Filipino 4 Nagagamit Nang Wasto Ang Pang Uri Lantay Pahambing Pasukdol Sa Paglalarawan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Daily Lesson Log

Asignatura Filipino Antas 4

Marka
Petsa/Oras 2
han

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG Ang mag-aaral ay naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
PANGNILALAMAN pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
B. PAMANTAYANG PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakabibigkas ng tula at iba’t ibang pahayag nang may
damdamin, wastong tono at intonasyon.
C. KASANAYAN SA PAGKATUTO Ang mag-aaral ay nagagamit nang wasto ang pang-uri (lantay, pahambing,
pasukdol) sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay at pangyayari sa sarili o sa
ibang tao, katulong sa pamayanan).
F4WG-IIa-c-4

Integrasyon:
Filipino 4 (F4WG-Ia-e-2)
- Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa
sarili at ibang tao sa paligid
Agrikultura 4 (EPP4AG-0a-1)
- Naisasagawa ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang
ornamental/gulay bilang isang pagkakakitaang gawain
Agrikultura 4 (EPP4AG-0a-2)
- Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental para
sa pamilya at sa pamayanan.
II. NILALAMAN Wastong Paggamit sa Pang-uri
III. KAGAMITANG PANTURO
A. SANGGUNIAN
1. PAHINA MULA SA TG 106-107
2. PAHINA MULA SA LM 51-52
3. PAHINA MULA SA Hiyas sa Wika 4, pah. 132-133, 159
BATAYANG AKLAT

4. KARAGDAGANG
KAGAMITAN MULA SA
LR PORTAL
B. IBANG PANG KAGAMITANG Filipino 4 SLM Kwarter 2 – Modyul 3; MELCs p. 368
PANTURO Mga larawan mula sa Google, Video clips
IV. PAMAMARAAN
A. BALIK-ARAL SA NAKARAANG Panalangin
ARALIN
Ipakanta ang “Ako ay Nagtanim”
https://youtu.be/vK1z6-3EHyg

Basahin ang sumusunod na mga pangungusap.


- Ako ay nagtanim ng kapirasong luya.
- Hinog na papaya ang aking napitas.
- Bumagsak sa lupa ang magandang dalaga.
Itanong:
- Pansinin ang mga salitang may salungguhit, ano ang tawag sa mga ito?
- Ano ang pangngalan?
* Integrasyon sa Filipino 4: Pangngalan
B. PAGHAHABI SA LAYUNIN NG Ipakita ang tsart ng mga pangngalan.
ARALI
Itanong: Ano ang mga salitang naglalarawan sa pangngalan sa pangungusap?
Pangngalan Mga Salitang Naglalarawan sa Pangngalan
luya kapiraso
papaya hinog
dalaga maganda

Paghahawan ng balakid
pagkabagot pandemya malago naimpok nahikayat
C. PAG-UUGNAY NG MGA Tumawag ng mag-aaral at ipabasa ang talata.
HALIMBAWA SA LAYUNIN NG Integrasyon: Agrikultura 4: Pakinabang ng Pagtatanim ng halaman
BAGONG ARALIN
Pagkain sa Bakuran

Nagtanim ng mga halamang gulay ang mag-anak na Reyes upang


maiwasan ang pagkabagot na dulot ng pandemya. Katulong ang kanilang mga
anak ay matiyaga nialng inaalagaan ang kanilang mga pananim kaya naman ay
malago ang tubo ng mga ito. Masarap tingnan ang mabeberdeng mga dahon
lalo na s aumaga. Nalalanghap din nila ang sariwang hanging dala ng kanilang
mga pananim. Hindi na rin nababagot ang kanilang mga anak dahil abala sila
sa kanilang munting halamanan. Malaki rin ang naimpok ng kanilang mag-anak
dahil hindi na sila bumibili pa sa palengke ng mga gulay. Pinipitas na lamang
nila ang mga ito sa kanilang bakuran. Tinagurian ng kanilang mga kapitbahay
na “pagkain sa bakuran” ang kanilang hardin at nahikayat na rin silang
magtanim sa kani-kanilang mga bakuran. Natuwa naman ang kannilang kapitan
nang dumalaw ito sa kanilang purok kaya ipinag-utos nito sa buong barangay
na gayahin ang kanilang ginawa.

Itanong:
- Sino ang tauhan sa kuwento?
- Ano ang ginawa ng mag-anak na Reyes upang maiwasan ang pagkabagot?
- Ano ang mabuting hatid ng hardin sa mag-anak na Reyes?
- Maganda ba ang ginawa ng mag-anak na Reyes?
- Ginagawa nyo rin ba ito sa inyong mga bakuran?
D. PAGPAPAKITA NG MGA Ipabasa ang mga sumusunod:
HALIMBAWA AT matiyaga malago sariwa mabeberde munti malaki natuwa
PAGLALAHAD NG BAGONG
KASANAYAN #1 Itanong: Ano ang tawa sa mga salitang ito?

Sabihin:
- Ang pang-uri ay tumutukoy sa mga salitang naglalarawan sa
pangngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
- Maaari rin itong magbigay turing sa isang panghalip.

Pansinin ang mga pang-uri sa pangungusap.


- Matiyagang dinidiligan ni Penny ang mga halaman araw-araw.
- Mas sariwa ang bagong pitas na gulay kaysa nabibili sa palengke.
- Pinakamalaki sa mga ining gulay ni Mang Pilo ang kalabasa.
Talakayin ang mga antas ng pang-uri

1. Lantay – walang ipinaghahambing na dalawa o maraming bagay


Halimbawa: maganda, mataas, mabigat, mahinahon
2. Pahambing – may ipinaghahambing na dalawang pangngalan
Halimbawa: mas maliit, magkasing-lapad, mas masaya
3. Pasukdol – nagpapakita ng pangingibabaw sa lahat
Halimbawa: pinakamatalino, pinakamatapang, pinakamalaki

Magpabigay ng iba pang halimbawa ng pang-uri ayon sa antas nito.


E. PAGPAPAKITA NG MGA Pangkatang Gawain
HALIMBAWA AT Hatiin ang mga bata sa 3 pangkat.
PAGLALAHAD NG BAGONG
KASANAYAN #2 4Ps sa Pangkatang Gawain
Pagtitiwala sa kakayahan ng bawat isa.
Pagpapalitan ng kuro-kuro.
Pagkakaisa sa lahat ng gawain.
Pagtutulungan ng bawat kasapi.

Pamantayan sa Pagmamarka
Iskor
Pamantayan
5 3 1
1. Nasagot nang tama ang gawain.
2. Naisulat nang malinaw ang awtput.
3. Nagtutulungan ang lahat ng kasapi sa paggawa ng awtput.
4. Natapos ang gawain sa takdang oras.
5. Malinaw ang pagkakaulat ng pangkat
Kabilugan

Unang Pangkat
Salungguhitan ang pang-uri na ginamit sa pangungusap.
1. Bago ang sapatos ni Martin ngayon.
2. Maliit lang ang kinita ni Joni sa pagbebenta na kakanin kahapon.
3. Matangkad ang kapatid na babae ni Jake.
4. Mura ang mga bilihin sa saudan.
5. Mataas ng presyo ng gasolina ngayon dahil sa gyera sa Ukraine.

Ikalawang Pangkat
Piliin sa kahon angkop na pang-uri na kukumpleto sa pangungusap. Isulat ang
antas nito sa patlang bago ang bawat bilang.
__________ 1. _____________ ang kotse ni Jared kaysa sa sasakyan ni Lloyd.
__________ 2. Ipinanganak sa magparehong taon sina Liza at Karen. Sila ay
__________
__________ 3. Ang buhok ni Lola Felicia ay ____________ ng balahibo ng
tupa.
__________ 4. Naku! ______________ na ng presyo ng mga bilihin ngayon.
__________ 5. Ayon sa PAGASA, ____________ daw ang bagyong darating.
magkasing-edad kasimputi mas magara malakas
napakataas

Ikatlong Pangkat
Sumulat ng 5 pangungusap gamit ang mga ibinigay na pang-uri. Gamitin ang
tatlong antas ng pang-uri.
1. sikat (lantay)
2. mahusay (pasukdol)
3. masustansya (pahambing)
4. tangkad (pahambing)
5. matamis (pasukdol)
F. PAGLINANG SA KABIHASAAN Pag-uulat ng bawat pangkat.
(TUNGO SA FORMATIVE
TEST)
G. PAGLALAPAT NG ARALIN Ano ang inyong naramdaman ng kayo’y muling magbalik-eskwela pagkatapos
ng halos dalawang taon? Ipaliwanag gamit ang mga antas ng pang-uri.
H. PAGLALAHAT NG ARALIN Ano ang pang-uri?
Ano ang mga antas nito?
I. PAGTATAYA NG ARALIN Salungguhitan ang pang-uri sa pangungusap. Isulat ang antas nito sa patlang.
________ 1. Kasinghusay ni Danilo si Danny sa paglalaro ng basketbol.
________ 2. Si Jasmin ang pinakamatalinong mag-aaral sa klase ni Bb. Arceo.
________ 3. Mahaba ang pila ng mga benepisyaryo ng 4Ps sa bangko.
________ 4. Malinaw ang pagkakaulat ni Mariz ng kanyang takdang aralin.
________ 5. Maghilamos ka nga! Napakadumi ng mukha mo.
J. KARAGDAGANG GAWAIN Takdang Aralin:
Sumulat ng maikling talata tungkol sa pagkakaiba ng inyong pamumuhay noong
bago magkapandemya sa pamumuhay ng inyong pamilya ngayon. Gamitin ang
mga antas ng pang-uri.p

You might also like