Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Name: __Janah Via T.

Albarico__ Year & Section: __OVIII-3BFE__

2GED-LITT 02: CONTEMPORARY LITERATURE

Slam Poetry

Liham ng Bayaning Hindi Hinirang

Pilipinas, oh mahal kong bansa,


Ako sana'y patawarin sa aking pagkawala,
Bansa ay mahal ngunit dala nito'y hirap,
Sa aming mga guro na ang pangarap
Ay makatulong sana sa ating bansa.

Edukasyon ay pundasyon para sa maunlad na nasyon,


Ngunit bakit ito'y 'di inaalintala ng mga namamahala,
Kapudyot na pondo ay inilalaan,
Kaya kaming mga guro ay nahihirapan,
Na maibigay ang kalidad na pagkatuto sa mga kabataan.

Pagtuturo ay nakapagandang propisyon


Sapagkat ikaw ay makatutulong
Na hubugin ang mga isipan, damdamin at kakayahan,
Ng mga batang pag-asa ng ating bayan.
Tagumpay nila'y tagumpay rin namin.

Ngunit paano namin matatagalan


Ang tungkuling aming sinumpaan,
Kung ang sweldo ay katamtaman lamang,
Ngunit ang gawain ay tambak naman.
Nasa'n ang katarungan?

Apoy namin sa pagtuturo ay nawala,


Sapagkat sa dami ng pinapagawa,
Papeles sa kanan, koordinaytorship sa kaliwa,
Pagtututuro ay minsa'y nakalilimutan na,
At kung magtuturo man, kaunting oras na lamang ang nailalaan.
Overtime ay di na bago sa amin
Sapagkat gawai'y sa bahay ay babaunin,
Kahit weekends na oras ng pagpapahinga ay kukunin.
Daig pa namin ang mga regular na manggagawa,
At least, sila pag OT sa trabaho, sweldo ay madadagdagan pa.

Ang nais lang naman namin kami ay pahalagahan,


‘Di na bilang indibidwal ngunit bilang mga manggagawa ng bayan.
Nang maramdaman din namin na kami ay mahalaga
At ang aming pagod at hirap ay masuklian.
Nais lang naman naming kami ay pahalagahan.

Pilipinas, aming inang bansa


‘Wag mo sanang isipin na ika'y aming binabaliwala,
Sa aming paglisan sa bansa upang maghanap nang mas maunlad na pastulan.
Ang nais lang namin ay makausad sa buhay
At ang pamilya naming ay mabigyan ng magandang kinabukasan.

Wag kang mag-alala, inang bansa,


Sa aming paglisan, dala namin iyong tatak,
Ika'y ipagmamalaki at 'di ipahihiya,
Sa bansang banyaga, tungkulin nami' y gagampanan,
Ang hubugin ang kabataan bilang pag-asa ng bayan.

You might also like