Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SURIIN

ANG BALANGKAS TEORETIKAL AT BALANGKAS KONSEPTUWAL: MGA


KONSEPTO SA PANANALIKSIK

Ang pananaliksik, batay sa mga itinalakay na mga paksa, ay isang proseso sa


mabusising pagtuklas sa mga bagay-bagay. Nanggaling ito sa salitang recherché na
isang salitang na Pranses na nangangahulugang to seek out o to search again. Bukod
dito, ayon kay O’Hare at Funk (2000, sa Bernales et al., 2012), ito ay isang
pangangalap ng impormasyon galing sa iba’t ibang hanguan sa pamamaraang
impormatibo at obhetibo.

Maraming mga katangian ang isang pananaliksik. Isa sa mga katangiang ito ay
ang pagiging empirikal. Ang pagiging empirikal ng pananaliksik ay nangangahulugan
na ang kongklusyon ay kailangang nakabatay sa mga nakalap na mga datos mula sa
tunay na naranasan at/o naobserbahan ng mananaliksik (Dayag & Del Rosario, 2017).
May dalawang balangkas na makatutulong upang maging empirikal ang mga datos na
kailangan. Ang mga ito ay ang balangkas teoretikal at balangkas konseptuwal.

Pinatunayan nina Shields at Tajalli (2006, sa Laminta) na ang dalawang


balangkas ay sadyang mahalaga sapagkat nagsisilbi itong mga gabay sa pananaliksik
at nakatutulong sa kabuong batayang konsepto at paglalarawan nito sa tulong ng mga
dayagram at talahanayan. Tatalakayin sa mga sumusunod na mga bahagi ang
dalawang konseptong pampananaliksik.

Balangkas Teoretikal

Ang balangkas teoretikal ay isang gabay sa mga magkakaugnay na mga


konsepto, teorya at kahulugan. Sa pagbuo nito, ginagamit ang tiyak na teorya sa
pagkuha ng basehan sa isinagawang pananaliksik. Pinag-uugnay nito ang paksa,
layunin ng pag-aaral, rebyu sa mga kaugnay na literatura, metodolohiya, at ang mga
magiging kongklusyon ng pananaliksik (Laminta).

Sa pagbuo ng balangkas na ito, kailangang pumili ng teoryang pagbabatayan


batay sa mga sumusunod na aspekto: kaangkupan, dali ng paggamit, at
kapangyarihang magpaliwanag (Maranan, 2018). Mas labis na naiintindihan ang
takbo ng pananaliksik gamit ang balangkas na ito. Sa paggawa, narito ang iilang mga
simpleng hakbangin:

1. Magbigay ng kaunting kaligiran hinggil sa teoryang ginamit sa pag-aaral.


2. Iugnay ang teoryang napili sa konteksto ng pananaliksik.
3. Ipaliwanag ang mga pinakamahahalagang konsepto sa teorya at iugnay ang
bawat isa sa konteksto ng pananaliksik.
4. Ibigay ang kahalagahan ng teorya sa kabuuhan.
5. Ilagay ang balangkas na ginawa.

Makikita sa ibaba ang isang halimbawa ng balangkas teoretikal at ang mga


kaparaanan kung paano ito isinagawa ng mananaliksik gamit ang mga hakbang na
isinalaysay sa itaas.

You might also like