Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

2

Mother Tongue
Unang Markahan – Modyul 8:
Kuwento o Tula
Pagbibigay Buod sa Kuwento
Mother Tongue– Ikalawang Baitang
Self – Learning Module
Unang Markahan– Modyul 8:
Aralin 1 - Kuwento o Tula
Aralin 2 – Pagbibigay Buod sa Kuwento
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) naginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa ano mang
araan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Catherine E. Layda, Rogeleta C. Arillo, Farida M. Maas, Jasnia D.


Manampad, Flora Mae M. Porras
John A. Pagayon, Marie Fe Estilloso, Belina P. Agapito, Gina Kaye N.
Editor:
Barretto Rodelyn C. Martin, Diosa Marie B. Kasim

Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Agabai S. Kandalayang, Mary Ann B.


Barrientos, Mary Joy D. Bautista

Tagaguhit: Ericson D. Bello


Tagalapat: Ericson D. Bello, Allan T. Basubas
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina

Tagapamahala: Carlito D. Rocafort - Regional Director


Rebonfamil R. Baguio,- Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz - Schools Division Superintendent
Mario M. Dela Cruz - Assistant Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero - Assistant Schools Division
Superintendent Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr.- REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug- REPS, ADM
Leonardo B. Mission-REPS, MTB-MLE
Elpidio B. Daquipil-CID Chief
Juvy B. Nitura-EPS in charge of LRMS
Marcelo A. Bocatera - Division ADM Coordinator
Rebella S. Dulay – Subject Area Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

i
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa


ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng
iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang
bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit
ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-
aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi
ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa
bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat
ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa
mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit
wala sila sa paaralan.
Alamin
Maligayang araw sayo mag aaral! Kumusta ka sa
araw na ito? Natutuwa ako sa iyong naipamalas sa
nakalipas nating aralin. Ako ay nakakasiguro na
makakaya mo ulit ang mga gawain sa modyul na ito. Hilig
mo ba ang magbasa ng kuwento at tula? Alam mo bang
may pagkakaiba ang isang tula sa isang kuwento?
Alam mo rin ba kung paano ang pag-uugnay ng mga
ideya o kaisipan batay sa kuwentong nabasa.
Mauunawan din ang konsepto ng paggamit ng
grapikong pantulong upang makapag buod ng isang
kuwento.

Most Essential Learning Competency:


Sa modyul na ito, malalaman at maiintindihan mo
ang mga sumusunod na layunin:
Aralin 1 - Identify difference between a story and a
poem (MT2LC- If-4.40
Aralin 2 - Give the summary of a Story ( MT2L-li-i-2.5)

1
Aralin 1 Kuwento o Tula

Subukin
Panuto: Subukan natin ang iyong nalalaman sa mga
sumusunod na larawan. Piliin kung saan dito ang
halimbawa ng Kuwento o Tula.

Balikan

Panuto: Piliin at bilugan ang angkop na salita upang mabuo


ang mga sumusunod na mga panuto sa paaralan.
1. Itaas ang kanang (kamay, paa) kung nais mong sumugot.
2. Itapon ang iyong basura sa ( upuan, basurahan).
3. Maging (magalang, masungit) sa inyong guro.
4. (Makinig, mag-ingay) sa loob ng silid-aralan.
5. Panatilihing (malinis, marumi) ang inyong silid-aralan.

2
Tuklasin
Panuto: Suriin mo ang larawan at tukuyin kung ano ang
inilalahad nito.

Ang Gatas at ang Itlog

1. Tingnan ang hawak na larawan ng batang babae,


ano ang pamagat nito?

2. Ano naman ang pamagat na hawak ng batang


lalaki?

3. Matutukoy mo ba kung saan ang halimbawa ng


Kuwento at Tula sa dalawang larawan?

3
Suriin
Panuto: Gamit ang isang Venn Diagram alamin natin ang
kaibahan at pagakakatulad ng kuwento sa tula.

KUWENTO TULA

-binubuo ng mga
-binubuo ng saknong, ritmo,
talata taludtud at tugma
-ang
-naglalaman ng - at ang bawat
kwento at
tauhan, saknong ay binubuo
tula ay
tagpuan at ng taludtod na may
nagsasabi
pangyayari
ng isang salitang
-ito ay may salaysay magkatugma.
kompletong - -itoy
pangungusap ginagamit nagpapahayag ng
na may an ng emosyon
kompletong tayutay -may hindi
kaisipan.
kompletong bahagi
sa pinapahayag nito

Ang Kuwento ay binubuo ng talata. Ito ay may


tauhan, tagpuan at pangyayari. Ito rin ay may kompletong
pagungusap na may kompletong kaisipan. Ilan sa mga
halimbawa sa tanyag na mga kuwento ay ang Si Juan
Tamad , ang Ang Unggoy at Ang Pagong gayundin ang Si
Langgam at Si Tipaklong.

4
Ang tula tulad ng Ako ay may Alaga, at Ang Gatas at
ang Itlog ay binubuo ng mga saknong, ritmo at taludtod.
Malalaman mo na ito ay isang tula dahil bawat taludtod
nito ay may salitang magkatugma. Ang tula ay
pinapahayag ng may emosyon at may hindi kompletong
bahagi sa pinapahayag nito.
Ang kuwento at tula ay magkatulad na nagsasabi
ng isang salaysay.

Pagyamanin
Maitatama ko!
Panuto: Ating alamin ang iyong natutuhan ukol sa
pagkakaiba ng kwento sa tula. Sa gawaing ito
isulat ang salitang Tama o Mali sa patlang bago
ang bilang. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Ang kuwento ay nagpapahayag ng may
kompletong kaisipan.

2. Ang tula ay binubuo ng taludtod na may


salitang magkatugma.

3.Ang kuwento ay binubuo ng saknong, ritmo


at taludtud.

4. May tauhan, tagpuan at pangyayari ang


isang kuwento.

5. Ang tula ay pinapahayag ng may emosyon.

5
Isaisip

Panuto: Isulat ang salitang Kuwento o Tula sa mga


sumusunod ayon sa mga katangiang na nakatala. Gawin
ito sa sagutang papel.
1. Ito ay binubuo ng talata.
2.Binibigkas ng may emosyon.
3. Ito ay may tauhan, tagpuan at pangyayari.
4.May kompletong pangungusap at
kompletong kaisipan.
5.Binubuo ng taludlod na may salitang
magkatugma.

Isagawa
Panuto: Isulat ang angkop na salita sa patlang upang
mabuo ang mga pangungusap. Piliin ang wastong
sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa sagutang
papel.

kuwento magkakatugma saknong


tagpuan tula

1. Ang tula ay binubuo ng ,ritmo at taludtod.

2. Ang kuwento ay binubuo ng tauhan, at


pangyayari

3. Ang Tula ay binubuo ng mg taludtod na may


mgasalitang .

6
4. Ipinapahayag ang ng may emosyon

5. Ang ay may kompletong pangungusap na


may kompletong kaisipan.

Tayahin
Panuto:Basahin ang mga salita na nasa kahon. Piliin kung ito
ay nabibilang sa kuwento o sa tula. Isulat sa
nakalaang kahon ang mga sagot. Gawin ito sa
sagutang papel.

pangyayari talata

tauhan tugma saknong

KUWENTO TULA
1. 1.
2. 2.6
3.

Karagdagang Gawain

Panuto: Magtala ng isang pamagat ng iyong paboritong


Kuwento at tula . Gawin ito sa sagutang papel.
7
Aralin 2 Pagbibigay Buod sa Kuwento

Subukin
Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga
sumusunod na tanong. Bilugan ang letra ng
iyong sagot at Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

Sina Marilou at Mario


Magkapatid sina Marilou at Mario. Palagi silang naglalaro
sa bahay. Ngunit nag-aaway sila dahil nag aagawan sila ng
palabas sa TV. Napagalitan tuloy sila ng Nanay. Naging
malungkot na silang dalawa, mahal kasi nila ang isa’t isa. Naisip
ni Marilou na makipagbati na sa kanyang Kuya. Binigyan niya
ito ng matamis na mansanas. Pinagluto naman ni Mario si
Mariloung kanyang paboritong hotdog. Sa wakas nagkabati
narin sila. Masaya naulit silang nanonood ng TV.

1. Sinu-sino ang magkapatid sa kuwento?

A. Malou at Mario
B. Mena at Maria
C. Marilou at Mario

2. Saan sila naglalaro?

A. paaralan
B. bahay
C. parke

8
3. Bakit sila nagkagalit?

A. Nag-aagawan ng palabas sa TV
B. hindi pinahiram ng laruan
C. dahil sa pagkain

4. Ano ang naramdaman nila nang magkagalit sila?

A. galit
B. malungkot
C.masaya

5. Ano ang ginawa ni Marilou upang magkabati sila


ni Mario?

A. Pinagluto ni Marilou si Mario ng Pansit


B. Pinakain ni Marilou sa Mario ng hotdog
C.Dinalhan ni Marilou si Mario ng Mansanas

Balikan
Panuto: Pag-ugnayin ang mga diwa na nasa Hanay A na
katumbas nito sa Hanay B. piliin ang titik ng iyong
sagot. Gawin ito sa sagutang papel.

9
Hanay A Hanay B

1. makyat ng puno si A. Masakit ang


Alvin Maya-maya kanyang ngipin
may lumagabog.
B. Hihingi siya ng
2. Dadalhin ni
tulong sa kanyang
nanay si Marina
guro
sa Dentista.

3. Nakatanggap C. Nahulog siya sa


ng medalya si puno
Polpol
pagkatapos ng D. Palagi siyang
klase. nag- aaral ng
4. Gising na ang kaniyang
sanggol. Umiiyak aralin
ito.
E. Nagugutom
5. Nahulog ang bag
ni DJ sa kanal sa na siya F.lumiliban
gilid ng paaralan.
lagi sa klase

10
Tuklasin

Hanapin Mo ako!

Panuto: Hanapin ang mga salita sa ibaba at ikahon ito sa


puzzle. Gawin ito sa sagutang papel.

tauhan problema wakas buod pamagat


T t a t a g p u a n b a
A p s p l r a p m i u g
U a w t o a g a i o t i
H m r e a p a m a g a t
A e t w s i l i o g t n
N t o a t k o t u i a a
T g s d a o d e s t g g
A h i i r o s e t h b t
U u m p r o b l e m a n
H k u w e n t o f g y e
O k l w y o p u t n g p
P p a b u o d p r o p l

11
Suriin

Buod- pagsasalaysay ng mga pangyayari na naganap sa


isang kwento sa paraang mas madali itong
maiintindihan ng mga mambabasa.
May mga hakbang din tayong sinusunod sa
pagbubuod. Basahin natin at unawain.

Mga hakbang sa pagbubuod

1. Basahin at unawaing mabuti ang binasa o


pinakinggan.

2. Alamin ang kasagutan sa mga tanong na ano,saan,


sino, kailan, at bakit.

3. Iwasan ang pagdaragdag ng sariling opinyon.


4. Ilahad ito sa maliwanag at magalang na
pamamaraan.

5. Gawing payak at tuwiran ang paglalahad

Pagsipat sa balangkas ng kwento

1. Tagpuan-tumutukoy ito sa kung saan at kailan


nanagyari ang kuwento.

2. Tauhan- mga tauhan o nagsiganap sa kuwento

3. Banghay- batayang nilalaman ng kwento na


nagpapahayag ng mga sumusunod:

12
Pagyamanin

Tukuyin Mo Ako!

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mg tanong.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Si Lily at Ramon
Si Lily at Ramon ay matalik na magkaibigan. Tuwing
hapon ay nagpapalipad sila ng saranggola sa bukid. Isang
araw, habang sila ay masayang nagpapalipad ng saranggola
biglang naputol ang tali ng saranggola ni Lily. Sa
kadahilanang hindi matibay ang ginamit niyang pantali dito.
Umiyak si Lily. Agad naman siyang tinulungan ni Ramon.
Inayos ni Ramon ang saranggola ni Lily at nang naayos na ito
ay masaya ulit silang nagpalipad ng saranggola.

1. Sino ang magkakaibigan?


2. Ano ang ginagawa nila?
3. Anong nangyari sa saranggola ni Lily?
4. Anong ginawa ni Ramon?

13
Isaisip
Panuto: Basahin ang maikling kuwento at piliin ang sagot
sa loob ng kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

Buod grapiko kuwento

Ang (1) ay pagsasalaysay ng


pangyayari sa isang kwento.Maaari ring gumamit
ng (2) pantulong para mas madali ang
pagkakasunod ng pangyayari sa kuwento.

Isagawa

Panuto: Basahin ang maikling kuwento sa kahon. Sagutin


ang tanong na sa baba at ilagay ang sagot sa
bilog.
.

Si Roy
Si Roy ay isang batang masipag.
Maaga siyang gumigising upang
tumulong sa Nanay sa mga gawaing
bahay.

Anong uri na bata si Roy?

14
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang maikling kwento sa loob
ng kahon. Sagutin ang mga tanong at ilagay ang
sagot sa loob ng bilog. Gawin ito sa sagutang
papel.

Si Rumi
Si Rumi ay mahilig magtapon ng basura kung
saan-saan. Kahit may basurahan na sa tabi niya, hindi
parin niya ito ginagamit. Bumara tuloy ang kanal sa
kanilang lugar. Isang gabi, habang siya ay mahimbing
na natutulog, bumuhos ang napakalakas ng ulan.
Paggising niya, laking gulat niya. Ang basurang
kaniyang tinapon ay nasa loob ng kanilang bahay.
Paghupa ng baha, kinuha ni Rumi ang walis at
tumulong sa paglilinis ng kanilang bahay at kanilang
paligid. Mula noon hindi na siya nagtapon ng basura
kung saan-saan.
Pamagat Tauha
n

Anong nangyari
habangnatutulog
si
Rumi?

Anong ginawa
Paggising niya
ano nakita niya paghupa ng
niya? baha?

15
Karagdagang Gawain
Panuto: Basahin ang kuwento at Sagutin ang
mga tanong. Gawin ito sa sagutang papel.

Si Lila
Pauwi na si Lila mula sa paaralan ng datnan siya
ng isang malakas na ulan. Habang naghihintay siya ng
masasakyang traysikel ay may isang babaeng walang
payong. Pinasukob ni Lila sa payong ang babae
hanggang sa makasakay sila ng traysikel.
Nagpasalamat ang babae sa ginawang kabutihang
1. Sino ang nadatnan ng malakas na ulan?
loob ni Lila.
2. Ano ang sasakyang hinihintay niya?
3. Anong ginawa ni Lila sa babaeng walang payong?

16
Susi saPagwawasto
Aralin 1

Aralin 2

17
Sanggunian
https://creately.com/diagram/example/hkhprsdx/simil
arities+and+differences+between+Short+story+and+Po
em

MTB grade 2 Curriculum guide page 91

MTB grade 2 Learners Material page 21

https://www.slideshare.net/mobile/RochelleNato/pag
buo-pag-uugnay-at-pagbubuod-ng-mga-ideya

Pado, Felicutas. Getting the Main Idea: A Seminar


paper,1946
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon,
RehiyongSOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang
pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na
kagamitan nagagamitin ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula
sa taong panuruan 2020-2021. Ang prosesong paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng
modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento
at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawagsa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like