Affidavit of Mr. Marco Polo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines )

Province of Rizal ) s.s


Municipality of Masbate )

SINUMPAANG SALAYSAY

AKO SI, MARCO POLO y De Deos, 27 TAONG GULANG, IPINANGANAK


NOONG IKA-23 NG SITYEMBRE 1995, MAY KINAKASAMA, MOTORSHOP STORE
OWNER AT KASALUKYANG NANINIRAHAN SA JICA-HIGHWAY, BRGY LUBO,
JALAJALA RIZAL; NA MATAPOS MAKAPANUMPA SA BAGONG SALIGANG BATAS
AY NAGSASAAD GAYA NG MGA SUMUSUNOD;

Na, noong ika-16 ng Hunyo 2024 ang oras humigit-kumulang alas 1:00 ng
madaling araw habang minamaneho ko aking sasakyan na isang Mitsubishi lance,
sedan, kulay puti na may plakang PSJ 903 nakarehestro kay G. GIVESTRE III
GUEVARA, ng Brgy Niugan, Malaya Pililla Rizal at ipinarada ko ito sa bahaging gitna ng
daan sa lugar ng Jica-Highway, Brgy Lubo, Jalajala Rizal at mga ilang saglit ay may
nagovertake na isang single na maotorsiklo na isang Yamaha Mio at nang ito ay
makalampas sa akin ay tumigil ito sa madilim na bahagi na may anim na metro (6
meters) mula sa aking ipinaradang sasakyan at bumaba ang sakay nito at naglakad
patungo sa aking sasakyan na habang umaandar ang aking sasakyan at nakailaw pa
ito ay pinatay ng mga hindi ko nakilalang tao ang makina nito at pagkatapos ito ay
pinaputokan ng dalawang sunod ang bintana nito sa kaliwang bahagi;

Na, matapos magpaputok ng dalawang sunod ako ay kinompronta ng nasabing


tao at nagkaroon po kami ng pagtatalo at nagpaliwanag po ako sa kanya habang
nakataas po ang aking kamay at habang na andon din po ang aking kumpare na si
WARREN RODRIGUEZ ay narinig din niyua ang aking mga sinabing “ SIR PASENSYA
NA PO AT KUNG MAY NAGAWA NAMAN PO AKO NA MALI HUMIHINGI PO AKO
NG DESPENSA” at matapos ko po itong masabi ay narinig ko po sa kasama nito na
angkas niya sa motor na paputokan po ako at ako nga po ay pinutakan sa aming
harapan ng tatlong sunod at pagkatapos po noon ay umalis na ang mga ito sakay ng
kanilang motor patung sa direksyon ng Mabitac Laguna;

Na, noong makaalis na sila akin pong tinangal ang aking nakaparadang
sasakyan sa gitna ng kalsada at dumiretso po ako sa basketball court ng Brgy Lubo at
humingi ng tulong sa aking mga kabarangay at aming kapitan at agad po na nagtawag
sa Himpilan ng Pulisya, Jalajala Rizal;

Na, makalipas po ang mahigit pitong minuto ay bumalik po ako sa highway at


doon ang nasabing suspek ay muling dumaan sa harap naming at nagpaputok ulit mg
isang bises habang may kasabay na itong SUV na kulay puti na may carrier na kulay
itim na kapwa patungo sa direksyon ng Jalajala town proper; at matapos iyon ay
dumating na po si kapitan. Boy Zalgatar ng Brgy Lubo, Jalajala Rizal;

Na, ginawa ko ang salaysay na ito upang maging batayan sa aking mga
isinalaysay;

Na, ginawa ko ang salaysay na ito bilang patunay na lahat ng aking sinabi ay
pawang katotohanan lamang at walang halong pagaalinlangan;

Na, ang salaysay na ito ay ginawa ko ng walang halong pamimilit o pagbibigay


ng pabuya sa akin;

At dahil dito ako ay lalagda sa ibabaw ng aking pangalan ngayong ika-16 ng


June 2024 dito sa Jalajala Rizal;

Nilagdaan sa harap nina; __________________ _______________________


PINANUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika ____ ng June 2024
dito sa Jalajala Rizal.

SAKSI ANG AKING LAGDA AT SELYONG PANATAK:

You might also like