Gawain 4A (CENTENO)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

GAWAIN 4

Batay sa tekstong Ang Sanaysay: Introduksiyon ni Bienvenido Lumbera,


1. Ano ang kasaysayan sa pagakaroon ng sanaysay sa Pilipinas?
Ang kasaysayan sa pagkakaroon ng sanaysay sa Pilipinas ay nagsimula pa sa
unang siglo ng pananakop ng mga Kastila. Mayroon ng mga naunang sanaysay sa
wikang katutubo ngunit ang mga awtor nito ay mga prayleng Espanyol tulad nila
Padre Francisco Blancas de San Jose tungkol sa doktrina na pinamagatang
Memorial de la Vida Cristiana noong 1605, sinulat din ni Pedro de San
Buenaventura ang Explicacion de la Doctrina Cristiana noong 1676, at Pedro de
Herera ang Meditaciones cun Manga Mahal na Pagmimisa nang Sanctong
Sacrificio nang Catauan at Dugo nang Ating Panginoong Jesucristong P. Mariquin
noong 1645.

2. Paano masasabing mahusay ang isang sanaysay?


Ayon kay Abadilla masasabing mahusay ang isang sanaysay kung ito ay may
masasabing pangangailangan sa isang naghahangad maging mananaysay at tila
wastong hingin sa kanya ang daloy na halos walang gatol na pagpapahayag ng
kaniyang sarili. Hinihingi rin sa kanya ang maayos na pagdala sa sarili at na kung
tawagin ay mabuting tuluyan ang bisa ng pagsasadamdamin at pagsasakaisipan
ng mga karanasang ibig niyang pakinabangan ng iba.

3. Paano magiging kapaki-pakinabang pang pagbasa ng sanaysay?


Ang pagbabasa ng isang sanaysay ay kapaki-pakinabang kung ang taong
nagbabasa nito ay iniintinding mabuti ang mga salitang nakapaloob dito at siya ay
nalilibang sa sanaysay sa kanyang binabasa dahil dito ay madali niyang
maisasapuso at maaari rin niyang gayahin ang mabubuting paksa na kanyang
nabasa upang mapaunlad niya ang kanyang sarili o hindi kaya siya ay makatulong
sap ag-unlad ng ating bayan.

4. Ano ang mga katangian at kahalagahan ng Sanaysay?


Ang katangian at kahalagahan ng isang sanaysay ay ang pagkakaroon nito ng
paglilinaw sa mga bagay-bagay upang mailatag ang paninindigan ng awtor at ng
makahikayat o makakumbinsi sa iba tungkol sa ibang paksa o punto. Naglalaman
din ito ng mga matinding pagsusuri, pagmumuni, at pag-uulat. Ito rin ay
naglalaman ng pagpapaliwanag o pangangarat at sermon.

You might also like