase

B. Balik Aral

1.Ano ang pagkaka-iba ng Katotohanan at Opinyon?

2.Ano-ano ang mga salitang maaaring gamitin sa paggawa ng pangungusap na katotohanan? Ano-
ano naman ang mga salita na maaaring gamitin para sa opinyon?

3.Magbigay ng isang halimbawa ng pangungusap na katotohanan at opinyon.

C. Paglalahad

1.Pagganyak

Ang mga mag-aaral ay maghahanda ng papel at pang-sulat upang itala ang mahahalagang
impormasyon na papanoorin sa isang balita na ipapakita ng guro. Matapos nito ay sasagutin ang mga
sumusunod na katanungan:

1.Ano ang paksa ng napanood na balita? Online games addiction

2.Ano-ano ang mga nausong online games na nabanggit sa napanood na balita?

3.Ayon sa balita, paano nilalaro ng mga kabataan ang larong DOTA?

4.Ano-ano ang mga naging epekto sa kabataan ng larong DOTA?


5.Ano ang mga nabanggit na epekto sa pag-uugali ng kabataan ang masyadong pagkahilig sa
paglalaro ng online games?

2. Pagtatalakay

●Ang pag-uulat ay isang mabisang paraan ng pagtalakay o pagbibigay ng impormasyon tungkol sa


isang paksa, aralin o gawain. Ito rin ay paraan ng paglalahad ng mga pag-aaral, pagsasaliksik at
pagsusuring ginawa tungkol sa mga bagay na nabasa, narinig, nasaksihan o napanood.

●Ang pag-uulat ay maaaring gawin nang pasalita o pasulat.

●Sa pag - uulat ng inyong napanood, kinakailangan mo ang detalye ng palabas. Maaaring gumamit ng
papel at bolpen upang mailista ang mga mahahalagang detalye at pangyayari sa kuwento na
pinanood o binasa.

●Narito ang ilang bagay na makatutulong sa mabisang pag-uulat:

1. Maging handa sa pag-uulat.

2. Pag-aralan ang paksa.

3. Mangalap ng impormasyon at magtala ng datos upang maging sapat ang kaalaman tungkol sa
paksa.

4. Bumuo ng balangkas.

5. Gumamit ng payak, wasto at angkop na salita upang maunawaan ang kaisipang nais ipabatid.

6. Magbigay ng mga halimbawang naaayon sa aktuwal na sitwasyon.

7. Gumamit ng angkop na estratehiya at kagamitan sa pag-uulat.

●Ang panonood ay proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video recording at iba pang
visual media. Lahat ng bagay ay maaaring matutuhan mo sa pamamagitan ng panonood. Ang
panonood ay nakapagdudulot sa isang indibidwal na magising ang kamalayan maaaring maging
inspirasyon at maging sandigan upang gumawa ng tama.

3. Pagpapahalaga

Bilang estudyante, ano ang kahalagahan ng pag-unawa sa mga pinapanood sa araw-araw?

4. Gawaing Pagpapayaman

Panoorin ang maikling kwento tungkol sa Aso at ang Uwak. Matapos panoorin, itala ang mga
sumusunod sa inyong sagutang papel.

1.Pamagat:

2.Tagpuan:
3.Pangunahing Tauhan:

4.Katangian:

5.Buod ng Kwento:

D. Paglalahat

1.Ano ang mga paraan sa mabisang pag-uulat?

2.Ano ang dalawang paraan ng pag-uulat?

3.Ano-ano ang mga maaaring gamitin o panoorin sa proseso ng panonood?

IV. Paglalapat

Panuto: Punan ang patlang ng pangungusap sa bawat bilang batay sa iyong natutuhan sa aralin. Piliin
mula sa kahon ang angkop na salita upang mabuo angdiwa ng bawat pangungusap. Isulat ito sa
sagutang papel.

1. Ang ___________________ay isang mabisang paraan ng pagbibigay ng iimpormasyon at


paglalahad ng mga pag-aaral o pagsusuring isinagawa. 2. Ang pag-uulat ay maaaring gawin sa
paraang pasulat o ___________________.

3-4. Upang maging sapat ang kaalaman tungkol sa paksa kinakailangan namangalap ng
___________________ at magtala ng ___________________. 5. Gumamit ng angkop na
___________________ at kagamitan sa pag-uulat.

You might also like