Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

JOY: Basta't huwag kang lalabas hanggang hindi ko sinasabi sa 'yo!

[Pupunta si BERNIE sa
kuwartong tulugan. Pupunta si JOY sa pinto at bubuksan niya ito nang bahagya.]

MAMA: Sorry, mali yatang apartment.

JOY: Okey lang.

[Bago maipinid ni JOY ang pinto, muling dudungaw ang MAMA.]

MAMA: Singko onse ito?

JOY: Oo. Bakit?

MAMA: Hindi ba dito ang mag-asawang Albert?

JOY: Hindi.

MAMA: Ha?

JOY: Hindi na.

MAMA: Ano'ng nangyari sa kanila?

JOY: Ewan ko.

MAMA: Hindi mo sila kilala?

JOY: Hindi.

MAMA: Pa'no mo itong nakuha?

JOY: Yung kaibigan ko.

MAMA: Kaibigan, ha.

JOY: Oo, bakit?

MAMA: Puedeng makitawag?

JOY: May telepono sa lobby.

MAMA: Sira, e.

JOY: Naghahapunan ako.

MAMA: Hindi ako mang-iistorbo.

[Makapapasok ang MAMA sa loob ng apartment. Tutuloy siya sa kinalalagyan ng telepono.


Ilalapag niya ang dala niyang payong, at dadayal siya ng numero. Samantala, kukunin ni JOY
ang air freshener at iispreyan ang kuwarto.]
MAMA [sa telepono]: Delia?... Oo... wala si Fred... Wala rin si Millie... Lumipat na, oo... Hindi
alam ng babae rito. (Bubungisngis.] Sasabihin ko. [Muling bubungisngis. Kay JOY.] Sabihin
ko raw sa 'yong kuwarenta'y siyete na 'ko. [Sa telepono.] Sinabi ko na... Sige, dadalhin kita sa
El Patio. [Mababang katahimikang mapapatid-patid ng manaka-nakang bungisngis ng
MAMA.] Tawagan mo si Betty at si Monette. Maghihintay ako rito. Tawagan mo 'ko uli pag
nakausap mo na sila... Mga alas diyes 'ka mo. [Ibababa ang telepono. Kay JOY.] Ituloy mo'ng
pagkain mo. [Susulyap sa mesang kainan.] Nasa'n ang kaibigan mo?
[Hindi tutugon si JOY. Magpapalakad-lakad ang MAMA sa sala.] MAMA: Ang init, a. Puede
bang buksan ang French windows? [Titindig si JOY sa harap ng French windows at ilalayo
ang tingin niya.] MAMA: Huhubarin ko na lang ang amerikana ko. [Maghuhubad ng
amerikana. May baril na nakasukbit sa kanyang baywang.] Huwag kang matakot dito.
[Tatapikin ang baril.] Walang bala. [Ilalabas ang baril at kakalabitin ang gatilyo.] 'Ta mo.
[Hawak-hawak ang baril sa kabuuan ng eksena.]

MAMA: Tapusin mo na ang pagkain mo. Baka magtagal bago ako matawagan ng kaibigan ko.
Sa Pasig pa sina Betty at Monette. Ang hirap makakuha ng Pasig pag ganitong oras.
[Mabubunggo ang mga kahon.] Sorry!

JOY [mapapatili]: Ingat lang!


MAMA: Sorry... [Mauupo] Hindi ako makatagal nang nakatayo.
llispreyan ni JOY ang sala nang malapit sa mga kabon.]

MAMA: Kalilipat n'yo lang?

JOY: Hindi sa 'min 'yan.

MAMA: Sa mga Albert?

JOY: Oo.
MAMA: Ang tagal na naming magkaibigan ni Fred. Dalawang taon ko na ngang hindi siya
nakikita. Gugulatin ko sana. Magkasama kami ni Millie sa Costa Rica nung '58.

JOY: Ewan ko kung saan sila naro'n.

MAMA: Kailan umalis dito?

JOY: Ewan ko.

MAMA: Kailan kayo lumipat?

JOY: Nung isang gabi.

MAMA: Wala na sila?

JOY: Siyempre.
MAMA: 'Yang mga kahon?

JOY: Kaninang 'maga pa dapat nawala.

MAMA: 'Pakitanong dun sa kukuha niyan kung sa'n dadalhin. Tatawagan kita para maipa'lam
mo sa 'kin. Dalawang taon ko nang hindi nakikita sina Fred at Millie.

JOY: Ano ba'ng pangalan mo?

MAMA: Ted Sison. Ahente ako ng insurance. Insured ka ba?

JOY: Oo.

MAMA: Ang asawa mo?

JOY: Ayaw na ayaw niya.

MAMA: Ow?

JOY: Kalokohan lang daw,

MAMA: Baka puede ko siyang kausapin.

JOY: Hindi makikipag-usap sa 'yo.

[Nakapasok na si BERNIE mula sa kuwartong tulugan at nagmamasid ngayon mula sa


pasilyo. Mapapansin siya ni JOY ngunit hindi ng MAMA. Maigting na katahimikan.
Mag-iisprey si JOY]

MAMA: Ang husay mong magluto...

JOY: Ano'ng malay mo?

MAMA: Maganda ang itsura.

JOY: Wala akong hilig sa kusina.

[Kikililing ang telepono. Itatabi ng MAMA ang kanyang baril at sasagutin ang telepono.]

MAMA [sa telepono]: Delia... Ano? [Kay JOY.] Si Mrs. Pratz ka ba? [iiling si JOY. Sa telepono.]
Hindi raw. [Ibababa ang telepono.] Kung si Mrs. Pratz ka, hindi dumating sa alas tres beynte
singkong biyahe ng eroplano ang pantina ng buhok mo.

[Kikililing ang telepono.]


MAMA: Delia?... Okey sila?... Sige, dadaanan ko sila bago kita sunduin... Ibababa ang
telepono.] Magkakasino kami. Gusto n'yong sumama... kayong mag-asawa?
[Titingin kay BERNIE. Mapapatingin si JOY kay BERNIE. Maigting na katahimikan. Illing si
JOY.]
MAMA: Kung malamig na 'yang cacciatore, tubigan mo nang kaunti at linit
mo ng tatlong minuto.
Isusuot ng MAMA ang kanyang amerikana at aalis. Ipipinid ni JOY ang pinto. Pagbalik niya sa
mesang kainan, pandidilatan niya si BERNIE.]

JOY: Sabi nang dun ka sa banyo!


[Babalik st BERNIE sa puwesto niya sa mesa. Tutunog ang buzzer. Sesenyasan ni JOY si
BERNIE upang magkubli. Hindi titinag si BERNIE. Magkikibit ng balikat si JOY at pupunta sa
pintuan. Susulyap si BERNIE sa kanyang relos.]

JOY: Sino 'yan?


MAMA [mula sa likod ng pinto]: Yung payong ko!
[Kukunin ni JOY ang payong. Bubuksan niya ang pinto nang bahagyang- bahagya at iaabot
ang payong sa MAMA. Kikililing ang telepono. Sasagutin ito ni JOY na makikinig lamang
nang walang-imik. Pagkatapos, ibababa niya ang telepono at babalikan si BERNIE.]
JOY: May hinahanap na "Bernie."
[Sandaling katahimikan.]

JOY: Nakakatawa, ano?

[Sandaling katahimikan.]

JOY: Hindi ba naman?

[Sandaling katahimikan.]

JOY: Ang ibig kong sabihin, pa'no kang makakausap sa telepono?

[Sandaling katabimikan.]

JOY: Ay, Diyos ko-ubusin mo na 'yang manok mo! [Magsisimulang magligpit si JOY sa
kinanan niya samantalang patumpik-tumpik pa ring kumakain si BERNIE. Babalik si JOY sa
kusina]

JOY: Pag may dumating, huwag mong papapasukin.

You might also like