Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

RESEARCH METHOD COED-EDFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

CPE198: RESEARCH METHOD

SEKSIYON: J12-3

IKATLONG PANGKAT

Ipinasa nina:
Litang, Kristine Ashley
Makarunggala, Leonelle
Monsad, Criza
Montebon, Frank Jeay
Moreno, Marielle
Narvasa, Jeralei
Olais, Lucila Fatima

Ipinasa kay:

Propesor Debbie M. Cruspero

Mayo 2023

1
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

TALAAN NG NILALAMAN

Mga Kaugnay na Pag-aaral……………………………………………………………….3

(Criza Monsad)

Mga Kaugnay na Literatura……………………………………………………………….4

(Criza Monsad)

Kahalagahan, Uri, Layunin, Katangian………………………………………………….6

(Leonelle M. Makarunggala)

Gamit ng Kaugnay na Literatura at Pananaliksik……………………………………..8

(Leonelle M. Makarunggala)

Saklaw at Limitasyon Pag-aaral………………………………………………………….8

(Frank Jeay Montebon)

Paghahanap ng mga Materyales Pampananaliksik ………………………………..10

(Marielle Moreno)

Mga Konsiderasyon, Pamantayan sa Pagkuha ng Kaugnay na Pag-aaral……..17

(Jeralei Narvasa)

Mga materyal na nasa klasipikasyon ng kaugnay na literatura…………………..18

(Lucila Fatima Olais)

Uri ng Dokumentasyon…………………………………………………………………..23

(Kristine Ashley Litang)

Sanggunian…………………………………………………………………………………28

2
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Introduksiyon:

Sa pagsulat ng papel pananaliksik, pangunahing nagiging suliranin ng mag- aaral o


mananaliksik ay ang pagsulat ng kabanata II. Masasabing hindi madali ang pagsusulat
ng kaugnay na literatura at pag-aaral, bukod sa pagsusulat ito ng mahabang
sanaysay, ay kailangan munang magsagawa ng pananaliksik hinggil sa isang paksa
bago makapagsimulang sumulat ng borador. Walang maisusulat sa kabanata II kung
walang nasaliksik. Liban pa rito, ang mga nasaliksik na impormasyon o kaalaman ay
kailangan pang basahin at sipating maigi upang matukoy kung ang mga ito ay may
kaugnayan nga sa paksa o wala.

Ayon kina Evasco, et al. (2011), ang pagsulat ng mga kaugnay na literatura at pag-
aaral ay nangangailangan ng tiyaga at talas ng isipan. Gayundin, hindi ito koleksiyon
o kalipunan ng mga buod ng pag-aaral na kaparis ng iba pang pag-aaral. Hindi ito
maisasagawa sa pamamagitan lamang ng pagbabasa ng mga abstrak ng tesis at
disertasyon. Nabubuo ito sa pamamagitan ng obhetibong pagsusuri sa mga naitalang
kaugnay na literatura at pag-aaral.

Nilalaman:

• Ang Tsapter 2 ay naglalaman ng mga pag-aaral at literatura na may kaugnayan


sa isasagawa mong pananaliksik. Sa bahagi ring ito dapat mong talakayin ang
iyong batayang teorya at batayang konseptwal. Sa bahaging ito binabanggit
ang mga pag-aaral na naisagawa na na may kaugnayan sa isasagawang pag-
aaral. Ganoon din, sa bahaging ito inilalahad ang mga literaturang galing sa
iba-ibang pinagkunan. Mula sa mga pag-aaral at literatura ay mahuhugot na
ang teorya o mga teoryang magagamit mo sa iyong pag-aaral. Ganoon din,
dahil nakapaghugot at nakatiyak ka na ng iyong teorya ay magkakaroon ka na
ng ideya o konsepto tungkol sa iyong pag-aaral. Kung ganoon, lohikal na dito
isunod sa mga kaugnay na pag-aaral at literatura ang batayang teoritikal at
konseptwal.
• Sa ibang eskwelahan, pinamamagatan lamang nila ang Tsapter 2 na Teorya at
mga Kaugnay na Literatura dahil tinutukoy nila ang literatura bilang literatura
ng pananaliksik (mga pag-aaral) at konseptwal na literatura (mga sulatin o
artikulo mula sa mga libro, jornal, magazin, dokumento, ensayklopidya, at iba
pa). May mga eskwelahan ding inuuna nilang talakayin ang mga kaugnay na
literatura bago ang mga pag-aaral. Sa katunayan, lahat ng pag-aaral at iba
pang mga opinyon, prinsipyo, paniniwala, teorya, at mga babasahing sinulat ng
mga otoridad ay napapasailalim lahat sa klasipikasyong literatura ngunit
binibigyan lamang sila ng tiyak na katawagan upang madali silang igrupo.
Iminumungkahing dapat isunod sa mga kaugnay na pag-aaral ang pagtalakay

3
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

sa literatura dahil sa mga kaugnay na literatura kadalasang magkakaroon ka


ng ideya at/o lalong pinatitibay kung anong teorya ang dapat mong kapitan para
sa imbestigasyong gagawin mo sa iyong pag-aaral kaya kasunod kaagad nito
ang Batayang Teorya na sinusundan naman ng Batayang Konseptwal.

I. Mga Kaugnay na Pag-aaral

Tinutukoy ng mga kaugnay na pag-aaral ang mga tesis at/o disertasyon o mga
pananaliksik na naisagawa na sa Pilipinas at maging sa labas ng bansa na iyong
nabasa na may kaugnayan o kahalagahan para sa iyong gagawing pag-aaral. Maaari
mo ring gamitin ang mga abstrak mula sa mga dyornal at iba pang mga publikasyon
katulad ng Dissertation Abstracts International (DAI), at maging ang mula sa internet.
Kung may mga pag-aaral kang nakuha sa labas ng bansa bukod sa mga pag-aaral
dito sa Pilipinas ay hatiin mo ang mga kaugnay na pag-aaral sa dalawa. Subalit kung
iisa o dadalawa lamang ang mula sa ibang bansa, mas magandang huwag mo silang
hatiin katulad ng sumusunod.

1.1 Mga Pag-aaral Mula sa Pilipinas

Babanggitin mo sa bahaging ito ang mga pananaliksik at tesis/disertasyon


mula sa Pilipinas na gagamitin mong batayan ng iyong pag-aaral.

1.2 Mga Kaugnay na Pag-aaral Mula sa Ibang Bansa

Babanggitin mo sa bahaging ito ang mga pananaliksik at tesis/disertasyon


mula sa ibang bansa na gagamitin mong batayan ng iyong pag-aaral.

2. Mga Kaugnay na Literatura

Ang mga kaugnay na literatura ay maaari mong makuha mula sa mga libro, magazin,
jornal, pahayagan, dokumento, pamplet, ensayklopidya, internet, at iba pa. Ang
pagrerepaso mo sa mga kaugnay na literatura ay makatutulong sa iyo sa pagkuha ng
mga impormasyon tungkol sa mga teorya, prinsipyo, konsepto, patunay, ideya, at
paniniwala (Sanchez, 1986) tungkol sa iyong tesis.

Makatutulong sa iyo ang mga nabanggit na impormasyon mula sa mga kaugnay na


literatura sa pagpapalawak, pagmomodipika, o pagpapahusay sa gagawin mong pag-
aaral. Ang mga ideya o pahayag ng mga awtoridad ay maaari mong sipiin bilang
pagpapatunay o pagpapalakas sa iyong mga paniniwala o nais patunayan.
Siguraduhin mo lamang na babanggitin mo ang pangalan ng awtoridad upang
maiwasan ang plagiarismo.

Ang iba't ibang impormasyon, konsepto, at mga kaisipan mula sa iba't ibang
mapagkukunan mo ay maaari mong hatiin sa sub-paksa upang maging malinaw ang
daloy ng iyong talakay. Sa bahagi ring ito matatagpuan ang paglalarawan sa lugar,

4
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

grupo ng mga respondente/impormante, at iba pa kung ito'y kinakailangan para sa


ikalilinaw ng pag-aaral.

Ano mang mga ideya o sipi ang iyong gagamitin ay dapat mong kilalanin at bigyang
halaga o kredito ang awtoridad o awtor na pinanggalingan sa pamamagitan ng
pagbanggit ng kanya/kanilang pangalan. Kung hindi mo bibigyan ng kredito ang
pinanggalingan ng ideya o ng sipi, maaakusahan ka ng plagiarismo.

Ano ang plagiarismo? Sinasabi ni Roth (1999, p. 107) na ang plagiarismo ay ang
paggamit mo ng mga ideya o mga pahayag ng ibang tao na hindi mo binibigyan o
nabibigyan ng kaukulang kredito. Nangangahulugan itong inaangkin mo ang mga
ideya o pahayag ng nabanggit na tao o mga tao sa pamamagitan ng hindi pagkilala
sa iyong pinagkunan. Anumang nakalimbag na materyales (kasama ang mga mapa,
tsart, at grap) at di-nakalimbag na materyales (kasama ang mga pelikula, eskultor, at
mga larawan) ay protektado ng nasyunal at internasyunal na mga batas ng copyright
o karapatang-ari. Dito sa Pilipinas ay kilala ito bilang Republic Act (RA) No. 8293 na
pinamamagatang Intellectual Property Code of the Philippines na nagbibigay
proteksyon sa mga patents, trademarks at intellectual property ng manlilikha. Kayat
kung palalabasin mong iyo ang ideya o mga pahayag ng iba ay nilalabag mo ang
batas ng copyright at maaari kang maakusahan. Ang paglabag na ito ay hindi lamang
administratibo o sibil kundi kriminal. Gayundin, nilalabag mo rin ang kagandahang-
asal bilang mananaliksik.

3. Batayang Teoretikal

Sa bahaging ito ay tatalakayin mo ang teorya o mga teorya na gagamitin mo kaugnay


sa iyong pag-aaral. Ipinapaliwanag ng teorya o mga teorya kung bakit lumutang ang
isang penomenon o pangyayari na siyang ginagawan ng pag-aaral. Ipinaliwanag ni
Ardales (1992, pp. 15-16) na ang teorya ay isang set ng mga konsepto at ang
kaugnayan ng mga ito na siyang nagpapaliwanag, nanghuhula o naghahaka at nag-
iinterpreta kung paanong ang isang penomenon o pangyayari ay lumutang o lumitaw
at gumagana.

4. Batayang Konseptwal

Sa bahaging ito ay ilalahad mo ang iyong mga haka, palagay o pangkalahatang ideya
tungkol sa paksa o pokus ng iyong pag-aaral na ibinatay mo sa iyong batayang
teoretikal. Malaki ang maitutulong ng iyong pagbabasa ng mga kaugnay na pag-aaral
at literatura sa pagbabalangkas ng konsepto. Sa paglalahad ng iyong batayang
konseptwal, kailangan mong gumawa ng iskematik na dayagram ng iyong
pananaliksik. Makatutulong ito para mabigyan ka ng direksyon gayundin ng batayan
mo sa pag- aanalisa ng datos. Ang konsepto mong mabubuo ang siya ring
makatutulong sa iyo sa pagkakaroon ng layunin at ng mga katanungang hahanapan
mo ng kasagutan.
5
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

Ang paglalahad mo ng batayang konseptwal ay hindi mo dapat ipagkamali sa paraan


ng paglalahad mo ng iyong metodolohiya o ng daloy ng iyong pananaliksik. Dapat
mong tandaan na haka o sarili mong pananaw ang iyong inilalahad dito. Ito ang pokus
o pangkalahatang ideya mo ng iyong gagawing pag-aaral.

Halimbawa ng bahagi ng pananaw o haka:

Matutunghayan sa ibaba ang bahagi ng pananaw o haka ng mga awtor (Sarip at


Lagamon, 2008, pp. 26-28) na naging lunsaran ng kanilang pag-aaral.

• Ang Darangen ay isang akdang pampanitikan na kakikitaan ng mga addat ng


mga Maranao na itinakda ng kanilang lipunan. Sa paniniwalang ang panitikan
ay repleksyon ng lipunan, ang mga elemento ng kultura kasama na ang mga
addat o pagpapahalaga ay tiyakang masisinag sa nasabing epiko.

Mula sa pananaw na nasa itaas, nabuo ang mga sumusunod na iskima ng paradaym
ng pananaliksik.

(Sanggunian: Magracia, E. & Santos, A. (2014). Pagsulat ng Proposal sa Pananaliksik sa


Filipino. MSU-Iligan Institute of Technology: Iligan City.)

KAHALAGAHAN, URI, LAYUNIN, KATANGIAN NG KAUGNAY NA PAG-AARAL


AT LITERATURA

Kahalagahan

Ang sarbey at pagsisiyasat ng mga nakaraang pag-aaral ay mahalaga dahil ito ay


nakapagbibigay ng ideya at gabay sa ginagawang pag-aaral ng mga mananaliksik.
Matutulungan ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura ang mga mananaliksik sa
pamamagitan ng:

• Maunawaan ang isinagawang pag-aaral


• Pagtulong at pag gabay sa mga mananaliksik upang pumili ng mas maayos
na paksa sa pananaliksik.
• Upang maunawaan ng mananaliksik ang kanyang paksa at linawin ang
malalabong punto sa kanyang pag-aaral.
• Para masiguradong ang pag-aaral ay hindi pag-uulit ng ibang pag-aaral.
Makakasiguro na walang duplikasyon ng ibang nagawa ng pananaliksik.
• Tulong at gabay ng mga mananaliksik sa pagkalap ng marami pang
pagkukunan ng sources ng kaugnay na impormasyon.

(Sanggunian: Aparato, M. (2017). Kaugnay na Pag-aaral at Literatura.


https://www.slideshare.net/MariferMacalaladApar/kaugnay-na-pag-aaral-at-literatura)

6
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

Uri

Ang kaugnay na pag-aaral at literatura ay may dalawang uri na dapat makikita sa


kabanata II ng papel pananaliksik. Ito ay ang sumusunod:

• Lokal na Pag-aaral/Literatura – ang mga pag-aaral o literatura ay


isinagawa sa loob ng bansa o ang manunulat/mananaliksik ay isang
Pilipino. Babanggitin sa bahaging ito ang mga pananaliksik at
tesis/disertasyon mula sa Pilipinas na gagamiting batayan ng pag-aaral.
• Banyagang Pag-aaral/Literatura – ang mga pag-aaral o literatura ay
isinagawa at nanggaling sa ibang bansa o ang manunulat/mananaliksik ay
hindi Pilipino. Babanggitin sa bahaging ito ang mga pananaliksik at
tesis/disertasyon mula sa ibang bansa na gagamiting batayan ng pag-aaral.

Katangian

Ang makakalap at ilalagay sa kabanata II bilang kaugnay na literatura at pag-aaral ay


dapat nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:

1. Ang nagalugad na pag-aaral ay dapat bago (10 yrs. ago hanggang


kasalukuyan)
2. Nararapat na obhetibo at walang pinapaburan
3. Dapat may kaugnayan sa pananaliksik na ginagawa
4. Nararapat na base sa orihinal at totoong mga impormasyon o datos para
sila ay maging makatotohanan at mapagkatitiwalaan.
5. May sapat na bilang

Layunin

Ang layunin ng isang pagsusuri sa panitikan ay upang mangolekta ng may katuturan,


napapanahong pananaliksik sa napiling paksa ng mananaliksik, at iugnay ito sa mga
magkakaugnay na buod ng umiiral na kaalaman sa larangan. Ito ay naghahanda sa
mananaliksik sa paggawa ng sariling argumento sa paksa, o para sa pagsasagawa
ng sariling orihinal na pananaliksik. Bukod dito, layunin nitong ipakita ang mga nagawa
o hindi pa nagagawang pananaliksik ukol sa suliranin at bigyang linaw ang
rasyonaleng teoritikal ng problema. Iba pang layunin ay ang mga sumusunod:

✓ Ibunyag ang anumang mga puwang na umiiral sa literatura.


✓ Resolbahin ang mga salungatan sa mga tila magkasalungat na nakaraang pag-
aaral.
✓ Tukuyin ang mga lugar ng naunang pag-aaral upang maiwasan ang pagdoble
ng pagsisikap.
✓ Ituro ang paraan sa pagtupad ng pangangailangan para sa karagdagang
pananaliksik.

7
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

(Sanggunian:
https://libguides.usc.edu/writingguide/literaturereview#:~:text=Given%20thi%2C%20t
he%20purpose%20of%20a%20literature%20review%20is%20to%3A&text=Reveal%
20any%20gaps%20that%20exist,a%20need%20for%20additional%20research.)

GAMIT NG KAUGNAY NA LITERATURA AT PANANALIKSIK

Ang pagsasagawa ng pagsusuri sa literatura ay tumutulong sa pagkakaroon ng pag-


unawa sa kasalukuyang pananaliksik sa isang partikular na larangan bago
magsagawa ng bagong pagsisiyasat. Pagkatapos magsagawa ng pagsusuri sa
literatura/pag-aaral, dapat malaman ng mananaliksik kung anong pananaliksik ang
nagawa na at matukoy kung ano ang hindi alam sa loob ng paksa.

Ang kaugnay na literatura at pananaliksik ay tumutulong at gumagabay sa mga


mananaliksik sa paggawa ng paghahambing sa pagitan ng resulta sa iba pang mga
mananaliksik sa kaparehong pag-aaral na nagtatapos sa paggawa ng generalisasyon
o mga prinsipyong maiaambag ng pananaaliksik na bagong kaalaman.

(Sanggunian: https://www.coursehero.com/file/p2vojc23/2-Makatulong-sa-mga
mananaliksik-upang-maunawaan-ang-kanyang-paksa-at-linawin/)

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang mga sumusunod ay ang mga dapat isaalang-alang sa pangangalap ng mga


pansuportang kaugnay na pag-aaral upang ito ay manatiling naaayon sa saklaw at
limitasyon ng pananaliksik na gagawin:

1. Ano ang magiging laman ng iyong kaugnay na literatura?


• Kinakailangan sa paghahanap ng kaugnay na literatura ay alam mo na mismo
bilang isang mananaliksik ang magiging hangganan lamang ng iyong ikakalap
na literatura. Kinakailangan ‘di ito lalayo sa paksang iyong sasaliksikin ang
iyong isasaling mga literatura at kinakailangang ito ay komprehensibo.
Importante na ang mga literaturang ito ay komprehensibo at sapat na
makasusuporta sa iyong pag-aaral.

2. Gaano kahaba at ilang literatura ang iyong kukunin o gagamitin?


• Bilang mananaliksik kinakailangang alam mo kung ilang kaugnay na literatura
ang iyong kukunin at kung ito ba ay sapat nang basehan o suporta sa iyong
pag-aaral.

3. Kinakailangan bai tong detalyado? At kinakailangan bang ito ay

8
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

napapanahon?
• Kinakailangang maging maalam ang isang mananaliksik kung nauugnay ba
ang mga literaturang kanyang nababasa at kung ito ba ay naipaliwanag ng
maayos. Kinakailangang ito ay detalyado upang walang maiwang mga
katanungan sa mga mambabasa. Sa pagkuha rin ng literatura kinakailangang
batid ng mananaliksik kung ito ba ay napapanahon pa o hindi na. Kadalasan,
limang taon mula sa pagkakalimbag ng isang literatura ang limit. Sa madaling
sabi, kinakailangan hindi lalagpas sa limang taon ang mga kukuning literatura
upang masabing ito ay napapanahon o aakma pa sa kasalukuyan.

4. Nakatuon ka ba sa mga dulog o pamamaraang ginamit? Sa mga isyung


teoretikal na makikita sa kwalitatibo o kwantitatibong pananaliksik?
• Sa pangangalap ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura, bigyang pansin
kung ano ang ginamit ng mga mananaliksik na metodo sa kanilang ginawang
pag-aaral. Sa paglalagay ng mga kaugnay na pag-aaral bilang suporta sa
sariling pananaliksik, mahalagang isali ang mga pamamaraang ginamit ng
mananaliksik sa pangangalap ng datos, ang resulta at pagpapakahulugan nito.
Dagdag dito, tingnan din ang mga isyung teoretikal sa pag-aaral o literaturang
gagamitin na maaaring magbigay ideya kung paano mo gagawin ang iyong
sariling teoretikal na balangkas.

5. Papalawakin mo ba ang iyong paghahanap upang makita ang kaugnay na


literatura sa iba't ibang disiplina?
• Upang matiyak ang kalidad at kaugnayan ng isasama para sa kabanata II,
dapat lamang na papalawakin ang paghahanap ng mga kaugnay na literatura.
Kailangan isaalang-alang ang taon ng kukuhaning mga materyal; ang
importansya sa pagggamit ng iba't ibang pagkukuhanan ng datos gaya ng libro,
tesis, statistics, empirical data, government publications at mga research
reports; Maaaring kinakailangan ang paghahanap sa mga awtor, mga
keywords, at mga paksa; Kakailanganin ang pagrerebyu at pagsusuri ng mga
kinuhang datos; at papalawakin ang paghahanap ng mga kaugnay na literatura
sa pamamagitan ng paggamit ng listahan ng sanggunian (reference list) ng
anumang nauugnay na mapagkukunan na natukoy mo na, o sa pamamagitan
ng paggamit ng mga citation databases.

6. Ikukulong mo lamang ba sa wikang Ingles ang iyong sinuri na kagamitan


o isasali mo rin ang mga pananaliksik na nakasulat sa ibang mga wika?
• Sa pagkuha ng mga datos para sa kaugnay ng literatura, ang paggamit ng iba't
ibang wika ay maaari na i-praktisa. Kung ang mga kukunin naman na mga
reperensiya ay may kaugnay sa ginagawang pananaliksik. Hinihimok na huwag
ikulong o limitahan ang gagawing pananaliksik sa iisang wika lamang kung ang

9
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

mga nailathala na sanggunian, literatura, o pananaliksik na nakasulat sa ibang


wika ay nakaiinam para sa pagpapalawak at pagtibay ng iyong pananaliksik.
(Sanggunian: Nakuha mula sa https://libguides.bc.edu/litreview/phase1 .)

PAGHAHANAP NG MGA MATERYALES PAMPANALIKSIK

Instruments of the Study (Research Methods and their Instruments)

Ang isa sa kapana-panabik na bahagi ng pananaliksik ay ang personal na


pakikipagpulong sa mga respondente ng pag-aaral at ang pagbabasa ng kanilang
mga tugon sa pamamagitan ng mga instrumento na ginamit sa pangangalap ng datos.
Ang gawain ng mananaliksik ay gumawa ng paraan upang masuri at analisahin ang
mga baryabol ng interes upang makuha ang mga sagot sa suliranin ng pananaliksik.
Ang desisyon sa kung anong mga instrumento ang gagamitin at kung paano ito
ipapatupad ay napakakritikal na isyu na tumutukoy sa bisa at kahusayan ng mga
natuklasan.

Mga paraan na kadalasang ginagamit sa pagkuha ng datos:


1. Documentary Analysis. Ang pamamaraan na ito ay ginagamit upang pag-aralan
ang primary and secondary sources na kadalasang makukuha sa mga simbahan,
paaralan, pampubliko’t pribadong opisina, ospital, o sa komunidad, munisipyo, at sa
mga city halls. Kung minsan naman, ang datos ay walang kagamitan o useless at
mahirap hanapin sa mga lugar na nabanggit at minsan rin ay hindi kompleto o hindi
tiyak at konklusibo.
2. Pakikipanayam. Ang instrumentong ginamit sa paraang ito ay ang interview
schedule. Malinaw na naipapahayag ng isang kinakapanayam ang kaniyang mga
ideya at saloobin kung epektibo ang kakayahan ng tagapanayam. Karaniwan, ang
isang pakikipanayam ay isinasagawa nang solo, ngunit may mga pagkakataon din na
ito ay isinasagawa sa isang grupo (mga lima hanggang sampung tao) na ang mga
opinyon at karanasan ay hinihingi ng sabay-sabay. Ito ay mga salaysay o paglalahad
ng sarili tungkol sa mga karanasan sa buhay ng isang indibidwal. Dapat gabayan ng
interviewer ang mga respondent sa pagsasalaysay ng kanilang mga kwento, opinyon,
ideya, at saloobin.

Ang mga datos na nakuha mula sa isang panayam ay maaaring itala sa mga
audiotape o videotape nang may pagsang-ayon mula sa mga kinakapanayam. Sa
ngayon, ang mga cell phone o smartphone ay maaaring gamitin bilang mga aparatong
pang-record. Ang ilang mga mananaliksik ay naniniwala na ang pagsusulat ng mga
tugon sa panahon ng pakikipanayam ay nakakaapekto sa kaugnayan, binabawasan
ang spontaneity, at humahadlang sa eye contact.

Tatlong Uri ng Panayam

10
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

A. Unstructured. Ang panayam na ito ay maaaring nasa anyo ng normal na


pag-uusap o isang free-wheeling na pagpapalitan ng mga ideya. Dapat na
sanay ang mananaliksik sa pakikipag-usap at pagsasagawa ng panayam
upang maging maayos ang daloy ng usapan. Ang tagapanayam ay dapat na
may kaalaman sa paksa o paksa ng pag-aalala.
B. Structured. Ang pagsasagawa ng pagtatanong ay sumusunod sa isang
partikular na pagkakasunod-sunod at may well-defined content. Ang
tagapanayam ay hindi nagtatanong ng mga tanong na hindi bahagi ng
talatanungan ngunit maaari niyang hilingin sa kinakapanayam na linawin ang
kaniyang mga sagot.
C. Semi-structured. Mayroong isang tiyak na hanay ng mga tanong, ngunit
mayroon ding mga karagdagang pagsisiyasat na maaaring gawin sa isang
open-ended o close-ended na paraan. Ang mananaliksik ay maaaring
mangalap ng karagdagang datos mula sa isang respondent upang
magdagdag ng lalim at kabuluhan sa mga natuklasan.

3. Pag-oobserba. Ang proseso o pamamaraan na ito ay nagbibigay-daan sa


mananaliksik na aktibong lumahok sa pagsasagawa ng pananaliksik. Ang instrumento
na ginagamit sa isang obserbasyon ay tinatawag na observation guide o observation
checklist. Ang obserbasyon ay dapat gawin sa isang tahimik at hindi nakatatawag-
pansin na paraan upang makakuha ng makatotohanang datos. Sa nursing research,
ang pamamaraan ng obserbasyon ay mas nagagamit lalo na para sa mga klinikal na
katanungan. Ang mga nars ay nasa isang kapaki-pakinabang na posisyon upang
obserbahan ang mga pag-uugali at aktibidad ng mga pasyente at ng kanilang mga
pamilya pati na rin ang mga kawani ng pangangalagang pangkalusugan. Maaari itong
magamit upang mangalap ng impormasyon tulad ng mga katangian at mga kondisyon
ng indibidwal; verbal communication; non-verbal condition; activities and
environmental conditions.

Ang mga sumusunod na mga dimensyon ay dapat isaalang-alang: ang pokus ng


obserbasyon; concealment, ang kondisyon kung saan ang paksa ng obserbasyon ay
walang kaalaman na siya ay inoobserbahan; tagal; at ang paraan ng pagtatala ng mga
obserbasyon.

Dalawang Uri ng Obserbasyon


A. Structured. Gumagamit ang mananaliksik ng checklist bilang materyal sa
pangongolekta ng datos. Tinutukoy ng checklist na ito ang inaasahang pag-
uugali ng “interes” at itinatala ng mananaliksik ang dalas ng mga paglitaw ng
mga pag-uugaling ito.
B. Unstructured. Pinagmamasdan ng mananaliksik ang mga bagay-bagay
habang nangyayari ang mga ito. Isinasagawa ng mananaliksik ang

11
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

obserbasyon nang walang anumang naisip na ideya tungkol sa kung ano ang
oobserbahan.

4. Physiological Measures. Ang pamamaraan na inilapat para sa mga pisyolohikal


na hakbang ay nagsasangkot ng pagkolekta ng pisikal na datos mula sa mga subjects.
Ito ay itinuturing na mas tumpak at obhektibo kaysa sa iba pang mga paraan ng
pagkolekta ng datos. Gayunpaman, kailangan ang mga kasanayan at kadalubhasaan
upang magamit at mamanipula ng mga mananaliksik ang mga measurement devices.
Ang mga halimbawa ng mga instrumento na ginagamit upang mangolekta ng mga
physiological measurements ay nasa ibaba.

Thermometer Stethoscope Weighing Scale

5. Psychological Tests. Kabilang dito ang mga personality inventories at mga


projective techniques. Ang mga personality inventories ay mga self-reported na mga
hakbang na nag-a-assess sa mga pagkakaiba sa mga katangian ng personalidad,
pangangailangan, o halaga ng mga tao. Kabilang dito ang pangangalap ng
impormasyon mula sa isang tao sa pamamagitan ng mga tanong o pahayag na
nangangailangan ng mga tugon o reaksyon. Ang mga halimbawa nito ay ang
Minnesota Multiphasic Personality Inventory (MMPI) at ang Edwards Personal
Preference Schedule (EPPS). Sa projective techniques, ang paksa ay inihaharap sa
isang stimulus na idinisenyo upang maging malabo o hindi malinaw ang kahulugan.
Pagkatapos ay hihilingin sa subject na ilarawan ang stimulus o sabihin kung ano ang
lumalabas na kinakatawan ng stimulus. Ang mga halimbawa ng karaniwang projective
technique ay ang Rorschach Inkblot Test at ang Thematic Apperception Test. Sa
Rorschach Inkblot Test, binibigyan ng mga cards ang subjects na naglalaman ng mga
desinyong inkblots. Ang Thematic Apperception Test naman ay binubuo ng isang set
ng mga larawan kung saan ang mga subjects ay hinihiling na magkuwento o kung ano
sa tingin nila ang nangyayari.

12
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

6. Talatanungan. Ito ang pinakakaraniwang ginagamit na instrumento sa


pananaliksik. Ito ay isang listahan ng mga tanong tungkol sa isang partikular na paksa,
na may mga puwang na ibinigay para sa sagot sa bawat tanong, at nilayon na sagutin
ng isang grupo ng mga tao (Good, 1984). Ito ay mas mura, nagbubunga ng mas
matapat na mga tugon, ginagarantiyahan ang pagiging kumpidensyal, at pinapaliit ang
mga bias batay sa mga question phrasing.

Ang talatanungan ay maaaring nakabalangkas o hindi nakabalangkas. Ang mga


structured questionnaire ay nagbibigay ng mga posibleng sagot at ang mga
respondent ay kailangan lamang pumili mula sa kanila. Ang mga unstructured
questionnaire ay hindi nagbibigay ng mga opsyon at ang mga respondente ay
malayang magbigay ng anumang sagot na gusto nila.

Mga Uri ng Tanong


A. Yes or No Type. Ang mga item ay sinasagot ng "oo" o "hindi."
Mga halimbawa:

May karapatan ba ang mga guro na tanggihan ang mga tawag ng magulang tuwing
wikend?

( ) Oo ( ) Hindi

Maaga bang pumapasok sa klase ang mga senior high school students?

( ) Oo ( ) Hindi
B. Recognition Type. Ang mga alternatibong tugon ay naibigay na, at ang mga
respondents ay pipili na lamang. Naglalaman din ito ng mga close-ended questions.
Mga halimbawa:

Specialization in Technical-Vocational Track

____ Home Economics ____ Information Comm. Technology

____ Agriculture ____ Automotive

____ Welding ____ Electricity

____ Hair Culture ____ Others; please specify:


____________

Educational Qualifications

____ Elementary Graduate ____ College Graduate

____ High School Graduate ____ MA/PhD

13
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

____ Technical Graduate ____ Others; please specify:


____________

C. Completion Type. Hinihiling sa mga respondente na punan ang mga patlang ng


kinakailangang impormasyon. Open-ended ang mga tanong.

Mga halimbawa:

Kapag nakakita ako ng maling pag-uugali, ang gagawin ko bilang isang guro ay
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________.

Para makapasa sa mga bagsak kong subjects, ang gagawin ko ay


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________.

D. Coding Type. May mga numerong itinalaga sa mga pangalan, pagpipilian, at iba
pang nauugnay na data. Nangangailangan ito ng kaalaman sa istatistika sa bahagi ng
mananaliksik, dahil ang paggamit ng mga pormula sa istatistika ay kinakailangan
upang makuha ang resulta.
Halimbawa:

Sa sukat na isa (1) hanggang sampu (10), paano mo ire-rate ang kakayahan ng iyong
manager?
E. Subjective Type. Ang mga respondente ay malayang magbigay ng kanilang mga
opinyon tungkol sa isang isyu.

Mga halimbawa:

Ano ang masasabi mo tungkol sa mga guro na lubos na nakatuon sa kanilang gawain?

Papayagan ba ang mga mag-aaral sa Senior High School na baguhin ang kanilang
espesyalisasyon?
F. Ang talatanungan ay kombinasyon ng dalawa o higit pang uri ng mga tanong.

Ang paggamit ng mga tamang salita sa tanong:

1. Sabihin ang mga tanong sa isang affermative na paraan sa halip na sa negatibong


paraan.

2. Iwasan ang mga tanong na hindi sigurado hal., yaong naglalaman ng mga salitang
tulad ng marami, palagi, karaniwan, kakaunti.

14
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

3. Iwasan ang double negative questions (hal. Hindi ka ba sumasang-ayon sa ideya


na ang mga menor de edad ay bawal uminom ng alak?).

4. Iwasan ang double-barreled na mga tanong (i.e., pagtatanong ng dalawang tanong


sa isang tanong).

Mga halimbawa:

4.1. Magiging masaya ka ba sa pagsali sa Division Quiz Bee at bibigyan ka ng


karagdagang mga pagsusulit pagkatapos?

4.2. Gusto mo bang tumakbo para sa Student Council at layunin mong maging
valedictorian?

Mga Katangian ng Isang Magandang Instrumento sa Pangangalap ng Datos


1. Dapat itong maigsi ngunit nakakakuha ng kinakailangang datos. Ayon kay Shelley
(1984), ang haba ng talatanungan ay dapat dalawa hanggang apat na pahina at ang
maximum na oras ng pagsagot ay sampung minuto. Ang kanais-nais na haba ng
bawat tanong ay mas mababa sa 20 salita.
2. Ito ay naghahanap ng impormasyon na hindi maaaring makuha mula sa iba pang
mga mapagkukunan tulad ng mga dokumento na available at hand.
3. Ang mga tanong ay dapat ayusin sa pagkakasunud-sunod, mula sa pinakasimple
hanggang sa kumplikado.
4. Dapat din itong ayusin ayon sa mga tanong na ibinibigay sa statement of the
problem.
5. Dapat itong pumasa sa bisa at pagkamapagtitiwalaan
6. Dapat madali itong ma-tabulate at intrepretahin.

Mga Scales na karaniwang ginagamit sa isang Instrumento:


1. Likert scale. Ito ay isang karaniwang pamamaraan ng scaling technique na
binubuo ng ilang mga pahayag na nagpapahayag ng isang pananaw tungkol sa isang
paksa. Ang mga respondente ay hinihiling na ipahiwatig kung gaano sila sumasang-
ayon o hindi sumasang-ayon sa mga pahayag.

Halimbawa: Likert scale upang masukat ang mga saloobin sa Matematika.

Mga Aytem
1. Interesado ako sa solving numbers at equations. SA A D SD
2. Nasisiyahan akong gumamit ng calculator. SA A D SD
3. Hindi ako nahihirapang magsaulo ng mga pormula. SA A D SD
4. Hindi nakalilito ang mga simbolo at numero. SA A D SD
5. Madaling intindihin ang mga panuto. SA A D SD

15
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

Leyenda: SA- Strongly Agree A- Agree D- Disagree SD- Strongly


Disagree

2. Semantic differential scale. Ang mga sumasagot ay hinihiling na i-rate ang mga
konsepto sa isang serye ng mga bipolar adjectives. Ito ay mas flexible at mas madaling
gawin.

Halimbawa: Paglalarawan sa pangulo ng klase.

May kakayahan 1 2 3 4 5 Walang kakayahan

Maagap 1 2 3 4 5 Hindi maagap

Kawili-wili 1 2 3 4 5 Hindi kawili-wili

Ang mga sumusunod na aytem ay dapat talakayin sa pagbabalangkas ng


instrumento ng pag-aaral: uri ng instrumentong ginamit; konseptong kahulugan ng
instrumento na may kaukulang mga sanggunian; katwiran o mga dahilan kung bakit
nagpasya ang mananaliksik na gamitin ang instrumento; at paglalarawan ng
mahahalagang bahagi ng instrumento. Dagdagan din nito ang index of validity kung
binanggit ang mga sanggunian.

Ang instrumento na ginamit ng ibang mga mananaliksik ay itinuturing na standardized


na mga instrumento kapag mayroong mataas na coefficient index of reliability and
validity. Kapag ginamit ang mga ito para sa iba pang pag-aaral, dapat humingi ng
pahintulot mula sa originator/formulator/maker ng instrumento at dapat ilagay ang mga
angkop na pagsipi. Ang isang instrumento na ginagamit para sa isang partikular na
bansa o kultura ay dapat magtatag ng validity na nakabatay sa kultura kapag ginamit
sa ibang mga bansa.

Halimbawa ng Kagamitan sa Pangangalap ng Datos:

Competency-based Modular Learning Material in Chemistry para sa Third Year


Students: An Action Research. Tacloban: Unpublished Thesis, Asian Development
Foundation College, Inc.

Ang mga instrumento na ginamit sa pag-aaral ay ang achievement test para sa mga
mag-aaral at survey questionnaire para sa mga guro. Ang dalawang instrumentong ito
ay inilarawan bilang mga sumusunod.

Achievement Test para sa mga Mag-aaral. Ang achievement test ay isang 100 item-
test na binuo ng mananaliksik at idinisenyo upang matukoy ang achievement level ng

16
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

mga mag-aaral sa ikatlong taon sa high school sa Chemistry. Ang nilalaman ng


pagsusulit ay batay sa Philippine Secondary School Competencies.

Ang Survey Questionnaire para sa mga Guro. Ang survey questionnaire para sa
guro ay binubuo ng tatlong bahagi. Aalamin nito kung hanggang saan nalinang ang
mga kasanayan sa Chemistry sa mga mag-aaral sa ikatlong taon sa high school, ang
mga teknik na ginamit ng guro sa pagtuturo ng paksa, at ang mga problemang
kinakaharap sa pagtuturo ng mga konsepto na may kaugnayan sa paksa.

(Sanggunian: Cristobal, A., De La Cruz-Cristobal, M. (2017). Practical Research 1 For Senior


High School. (ch. 15, pp. 187). 839 EDSA, South Triangle, Quezon City: C&E Publishing, Inc.

Cristobal, A., De La Cruz-Cristobal, M. (2017). Practical Research 2 For Senior High School.
(ch. 17, pp. 159-167). 839 EDSA, South Triangle, Quezon City: C&E Publishing, Inc.)

MGA KONSIDERASYON, PAMANTAYAN SA PAGKUHA NG KAUGNAY


NA PAG-AARAL

Ang mga kaugnay na literatura ay maaari mong makuha mula sa mga libro,
magazine, jornal, pahayagan, dokumento, pamphlet, ensayklopidya, internet at iba pa.
ang pagrerepaso mo sa mga kaugnay na literature ay makatutulong sa iyo sa pagkuha
ng mga impormasyon tungkol sa mga teorya, prinsipyo, konsepto, patunay, ideya at
paniniwala (Sanchez, 1986) tungkol sa iyong tesis.

Makatutulong sa iyo ang mga nabanggit na impormasyon mula sa mga kaugnay na


literatura sa pagpapalawak,pagmomodipika, o pagpapahusay sa gagawin mong pag
aaral. Ang mga ideya o pahayag ng mga awtoridad ay maaari mong sipiin bilang
pagpapatunay o pagpapalakas sa iyong paniniwala o nais patunayan.

Mga konsiderasyon at pamantayan sa pagkuha ng kaugnay na literatura

Pinakatuon sa pagsulat ng kaugnay na literatura ay ang matukoy ang gap ng


pananaliksik mula sa mga nakalap/nasaliksik na mga impormasyon. Ang gap ay ang
puwang o kakulangan sa existing body of knowledge na pupunan at magsisilbing
kontribusyon ng mananaliksik. Ang pagtukoy sa gap ang pinakaunang gagawin ng
mananaliksik bago siya magpasiyang isagawa ang kanyang pananaliksik. Kaya
pinapayo na huwag magsagawa ng pananaliksik nang hindi pa natutukoy ang gap o
kakulangan ng existing body of knowledge ng paksa/pamagat nan ais saliksikin. Mula
sa natukoy na gap ay hahanguin niya ng kasagutan sa pamamagitan ng pagsasagawa

17
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

ng pananaliksik. Sa sandalling matugunan ng mananaliksik ang mga suliranin ng


kaniyang pag aaral, ito na ang magsisilbing ambag niya sa isang particular na paksa
o larang.

Mga pamantayan sa pagkuha ng kaugnay na literatura


1. Pagtukoy sa may akda o taong pinagmulan ng datos
2. Ihiwalay ang banyagang literature o datos sa local
3. Siguraduhing makabago ang mga datos na gagamitin sa pananaliksik
4. Dapat ay may kaugnay ang gagamiting literature o datos na kukunin sa
isinasagawang pananaliksik o pag aaral
5. Magkaroon ng sapat na bilang ng mga sanggunian na makakatugon sa paksa.

(Sanggunian: Magracia, E. & Santos, A. (2014). Pagsulat ng Proposal sa Pananaliksik sa


Filipino. MSU-Iligan Institute of Technology: Iligan City.)

MGA MATERYAL NA NASA KLASIPIKASYON NG KAUGNAY NA LITERATURA

Dalawang Estilo ng Pagsulat ng Kabanata II

1. Karaniwang Estilo

Bawat institusyon ay may kaniya-kaniyang format sa paggawa ng riserts o


disertasyon na mahigpit na sinusunod upang magkaroon ng kaisahan o unipormidad
sa pagsulat. Ngunit sa Kabanata II, karaniwan nang isinusulat ang mga ito na
magkahiwalay: Kaugnay na Literatura at Kaugnay na Pag-aaral.

18
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

Tingnan ang karaniwang estilo sa pagsulat ng Kabanata II:

KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura

Lokal

Banyaga

Sa estilong ito ng pagsulat, tinutukoy ang mga nakalap na pag-aaral o pananaliksik


Kaugnay na Pag-aaral
ay nabibilang sa kategoryang LOKAL o sa kategoryang BANYAGA. Tiyakin lamang
na lahat ng ilalatag sa bahaging ito ay may kaugnayan sa isinasagawang pananaliksik.
Lokal
Ang sintesis, buod ito ng ginawang pagsusuri sa mga nakalap at inilalahad dito ang
gap sa mga nakalap na kaugnay.

19
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

Mga materyal na nasa klasipikasyon ng kaugnay na literatura:

1. Lokal na datos at banyagang datos


2. Libro, ensayklopedya, almanak, at mga aklat na may katulad na reperensiya
3. Artikulo sa mga propesyonal na journal, magasin, peryodiko at iba pa
4. Batas o institusyon ng bansa na may kaugnayan sa pananaliksik
5. Rekord ng paaralan o partikular na datos
6. Papeles ng mga pang-edukasyong seminar
7. Lahat ng uri ng opisyal na report ng pamahalaan

Ayon pa kay Webster, ang salitang literatura ay nangangahulugang "lahat ng mga


naisulat ng isang bansa o isang panahon o isang aklat na tumatalakay sa isang
mahalagang paksa bilang sining katulad ng drama, fiksyon, sanaysay, tula,
talambuhay, at iba pa." Samakatuwid, anumang nakalimbag na materyal,
impormasyon, peryodikal, ensayklopedya, journal, pahayagan at iba pang lathalain,
talumpati, sulat talaarawan, buletin, at mga ulat na tumutugon sa mga kinakailangang
ekspresyon ay maituturing na literatura. Ang mga ito ay may kaugnayan sa umiiral na
suliranin.

(Lartec, et al., 2011).

Mga materyal na nasa klasipikasyon ng kaugnay na pag-aaral:

1. Lokal na datos at banyagang datos


2. Mga tesis at disertasyon (nalathala o di-nalathala)
3. Kopya ng pananaliksik mula sa mga pang-edukasyong journal

1. Estilong Thematic

Ayon kina Nuncio, et al. (2015), hindi magsisimula ang pananaliksik kung hindi pa ito
nagagawa. Ang bahaging ito ang naglalaman ng nakaraan, kasalukuyan,
panghinaharap na pag-aaral. Nakaraan, dahil may ilang mananaliksik ang maaaring
nakagawa na ng kahalintulad na pag-aaral ngunit gusto mong balikan dahil may at
bagong materyal, datos, o impormasyon na kailangan mong idagdag. Kasalukuyan,
dahil may ilang diskurso, isyu, debate, o pag-aaral na tumatalakay sa iyong paksa.

Rebyu o pagsusuri ito ng mga konseptong natuklasan na o lumitaw na sa mga


naunang literatura at kung paano ito naging kaugnay ng isinasagawang pag-aaral.
Ano ang umiiral nang kaalaman? Ano ang pinaniniwalaan na? Ano ang natuklasan
na?

Naglalaman dapat ang kabanatang ito ng pagsusuri ng mga literaturang may


kaugnayan sa isinasagawang pag-aaral. Kasama na rito ang mga libro, artikulo,
riserts, pag-aaral (tesis at disertasyon) at iba pang babasahin/literatura. Hindi

20
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

kailangang ihiwalay ang pagtalakay ng mga pag-aaral sa mga libro o iba pang
babasahin.

Sa pagsulat ng rebyu ng mga kaugnay na literatura, ang sumusunod ay mga


hakbangin:
1. Igrupo ang lahat ng mga kaugnay na literatura ayon sa temang nais talakayin
ng mananaliksik batay sa layunin ng pag-aaral. Bawat tema ay may mahusay
na pagtalakay at pagsusuri kung ano ang alam o natuklasan na. Ang
paglalahad nito ay hindi ayon sa kung sino ang awtor kundi ayon sa
paksa/konsepto, thematic.
2. Matapos mailahad ang bawat tema ay iha-highlight ng mananaliksik kung
anong gap ang pupunan ng kaniyang pag-aaral.
3. Matapos namang mailahad ang mga tema ay kailangang makabuo ng sintesis
ng ginawang pagsusuri. Sa sintesis pagtutuonan at muling bibigyang-pansin
ang magiging kapupunan ng pag-aaral.
Isaalang-alang din ang bahagi ng talata: ang introduksiyon, katawan at
kongklusyon.

Dagdag pa ang pagrerebyu sa mga kaugnay na literatura ay makatutulong din


sa mananaliksik na mas lalong patatagin ang batayang teoretikal ng kaniyang papel
pananaliksik, batay sa mga umiiral na sangguniang teoretikal.

Tunghayan naman sa ibaba ang ilustrasyon na nagpapakita ng Estilong


Thematic.

21
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

KABANATA II

Rebyu ng mga Kaugnay ng Literatura

Introduksiyon

Xxx (Unang paksa o tema ng pagsusuri ng kaugnay na literatura)

Xxx (Ikalawang paksa)

Ang estilong ito ay tinatawag ding ready-to-publish format, ito ang estilo ng pagsulat
Xxx (Ikatlong paksa)
ng kabanata II o ng Rebyu ng Kaugnay na Literatura na matutunghayan sa mga
nailathalang mga akademikong journal. Komprehensibo ang pagtalakay sa bawat
paksa, tungo sa pagtukoy sa gap ng existing body of knowledge.

(Sanggunian: Magracia, E. & Santos, A. (2014). Pagsulat ng Proposal sa Pananaliksik sa


Filipino. MSU-Iligan Institute of Technology: Iligan City.)

22
Pagpapatuloy ng pagsusuri
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

URI NG DOKUMENTASYON

ESTILONG A.P.A

Ang kabanata Il ay tungkol sa paglikom at pagsasaayos ng mga datos na


makatutulong sa pag-aaral ng mga mananaliksik. Mahalaga ang paraan ng pagsipi o
dokumentasyon, isa sa mga iniingatan ng mga mananaliksik ay ang pagkilala sa mga
naunang gawa ng ibang mananaliksik kaya napakahalaga na lagi natin itala kung saan
o kanino natin kinuha ang mga datos na ginamit sa ating pag-aaral.

Ang American Psychological Association (A.P.A) ang isa sa mga sinusunod na


paraan ng dokumentasyon sa panahon ngayon. Higit kasing tuloy-tuloy ang paraan
ng pagbabasa Kung ito ang gagamitin. Ito ang tinatawag na talang-parentetikal
(parenthetical citation). Narito ang pangkalahatang tuntunin sa paggamit ng
dokumentasyon sa estilong A.P.A na itinala ni Rolando Bernales sa kaniyang aklat.

• Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang


ng pubikasyon ang isulat sa loob ng panaklong.

Halimbawa:

Ayon kay Stem (1992), kanyang nakikita ang gampanin ng paggamit ng Unang
wika (L1) sa pagkakatuto ng ikalawang wika (L2), na sinang-ayunan naman nila
Cook et al (1979), ang pagkatuto ng unang ika’y hindi lamang tungkol sa
sintaksis at bokabularyo, bagkus ay pangkaligiran at emosyonal.

• Kung mayroon namang ko-awtor na higit pa sa dalawa, kailangang may et al.


matapos ang kaniyang pangalan at sa kuwit na naghihiwalay dito, bago ang
taon ng publikasyon na nasa loob ng panaklong.

Halimbawa:

Inilahad nila Gagne et al (1992), ang limang basikong asampsiyon tungkol sa


Disenyong Instruksiyonal: (a) nakatutulong sa pagkatuto ng isang indibidwal:
(b) ang disenyong instruksiyonal ay mayroong mga hakbanging kapuwa
pangmedyo matagalan at pangmatagalan; (c) ang sistematikong disenyo ng
instruksiyon ay nakaapekto nang malaki sa kauswagan ng isang tao: (a)
marapat na isinagawa sa pamamagitan ng dulog na sistema; at € ang
disenyong instruksiyon ay marapat na base sa kaalaman sa kung paanong
natututo ang tao

• Kung hindi nabanggit ang manunulat sa mismong teksto, banggitin ito sa


hulihan ng pangungusap kasama ang taon ng publikasyon.

23
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

Halimbawa:

Marami nang pag-aaral ang isinagawa upang matukoy ang nilalaman at


katangian ng disenyo na kaugnay ng kabisaan at ng mga kagamitang
nakalimbag (Saroyen at Geis, 1988).

• Kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa at ang taon ng
publikasyon.

Halimbawa:

Ang pananaliksik naman nina Espinar at Ballado (2016) na may pamagat na


“Content Validity and Acceptability of a Develop Worktext in Basic Mathematics
2” ay nagtataya naman sa katanggapan at Baliditi ng isinagawang workteks sa
Matematika.

• Kung tatlo o higit pa ang awtor at hindi nabanggit ang pangunahing awtor sa
mismong teksto, banggitin na lamang ang unang awtor sa loob ng panaklong
at sundan ng et al. bago ang taon ng publikasyon.

Halimbawa:

Sa pananaw na komunikatibo, ang apat na kasanayang pangwika ay hindi


pinaghihiwalay kundi nililinang sa integratibong paraan (Bernales, et al, 2001).

• Kung may babanggiting dalawa o higit pang awtor na pareho ang apelyido,
banggitin ang inisyal ng mga awtor bago ang kani-kaniyang apelyido at sundan
ng taon ng publikasyon.

Halimbawa:

Ang pananaliksik ay pangangalap ng mga datos sa masinop at kontroladong


sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon (E. Trece at J.W.
Trece. 1977)

• Kung pamagat lamang ang impormasyong nakuha, banggitin ang pinaikling


bersyon ng pamagat at sundan ng taon ng publikasyon. Ipaloob sa panipi o it
alisado.

Halimbawa:

Ang mga mag-aaral ay may karapatang maglathala at mamahala ng regular na


publikasyon na sumasalamin ng responsableng pamamahayag at ng misyon-
bisyon ng kolehiyo (CSB Student Handbook, 1996).

24
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

• Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang bolyum,


banggitin ang bilang ng bolyum kasunod ng pangalan ng awtor o mga awtor,
ngunit tutuldok ang gamiting bantas upang paghiwalayin ang unang entri sa
taon ng publikasyon.

Halimbawa:

Nang sakupin ng Amerika ang Pilipinas, muling ipinahayag ni Mabini ang


kaniyang paghihimagsik. Isinulat niya ang El Liberal na isang panunuligsa sa
mga bagong mananakop (Bernales 4:2002)

• Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng isang awtor, banggitin na
lamang ang mga akda at paikliiin hangga’t maaari. Ipaloob sa panipi o italisado
ang mga pamagat.

Halimbawa:

Sa mga aklat ni Bernales (Sining ng pakikipagtalastasan at Mabisang


komunikasyon), tinukoy ang mga pangunahin at unibersal na katangian ng wika

• Kung ang datos mula sa isang awtor ay nakuha mula sa akda ng ibang awtor,
dapat banggitin ang dalawa.

Halimbawa:

Tinukoy ni Halliday (1961; sa Bernales, et al., 2000) ang pitong tungkulin ng


wika.

• Kung ang datos o impormasyon ay hango sa internet, banggitin na lamang ang


link kung walang awtor. Kung batid mo ang awtor, banggitin.

Halimbawa:

Sa www.humankinetics.com, walo ang tinukoy na hakbang ni Blankernship sa


pagsasagawa ng pananaliksik.

Sa pagsipi ng artikulo mula sa akademikong dyornal, kailangang gumamit ng in-text


citation at mga naaayon na mga reperensiya na nakalista ang mga/pangalan ng
mga/manunulat, petsa ng publikasyon, ang titulo ng artikulo at ang pangalan ng
dyornal, ang bolyum at ang numero kung kailan ito na naipalabas, ang bilang ng
pahina, at ang URL o DOI.

25
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

Pagsipi ng Artikulo gamit ang estilong APA

Sa estilong APA, ang artikulong mula sa dyornal, ang titulo ng artikulo ay nakasulat
ng plain at naka-sentence case samantalang ang pangalan ng dyornal ay naka-italic,
naka-title case.

Sa in-text citation kapag ang mga awtor ay nakalista mula dalawa, tatlo o higit pa
gumamit ng "et al."

APA format

Author last name, Initials. (Year). Article title. Journal Name, Volume (Issue), Page
range. DOI or URL

APA reference entry

Pinchot, R. (2020). Calle 13 and Ana Tijoux’s joyous rebellion: Modeling transnational
protest through lyric and song. Latin American Music Review, 41(2), 196–
225.https://doi.org/10.7560/LAMR41203

APA in-text citation

(Pinchot, 2020, p. 199)

Pagsipi ng artikulo sa estilong MLA

Sa MLA (Modern Language Association) na estilo ng pagsipi sa artikulong dyornal,


ang titulo ng artikulo ay makikitang naka-quotation mark, ang pangalan ng dyornal ay
naka-italic - kapwa naka-title case.

Sa in-text citation kapag ang mga awtor ay nakalista mula dalawa, tatlo o higit pa
gumamit ng "et al."

MLA format

Author last name, First name. “Article title.” Journal Name, vol. Volume, no. Issue,
Month Year, pp. Page range, DOI or URL.

MLA Works Cited entry

Pinchot, Ryan. “Calle 13 and Ana Tijoux’s Joyous Rebellion: Modeling Transnational
Protest Through Lyric and Song.” Latin American Music Review, vol. 41, no. 2,
Fall/Winter 2020, pp. 196–225, doi:10.7560/LAMR41203.

MLA in-text citation

26
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

(Pinchot 199)

(Sanggunian: Nakuha mula sa https://studylib.net/doc/25793062/kabanata-ii-guide)

27
RESEARCH METHOD COED-EDFIL

Sanggunian:

Abuan, T. & De Leon, E. (2021). Pananaliksik-Wika at Panitikan. Lolimar Publishing


Inc: Quezon City, Philippines.
Aparato, M. (2017). Kaugnay na Pag-aaral at Literatura.
https://www.slideshare.net/MariferMacalaladApar/kaugnay-na-pag-aaral-at-
literatura.
Cristobal, A., De La Cruz-Cristobal, M. (2017). Practical Research 1 For Senior High
School. (ch. 15, pp. 187). 839 EDSA, South Triangle, Quezon City: C&E
Publishing, Inc.
Cristobal, A., De La Cruz-Cristobal, M. (2017). Practical Research 2 For Senior High
School. (ch. 17, pp. 159-167). 839 EDSA, South Triangle, Quezon City: C&E
Publishing, Inc.
Magracia, E. & Santos, A. (2014). Pagsulat ng Proposal sa Pananaliksik sa Filipino.
MSU-Iligan Institute of Technology: Iligan City.
Olaguer, M.N. (2014). Paggamit ng Iba't Ibang Sistema ng Dokumentasyon.
SlideShare.Net. Retrieved March 28, 2023.
https://www.slideshare.net/MNOlaguer24/paggamit-ng-iba-t-ibang-sistema-
ng-dokumentasyon
https://libguides.usc.edu/writingguide/literaturereview#:~:text=Given%20thi%2C%20
he%20purpose%20of%20a%20literature%20review%20is%20to%3A&text=Reveal%
20any%20gaps%20that%20exist,a%20need%20for%20additional%20research.
https://www.coursehero.com/file/p2vojc23/2-Makatulong-sa-mga mananaliksikupang-
maunawaan-ang-kanyang-paksa-at-linawin/
Nakuha mula sa https://libguides.bc.edu/litreview/phase1

Nakuha mula sa https://studylib.net/doc/25793062/kabanata-ii-guide

28

You might also like