Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Haring Kobra

Isang Paalala ni Jes Felipe

Ang taginting ng mga nag-uuntugang basoas ang sigla ng mga biruan na


sinasaliwan ng tawanan... umaagos ang "San Miguel" at umuusok ang pulutan.

Kay saya ng salu-salong iyon. Matama kong pinagmamasdan ang pitlag ng


buhay sa mukha ng bawat: naroroon. Tagay, kuwentuhan, biruan... Ang sandaling ito
ay larawan ng karanasan, Paminsan-minsan nga lamang magkatipun-tipon ang mga
manggagawa at mga superbisors sa mga pagkakataong katulad nito.

Saglit kong napag-ukulan ng pansin si Mang Berto. Umaagos ang bula sa


kanyang baso. Mamula-mula na ang kanyang dalawang pisngi. Nawawalan ng preno
ang pagbigkas niya ng mga salita.

"Wala ni isa man sa inyo ang makakagamay sa makinang hawak ko," ang sabi
niya. "Anim na taon ko nang hinahawakan iyon. Kung pagalingan ang pag-uusapan
hindi na ako kailangan pang pagsabihan ng dapat kong gawin. Maski nakapikit kaya
kong paandarin ang makinang iyon. At tapos agad ang trabaho."

May pasaring ang kanyang tinuran habang pasulyap-sulyap siya sa aming


kinauupuan. Kahapon nga pala ay nabati ko ang kanyang padalus-dalos na
paggawa. Hindi niya tinanggap ng mabuti ang paalalang iyon. Bago nga naman
akong pasok nasuperbisor. Katatapos ko pa lamang sa kolehiyo at wala pang sapat
na karanasan. Subalit siya' y matanda na sa planta. Dito na tinubuan ng makapal na
kalyo ang kanyang paa.

Si Mang Berto, ang pinakamahusay na operator sa aking area.


Pinagkakaguluhan siya ng araw na iyon. Naalaala ko pa ang duguan sa klinik.
Magkahalong hapdi at pagsisisi ang namasdan sa kanyang namumutlang mukha.
Durog ang buto ng dalawa niyang kamay. Saglit din akong natigilan at wala akong
nagawa kundi ang mahabag habang lumalayo ang ambulansiyang maghahatid sa
kanya sa ospital.
Ilan kayang tulad ni Mang Berto ang nawawalan ng pag-iingat dahilan sa
matagal na karanasan sa paghawak ng makina. At ilan kaya sa kanila ang tulad
niyang mawawalan ng kamay?

Matagal ko ring nakalimutan ang tagpong iyon. Nagbalik ito sa aking gunita
nang mamasdan ko ang kagulat-gulat na Haring Kobra sa Alabang Snake Farm.
Mabalasik ang kanyang mga mata. Sumisingasing iyon habang tinatawanan lamang
siya ng ekspertong tagapamahala ng Snake farm.

"Maganda ang Kobra kahit na mabalasik ang anyo," ang sabi ng


tagapamahala. "Hindi mahirap hawakan."

Ipinaliwanag niya kung papaano ang paghuli sa kobra. Kung papaano ang
pagkuha ng anti-venom sirum sa pamamagitan ng herenggilya. Nabanggit niya na sa
loob ng sampung taon niyang paghuli ng ahas ay nahawakan na niya ang lahat ng
mabalasik na ahas sa Pilipinas. Ang himig na kanyang pananalita ay punung-puno ng
sigla at lubos na tiwala sa kanyang sarili.

Sinamahan niya kami sa kulungan ng mga Kobra. Doon ay ipakikia niya ang
paghuli ng Kobra. Pinasok niya ang kulungan. Niligid niya ang Haring Kobrang
nagulantang sa pagpapahinga. Nakataas ang ulo niyon. Malapad at mabalasik na
nakatingin sa kaniya. Sinagilahan kami ng takot.

"Hindi mapanganib ito basta alam mo ang technique" sabi ng tagapamahala.

Ipinamalas niya ang kanyang kakayahan sa paghuli ng kobra, Marahas niyang


nilapitan iyon. Hinihintay niyang sumalakay sa kanya ang Kobra bago niya dadakmain
iyon.

Pumuslit ang Kobra sa pagkakatayo. Mabilis ang mga kamay na sumalubong sa


gumagapang na kamatayan. Sa isang iglap napúno ng pangamba ang lahat ng
nanonood. Bumaon ang dalawang matalas na pangil ng Kobra sa braso ng
tagapamahala.

Mabilis niyang iniwaksi iyon at tahimik na lumabas sa kulungan.


"Huwag kayong mabahala," ang sabi niya. "Madaling malunasan ito ng aking
Snake Bite Kit."

Subalit gayon na lamang ang sindak nang makita niya ang Snake Bite Kit na
walang laman at pulos kalawang. Ang ekspertong tagapamahala ay naging
dalubhasa sa gawain subalit nawalan ng kaukulang pag-iingat. Unti-unting lumalabo
ang kanyang paningin. Gumapang ang pamamanhid sa kanyang laman. Nabulid siya
sa isang malagim na kamatayan.
Panuto: Sumulat ng isang tekstong naratibo na hindi bababa sa 200 na salita at hindi
lalagpas sa 500 na salita. Pumilili ng isang awitin na magiging paksa sa ibaba at
bumuo ng sariling pamagat. Magiging batayan sa pagsulat ng tekstong naratibo ang
tungkol sa nilalaman at kaisipan ng awitin.

Mga Mungkahing awitin:


1. ANAK ni Freddie Aguilar
2. HAWAK KAMAY ni Yeng Constantino
3. MAGDA ni Gloc9
4. MANG JOSE ni Parokya ni Edgar

You might also like